Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, April 25, 2012

My Paolo Series... (Chapter 19... In Your Arms)



Hay... nakakastress ang mga susunod na pangyayari... hay...
=======================================

Kinabukasan ay kinausap ni Mama Tony si Kuya Paolo tungkol nga sa sinabi ni Catalina na hindi na daw siya pumapasok.

"Sorry po Ma, di ko nasabi sa inyo agad.  Nabalaan na po ako ng kasama ko sa office na buntis si Cat e kaya di na po ako pumasok ng ilang araw na." nahihiyang sabi ni Kuya Paolo.

"Kung sana lang kasi sinabi mo sa akin ng maaga para di kami nabigla.  Ano na lang kung ako lang andito kagabi at wala si Angelo e di inatake na ako." mahinahon pa ring sabi ni Mama Tony.

Di sumagot si Kuya Paolo.

"Ano'ng balak mo ngayon? Papanagutan mo ba iyong ginawa mo kay Cat?" sunod na tanong ni Mama Tony.

Tumingin sa kanya si Kuya Paolo.  Tapos tumingin sa akin.



"Hindi pa po ako handang matali.  Tsaka di ko rin sigurado kung anak ko yun kasi bago pa man naging kami ay kakabreak niya lang sa boyfriend niya.  At sabi nga niya e palagi daw nilang ginagawa iyon ng lalaking iyon.  Isang beses lang po nangyari sa amin iyon at medyo lasing po ako nun.  Hindi ko na inulit at nakipaghiwalay na ako dahil masyado siyang agresibo." kuwento ni Kuya Paolo.

"Halata naman e." susog ko pa.

Tumingin sa akin si Mama Tony.

"Pero totoo ba yung sinabi mo kagabi? Yung nakita mo sa hotel kamo na hinahawakan niya ang hita ni Paolo?" tanong ni Mama Tony sa akin.

Kumunot ang noo ni Kuya Paolo.

"Nakita mo kami?" takang tanong nito.

"Opo.  Nung isang araw na masama ang pakiramdam ko na papaalam sana akong uuwi.  Naabutan ko kayo nun sa lobby ng hotel.  Di ko na kayo inistorbo.  Umuwi na lang ako mag-isa." half-truth, half-lie na sabi ko.  Totoong nakita ko sila pero iba ang dahilan bakit ako pumunta doon at umalis.

Nalungkot ang mukha ni Kuya Paolo.

"Ang susunod na gagawin ng mga iyon ay maghabol ng demanda." pagpapatuloy ni Mama Tony.

"Ano'ng kaso?" gulat na tanong ni Kuya Paolo.

"Di ko pa alam pero itatanong ko agad sa mga abogado natin." sagot ni Mama Tony. "...ikaw Gel, totohanin mo ba yung sinabi mo kagabi tungkol sa ginawa nung papa ni Catalina?"

"Opo.  Di ko naman po sila pwedeng basta-basta na lang pagbigyan na saktan ako.  Child abuse na po yung ginawa nila sa akin. Yung murahin at kuwelyuhan ako? Hindi ko po matatanggap yun.  Hindi lang sila may abogado." inis ko ring sabi.

"So ano'ng balak mo?" tanong ni Mama Tony.

"Hmmm... kapag dinemanda po nila si Kuya Paolo, idedemanda din po natin sila." sabi ko.

Naalala ko kasi kagabi ang sabi ni Papa dati na kapag may nanakit o nagmura sa akin ay pwede kong idemanda kung may kilala akong abogado.

"Kontra-demanda, pwede din. Kunsabagay, mas mabigat ang ginawa nila sa'yo.  Kung si Paolo man ang nakabuntis kay Catalina, di naman maliwanag kung anong pwedeng ikaso doon." paliwanag ni Mama Tony.

(Note: 2004 lang ginawa ang Republic Act on Violence Against Women and Children kung saan ang di pag-ako sa pagkakabuntis ay pwedeng idemanda, pero nangyari ito bago pa mag-2004.)

Pagkatapos naming mag-usap-usap ay hinatid na ako ni Kuya Bon sa Mary Mart.  Ayaw payagan ni Mama Tony si Kuya Paolo na umalis na bahay dahil baka daw ano pang gawin nito.  Pansin kasi ni Mama Tony na galit na galit si Kuya Paolo.

Medyo malungkot ang nangyari kagabi.  Naglalakas lang ako ng loob pero sa totoo lang nalulungkot ako, nagagalit, at kinakabahan.  Halo-halo na sa loob ko ang mga nararamdaman ko.

