Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, August 15, 2012

My Sophomore Series... (Chapter 13... New School... Sorta)


Guys... almost 1 month from my last update.  SOrry ha. Medyo naging busy talaga.

LAN, Anon, Nathan.millano, Kristoff1992, I<3JAN, thanks for making my chatroom alive while I am gone.

Watch out for my ebooks thank you.
=======================================

Nang wala si Tita ANna ay nasa sala lang kami ni Jan na nanunuod ng TV.

Niyakap ako nito at nilaro ang buhok ko.

"Gel..." malambing na tanong nito.

"Yes mahal ko?" sabay titig ko sa mukha nito.

"Ammm... okay ka lang ba talaga dito?" malungkot ang mga mata niya.

"Oo naman. Bakit ka naman nagtatanong ng mga ganyan?"



"Kasi, marami kang iniwan dahil sa akin.  Iniwan mo yung mga kasama mo sa bahay nina Kuya Paolo para makasama kita.  Siguro may mga naging kaibigan ka rin dun." paliwanag nito.

"Okay lang yun.  Mas importante ka sa akin, besides mas nauna at mas matagal kitang nakilala at nakasama." sabay yakap ko rin dito.

"E paano ang mga naging kaibigan mo ngayon sa school niyo. Isang taon mo rin silang nakasama.  Di mo ba sila mamimiss?" tanong uli nito.

"Mamimiss siyempre pero ganun naman sa school di ba? May umaalis, may dumarating.  Kagaya nung sa elementary tayo.  Sino pa ba sa mga kaklase natin dun ang mga nakakausap natin? Di ba wala? E mas matagal nga rin nating kasama yun e.  Pero apektado ba tayo na wala sila?"

Umiling-iling ito.

"Wala talaga akong panalo kahit kelan sa'yo." napangiti ito.

"Ayaw mo na sa'kin? Ganun?" biro ko dito.

"Baliw. Di mangyayari iyon." sabay halik nito sa noo ko.

"Bakit nga ba kasi ganyan ang mga tanong mo?"

"E kasi po... alam mo naman na iniisip rin kita.  Ayokong mag-sacrifice ka ng buong buhay mo dahil lang sa akin." sabi nito.

"Sacrifice? Kelan pa nagkaroon ng sacrifice dito? Para namang ayaw na ayaw ko na makasama ka." biro ko na lang.

"Di naman sa ganun.  Pero wala bang ibang pwede kang gawin maliban sa pag-alaga sa maysakit na gaya ko?"

"Meron. Pero wala akong ibang choice kundi alagaan ka at makasama ka."

"Walang choice?" kumunot ang noo nito.

"Ano ka ba? Hindi iyon ang ibig kong sabihin.  What I mean is, wala akong dapat pagpilian pa.  Maliwanag sa akin na ikaw ang pinakamahalaga para sa akin.  Wala kong ibang gustong gawin kundi ang makasama ka sa araw-araw." sabi ko uli.

Ngumiti siya.

Niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Jan, you are my life now.  I wouldn't be happy without you.  Kaya wag mong isipin na ginagawa ko to at nagsasakripisyo ako dahil at para sa iyo.  Dahil kung masaya ka dahil andito ako, mas masaya ako na andito ako ngayon sa tabi mo."

"Salamat ha?"

At pinagpatuloy namin ang panunuod ng TV.

-----------------------------------

Sumunod na araw ay dumating na ang tutor namin.  Elena ang name niya, pero teacher Len daw ang itawag namin sa kanya.  Medyo matanda na ito at sa unang tingin pa lang namin ni Jan ay nagkaisa kami na ayaw namin sa kanya.

Agad namin itong sinabi kay Tita Anna at sumang-ayon naman siya sa akin.  Hindi sa ayaw niya ng istriktong guro pero ayaw naman niya na ganun klaseng teacher ang magtuturo sa amin lalo na sa kalagayan ni Jan.

Naka-tatlong tutor pa ang dumating sa bahay hanggang sa sumang-ayon kaming lahat kay Teacher Noly.  Norlita ang totoong pangalan niya pero ayaw niya daw yun dahil mukhang matanda.  E hindi pa naman siya ganun katanda.  Nagtuturo siya sa isang private high school malapit sa Molo Plaza kaya pinapasundo na lang siya nina Tita Anna sa driver.

Unang araw naming pagkakakilala kay Teacher Noly ay naging magiliw na ito sa amin.

"Teacher, may mga rules ka po ba?" tanong namin pagkaalis ni Tita Anna.

"Hmmm... Wala naman masyado.  Marami lang akong ayaw." sabi nito.

"Maraming ayaw? Gaya po ng ano?" si Jan.

"Hmmm... Let's see.  Ayokong palagi tayong nasa loob ng bahay.  Mas magandang paiba-iba tayo ng lugar pag nag-aaral.  Pwedeng sa sala, sa garden, sa veranda, kahit sa sahig."

"Wow. Ang cool nun." sabi ko.

"Tapos ayoko ng tahimik." sabi nito sabay titig sa aming dalawa ni Jan.

