Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, September 4, 2012

Shared Stories... Mark... (Finding You... in the Most Accidental Way)


Guys... Please read this short story sent by one of my readers who identified himself as Mark

--------------------

Dear Dark Angel,

Hi, kumusta ka, please share my story, di ito kasingganda ng love story mo pero if you think it's worth sharing, please post. Thanks.

Mark.



--------------------

Friday ng gabi.

"Ma, pupunta talaga kayo sa kasal?" tanong ko kay Mama.

"Oo nga. Kasi nga di  ba ninang ako at abay ang kapatid mo?" sagot ni Mama.

"Ano ba yan? Mag-isa lang ako dito bukas?" inis kong sabi.

"E di pumunta ka ng mall o kahit saan basta wag mong kalimutang isara ng maayos ang bahay." paalala ni Mama bago pa ito natulog.

----

Saturday ng umaga.

6:45 AM

"O paano? Aalis na kami, malayo pa yung pupuntahan namin." paalam nina Mama sakin.

"Ang aga naman Ma. Kala ko ba 2PM pa ang kasal" puna ko.

"Dapat nga kagabi pa kami andun e.  Medyo malayo-layo din daw at kokonti lang daw ang jeep papunta dun." 

"Ah... sige po." 

Umalis na sina Mama at mga kapatid ko.

Palibhasa mahiyain ako e ayokong sumama dun at alam nila na ever since ay hindi nila ako mapipilit.

Natulog muna ako ulit at nagising bandang alas-nuwebe.  Kinuha ko ang tablet ko at agad na nag-isip ng pamatay oras. Kaagad akong nag-internet gamit ang tablet ko at tinype: Callboy Manila.

Bakit nga ba callboy manila ang hinanap ko sa internet? May tsura naman ako, maganda ang katawan at mukha pero bakit kailangan ko maghanap ng callboy.  Late bloomer ako ika nga.  Matagal bago ako naging sure sa sarili ko na bading ako.  Mga 16 years old ako noong nagsimula akong sumali sa Guys4Men (PlanetRomeo na ngayon), siyempre sinungaling ako sa edad.  May ilan na rin akong nakuha doon na mga bisexual din pero mas madalas ay narereject ako, dahil masyado daw akong halata.  Halata? Kasalanan ko ba kung maging payat ako nun at sobrang kinis at puti akala nila nagmi-makeup ako.  Pero natural ko na mukha yun.  Pero kahit anong pilit ko, palagi na lang akong reject.  Kung di man ako reject e pinipilit nila akong maging bottom, nakakapagod dahil gusto ko talaga ako naman ang pinapaligaya.  Isang beses ay may nakilala akong callboy at guwapo siya, maganda ang katawan.  Dahil crush ko siya, sumama ako sa kanya.  Sa halagang 300 ay napasaya niya ako ng lubusan.  Kaya simula noon, kapag gusto kong magparaos sa sarili ko e naghahanap ako ng callboy dahil mas marunong sila magpasaya sa akin, di katulad ng mga bisexual na gusto palagi e top sila.

Pero kinalaunan medyo naisipan kong magpaganda ng katawan.  Hayun, paminsan-minsan ay nasa gym, madalas tumatakbo. Kaya naging fit at sexy ang katawan ko.  Marami na ang nagkagusto sa akin na bading at bisexual kaso ewan ko ba bakit nahilig talaga ako sa callboy. Siguro dahil satisfied ako palagi sa kanila kesa sa bi o gay.

Anyway, going back sa kwento ko.

Kaagad na lumabas ang mga blogs tungkol sa mga callboy sa Manila.

Nandun ang trending na kuwento tungkol sa callboy sa Quezon City Circle na may kakuntsabang pulis at kapag kinuha mo ang callboy ay ipapasabay ka niya pabalik ng QC Circle at habang nasa byahe kayo ay text ng text ito yun pala ay may kakuntsabang pulis.  Kaya, cancel ang QC Circle para sa akin.

