Kristoff, John_pogs, Nathan, kiwiboy, ko.war, LAN, rio, eto na po pinakahihintay niyo.
Keith... thanks for texting me again. I missed you.
=======================================
"Oh... nasaan ka?" tanong ni Kuya Jay.
"Kuya, help me." agad kong sabi sa kanya.
"Bakit? Ano'ng nangyari? Pwede bang huminahon ka." sabi nito dahil parang natigagal ang boses ko.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako nagkwento sa kanya. Tutal alam naman niya ang tungkol kay Jan dahil sa umpisa pa lang ay alam na halos lahat ng buong pamilya namin ang tungkol samin. Di ba nga at iyon ang dahilan kaya kami nag-away nina Mama at Papa, dahil sa eskandalo sa burol sa probinsiya.
"What? You're really crazy. GoD!!! I can't believe you actually did that. MY God Angelo! Ano bang klaseng utak meron ka?" galit na galit na sabi nito.
"Kuya naman. Oo alam ko na mali ang ginawa ko. Pero anong magagawa mo? Bata lang ako. Wala pa ako sa tamang pag-iisip." di ko alam na kaya ko palang tanggapin sa sarili ko yun.
"Saan ka ngayon?" tanong nito medyo humina na ang boses di na galit.
Binigay ko ang address ko sa kanya.
"O siya. Pupuntahan kita diyan ngayon. Andito pa ako sa GUimbal e, may meeting si Lolo. Mga isang oras andiyan na ako." Sabi nito sabay baba ng telepono.
TInapos ko na ang pag-iimpake. Nagpahinga na lang ako saglit. Sobrang napagod ako sa lahat ng nangyari sa akin.
Di ko namalayan na nakaidlip ako. Nagising ako nang may kumatok sa kwarto.
"May naghahanap sa iyo." sabi ng katulong.
Nagulat siya nang makitang may mga dala-dala akong mga bagahe.
"Diyos ko! Saan ka pupunta? Dis-oras ng gabi" bulalas nito.
"Sina Tita Anna at Tito Ed na lang po tanungin niyo. Yung sundo ko po e kuya ko." paliwanag ko. Saka dali-dali na akong bumaba at lumabas ng pinto.
Nakita kong iiling-iling ang kuya ko. Pero lumapit din ito at nilagay sa van ang mga gamit ko
"Iyan lang ba ang mga gamit mo?" tanong nito.
Tumango ako.
Sandali akong nagpaalam sa mga kasambahay at sumakay na sa van ni Kuya Jay.
"O, saan mo balak pumunta ngayon?" medyo naiinis ito.
Di ako makasagot.
"GUsto mo ibalik kita kina Mama Tony?" tanong nito.
"Kuya... wag." mahinang tanggi ko.
"Kunsabagay. Nagmukha ka nang walang utang na loob doon e babalik ka pa."
"Kuya naman."
"Bakit? Tama naman a. Ginawa mo na e nahihiya ka pa." sabi nito.
Natahimik ako.
"O siya, since wala kang matuluyan, mag-check in ka muna sa hotel."
"Kuya, wala akong..."
"Oo, sagot ko. Paano ka naman magkakapera?" pagpuputol nito sa sasabihin ko.
Natahimik uli ako.
"Yung ipon mo ba?" pag-aalala nito.
"Meron pa po. Kaso gabi na e." sabi ko.
"Sige, bukas ka na lang mag-withdraw. Dadagdagan ko na lang iyon para may panggastos ka. Gusto mo bang mag-check in sa Amigo?"
Nanlaki ang mata ko. Naalala ko iyon ang hotel na kung saan nagtrabaho si Kuya Paolo.
"Ayoko po. Sa Hotel del Rio na lang." sabi ko.
"Sige."
Sige lang sa pag-drive si Kuya Jay.
Pagkatigil namin sa hotel ay agad kaming sinalubong ng mga bellboy na tumulong sa pagbuhat ng mga gamit ko.
