Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Saturday, April 21, 2012

My Paolo Series... (Chapter 15... Exploring Bacolod)



Tino from Singapore and Intsik from KSA... thank you for sending me those messages even if you're not in the Philippines now. It really means a lot to me that you spend time and money just to let me know how you like my blog. God bless you and keep you safe.



JC, Kevin, Neil and Reid... thanks sa pagtetext ----------------------------------------



Una naming pinuntahan ni Kuya Paolo ang sikat na Lagoon ng Bacolod sa may Lacson St. sa harap ng. Provincial Capitol ng Negros Occidental. Ginawa niya akong bata na pinagpaglaro sa mga swing at slide. Nilaro din namin ang mga isda sa lagoon.



Pagkatapos noon ay sumakay kami ng jeep papunta sa simbahan sa harap ng Plaza ng Bacolod. Nakalimutan ko na ang pangalan ng simbahan basta pagkaalala ko meron doong itim na estatwa ni Mama Mary.



Naglakad-lakad din kami sa Plaza doon.



Maya-maya pa ay sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa Silay. Pagdating namin doon ay may nakita kaming magagandang mga bahay-Kastila. Sabi ng taxi driver ay ihahatid daw niya kami sa isa pang magandang bahay pero sir na at luma pero maganda daw. Ayun nga ang ginawa namin. Pagdating doon ay nakita namin ang isang mansion na halos puro pader at haligi na lang ang natitira. (Ngayon, tinatawag na itong The Ruins, sikat na historical landmark sa Negros.)



Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa Bacolod. Nagpahatid kami sa tinatawag nilang 'Tulahan'. Ito yung lugar na pipili ka ng mga isda o anupang lamang-dagat at ipaluto mo kung saan ka man kakain.



"May allergy ka ba sa seafoods?" tanong ni Kuya Paolo.



"Wala naman."



"Sige. Ako na lang pipili ng kakainin natin huh?"



"Sige Kuya Pao."



Pinanuod ko siya habang namimili siya ng mga pusit, 'lukon' (malaking hipon), alimasag, 'sisi' (maliit na talaba) at isda. Pinaluto niya ito sa isang restaurant at naghintay kami.



"Kuya Pao... paano mo alam anvmga lugar na 'to? Sa pagkakaalam ko e ngayon ka lang yata pumunta dito e. Palagi ka lang sa Iloilo eh." simula kong tanong.



Ngumiti siya.



"Ano'ng akala mo sakin? Hindi marunong magresearch? Siyempre ginamit ko ang internet." sagot naman nito.



Ngumiti ako. Oo nga naman.



"At saka..." pagdudugtong nito. "Gusto ko maging special itong araw na ito sa atin." malambing nitong sabi sabay hawak sa kamay ko.



Napangiti ako sa sinabi niya.



Matagal bago dumating ang pagkain namin. Tuwang-tuwa ako sa dami ng ibat ibang klaseng lamang-dagat. Masaya kaming kumain ni Kuya Paolo. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya ako. Wala kaming pakialam sa ibang tao. Kunsabagay e di naman kami taga-rito. Walang makakakilala sa amin dito.



Nagulat ako na sa dami ng kinain namin e anliit lang ng binayaran ni Kuya Paolo.



Pagkatapos noon ay umuwi muna kami sa hotel at umidlip saglit. Mga bandang gabi ay lumabas ulit kami.



Dumiretso kami sa Cafe Bob's sa may Lacson din. Ito daw ang sikat na restaurant sa Negros.



Umorder siya ng icef coffee at choros (tinapay na parang pretzel) na sinasawsaw sa chocolate.



Mura pero masarap ang mga pagkain doon. Kaya umorder pa kami ng pasta. Nagshare lang kami dahil mamaya ay kakain din daw kami.



Pagkaubos ng pagkain namin ay naglakad-lakad kami sa kahabaan ng Lacson St. Ang street daw na iyon ay ang parang main road nila na halos lahat ng mga importanteng lugar ay andun. Andun ang lagoon, ang kapitolyo, ang ospital at mga daan papunta sa mga magagandang eskuwelahan.



Nang mapagod kami sa kakalakad ay pumunta kami sa Balay-inasal. (Ito yata ang katulad ng Mang Inasal)



Umorder kami ng pecho (pitso sa tagalog pero nauso na ngayon)



Kakaibang lasa ng mga manok nila. Lalong-lalo na kapag dinagdagan mo ng Chicken Sauce (yung parang mantika na kulay-orange o brown na makikita mo sa Mang Inasal ngayon).



Nag-ikut-ikot pa kami pagkatapos noon hanggang sa tuluyan na kaming napagod at nagpahatid na lang sa hotel. Siyempre pagkatapos maligo ay nasundan na naman ng tatlong round ng sex.



Kinabukasan ay maaga pa lang ay nagising na kami. Alas-siyete daw ang alis ng ferry at hahabulin namin.



Maayos naman ang biyahe namin. Nakakapagod nga lang. Mabuti din at walang masamang nangyari sa kotse namin.



Sumakay kami at nagdrive pauwi. Pagkarating namin sa bahay ay timing naman na nag-aalmusal sina Mama Tony.



"Kumusta ang byahe niyo?" simula nito.



"OKay naman po. Safe naman. Nahilo nga lang si Angelo." sagot ni Kuya Paolo.



Natawa si Mama Tony. Mas lalo pa itong natuwa nung binigay ni Kuya Paolo ang pasalubong namin na binili sa Bongbong's. Mga piaya at iba pa.



Kinuwento namin ni Kuya Paolo ang mga pinuntahan namin. Pagkatapos ng almusal ay tumayo na kami.



"Siyanga pala. May tumawag kanina. Hinahanap ka." pahabol ni Mama Tony.



"Sino po? Bakit daw po?" si Kuya Paolo.



"Catalina daw e. Officemate mo daw. Tawag ka daw agad." pagpapatuloy ni Mama Tony.



Tumingin sa akin si Kuya Paolo. Nahulaan ko kaagad na iyon ang babae ni Kuya Paolo.



"Sige po La." saka tumalikod si Kuya Paolo.



"Uy.... may girlfriend na ang apo ko." rinig ko pang panunukso ni Mama Tony.



Lumingon sa akin si Kuya Paolo. Umiling.



Ngumiti lang ako. Pero sobrang sakit nun para sa akin

=======================



Again... not for reposting. Don't ever post this as your own story. This is an autobiography story... not fiction.



If you want, share us your life and email me at angelic.thoughts.1986@gmail.com



Thank you.

4 comments:

  1. akala ko ipo-post mo na yung picture ng kamukha ni Luke sa next post mo... yun na ba yung nasa taas, sino dun yung kamukha nya?
    nga pala, the best pa rin ang mga post mo. :)

    ReplyDelete
  2. naku naku angelo.. ayoko ng mga buntis buntis na kwento huh . huhuhuhu. masakit sa puso

    ReplyDelete
  3. Next Chapter po. wala naman si Luke sa kwento ngayon e. awkward na ipasok look-alike niya

    ReplyDelete
  4. can't wait for Luke's look-a-like

    ReplyDelete