Antahimik na ng mga followers ko ah... Hindi na nagcocomment.
=======================================
Sa loob ng dalawang oras lang na yun ay nakalimang putok si Kuya Paolo. Halos namaga ang puwet ko sa ginawa niya. Kung saan saan niya ako binuhat at ipinatong.
Habang nasa kotse kami ay wala kaming usapan pero puno na puno ng ngiti ang mga labi namin.
"I love you." sabi nito.
"I love you din." sabi ko sabay hilig sa balikat niya.
Pagdating namin sa bahay ay tuwang-tuwa si Mama Tony sa balita ni Kuya Paolo.
-----------------------------------
Sa mga sumunod na araw ay hatid sundo ako ni Kuya Paolo. Sakto lang daw ang oras ng pasok niya pagkatapos ng paghatid sa akin.
-----------------------------------
Unang sahod niya ay nilibre niya ako sa hotel nila. Tuwang-tuwa naman ako sa sarap ng mga pagkain doon. Buti na lang at empleyado siya. Mayroon kaming 10% discount pero kahit na mahal pa rin para sa akin ang mga pagkain doon.
Pagkatapos noon ay nanuod naman kami ng sine ni Kuya Paolo. Siyempre, pasimple akong nanghihipo sa kanya. Sarap kasi ng katawan niya e. Makinis at mabango. Ngingiti-ngiti lang siya sa ginagawa ko. Kaya hayun, pagkatapos ng palabas ay check in na naman kami sa motel.
-----------------------------------
Hanggang matapos ang klase ay pare-pareho lang ang routine naming dalawa ni Kuya Paolo. Masaya ako pero napapansin ko parang wala na siyang ibang alam gawin kundi ganun lang. Boring kumbaga. Mahal ko si Kuya Paolo pero parang nawawalan kami ng gana sa sex sa isa't isa.
Isang gabi ngang magkayakap kami...
"Pao..." bulong ko dito.
"Ohhh?"
"Sex tayo?" sabi ko.
"Baby, I have work tomorrow e. Buti ikaw dito ka lang sa bahay e." sabi nito.
Kinausap ko pa siya pero di na siya sumasagot. Di ko alam kung tulog na o nagtutulog-tulugan.
Aaminin ko, nasaktan ako sa nangyaring iyon. Di niya pansin pero kumalas ako sa pagkakayakap niya at natulog na rin.
Nagising ako wala na si Kuya Paolo. Sumakit uli ang dibdib ko. Bakit di niya ako ginising?
Matamlay ako buong araw. Pansin nilang lahat iyon. Sabi ko na lang e nanibago lang ako na walang pasok.
"Gusto mo mag-summer class?" tanong ni Mama TOny.
"Saan naman po?" tanong ko.
"Hanapan kita. Ano bang gusto mong Summer Class?" tanong nito.
"Gusto ko pa sana sa Drawing, Ma."
"Sige, hanapan kita mamaya. Kumain ka na." sabi nito.
Ganun nga ang nangyari. Kinahapunan ay sinabi ni Mama Tony na may alam daw siyang Summer Workshop sa may MaryMart Mall sa may City Proper.
"Inenroll na kita kaya wag ka na mag-alala. Bukas na bukas ay pumasok ka na at pagkatapos ng klase niyo ay saka ka na bumili ng materials na gagamitin mo." si Mama Tony.
"Sige po. Thank you, Ma." sabi ko na lang pero parang di excited.
Naisip ko na lang na kahit papaano ay matutulungan ako ng Summer Workshop na to para kalimutan ang panlalamig ni Kuya Paolo. Magkasama nga kaming matulog pero parang wala din siya sa tabi ko.
Kinagabihan ay maaga akong natulog. Sabi ko kay Mama Tony, excited ako sa Workshop.
-----------------------------------
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nauna pa ako kay Kuya Paolo. Pagkatapos ko maligo ay siya namang paggising ni Kuya Paolo. Tipid na ngiti ang binigay nito sa akin. Ngumiti ako pero masakit.
Tiniis ko iyon. Ayokong umiyak uli. Nagbihis na ako. Di ko na hinintay si Kuya Paolo. Nauna na akong bumaba. O parang gusto kong maunang kumain. Pero naabutan pa rin niya ako.
