Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Martes, Agosto 28, 2012

My Sophomore Series... (Chapter 15... Caught in the Act)


Guys... please register or if not comment with your name para mas maganda.

Liam, LAN, Kristoff, nathan and other anonymous guys... don't worry I will update this kahit matagal. Pero di ako magsasawang magpost dito.
=======================================

Simula nang nangyari sa amin ni Jan yun naging mas malambing siya.  DI ko alam kung may ilalambing pa si Jan kesa sa sobrang paglalambing niya pero pansin ko mas lumambing siya.  Mas madalas din, siguro mga twice a week na may breakfast in bed ako.  Wag bastos ang isip, totoong pagkain, at hindi si Jan ang kinakain ko.  Pero oo, sa mga araw na walang breakfast in bed, siya muna kinakain ko.

Wala na akong contact kina James at Rod, o kina Kuya Paolo dahil nung umalis ako, pinadala ko kay Kuya Bon ang phone na regalo ni Mama Tony.  Nakakahiya naman kung lumayas na ako e dala-dala ko pa rin ang mga bagay na binigay nila sa akin.  Naisip ko na napakasalbahe ko at iniwan ko sila tapos nagdala pa ako ng gamit na binigay nila.



Medyo naiisip ko rin sila. Paminsan-minsan, ang pagiging mabait at maaalalahanin ni Mama Tony, ang pagiging maasikaso at sweet ni Kuya Gilbert, ang sarap kausap at kasex nina Feljan at Rey, at siyempre ang aking masarap na ex na si Kuya Paolo.  Paminsan-minsan ay napapanaginipan ko siya pero lahat ng panaginip ko sa kanya ay masama ang gising ko.  Ilan lang ang naaalala ko pero mas madalas sa panaginip ko ay sinisigawana ako nito, pinapagalitan, hinahabol at niyayakap.

Naisip ko minsan, mahal nga talaga ako ni Kuya Paolo... pero kahit anong gawin ko, si Jan pa rin ang tinitibok ng puso ko.  Di ko alam kung darating man ang araw na di ko na siya mamahalin dahil sa pagkakaalam ko, buong-buo ang buhay ko pag kasama siya.

Pero andami kong namimiss na mga tao.  Naisip ko, siguro nag-aalala na sina James at Rod kung ano nang kalagayan ko.  Nagsimula na ang klase at siguro andun na sina Feljan at Rey na nag-aaral.  Siguro, tinatanong na ako nina James at Rod kina Feljan at Rey at kay Kuya Bon.

Napapangiti ako na nalulungkot kapag naaalala ko ang kakulitan ng dalawang iyon.  Si Rachel na malambing, siguro nag-aalala na rin yun.

Napansin din ni Jan iyon dahil minsan nabablanko ako, kahit na nasa harap namin si Teacher Noly.  Yan tuloy napagsasabihan din ako ng tutor namin na di daw ako nagko-concentrate.

"Angelo, nasa malayo na naman ang iniisip mo. Nasa kingdoms lang tayo." tinutukoy nito ang kingdoms of living things.

"Sorry po Maam." hiyang-hiya kong ibinalik ang mga mata ko sa libro.

Ramdam ko na nakatitig si Jan sa akin nang sandali bago bumalik ang mata sa libro.

Nang wala na si Teacher Noly ay kinausap ako nito.

"Gel, may problema ka ba?" tanong nito.

"Huh? Wala naman. Bakit mo natanong?"

"Kasi lately parang nasa malayo ang tingin mo e.  Palagi kang nabablanko.  Inaalala mo ba si Kuya Paolo?" nagseselos ang boses nito.

"Oo naman. Pero di lang siya, pati sina Mama Tony at mga kaklase ko." sabi ko.

"Gusto mo ba silang bisitahin?" tanong nito.

"Naku wag na.  Dito na lang tayo."

"Di ka ba nasasakal na palagi ka na lang dito at lumalabas lang tayo kapag Sabado o Linggo lang."

"Okay lang ako.  Kasama kita e. Wala nang mas importante sa akin." sabi ko dito saka hawak  sa mukha niya.

Ngumiti lang siya at yumakap sa akin.

"Gel... thank you ha? Di ko alam kung anong gagawin ko kapag wala ka dito."

"Jan naman... gusto mo na ba akong mawala?"

"Gago ako kung gugustuhin ko yun."

"Bakit ba kasi ganyan ang mga salita mo?"

"Wala... basta." sabay bawi nito.

Nanuod na lang kami ng TV hanggang sa dumating sina Tita Anna at Tito Ed.

-------------------

Isang araw ay nagpaalam sa akin si Jan, may pupuntahan daw siya.  Kaibigan niya daw nung bata pa siya.  Ngayon lang daw sila nagkaroon ng contact.

"Gusto mo samahan kita?"

"Wag na.  Baka ma-out of place ka dun, kasama din namin ang iba pang barkada namin dati e." sabi nito na nagmamadaling umalis.

Nag-abang ng taxi ito.

Nalungkot ako nung umalis siya.  Ewan ko ba pero kinutuban ako.  Di naman siya umaalis na di ako kasama ah lalong-lalo na sa condition niya ngayon.

Kaagad kong tinawagan si Tita Anna.

