Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, April 25, 2012

My Paolo Series... (Chapter 18... Catalina Face-off)


Excited to watch Avengers in 3D later with my boyfriend and my officemates.
=======================================

Mga dalawang linggo pa ang nakalilipas na walang masyadong nangyari sa amin ni Kuya Paolo. Ganun lang palagi, hatid-sundo niya ako sa mall.

Si Luke naman ay napansin na palagi akong nakatanga.  Di daw ako kasing-hyper ng dati.  Ang totoo ay iniiwasan ko na magkahawakan kami kahit siko man lang dahil naaligaga ako.

Araw-araw ay naging mas maayos pa ang porma nito at kahit halata naman na umiiwas ako ay ganun pa rin ang pangungulit nito sa akin.



Naguguluhan ako, pinapagalitan ko na ang sarili ko kapag kinikilig ako kapag tinutukso ako nito.  Kapag hinahawakan niya ang kamay ko o balikat ay nanginginig ang kalamnan ko.  Pilit ko mang iwinawaksi iyon pero di talaga yata napipigilan ang damdamin.

Pero siguro kayang iwasan. Iyon na nga ang ginawa ko.  Pero ayoko naman iwasan siya bilang kaibigan dahil kami lang yata ang magkaibigan sa klase namin. Nilalayo ko lang ang upuan ko sa kanya.

"Gel, you know what? Naninibago na talaga ako sa iyo." puna nito habang naglalunch kami.

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi, parang iniiwasan mo ako.  Mahawakan ka lang ay halos itulak mo na ako palayo. May problema ka ba sa akin?" tanong nito.

"Hmmm... wala naman.  Siguro di lang ako sanay na may umaakbay-akbay sa akin at humahawak ng kamay ko minsan." pagdadahilan ko.

"Ganun ba yun? Ibig sabihin kahit kaibigan mo di hinahawakan ang balikat mo?" takang tanong nito.

"Inaakbayan ako.  Pero kasi mga kaibigan ko na iyon, mas kilala na namin ang isa't isa at palagay na kami sa isa't isa.  Kaya siguro okay lang sa kanila."

"Mga bading din ba iyon?"

"Hindi.  Hindi mga bading yung mga kaibigan ko."  Ang tinutukoy ko ay sina James at Rod.  Si James, oo.  Pero si Rod, gusto ko maging straight siya.

"E pareho naman pala kaming lalaki e.  Bakit sa akin ayaw mo paakbay?"

Di ko masabi sa kanya ang totoo.

"Baka naman crush mo ako." biro nito sabay siko sa akin.

"Hindi no. Kapal ha?" biglang sagot ko dito.

"Baka lang.  Di ba?" tuloy sa pangungulit ito.

Sumimangot ako sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.  Tinitigan ako.

"Ayaw mo ba sa akin?" seryosong tanong nito.

Bigla akong tumayo. Kinuha ang bag ko at dumiretso palabas ng restaurant.  Di ko na siya nilingon.  Imbes na dumiretso sa klase ay dumiretso ako sa CR ng mall.  Pumasok ako sa cubicle at umupo.  Doon ay napalugmok ako.  Hinawakan ng dalawang kamay ko ang mukha ako at humagulgol.

Doon ko naaalala na ilang beses ko na palang ginawa ang dramang ito.  Ilang beses na ako umupo sa inodoro habang umiiyak.  Ganun na lang ba palagi? Inodoro na lang ang palaging kakampi ko.  Baka naman traidorin din ako nito.  Napangiti ako sa naiisip ko.  pero siyempre balik drama na naman ako.  Di ko alam pero bakit pinipilit ko ang sarili kong umiyak.

Maya-maya ay tinatagan ko ang sarili ko.  Naghilamos at bumalik na sa klase.  Andun na si Luke naghihintay.  Di alam kung ngingiti o lalapit.

Ngumiti ako sa kanya.  Saka lang siya ngumiti.

Umupo ako sa tabi niya.

"Okay na tayo?" agad na tanong nito.

"Oo. Pero basta wag mo na akong tuksuhin na ganun ha?" paalala ko sa kanya.

"Sige. Basta wag na tayong mag-away." sabay akbay nito sa akin.

Di na ako umiwas.  Hinayaan ko na lang siyang umakbay.

Nang magsimula na ang klase ay balik na kami sa dati naming turingan.  pero conscious pa rin ako sa di ko alam na dahilan.

Kinagabihan ay sinundo uli ako ni Kuya Paolo.  Pagliko namin sa kalye namin ay bigla siyang huminto.  Mga anim na bahay pa bago ang sa amin.

"Kuya, bakit?" tanong ko dito.

"May mali." biglang sabi nito nakatingin sa bahay.

"Huh? Anong mali?" taka kong tanong.

"Kilala ko ang kotseng nasa harap ng bahay.  Kay Catalina yan."