Si Kuya Jay na rin ang nakipag-usap sa counter at nagbayad. Pagkatapos noon ay sinamahan niya ako sa kuwarto. Sandali kaming nag-usap bago ito nagpaalam na babalik na kay Lolo baka hanapin pa siya.
"Kapag may kailangan ka e tumawag ka lang ha?" sabi nito.
"Kuya... ayaw mo bang dito matulog?"
Ngumiti siya.
Yumakap sa akin.
"Siguro in the future, magkakasama din tayong dalawa." sabi nito sabay halik sa buhok ko.
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.
"O siya, bayad na yung tatlong araw mo dito ha? Habang nag-iisip pa tayo kung saan kita patutuluyin. Hay Angelo..." sabi na lang nito.
"Salamat Kuya."
Ngumiti ito sa akin.
"Wag kang mag-alala. Bukas na bukas din ay dedepositohan kita ng pera para may pandagdag ka sa panggastos mo."
"Wag na po Kuya." nahihiya na ako sa sobrang pabigat ko.
"Heh." saway nito sabay ngiti.
Sinamahan ko ito sa lobby at hanggang sa dinala na ang van niya ng valet papunta sa harap namin.
Nagyakapan muna kami bago naghiwalay. Hinatid ko ng tingin si Kuya.
Kaagad akong lumabas ng hotel at naghanap ng karinderyang makakainan. Gusto ko magtipid kaya ayokong kumain sa hotel. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Umiyak nang umiyak hanggang sa tuluyan nang nakatulog sa pagod at sama nang loob.
--------------
Kinabukasan ay maaga akong nakatanggap ng tawag mula sa operator ng hotel, tawag galing sa kuya ko.
"Kuya? Kamusta?" bungad ko dito.
"Ikaw ang kumusta?" bati nito.
"Hmmm... ako ang natulog sa hotel. Kaya ikaw ang kumusta?" biro ko dito.
"On the way na ako papuntang bangko. Dedeposituhan ko na lang ang account mo. Tapos magwithdraw ka para may panggastos ka."
"Kuya..." nahihiya kong sabi.
"Naging kuya mo pa ako kung mahihiya ka sa akin." sabay tawa nito.
"Thank you po."
"You're always welcome my little bro." sabi nito.
Napangiti ako. Ansarap pakinggan galing sa kuya ko.
"Basta ingatan mo muna ang sarili mo habang di pa ako nakakabalik diyan. Magtataka kasi sila kapag palagi akong wala dito." sabi nito.
"Sige po. Di na lang ako lalabas ng hotel." pagsisinungaling ko.
"E lumabas ka nga kagabi e." sabi nito.
Nanlaki ang mata ko.
Tumawa siya.
"Sinumbong ka ng hotel sa akin. Kilala ko ang ilang tao diyan at binayaran ko para manmanan ka. Kaya ayusin mo galaw mo diyan."
"Kuya naman e. Pati ba naman ako may gwardiya."
"Hahaha. Wala kang magagawa, dami mo nang ginagawang pagkakamali e."
Natahimik ako.
"Biro lang." sabi nito "I just wanna make sure you're safe."
"Alam ko naman po yun e."
"Sige. Alis na ako. Tawagan na lang kita ulit." sabi nito bago ibinaba ang telepono.
Napangiti ako. Kahit papaano pala di ako nag-iisa, may kuya pa pala akong pwede kong pagkatiwalaan.
--------------
Lumipas ang isang araw at bagot na bagot na ako. Bumaba ako at nag-swimming sa pool ng hotel. May dalawang bading na medyo may edad na ang nakipagkilala sa akin. Di naman ako bastos kaya nagpakilala ako. Naging friendly ng konti pero umiwas na rin pagkatapos.
Langoy lang ako nang langoy kahit mainit. Titig na titig yung dalawang bading at ang isa pang babae.
Nang matapos ako ay nag-shower ako. Sumunod ang dalawang bading. Minadali ko ang pag-shower at lumabas na agad.