"Hello, Tita. Nagpaalam po ba si Jan sa inyo?" tanong ko dito.

"Hindi naman.  Saan daw siya pupunta?"

"Makikipagkita daw sa mga kaibigan niya dati."

"Kaibigan? Sinong mga kaibigan yun?" Gulat na tanong ni Tita ANna.

"Di po sinabi e. Mabilis na umalis e. Di ko na natanong."

"Naku, baka naman ang mga kaibigan niya dati yun. Yung mga pasaway. lasenggo at mga basag-ulo." galit na ang boses ni Tita Anna sa kabilang linya.

"Ano pong gagawin ko?" nabobobo na ako.

"Diyan ka lang.  Try kong tawagan ang cellphone niya.  Alam ko pa yata ang mga apelyido ng pamilya ng mga kabarkada niya.  Try ko ring tawagan baka andun lang sa mga bahay nila."

"Sige po."

Saka ibinaba ni Tita Anna ang telepono.

Naghintay ako.

Nainip ako kaya naisipan kong mag-computer.  May computer sa baba pero di ko alam pano gamitin.  Umakyat ako.  In-on ko ang computer sa kwarto.  Minsan ko lang ginagamit ito dahil palagi si Jan ang ginagabi sa kakalaro at kakainternet dito.

Bobo talaga ako sa computer kaya antagal bago ko nabuksan.

Nang binuksan ko ang computer ay may lumabas na message sa Yahoo Messenger.

"Dude, where are you? Are you coming?" sabi sa message. Walang picture.

Sinagot ko.

"Why?"

"Are you damn crazy? I thought you wanted to meet me again." sagot nito.

"I forgot. Sorry." type ko ulit.

"Hahaha... Not sorry as I am. I am horny so please come already and fuck me again." sagot ng tao sa kabila.

Uminit ang ulo ko... Horny? Fuck me? Again?  Di ko kailangan maging stateside para makuha ang ibig sabihin ng mga salitang iyon.

"Convince me. Make me wanna come there." sagot ko dito.

"Hahaha... Want me to show you my stiff dick? Maybe you miss this." sabi nito.

"Sure... turn on your cam." sabi ko dito.

"Hahaha... you want cybersex huh?"

Binuksan nga ni mokong ang webcam niya.  Nakita ko, foreigner, mga edad bente pataas, gwapo, magandang katawan.

"Nice... show me your dick." sabi ko.

Ayun, pinakita nga ni gago ang titi nito na malaki at tigas na tigas.

"Remind me again, how we met?"

"Huh? Who are you?" parang nagdududa na ang kausap ko.

"I'm Jan. Just remind me how we met."

"Okay. I don't know if you have amnesia or memory loss. Hahaha.  Maybe you want some kinky details. You fucked me several times before when we were in Germany. You invited me to come to the Philippines and here I am, missing your dick in my ass."

Nag-init na talaga ang ulo ko.

Gusto kong manuntok na tao at magwala.

Pero di ako nagpatalo sa hinala.  Malay ko ba kung ayaw na ni Jan sa kanya.  Past is past di ba?

Pero di ba galing din akong past?

"So? What now? Are you still coming or not?" atat na tanong nito.

"I don't know. I have a boyfriend."

"Screw that.  I have a boyfriend too and you said it doesn't matter.  We just fuck."

Maya-maya ay lumingon ito sa pinto.

"Hold on, I have someone on the door."

Nagtapis ito ng tuwalya at pumunta sa pinto.

Kitang-kita ko sa webcam ang pagbukas ng pinto.  Kaagad na pumasok ang lalaki at hinalikan ang lalaking kausap ko.

Kaagad na inilayo niya lalaking humalik sa kanya.

Kitang-kita ko ang mukha ni Jan kahit medyo malayo.

Nagulat yung lalaking hinalikan niya at tinuro ang computer.  Siguro nagulat siya bakit andyan na si Jan e kausap pa lang niya sa computer.

Hindi ko na tiningnan ang mga sumunod na pangyayari.

Pinatay ko ang computer ng mabilis.  Tumalon ako sa kama at umiyak nang umiyak.

"Jan... bakit mo nagawa sa akin ito? Okay lang pala sa kanya makipagsex kahit may boyfriend siya at may boyfriend din yung isa." Naisip ko.

Halos mabaliw ako.  Umiikot ang paningin ko kahit kaya pinipikit ko na lang ang mga mata ko.

Kahit nakapikit ako ay naaalala ko ang eksenang nakita ko kanina.  Di ako pwedeng magkamali.  Si Jan iyon at hinalikan niya ang foreigner na nakatapis lang ng tuwalya.

Doon pala siya pumunta.  Ganun pala ang sinasabi niyang kaibigan... kakantutan pala niya.

Sobrang sumakit ang mata, ulo at dibdib ko sa kakaiyak.  Di ko namalayan na nakatulog na naman ako na umiiyak.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

3 komento:

  1. ang lungkot nmn nito.sna bumalik na si kuya paolo :-(

    《nathan justine ray》

    TumugonBurahin
  2. ouch!!! sakit nman nun?? pinag palit ni angelo ang lahat tapos lulukuhin lng pala xia ni jan???

    time to revenge.... bumalik kana sa mansion??

    jejejejejeje

    TumugonBurahin