"Ang aga mo magising. Aalis ka?" tanong nito.
"Ah... di ko ba nasabi sa iyo? May Summer Classs si Angelo sa MaryMart, Art class." si Mama Tony.
"Ahhh... di mo kinuwento sakin." parang nagtatampong sabi nito.
"E tulog na ako pagdating mo e." casual na sagot ko.
Di na siya sumagot.
Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. Sumunod si Kuya Paolo.
"Hatid na kita." aya nito.
"sige. Thanks Kuya." kahit ayoko e nagpaubaya ako. AYokong maging bastos sa harap ni Mama Tony.
Pagkapasok sa kotse ay agad akong hinalikan ni Kuya Paolo.
"Uy... nagtatampo ka ba sa akin?" tanong nito.
"Medyo..."
"Bakit naman?" malambing na tanong nito habang nagdadrive na kami palayo ng bahay.
"Tanungin mo sarili mo." asik ko dito.
"Dahil ba wala ako sa tabi mo lately?"
Di ako sumagot. Pero Silence means yes nga di ba.
"Well.. sorry if I was out these past few days. Marami lang events sa hotel. Alam mo na maraming nagbobook ng graduation banquets sa hotel namin kapag ganitong panahon. Dagdagan pa yung mga Seminars at mga Reunions. I hope you understand." sabi nito sabay hawak sa kamay ko.
Ngumiti na lang ako. Pinilit kong tanggapin ang paliwanag nito pero di talaga pwede.
Pagkadating sa MaryMart ay humalik na ako sa kanya bago bumaba.
Ang Summer Workshop ay nasa second floor ng mall. May limang klase: Beginner, Intermediate, Advance, Adults and Groups. Nasa advance na ako dahil ayoko ng nakalagay na listahan ng media sa Intermediate kahit yun ang age range ko. Sa advance kasi ay merong oil pastel, water color, oil paint, acrylic at soft pastels.
Dalawang araw na palang nagsimula ang workshop kaya halos lahat ay magkapalagayan na ng loob. Itinuro ako ng teacher namin sa isang bakanteng table.
"Class, we're done with freehand lines and colors. Let's proceed to application. Let's start with a basic one, Still-Life. Who has any idea of what a still-life is?" tanong ni Sir Bryan.
"Sir Bry... Still-life is an artwork using fruits as model." sagot ng isang lalaking halos kaedad ko rin.
"Hmmmm... any other answer?" di magaling magkunwari si Sir Bryan na mali ang sagot.
Nagtaas ako ng kamay.
"Yes, I forgot your name, new kid." sabi nito.
"Angelo, Sir." sabi ko.
"Ah yes, Angelo. Any other answer?"
"Naalala ko lang po, what my art teacher told me. Still-life from the word "Still" which is non-moving, is an artwork depicting all inanimate or non-moving objects either natural, like my classmate said, fruits, also flowers, rock, food, or plants; and manmade gaya ng glass, vase, pera, etc." sagot ko.
"Well said, Angelo. That's the most complete way to say it. Anything na di gumagalaw. Okay?" sabi nito.
Tumingin sa akin si Sir Bryan at ngumiti. Doon ko lang napansin na cute pala ito kahit medyo mature na. Pero naramdaman ko kaagad na may matalim na matang nakatingin sa akin.
Nilingon ko at doon ko nakita ang lalaki kaninang sumagot na matalim na tumitingin sa akin. Kaagad kong binawi ang tingin ko.
Nagpatuloy si Sir Bryan sa pagtuturo. More on lecture siya ngayon. Odd-even daw kasi. Lecture, application, lecture, application and so on. Third day ngayon kaya lecture.
May mga ipinakita siyang mg still-life paintings niya. Ang ilan nasa canvas at gawa sa oil pastel... ang iba naman ay oil paint. Mukhang totoo talaga ang mga painting niya. Kuhang-kuha ultimo pinakamaliit na detalye.
Mga alas-dose ay nag-lunchbreak kami. Kanya-kanyang alis dahil meryenda lang ang kasama sa binayaran. So ang lunch-break namin ay kung saan-saan na lang.