Kinakabahan talaga ako mabuti na lang at andiyan si Luke napapatawa ako kahit medyo pigil.

"Pasensya ka na Bez huh? Marami lang problema sa bahay e." paliwanag ko sa kanya.  Bez na ang tawagan namin, maikli ng bestfriend.

"Ganun ba?  Gusto mo pasyal tayo mamaya bago ka umuwi? Para naman mabawasan ang nararamdaman mo." aya nito.

"Sige. Kung okay lang sa'yo.  Kahit ano basta maiwas lang ang isip ko sa mga nangyayari sa bahay."

Ngumiti siya.

"Sige... date tayo mamaya." sabay kindat nito.

Sinuntok ko siya sa braso.

"Gago! Date mo mukha mo." biro ko dito.

Tawanan lang kami.

Bago pa kami umuwi ay tumawag na ako sa bahay na magko-commute na lang ako pauwi dahil may dadaanan lang ako.

Pagkauwian at inakbayan ako ni Luke, punta daw kami sa bahay nila, para naman alam ko kung saan siya nakatira.  Sumakay lang kami ng jeep papunta sa Tanza kung saan andun ang bahay nila.  Naglakad lang kami konte at nakita namin ang apat na palapag na bahay nito.  Nasa third floor ang kuwarto niya.  First floor ang kusina, second floor and sala, third at fourth floor ang mga kuwarto nila.  May rooftop pa para sa sampayan ng damit.

Pumunta kami sa kuwarto niya.  Maganda ang pagkakaayos nito.  Angganda pa ng mga painting niya sa dingding.  Siya daw mismo ang nag-design at nagpinta ng dingding niya.

"Angganda ng kuwarto mo.  Buti ka pa pwede mong design-an ang kuwarto mo.  Ako kasi hindi eh." sabi ko dito.

Napangiti siya.

"Palagi ko pinapalitan yan.  Di ko kasi alam kung ano talaga ang gusto kong ilagay diyan."

"Galing mo naman." sabi ko ulit dito.

Ngumiti ulit siya.

"Sana one of these days e tulungan mo akong mag-design dito sa kwarto ko."

"Sige ba. Basta sabihin mo lang kung kelan." pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Sige."

"Siyangapala.  Bakit ka pa nagpapakahirap sa scholarship e mukha namang maykaya kayo." puna ko kaagad.

Natahimik siya.

Tumayo siya, hinila ako paupo sa kama.

"E kasi, ayaw ng parents ko ang Art.  Gusto nila mag-concentrate ako sa pag-aaral para balang araw ay maging abogado ako katulad ng Papa ko. Kung di ko makukuha ang scholarship na yun, ako na lang mismo ang magpapaaral sa sarili ko kaso wala akong pera." paliwanag nito.

"So yung kuya mo e abogado rin ba?" naalala kong sabi niya na may kuya pa siya.

"E gago kasi yun e. Siya dapat ang magiging abugado e.  Wala naman sina Mama at Papang plano para sa akin.  Dati-rati ay bahala na lang ako kung ano'ng gusto kong gawin.  Kaso ang gagong iyon, nag-asawa ng maaga, di man lang nakatapos ng high-school.  Iyong ambisyon nina Papa at Mama para sa kanya ay sa akin tuloy naipasa."  halos mangilid ang luha nito sa sinabi niya.

"E bakit di mo sabihin sa kanila na iba ang gusto mo?"

"Hahaha, sinabi ko na iyan.  Kaso di pa rin sila nakikinig.  Pasalamat nga daw ako at pinapayagan pa nila ako sa mga seminar seminar na ganito e.  Kung ipipilit ko pa daw iyon baka tuluyan na daw nilang ipagbawal na makabili pa ako ng mga art materials ko." sabay higa nito inunan ang kamay.

Humiga na rin ako sa tabi niya.

"Ang drama rin pala ng buhay mo." sabi ko.

"Oo nga eh.  Pareho lang tayo, gago.  PArehong madrama ang buhay natin.  biro nito.

Ngumiti ako.

Sa isip ko, kung alam lang niya lahat ng nangyari sa akin, ewan ko na lang kung ikukumpara niya pa ang sarili niya sa akin.

"Salamat Gel huh?" biglang sabi nito, humarap sa akin.

"For what?" nakangiti kong tanong dito.