Nagbasa naman ako ng tungkol sa sinehan sa Baclaran na maraming nagaganap.  Kaso malayo ang Baclaran, at pangalawa e ilang beses na pala na-raid ito. So change venue ako.

Nabasa ko naman ang mga sinehan sa Recto at Quiapo. Maraming pangalan, Dilson, Vista, Hollywood, Guinto/Bravo, etc. Marami daw callboy dun sa mga sinehan na yun pero palagi din daw may nangri-raid.

Hay, kakainis nakakapagod magbasa ha.

Maya-maya nakita ko ang Isetann Recto.  Ayun, ayus, medyo mas malapit sa bahay, sabi ko.

Nagbasa ako nang tungkol sa mga callboy sa Isetan. Ay! Andaming negative feedbacks. Uso daw dun ang gaguhan.  Mag-uusap kayo tapos sasabihin 300 pero pagkatapos ng may mangyari sa inyo ay dodoblehin ang singil, o minsan ang 300 ay nagiging 3000 or 3500.  Grabe naman. Medyo natakot ako.  Marami palang nananakot kapag nasa loob na ng motel lalong lalo na kapag ang callboy ang nag-refer ng motel.  Madalas daw pati mga tao sa motel ay kakuntsaba nila.  Minsan naman paglabas niyo ng mall ng Isetann ay nakaabang din ang mga kasamahan ng callboy. Di lang pera pati gamit natatangay.

Hay, wala na yatang matinong callboy ngayon.  Wala na rin yatang matinong pagkukuhanan ng mga callboy ngayon.

Pero ewan ko ba, para pa rin akong naexcite pumunta ng Isetan.

Kaagad na naligo ako, nagbihis, pumorma, nagpabango at tinago ang pera ko sa mga iba't ibang lugar.  Sabi nga sa mga blog na nabasa ko kanina, ilagay ang pera kung saan di makakapa.

Kaagad na nag-abang ako ng taxi at pumunta ng Isetann. Sabi ko sa driver ibaba ako sa FEU, ayoko kasing sabihing Isetann, baka ayawan ako.  O kung alam niya kung anong pinupunta ng mga tao dun, baka mag-isip yun.

Ayun, excited ako habang nasa taxi.

Pagkatapos ng sobrang traffic kahit Sabado ay nakarating din akong ng FEU. ibinaba ako ng driver sa Morayta National Book Store kaya lakad pa ako sa Recto papunta sa Isetann.  Kaagad na pumasok ako mall, may nakitang damit at pants, kaya napabili.  Mamaya ay umakyat sa 5th floor. Ramdam ko agad ang maraming mga matang nakatingin sa akin. Kaso sabi ng mga nabasa ko sa blog, wag tumitig dahil kapag tumitig ka di ka lulubayan ng mga callboy dun.

(Tip#1: Wag tumitig kapag di type ang tao, dahil di ka na lulubayan ng callboy na yun hanggang sa mapapayag ka na lang para matigil na.)  (Tip#2: Magaling mangumbinsi ang mga beterano na, pero mas delikado dahil mas alam na nila ang kalakaran at panggagago.)

Ayun nga pasimpleng daan lang ng mata ko, maraming gwapo kaso parang halatang matagal na nila ginagawa yun, at kapag halatang beterano na, mas malaking chance na magaling din manloko yun.

Kaya pasimple akong naghanap ng mga totoy din kagaya ko pero mga pasimpleng gwapo.

Bumili ako ng limang token at naglaro ng Indiana Jones na pinball ba yun, basta may bola tapos may gagawin kang combination.  Nung last na token ko na, nanalo pa ako ng mahigit 100 na token, kaya hayun napatagal ako kakalaro.

Hawak-hawak ko ang token ko habang naglalaro.  May dalawang callboy na sunod-sunod na lumapit sa akin, nag-offer ng service pero di ko pinansin dahil ayoko sa lahat ang mukha talagang callboy, yung may suot na sando na hapit na hapit tapos parang flat ang sa harap. Yung palaging sinusuot ng mga trying hard na callboy.

Maya-maya ay may tumabi sa aking bading.