"Huh? Ano'ng ginagawa niya dito?" inis na gulat kong tanong

"Ewan ko.  Siguro ikaw na lang muna umuwi.  Tapos kung ano man malaman mo sa bahay, tawagan mo na lang ako sa cellphone.  Doon lang ako magpark sa may oval.  Okay?"  medyo kinakabahan siya.

"Pao... ano ba yun?" medyo natatakot ako sa sinabi niya.

"Basta.  Mahal mo ako di ba? Kaya mo bang gawin ito kahit ngayon lang? Para sa akin?" tanong nito.  Hinawakan ang dalawang pisngi ko.

"Opo." wala na akong choice.

"Thank you Baby." sabay halik nito sa bibig ko.

Bumaba na ako sa kotse.  Mabagal ang lakad ko.  Kinakabahan ako sa kung ano man ang bubungad sa akin sa bahay.  Kinakabahan ako para kay Kuya Paolo.  Kinakabahan ako para sa amin.  Pakiramdam ko meron na namang naghihintay na kamalasan sa akin sa pag-uwi kong ito.

Pagdating ko sa harap ng bahay ay nakita kong nakasindi ang ilaw sa sala.  May bisita.  Nagdoorbell ako at binuksan ako ni Kuya Bon.

"Kuya, ano meron?"

"May bisita si Kuya mo Paolo.  Girlfriend niya daw." sagot naman ni Kuya Bon.

Aray! Sigaw ng isip ko.  Diretso ako sa pinto at pumasok sa sala.  Doon ko nakita si Mama Tony, si Catalina at may kasama itong mas matandang lalaki at babae, hula ko mga magulang niya.

"O, bakit mag-isa ka. Nasaan ang Kuya Paolo mo?" si Mama Tony.

"Hindi po ako sinundo e. Kaya nag-commute na lang po ako." pagsisinungaling ko na naman.

"Ha? Bakit? Wala bang sinabi sa iyo kung saan pumunta?" si Mama Tony ulit.

"Hindi po e.  Huling kita ko po sa kanya nung hinatid ako kaninang umaga bago siya pumasok sa hotel nila."

Tumawa si Catalina.

"You're a liar. You know that?" agad na buska ni Catalina. "Matagal nang di pumapasok si Paolo sa hotel.  Pinagtataguan niya ako.

Tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Bakit naman? Sino ka ba para pagsabihan ako ng ganyan?" inis kong sagot sa kanya.

"Wow! How rude little boy!" pailing-iling pang sabi nito.

"I'm not rude.  You're the one calling me a liar in the first place and you expect me to just accept that? I don't even know who you are and would never want to." sagot ko dito.

"Aba.." tumayo ang lalaki.

Tumayo din si Mama Tony at inakbayan ako.  Pinaupo ako sa tabi niya.

"Sino bang mga to Ma. Akala mo kung sino." nakasimangot na ako.

"This is Catalina, your Kuya Paolo's girlfriend. And these are her parents." pakilala ni Mama Tony, medyo kalmadong boses.

"Girlfriend? So she says.  Sabi ni Kuya Paolo, matagal na silang wala." nakangisi kong sabi.

Sumimangot si Catalina.

"That's bullshit! He is my boyfriend." galit na tumayo si Catalina.

Ngumiti ako.

"Defensive huh?" tumawa ako. "...ang tawag diyan obsession.  Bakit di mo pa kasi tanggapin sa sarili mo na iniwan ka na."

Hinawakna ni Mama Tony ang bibig ko.

"Shhhh... Angelo... Don't speak like that." sabi nito.

"Wow... Angelo ang pangalan mo iho.  Di bagay sa iyo.  Para ka kasing demonyo." si Catalina.

Ngumiti ako na puno ng kaplastikan.

"And yourn ame is Catalina, you said? Bagay sa iyo. Kasi mukha kang puno ng kati sa katawan." naiinis kong sagot dito.

Kita kong namula ang mama ni Catalina sa sinabi ko.

"How dare you?" tumayo na naman si Catalina.

"Bakit? Di ba totoo? Sino bang nagpakita ng motibo kay Kuya Paolo? Di ba ikaw? Kung matino kang babae, hahawak-hawakan mo ba ang hita ng isang lalaki? Kitang-kita ko kayo sa hotel nun e.  Ikaw na kababaeng tao e ikaw pa mismo ang humahawak-hawak.  Kunsabagay, gwapo nga naman ang kuya ko, at alam kong di ka papansinin nun kung di ka magpapansin."

Nakatingin ang dalawang magulang niya sa kanya.

"Cat, is that true?" tanong ng Mama niya. "it's that true that you were holding Paolo's thighs? That's not a lady manner."

"And did I say, they were doing that in broad daylight at the lobby of their hotel na kitang-kita sa mismong kalye?" gatong ko pa.

"Oh my God, this is a disgrace." sabay hilig ng babae sa asawa niya.