Siyempre dahil wala pa akong kaibigan ay mag-isa akong naglakad-lakad sa mall. Hanggang nakarating ako sa MCdo. Doon ako kumain mag-isa. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang makita ko sa ilang mesa pa sa harap ko ang lalaki kanina sa klase. Yung umirap sa akin. Nakita din niya ako, pero umirap pa rin.
Hinayaan ko na lang siya. Pagkatapos kung kumain ay lumabas na ako ng McDo. Nag-ikot-ikot muna sa mall.
Tumingin-tingin ako sa Broadway Gems. May nakita akong mga cartoon characters na gusto ko. Bumili ako ng key chain na iyon.
Pagkalabas ko ng tindahan ay nakasalubong ko na naman si Mr. Sungit. Umirap na naman ito.
Nang tumalikod ito ay malakas ko siyang pinagsalitaan.
"Ano bang problema mo?" halos pasigaw kong tanong sa kanya.
Tumigil siya sa paglakad at bumalik sa akin.
"Wala. Ikaw? May problema ka ba sa akin?" tanong nito.
Mas matangkad siya ng konti sa akin. Kaso kakaiba ang ayos nito. Yung typical na artist.
Hindi ako nakapagsalita. Natakot ako sa kanya. Medyo masungit nga ito. Feeling ko rin ay nananakit siya.
"Wala naman pala." sabay talikod uli nito sa akin.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Di ko alam kung natakot ako o ano.
Maya-maya ay bumalik ako sa klase. Nagkatinginan pa kami ni Mr. Sungit at maya-maya ay nalaman ko na Luke ang pangalan niya nang tinawag siya ni Sir Bryan.
"Bagay nga ang Luke. Palayaw para sa Luko-luko." naisip ko.
Nang matapos ang klase ay nilapitan ako ni Sir Bryan.
"Eto pala ang listahan ng mga media na gagamitin natin dito. Mas maganda kung mabili mo na sila para bukas may magalit ka." sabay bigay nito ng papel.
"Sige po. Thank you."
"Alam mo ba kung saan makakabili ng mga iyan?" tanong nito.
"Hindi po e. Wala ako masyado alam sa mga bilihan dito."
"Ah okay. Sige. Kung gusto mo e sabay ka sa akin mamaya, sasamahan kitang mamili." sabay kindat nito.
"Naku wag na po, nakakahiya po sa inyo."
"Sus, nahiya ka pa e estudyante kita at nararamdaman ko na isa ka sa magiging magaling ko na estudyante." sabi nito.
"Naku, si Sir, nambola pa. E wala pa nga ako nagagawa e paano niyo nasabi iyan." napangiti ako.
"Wala lang. Nararamdaman ko lang." sabi nito.
Medyo naasiwa ako sa distansya nito.
"O paano? Sasabay ka ba sa akin?" tanong nito.
"Sige po. Thank you."
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
ako nlng po ata follower nyu hehe
ReplyDeleteKaya nga e... email ko na lang kaya sau ang stories... wag ko na ipost? =(
ReplyDeletewag naman tol... panu nman ako
Deletewag nmn po syng nmn ung mga effort mo di2 sa blog na 2
DeleteKawawa naman kami..uy d naman ibig sabihin na kung d nag po post e d na nagbabasa..ako nga khit cp ko lng gmit ko sa pgbabasa d2 eh ginagawa ko tapuz ipagdamot mo pa..jejeje..ngtampo ka na nga kay paolo mo tapuz pati sa amin magtatampo ka rin..hurt dn kami nun ha.keep blogging.
ReplyDeletegrabehan? andito pa ako no
ReplyDeleteyung picture sa taas yun yung pinost mo tapos pinag tiyagaan kong panoorin 1AM in the morning ang sad but realistic nung ending :(
ReplyDeletehuy,, andito pa ko.. chinecheck ko kaya sa phone ko araw araw kung may bago kang post.. nakakatanggal stress at pagod from work... though minsan sad din yung mga plot.. pero ok lang.. haha. nakiki Emo na lang din ako.
ReplyDelete