Pagkadating sa taas ay wala akong ginawa kundi manuod ng TV, mag-sketch at magbasa.
Maya-maya ay napatigil ako.
"Ano na pala ang gagawin ko? Nagsimula na ang klase at di ko alam kung pwede pa akong bumalik sa [Sky High] <<<{Di totoong pangalan ng school}"
Kinuha ko ang directory at hinanap ang pangalan ng school kung saan nagtuturo si Teacher Noly.
"Sandali lang. Papatawag ko." sabi ng sumagot ng telepono.
Maya-maya ay dumating si Teacher Noly.
"Angelo?" agad na sabi nito.
"Yes po."
"Hi. I received a call from Edward this morning as well. They said that they are terminating my services. They said they are flying next week." kuwento nito.
"Ah ganun po ba? Sorry po to hear that."
"It's okay. They bargained with me and they paid me my 1 year salary for the hassle." sabi nito.
"Good po pala kung ganun." sabi ko. "Pero Teach' paano po pala ako? Kasi balak ko pong mag-aral uli sa dati kong school since wala na rin naman na si Jan. INaalala ko po yung grades ko."
"Naku, don't worry. I can talk to your school. Pwede kong i-explain ang side mo. Don't worry, I will do this for you. After all, you're still my student." paliwanag ni Teacher Noly.
"Thank you po Maam. Siyangapala. Pag kakausapin niyo po ako, pakitawagan na lang po ang Hotel del Rio, tapos pakisabi po ang name ko." pahabol ko.
"Sure. Take care." magiliw nitong paalam.
------------------
KInabukasan ay maaga ulit tumawag si Kuya Jay.
"Lil Bro, natatandaan mo pa ba si Tita Aning?" bungad nito.
Hinagilap ko sa isip ko.
"Yun ba yung matandang dalagang pinsan ni Papa?"
"Yup."
"Bakit po?" tanong ko.
"Hmmm... gusto mo ba doon tumira sa kanila?" sabi nito.
Inalala ko kung saan ang bahay noon.
"Kuya, anlayo naman nun. Oton pa yun e. Ayoko na tumira sa labas ng city. Kakapagod e. Besides, nag-usap na kami ng tutor ko, kakausapin niya daw ang school ko para makabalik ako dun."
"Okay. That's good. At least I don't have to take care of that as well. Hmm... sige tawagan kita ulit kapag may nahanap na akong lilipatan mo. Take care always Li'l Bro." sabay baba nito ng telepono.
Iniisip ko tuloy kung saan na naman ako titira. Mas talo ko pa ang anak ng sundalo kung makapagpalit ng address depende sa destino ng ama. Ako e mag-isa lang pero ilang bahay na ang natirhan ko. Ngayon hotel naman.
-----------------
NAkalipas na ang dalawang araw ay di ako nakatanggap ng tawag kay Kuya Jay. Okay na ang pagbabalik ko sa school sabi ni Teacher Noly. Pero nag-aalala ako bakit di na ako tinawagan ni Kuya Jay. Nabawasan ko na ang savings ko dahil ako na ang nagbayad ng mga sumunod na araw sa hotel dahil tatlong araw lang ang binayaran ni kuya.
Habang hinihintay ko ang tawag ni Kuya Jay ay ayokong magmukmok sa hotel. Sabi ko sa lobby e kapag may tumawag e pakisabi na lang na pumunta akong [Sky High]
Malugod akong tinanggap ng admission officer namin at kaagad akong dinala sa principal para makausap. Kilala na pala akonang principal dahil namemention na ako ng mga teachers ko sa kanila. Sinamahan naman nila ako sa mga bagong teachers namin at ikinuwento nga ang nangyari sa akin. Marami na rin palang teachers namin sa second year ang nakakakilala sa akin kaya excited daw sila na makasama ako sa klase nila.
Pagdating namin sa Science class namin. Andun ang mga kaklase ko.
