Rio, Nathan, Kristoff, Andre and LAN... I dedicate this update to you... hahaha
Robert_Mendoza, Kean Tongol, j20green and 2 anonymous commenters, thank you sa pagcomment sa last post ko. Pakilagay po name mabuti para mabati kayo.
=======================================
Pagdating ng dalawang kaibigan ko sa hotel ay animo umingay ang buhay ko. Walang katapusang tawanan, kulitan, kainan, kantahan, langoy sa pool, kain ulit... at ang paminsan-minsang pagpapalipad-hangin ni Rod.
"So kelan ka na ulit babalik?" tanong ni James habang kumakain kami.
"Baka next week pa. Need ko kasi ng parent's consent e." sabi ko.
"So, pupuntahan mo sina Tita this weekend?" si James pa rin.
"Oo, kailangan e."
"Tsk... paano kapag nalaman nila na wala ka na kina Mama Tony." si Rod.
"Alam ko alam na nila yun. Iyon pa?" si James.
Napangiti ako.
Alam na alam na talaga nila ang ugali nina Mama at Papa.
"Pero alam ba nila na Kuya mo ang tumutulong sa'yo ngayon?" si James.
"Ewan ko. Sana wag. Magugulo sila kapag nalaman nila yun."
"Sana nga. SO hanggang kelan ka dito titigil?" si Rod.
"Bakit? GUsto mo bang sa inyo muna si Angelo?" tukso ni James kay Rod sabay akbay dito.
Hinampas ni Rod ng unan si James.
"Ulol, siyempre oo." sabay tawa pa at kindat sa akin.
"Ayoko no. Baka magahasa mo pa ako palagi dun." biro ko dito.
"Gahasa pala ha." sabay akbay nito sa akin at akmang hahalikan ako.
May tumamang unan sa ulo namin.
"Pakiusap lang, may ibang tao dito. Mamaya niyo na gawin yan kapag tulog na ako. Marami kayong time para maglampungan." seryosong sita nito.
Hinampas ko rin siya ng unan.
"Lampungan ka diyan." sabi ko.
HInampas ko rin si Rod.
"Ito kasi ang kulit eh. AKala mo pusang di maihi e. Ano? Horny ka na naman?" biro ko lang kay Rod.
Napangisi ito.
"wag ka nang sumagot." sabay sabi ko dito.
"Pero pwera biro saan ka na titira nito?" si James.
"Naghahanap na nga si Kuya ng lugar para sa akin e kaso di na siya macontact e. Nag-aalala na tuloy ako dun." nalungkot ako nang maalala ko si Kuya Jay.
"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Babalikan ka rin nun." si Rod.
"Oo nga, don't worry, habang wala siya, kami muna kuya mo." si James naman.
"Ako pwedeng bana (Hiligaynon ng asawang lalaki)." sabad ni Rod.
Hinampas ko ulit ito ng unan.
"Sabing wag maharot e." sita ko dito.
Tawanan lang kami.
Mga bandang alas-tres na dinalaw ng antok ang dalawa. Pero ako di makatulog. Umupo ako sa veranda ng room ko na nakaharap sa swimming pool. Doon ako humilig ng konti.
Iniisip ko na napakaraming nangyari sa akin sa loob lamang ng mahigit tatlong taon. Marami namang mga tao sigurong naging magulo ang buhay pero di naging kasing-gulo ng sa akin.
Andaming swerte at malas na nangyari sa akin. Ang masaklap doon ay masyadong swerte at malas ang nangyayari. Kaya mas grabe ang epekto sa akin nito. Iniisip ko sa loob ng tatlong taon simula nung may mangyari sa amin ni Rexie ay sunod-sunod na ang mga pangyayari sa buhay ko. Di ko na halos mabilang lahat ng taong nakasalamuha ko, nakilala, nakarelasyon, nakasex, nakaaway, nakaibigan.
"Gel... bakit gising ka pa?" rinig kong tawag ni Rod sa akin.
Nilingon ko ito at naglakad ito papalapit sa akin. May dalang unan, nakabrief lang.
"Galing ng suot mo ah. Ano yan?" puna ko sa kanya.
Napangiti siya.
"Alam mo namang mas komportable akong matulog na nakabrief lang e. Di ba nakatabi mo na akong matulog?" sagot naman nito.
Napangiti ako.