"Naghahanap ka ba?" bulong ng bading sakin.

Tiningnan ko siya at napangiti ako.  Palagi talaga akong napagkakamalang callboy, may tsura kasi ako at maporma.  Umiling ako.

"Sige na, bayaran kita 500." pamimilit nito.

Umiling ako na di siya tinitingnan.

Tuloy pa siya sa pagsasalita.  Pero di ko na siya pinakikinggan.

Maya-maya ay napatigil siya.  Tiningnan ko siya pero nakatingin na ito sa iba.  SInundan ko ang tingin niya.  Nakatingin ito sa isang gwapong lalaki na halos kasinglaki ko lang din.  Maganda ang mata, at cute ang mukha.  Di ito nakatingin sa bading pero sa akin.

Binawi ko ang tingin ko.  Nagbalik ako sa paglalaro.  Pero parang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin.  Bumaling uli ako ng tingin sa lalaki.  Nakatitig pa rin ito sa akin. Napangiti ako.  Ngumiti siya.

Pero bumawi na rin ako ng tingin dahil ayoko makipagtitigan.  Nang mainis na ako dahil di na ako nananalo sa Indiana Jones na laro, tumayo ako at nag-iikot.  Marami ding nakatingin sa akin, mga lalaking naghahanap ng customer at mga bading na naghahanap ng callboy.  Maya-maya nakita ko na naman yung lalaking nakatingin sa akin.  Nakatayo ito sa tabi ng naglalaro ng Tekken. Paminsan-minsan ay napapatingin ito sa akin.

Napapangiti pa ito sa akin. Kumindat pa.  Napangiti ako uli sa kanya.

Pero siyempre ayoko lumapit sa kanya kaya umalis ako.  Naglaro uli.  Umupo ito dalawang upuan ang layo sa akin.  Nilingon ko siya.  Tapos nginitian.  

"Gusto mo maglaro?" tanong ko dito sabay offer ng token sa kanya dahil marami pa akong tokens na napanalunan.  Kumuha siya ng isa at naglaro sa tabi ko.

"Malas ko naman sa larong ito." rinig kong sabi niya.

Tumawa ako.

"Pano namang di ka mamalasin e sira yan." sabi ko.

Tumawa din siya nang mapansin niya.

"May kasama ka?" tanong nito.

"Wala. Naghahanap ng kasama." sagot ko.

"Ah... akala ko iba hanap mo e." sabi nito.

Napangiti ako.  Sa isip ko, kung alam mo lang.

Di ko siya masyado kinakausap.  Pero tumabi na ito sa akin.  Tingin lang ng tingin.

Tinitingnan ko siya.  Nakatitig lang ito.

"Bakit?" tanong ko dito.

"Wala lang. Bawal tumingin?" biro nito.

Napangiti ako.

"Gusto mo kumain?" aya ko dito.

"Talaga?" sabi nito.

"Oo, tanghali na rin e. Gutom na rin ako." sagot ko.

"Sige." nakangiti na ito.

Tumayo ako. Sumunod siya tapos tumabi sa akin.  Pumunta kami sa McDo sa ground floor. Inorder ko siya ng 1 piece chicken at isang extra rice, ako manok din at fries.

"Student ka?" tanong ko dito.

"Oo. Sa may Cubao." sagot nito habang kumakain.

"Ah. Anong course mo?"

"Computer Programming sa Access."

"Ahh... ano nga palang name mo?"

"Chris." sagot niya.

Tumahimik ako.

Tiningnan ko siya. Nakataas ang dalawnag kilay niya.

"Ay... sorry... Mark." sabi ko.

"Nice to meet you Mark."

Itinaas ang kamay niya para makipagkamay.

"Ano ba yan?" winaksi ko kamay niya.  Ayokong magmukhang bago lang kami magkakilala.

"Tagasaan ka?" tanong nito.

"Malapit lang dito." sabi ko.

"Ah..."

Katahimikan uli.

"Palagi ka dito?" tanong niya.

"Medyo." pagsisinungaling ko.