Pagbungad pa lang namin sa pinto ay narinig ko na ang pagsigaw ng mga kaklase ko.
Mabilis na pumalibot sa akin sina James at Rod. Niyakap ako nang mahigpit.
Natawa ang teacher.
"Babalik ka na ba? Akala namin lumipat ka na e." si James.
"Babalik ka na ba?" ulit ni Rachel.
Tumango ako.
"Ayos!" sigaw ni Rod at niyakap ako.
Nagtawanan ang mga teacher at principal.
"Namiss ka talaga ng mga kaklase mo ah." puna ng Science teacher.
Ngumiti ako.
"O tama na muna yan. Magsasama naman kayo uli e. Kailangan muna namin siyang dalhin sa ibang teachers niyo para maipakilala at maipaliwanag ang sitwasyon niya." sabi ng principal.
"Sige po Maam." tuwang-tuwang sabi ni Rod.
"Sige. See you later Gelo." si James.
Ngumiti lang si Rachel.
Ganun na nga ang nangyari, isa-isa akong inikot ng principal sa mga magiging teacher ko.
Wala namang tumanggi sa kalagayan ko. Special case daw ako. Basta daw wag ko daw sila ipahiya.
Pagdating naman ng lunch e hinintay ko sina James at Rod. Kumain kami sa karinderya nina Rachel, medyo malayo nga lang sa school pero kaya naman ng oras namin e. Saka excited si Rachel na dun kami kumain.
Pati ang mama ni Rachel ay niyakap ako.
Pagkatapos ng kain namin ay kinuwento ko kina James at Rod na doon muna ako tumitigil sa hotel. Sabi ko kung gusto nila samahan nila ako doon ngayong gabi. Di naman tumanggi ang dalawa pero siyempre di mawala ang ngiti ni Rod. May iniisip na naman.
"Ikaw 'Chel, gusto mo sumama?" aya ni James kay Rachel.
"Baliw." sabay batok ng mama ni Rachel kay James.
Tawanan kami.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kay Tita Marisse.
Dumiretso na lang ako sa hotel at sila ay bumalik na ng school. Kaagad na tinanong ko ang receptionist kung may tumawag sa akin kaso wala daw.
LUmabas uli ako at pumunta sa bangko. Nag-check ako ng balance bago magwithdraw. Nagulat ako nang makita ko ang balance ng account ko sa bangko. 6-digits na mga numero ang andun.
Kaagad akong lumapit sa teller.
"Maam, pakicheck naman po. Parang mali ata. Hindi naman po ako nagkakaroon ng perang ganito kalaki." sabi ko dito.
Kinuha nito ang passbook ko at chineck sa records nila.
"Wala naman pong mali e. May nagdeposit ng huling amount na nandyan kaninang umaga lang." paliwanag nito.
"Sino po?" tanong ko.
"I'm sorry pero hindi naman namin machicheck kung sino ang nagdedeposit e." ngumiti lang ito.
"Sige po." ngumiti na lang din ako.
Hawak-hawak ko ang passbook ko hanggang makasakay sa taxi at bumalik ng hotel.
Sino kaya ang nagdeposit sa akin ng ganun kalaking pera? Hindi ako pinatahimik noon.
Mabuti na lang at bandang kinahapunan ay dumating sina Rod at James. Nagkaroon ng saya ang buhay ko.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Mama tony is that you?
ReplyDeletefeeling ko si mama tony or kuya paolo un sana punthn cya ni mama tony. ang bait nmn pla ni kuya jay eh. NEXT CHAP na pleaseeee
ReplyDeleteTHANKS
feeling ko si mama tony or kuya paolo un sana punthn cya ni mama tony. ang bait nmn pla ni kuya jay eh. NEXT CHAP na pleaseeee
ReplyDeleteTHANKS
baka c mama tony or parents ni jan. sana magtuloy tuloy na ang pag aaral ni angelo. next chapter na sana.
ReplyDeletesi kuya paolo yun (sana)..
ReplyDelete-Nathan J.R.-