"For being my friend. Salamat at mayroon taong nakakaintindi sa akin." pagdudugtong nito.

"Asus!" sinuntok ko braso niya. "Drama mo Luke."

Ngumiti siya.

"Lika nga dito." aya niya. sabay tumango.

"Saan?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Pwede ka bang mahiga sa braso ko?" seryosong tanong nito.

Sumimangot ako.

"Ano na naman yan Lucas?" tumaas ang tono ko.  Sinabi ko pa ang totoo nitong pangalan.

"Sige na.  GUsto ko lang maramdaman kung ano ang pakiramdam na may nakahiga sa braso ko." paliwanag nito.

"E di maghanap ka ng girlfriend.  Di yung ako ang pinagdidiskitahan mo diyan." biro ko dito.

"E wala pa nga e.  Kaya sub ka muna." tudyo nito.

"Tumigil ka Lucas ha?" tatawa-tawa kong babala sa kanya.

"Killjoy naman nito.  Kala ko ba magkaibigan tayo."

"Oo, magkaibigan tayo kaso hindi gawain ng magkaibigan ang pinapagawa mo sa akin. Girlfriend mo dapat gumawa sa iyo niyan di bestfriend." siniko ko siya.

Tumahimik na lang ito.  Di na namilit.

Natawa ako. Saka siya humarap sa akin.

Humarap din ako sa kanya.

"Alam mo, wag mo na gawin yang silent treatment mo na yan.  Manggagaya.  Ako lang dapat gumagawa niyan e." biro ko dito.

Ngumiti siya.

"Effective ba?" biro nito.

Sumimangot ako sa kanya.

"O, siya.  Heto na.  Hihiga na ako sa braso mo." sabi ko sabay usog pahiga sa tabi niya.  Inunan ko ang braso nito.

Pakipot pa ako pero gustong-gusto ko naman gawin iyon.  Nagpapakipot lang ako dahil ayoko mangyari ang kinakatakot kong mahulog sa mokong na ito.

"O ano? Masaya ka na? Ano'ng pakiramdam?" tatawa-tawa kong tanong sa kanya.

"Masarap pala." sabi nito.

"Ulol!" sabay suntok ko sa tiyan niya.

"E sa masarap e. Alangan naman sabihin ko hindi." sagot naman nito.

"Gago ka., Sabihin  mo yan pag babae ang nakahiga sa braso mo, hindi ako." agad ay bumango ako.

"Wait." sabi nito sabay hila sa akin. Napayakap ako sa kanya sa ginawa niya.  Napigilan ko ang sarili ko bago pa ako tumama sa mukha niya.

Babangon sana ako kaso pinigilan niya ako.  NIyakap niya ako.

"Gel... sorry... pero di kita pakakawalan ngayon... hindi babae ang gusto ko... ikaw..." titig na titig ito sa akin.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

6 comments:

  1. Hay..may suggestion lang sana ako dun kay Kuya Paolo mo Gel, kung pwede lng ibalik yung nakaraan sana PinaDNA test niyo yung anak ni Catalina para makasigurado nga ke Paolo yung bata. Saka kau magdesisyon kung pananagutan niya o hindi. Kasi mahirap kung ideny yung bata ng Tatay paglaki niya. Magkakaroon kasi iyon ng trauma sa kanya at pag nangyari yun malamang poot ang mamumutawi sa bata.

    Pero since tapos na at nangyari na ang nangyari abangan ko na lang ang susunod na kabanata. Hehehe..Good luck Gel!

    ReplyDelete
  2. Omg. Luke is <3 hahaha. Thanks for posting kuya gel :))

    ReplyDelete
  3. super kilig naman ung chapter na e2,.. walang sex scenes. jejejejeje. sana ganito nlang lagi..

    omg!! sana nd c paolo ang ama... paano nlang angelo pag siya ang ama.. huhuhuhuhuhuhu


    kumusta nman po pala c IAN?????


    MY LOVE SCENE PA BA SILA NI ANGLELO?

    ReplyDelete
  4. nalilito na ko kung sino ba gusto ko. si lucas or si paolo.
    pero parang mas boto ko at luke! haha

    ReplyDelete
  5. sabgay magkaedad sina lucas at angelo!

    kati kati katilina

    ReplyDelete
  6. i agree sa suggestion ni jay. . . tsak wala pa atang 45 days ung nangyari sa kanila, buntis na sya agad kay pao. wow aman. . . common sense lng aman yan eh. huh!

    ReplyDelete