(Tip#4: Wag ipaalam na bago ka lang sa lugar kasi iisipin nila madali kang maloko.)

"Ako minsan lang. Kasi palagi ako sa SM Centerpoint tumatambay e." paliwanag nito.

Naisip ko, meron ba sa SM Centerpoint na mga tambayan ng callboy?

"Anong ginagawa mo dun?" tanong ko ulit

"WAla. Parang dito lang din. Nag-aarcade."

"Ahh..." Sa isip ko, di ba naghahanap ng customer?

"Ikaw?"

"Anong ako?" tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"Ah... dapat kasi magkikita kami ng kaibigan ko kaso di daw sila natuloy." pagsisinungaling ko.

(Tip#5: Wag ipaalam agad na naghahanap ka ng callboy.  Dapat sila ang mag-offer. Para di ka magmukhang takam na takam at di ka pepresyuhan ng mataas.)

"Ah... so wala kang kasama ngayon?" tanong nito.

"Meron... ikaw." sabi ko.

Napangiti ito.

"E saan ka pupunta niyan pagkatapos?" tanong uli nito.

"Di ko alam. Ikaw? Ikaw na kasama ko ngayon di ba? Saan mo gustong pumunta?" balik tanong ko. (Sa motel, naisip ko.)

"Nakakahiya e." sabi nito.

"Asus, napakain na nga kita e. Nahihiya ka pa." biro ko. (Sabi na nga ba, hiya hiya ka pa e motel din sasabihin mo.)

"Hmmm... gusto kong pumuntang MOA." sagot nito.

Napatigil ako.

"MOA? BAkit MOA?" (bakit di motel?)

"Wala lang gusto ko MOA e."

"Nasa mall na tayo e pupunta pa tayo nang mall din." biro kong puna.

Napangiti siya.

"Iba dun."

"O siya sige.  Since wala naman tayong ginagawa, tara na." sabi ko.

Lumabas kami at sumakay ng taxi papuntang Mall of Asia sa Pasay.  Habang nasa taxi ay mas lalo kaming nagkakilanlan.  Kasama niya sa bahay niya ang mama at kuya niya. Graduating na siya sa 2 year course na computer programming at mag-OOJT siya next semester.

Pagdating sa MOA ay napatitig siya sa mga poster ng palabas.

"Gusto mong manuod ng sine?" alok ko.

"Wag na.  Nakakahiya e." sabi nito.

"Naku, ayan ka na naman. Gusto mo? Oo o hindi?" tanong ko.

Di siya sumagot.

"Okay, silence means yes. Tara na." sabi ko.

Pumunta kami sa bilihan ng ticket.  Lahat halos ng palabas napanuod ko na.  Pero siya ang inaalala ko.

"Ano yung IMAX bakit mas mahal?" tanong nito.

"Di ka pa nakapanuod sa IMAX?"

"Di pa." ikling sagot nito.

"Ah... basta maganda dun. Mas malaking screen tapos para kang nasa loob ng movie." pagpapaliwanag ko.

"Ahhh.."

Pumila na ako sa bilihan ng ticket.  Nasa tabi ko siya nakasiksik, takot maiwan.

"Ano po yung palabas sa IMAX?" tanong ko sa cashier.

"SpiderMan at Dark Knight Rises." sagot ng cashier.

"Anong gusto mo dun?" tanong ko kay Chris.

"Parehong di ko pa napanuod e. Ikaw?" balik tanong niya sakin.

"Sige Spiderman na lang po dalawa." sabi ko.

"Pili na po kayo ng seats." sabi ng cashier.

Pumili ako ng alam kong magandang seats.

Alas-singko pa ang palabas at 4PM pa lang kaya nagdesisyon kaming mag-arcade.  Pumunta kaming Timezone at naglaro ng Tekken Tag, tawanan lang kami nang tawanan dahil nakakatuwa kaming maglaban dun.

15 minutes bago mag-alas-singko ay pumunta na kaming IMAX, bumili ng popcorn at softdrinks.  Tapos ay pumasok na kami.