"Pwede ba Mel, tumigil ka nga diyan? Hindi iyan ang ipinunta natin dito."

"Angelo, sabi nila..." tumigil si Mama Tony, tumingin kay Catalina. "...buntis daw si Catalina at si Kuya mo Paolo ang ama."

Di ko alam kung bakit pero parang alam ko na na mangyayari ito.

Tumayo ako sa galit.

"So, ano ngayon? Ano'ng gusto nilang mangyari? Gusto nilang ipakasal si Kuya Paolo diyan sa malanding iyan? My God, Ma. Di na uso ang pikot ngayon.  Lalo na kung ang isang malanding babae ang siyang nangunang magpakita ng motibo." galit na galit kong halos pasigaw na sagot.

"Gago ka ah!" tumayo din ang papa ni Catalina.  Sinugod ako at hinawakan sa kuwelyo ng damit ko.

"Sige. SUbukan mong saktan ako.  Makikita mo ang hinahanap mo.  You don't know me.  Ngayon pa lang hawak mo ang kuwelyo ko at nasasaktan ako, plus pa minura mo ako, di mo ba alam na kaya kitang ipakulong?" galit na galit kong sigaw sa kanya.

Binitiwan ako nito.  Tinitigan ako ng masama.

Ngumiti ako. Kumindat pa.

"You can't just bust in here para takutin kami na ipakasal ang Kuya Paolo ko sa anak niyo.  Ako mismo ang saksi kung paano nilandi ng anak niyo si Kuya Paolo.  You can't threat us for this.  Di na ito 1960 na uso ang pikutan at shotgun wedding. I may just be a teenager pero I am not an idiot." pagpapatuloy ko.

"Let's go." agad na sabi ng papa ni Catalina sa kanilang dalawa. "...let's just have our attorney take care of this. Ayokong makipagtalo sa bata."

"Di mo na kailangang makipagtalo sa akin. Dahil talo ka na." pahabol ko pa.

Nilingon pa ako ng lalaki at umiling.  Dinuro ako. May sinabi pero di ko marinig.

"Let's go." pasigaw niyang sabi sa dalawang babae.

"I will get Paolo if that's the last thing I'd do." pasigaw pang sabi ni Catalina bago lumabas ng pinto.

Tiningnan pa namin sa bintana ang pag-alis nila.

Napalugmok si Mama Tony sa upuan.  Saka lang lumapit sina Ate Linda at Kuya Mario para daluhan si Mama Tony.

"Ma, sorry po kanina.  Nadala lang po ako ng emosyon ko." pagdadalo ko dito.

Ngumiti si Mama Tony.

"Okay lang.  Mabuti nga andiyan ka e.  Kasi kung ako lang e natulala na siguro ako.  Mabuti na lang at ikaw mismo ang tumayo para sa kuya Paolo mo.  Kung ako lang yun, siguro naunahan na ako ng takot." sabi ni Mama Tony.

Niyakap ko siya.

"Siyempre naman Ma, pamilya ko na kayo e.  ALangan naman pabayaan ko kayo."

Niyakap din ako ni Mama Tony ng mahigpit.

"Siyanga pala.  Nasaan na ang Kuya Paolo mo?" biglang tanong nito nang maghiwalay kami ng yakap.

"Ay, oo nga pala.  Nasa oval lang po.  Hinihintay ang tawag ko."

"O siya, tawagan mo na para umuwi para kumain na tayo." sabi ni Mama Tony.

Tinawagan ko na si Kuya Paolo. Maya-maya ay umuwi na siya at naghapunan kami.

Habang kumakain ay kinuwento ni Mama Tony ang nangyari kanina.  Inakbayan ako ni Kuya Paolo at nagpasalamat.

Di pala namin alam may problemang darating sa mga susunod pang araw.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

5 comments:

  1. Wow! Intense ng scene. You really have the guts! Well naeexcite tuloy ako sa mangyayari. Ano kaya ang ginawa nila Catalina and her parents plus kayong dalawa ni Paolo. Ang hirap ng situation niyo. Parang ang hirap mamili kung to let go or to keep going. Hahaha..

    Abangan ko na lang ang susunod. Sensya na kung ngaun lang ako nagkoment...

    ReplyDelete
  2. Angelo! you did the right thing! shit! alam mo yung feeling ng gigil habang binabasa to? gusto ko upakan yung Catalina eh! BITCH!! hahahaha! *dalang dala*

    ReplyDelete
  3. Grabe Intense!! Astig yung banatan!! wooh!

    TEAM GEL ako!

    BOO!! "KATI"-lina

    ReplyDelete
  4. Grabe. NGANGA. Yan lang ang nagawa ko habang nagbabasa. Haha. Nosebleed ako dun. Lol.

    ReplyDelete
  5. galing no plot... very well done...

    ReplyDelete