Nagtawanan kaming dalawa ni Jan.

"Teacher, wag kang mag-alala, di mangyayaring magiging tahimik kami lalo na itong si Angelo." si Jan.

"Talkative?" sabay turo sa akin ni Teacher Noly.

"Medyo po." si Jan.

"Di naman po.  Bibo lang. Mahilig mag-recite pero di po ako nagsasalita nang wala sa lugar." depensa ko.

"Yun nga yun." bawi ni Jan.

"Ano ba yan?" sabay kurot ko kay Jan.

Inakbayan ako nito at ginulo ang buhok ko.

"Stop that.  Bago pa kayo magkasakitan." sabi ni Teacher Noly.

Binitawan ako ni Jan.

"Going back, ayoko ng tamad. Always answer your homework, activities, quizzes, etc.  Ayoko ng excuses.  I don't accept excuses.  We will just be here for 4 hours a day which is half of the time you should be spending in school, so I expect you will manage your time well." pagpapatuloy ni Teacher Noly.

"Wala pong problem sa amin yan Teach'" sagot ni Jan.

"Good.  Also, Angelo, based on my records, valedictorian ka nung elementary at si Jan ang Salutatorian?" tanong nito.

"Yes Maam." sagot naming dalawa.

Ngumiti siya.

"Wow, the finest of the finest.  Hmmm.  So walang competition sa inyong dalawa?" usisa pa nito.

"Never.  We never thought of it as a competition.  After all, I was only able to be 2nd Honor because of Angelo.  Kung wala siya, siguro nasa last ako." sabay ngiti ni Jan.

"Why is that?" inilapit ni Teacher Noly ang mukha niya sa amin.  Interesado.

"Well, nung umpisa kasi tamad ako.  Wala akong ganang mag-aral.  I was lucky to be in section one nung Grade 5 dahil sa tita ko ang adviser namin.  Pero even so, wala talaga akong ganang mag-aral." sabi ni Jan.

"So what happened?" si Teacher Noly.

"Well, Angelo came.  He became my bestfriend.  He became like a brother to me.  Strict brother.  Mas bata pero mas isip matanda sa akin.  Kaya ayun, naging mas madali ang pag-aaral ko.  Lahat ginagawang madali.  Kaya ayun, di ako tinatamad mag-aral.  Hanggang sa nakahabol ako, at yun, naging second honor ako." si Jan.

"Wow. That's impressive Angelo.  Why did you think of that?" si Teacher Noly.

"Kasi po alam ko sa umpisa pa lang na matalino si Jan.  Super tamad nga lang.  Palaging nagrereklamo na mahirap ang ganito, nakakatamad ang ganito, ang haba ng ganito.  Kaya I made everything simple to him.  Hanggang sa siya na mismo ang nasanay sa ganun at ayun." paliwanag ko.

Ngumiti si Teacher Noly.

"So, you admit na mas matalino si Angelo sa iyo?" si Teacher Noly.

"Yup. No doubt. Di ako pwedeng makipag-kompetensiya diyan." si Jan.

"Pero ang totoo, di pa namin naisip na nagkokompetensiya kami." ako.

"yup. Never." si Jan ang sumang-ayon.

"Wow! This is refreshing. So di pala ako mahihirapan sa inyo.  I might enjoy teaching you guys." Ngumiti si Teacher Noly uli.

"We think we will enjoy with you too." si Jan.

Tumango ako.

"Thank you naman kung ganun." si Teacher Noly.

"Well, here are your books." sabay bigay nito sa amin ng limang libro.

"Those are prescribed books from our school.  So pag natapos nating yan this year, you can be considered as to have passed our curriculum. If all goes well, you can enroll in any high school as third years or just continue being home schooled." paliwanag ni Teacher Noly.

Nagtinginan kami ni Jan.

Ayaw naming pag-usapan ang tungkol sa pag-aaral sa school kaya natahimik ako.

"Oh... it seems I stepped into a sensitive topic." sumeryoso ang mukha ni Teacher Noly.

"Sorry po Maam. Medyo maselan nga po yan." pinilit kong ngumiti sa harap ni Teacher Noly.

"Okay, I understand.  Pero just be honest with me sa iba pang bagay ha? PAra hindi tayo magkailangan."

Ngumiti kami ni Jan.

Kinagabihan naman ay tinanong kami ni Tita Anna kung kumusta si Teacher Noly.  Parehong naging positibo ang sagot namin tungkol sa kanya.

"Well, as long as may matutunan kayo sa kanya, at di siya ganun ka-istrikta sa inyong dalawa okay lang." sabi ni Tita Anna.


-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

3 comments:

  1. hayyy salamat may update na din..ang tagal ko naghintay,.,kala ko nga di na mag uupdate si angelo.,.,.basa mood muna ako.,.,.

    ReplyDelete
  2. sweet nman ni jan... bagal tlga silang 2.. jejejejejejeje

    ReplyDelete
  3. yesss, at last may update na din. tnx, he he he.

    ReplyDelete