Kitang-kita ko ang pagkamangha niya sa laki ng screen.  Nang umupo na kami ay timing na nagsimula ang trailer ng Hobbits, e 3D yun kaya sinuot namin ang 3D glasses namin. Dahil magkatabi kami nararamdaman ko ang paminsan-minsan niyang pag-ilag.  Akala niya matatamaan siya. Haha.

Nagsimula na ang Spiderman.  Tuloy ang kain at inom namin.  Maya-maya ay inilapit ko ang braso ko sa braso niya.  Idinikit ko. Di siya umiwas.

Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ang braso niya.  Di siya umiwas.  HInihimas ko yun hanggang sa niyakap ko ang braso niya.  Buong palabas ay di niya tinanggal ang pagkakahawak ko.

Natutuwa ako dahil ngiti siya nang ngiti sa pinapanuod namin.  Napapailag siya paminsan-minsan. Para siyang bata.

Nang matapos na ang palabas ay bumitaw na ako.

"Ang cute mo." rinig kong sabi niya.

Nilingon ko siya.

"Huh?" tanong ko.

"Wala." sabi nito.

Lumabas kami at bumalik ng Timezone.  Naglaro kami ulit at kumain sa OkiOki Japanese Restaurant.  Naglakad sa likod ng MOA sa may baywalk.

Naisipan naming sumakay ng MOA Eye.  Ginaya sa London Eye.  Isang ikot e 150 kada tao.  Sumakay kami at dahil gabi na, dalawa lang kami sa isang gondola (yung parang kwarto sa MOA Eye).  Tuwang-tuwa kami nang pataas na pataas ito. Di naman nakakahilo dahil mabagal lang ito.

"Grabe pala dito no, walang makakakita sa atin dito." sabi niya.

"Oo nga." ngumiti ako.

"Pag may ginawa pala tayo dito walang makakakita."

Natawa ako.

"Ginawang ano?" tanong ko.

Ngumiti lang siya.

Pagbaba ng MOA Eye ay naglakad-lakad pa kami.  Tinry niya ang Bungee Jump. Yung para kang nakaharness sa bungee rope tapos may trampouline.  Tawa ako ng tawa sa reaction niya at gusto niya nang bumaba. Sabi ko sa nagbabantay, tapusin oras niya kahit gusto na niyang bumaba.

Sumakay din kami ng Viking at Indianapolis Cart Race.  Halos mapagod kami nang matapos namin lahat yun.

Naisipan naming umupo saglit sa tabi ng Manila Bay. Nakatingin kami sa dagat.

"Thank you." sabi nito.

Ngumiti ako.

Inakbayan niya ako.

Tiningnan ko siya.

"Thank you talaga." ulit nito.

"Okay lang. Nag-enjoy din naman ako e." sabi ko.

"Akala ko talaga kanina katulad ka ng ibang bading dun sa Isetann." sabi niya.

Sa isip ko, tama.

"PEro ano nga bang ginagawa mo dun?" sabi ko sa kanya.

"Sa tingin mo?" balik-tanong niya.

"Gaya ng ginagawa ng iba?" nahihiya kong itanong.

Natawa siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Effective pala akong artista." sabi niya.

"BAkit nga?"

"Nagkunwari lang akong callboy para mapansin mo.  AKala ko kasi namimik-up ka kanina kaya para makasama kita, nagkunwari akong callboy. Pero kagaya mo rin ako.  Yun nga lang paano mo naman ako magugustuhan kung wala kong pera." sabi nito.

Kumunot ang noo ko.

"So, di ka callboy?" ulit ko.

Umiling siya na nakangiti.

"So, bi ka?" tanong ko.

Tumango siya.

"Gago ka." sabay hampas ko sa balikat niya. "Buti na lang di kita pinatulan agad.  Nagbayad pa sana ako sa'yo kung ganun."

Hinawakan niya ang kamay ko.

"At bakit? Naisip ko na yun kanina, pagkatapos natin magsex, di ko tatanggapin ang pera mo at magtatapat ako." nakangising sabi nito.

"Bakit?" naguguluhan ako.

"Kasi gusto kita Mark. Iyon lang naisip kong paraan para makasama ka. Kaso mahirap lang ako at di ko alam kung papatol ka sa tulad ko." nalungkot ang mukha niya.

"So, ano balak mo?" tanong ko sa kanya.

"Kung okay lang sa'yo magkaboyfriend ng mahirap, liligawan kita." sabi nito.

Napangiti ako.

"Kung gusto mong manligaw, manligaw ka. Wag kang humingi ng permiso." biro ko.

"Sige, liligawan na kita."

Tumayo siya at inalalayan ako pababa.

"So pano? Gabi na.  NExt time ulit." sabi nito.

"Akala ko ba manliligaw ka."

"Next time na. This time, uwi muna tayo. Pag-isipan mo."

Kinuha ko ang number niya at kinuha niya ang sakin.

Sumakay kami ng taxi at ibinaba ko siya ng Recto, sumakay siya ng jeep doon.  Ako ay dumiretso nang uwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay tumunog ang cellphone ko.

"Thanks, I had so much fun. And don't worry, di ako mahirap. Mukha lang.  Pero I can manage to pay for our food and drinks and fare kanina.  I just don't want you to like me for what I have but for what I am. P.S. Ateneo ang school ko. =)"

Nagulat ako sa binasa ko.  Pero naalala ko, nung kumain kami sa Japanese food, ambilis niyang makahanap ng oorderin.  Tama pa ang pronunciation niya ng mga pagkain, at perfect siya gumamit ng chopstick.  Di din niya pinakita ang cellphone niya sakin.  At malinis siya sa katawan.  Di mahirap paniwalaan na mayaman siya.

Nireplyan ko siya.

"And guess what? I had more fun that u did.  And I liked paying for both our food and drinks. If u really want me to be ur bf, manligaw ka ng maayos. P.S. Wag ka nang manligaw. Dahil sa isang araw na magkasama tayo. Alam ko gusto rin kita."

Tumawag siya.

"Woooohhhh!!!!" rinig kong sigaw niya.

"Bakit?" natatawa kong sagot.

"Wala lang. I'm just so happy."

"Asus! MAtulog ka na at antok lang yan." biro ko dito.

"Di ba magbago isip mo pag natulog ka?"

"Nope. Dahil wala ka sa isip ko. Nasa puso" corny kong banat.

Tumawa siya.

"Thanks."

"I love you." sabi ko.

"I love you too." sagot niya bago binaba ang phone.

Di ako makatulog nung gabing iyon.

After that, araw-araw na kaming nag-uusap kahit busy siya sa school pero paminsan-minsan din kaming nagkikita. Sinusundo niya ako sa work.

-----------------------

Dark Angel (Angelo) Alam ko it's too early for me to assume na magiging maganda ang relasyon namin o magtatagal kami.  Pero I hope so na magtagal kami.  Pero I just want to share my funny story of how I met the man I love now.

Hope you post this.

Thanks.

Mark

--------------------------
==========================================
Guys, if you have stories you want to share, please email them at angelic.thoughts.1986@gmail.com

Don't forget to comment, share, follow, like and donate.

Love u all.



9 comments:

  1. yung pala ang meaning ng "callboy"

    ReplyDelete
  2. Grabe. Nakaka-kilig naman to. Hahaha. At bongga, uma-Ateneo, haha. Anyway, sana maging masaya sila :-) very nice story. Hope I'll have the chance to have the same experience. Hahaha.

    ReplyDelete
  3. Hayyy nako spell cute tae kahet madaming taong naka bantay saaken dito hindi ako natigialang basahin tong story na to

    Baket kase ang saya ng story mo hahahahah

    ReplyDelete
  4. Holy shit! one of the most romantic story i read so far. nakaka in love.happy :)

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  6. @czechjake... Sorry but I do not tolerate comments of service-selling in my blog. Please do that elsewhere... Hindi porke about callboy yung post eh dito ka rin magpopost.

    ReplyDelete