"Sa huling pagkakaalala ko, wala kang suot nung nakatulog tayo."
Umupo ito sa harap ko. Nakalagay ang unan sa ibabaw ng hita niya natakpan ang brief nito.
"Iba yun, may ginawa tayo nun e." sagot nito.
"Rod... sa tingin mo masama ba ako?" pag-iiba ko ng usapan.
Napatitig ito sa akin.
"Bakit mo naman nasabi?"
"E kasi, di ba naging magkaibigan tayo, siguro naman naalala mo na sa ikli ng pagsasamahan natin e andami ko nang naging problema."
"Oo, pero normal lang sa tao ang magkaroon ng problema." sagot nito. Umusog ng konti palapit sa akin.
"Pero bakit ganito? Halos di na ako mawalan ng problema."
"Di ba nga sabi nila, ang binibigyan ng problema ng Diyos e yung mga taong alam niyang kaya naman i-solve yun?"
"Naku, kelan ka pa nagsalita ng ganyan?" biro ko dito.
"Seryoso ako. Alam ko, walang bias, walang biro, mabait ka. Sobrang bait mo kaya siguro andaming challenges na binibigay sa'yo para maging mas malakas ka. Hindi lang ito ang unang chance na nagsarili ka, nag-isa sa problema mo. Pero sabi mo nga sa mga kwento mo, palaging may tulong na dumarating sa iyo. Kaya asahan mo pati kami. Pero kahit papano talaga may dumarating na tulong sa iyo. Ngayon e yung Kuya mo di ka talaga pinabayaan." pagpapalubag loob nito.
Napatingin ako sa kanya.
"Alam ko tulong ang dumarating e. Pero bakit pati yata ikaw e dumating na sa harap ko." puna ko dahil napansin ko na anlapit na niya sa akin. Nakadikit na ito sa tuhod ko.
Ngumiti siya.
"Sobrang namiss kita. Namiss ka namin ni James. He's my bestfriend pero ikaw, you are so special to me."
"Oo na. Thank you Rod."
"You're welcome. Walang kiss?" sabay ngisi nito.
Yumuko akong konti para lumapit ang ulo ko sa kanya. Iginiya na rin niya ang ulo niya papalapit sa akin. Nagdampi ang mga labi namin. Mga limang segundo lang saka ko binawi ang ulo ko.
"Kiss lang di ba? Pag pinagpatuloy natin to e sa iba na naman mapupunta to."
Ngumiti lang siya sa sinabi ko.
"I love you." muling sabi nito.
Ngumiti ako sa kanya.
"I love you too..." sagot ko.
"Pero as friends..." dugtong niya.
Tumango ako.
"Yup. MAs maganda pang ganun."
"Thanks Gel."
"Thanks din Rod, for being my special friend." sabi ko.
"Basta pag wala ka pang asawa by the time gumraduate tayo ng college, sagutin mo na ako ha?"
Napatitig ako sa kanya. Ngumisi ako. Di ko alam kung seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"Baliw! Anlayo pa nun a."
"Maghihintay ako."
"Thank you. Rod, gusto mo bang tabihan ako matulog? Gusto ko nang kayakap ngayon e."
Ngumiti siya.
"Sige. Para sa iyo."
"Tara."
Tumayo na ako sa upuan, humiga sa kama. Tumabi kay James dahil nakatulog na ito. Saka humiga si Rod. INiangat niya ang ulo ko at isinuot doon ang braso niya. NIyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya. Sumiksik ako sa mabangong dibdib nito.
"Wag mo akong gahasain Gel ha?" babala nito.
"Sige... sabi mo eh." balik biro ko dito.
"Ay... biro lang. Pwede mo akong gahasain. Di ako papalag." bawi nito.
Di ako sumagot, hinalikan ko lang ang dibdib niya, saka tuluyan na akong nakatulog.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Whaaaa!. Great Chapter. :D Kelan mo ba kasi sasagutin si rod? Malay mo siya na tlaga ang exemption sa tadhana mo. Diba?
ReplyDeletekean... kelan ko sasagutin? hihi... e mahigit 10 years ago na yan eh...
Deletewahh! gusto ko c jan for you :(
ReplyDeleteako din... gusto ko siya... =)
Deleteso sweet and romantic aman tong chapter na to. . . he he he
ReplyDeleteI dont like jan n ivan for you. Super bitin
ReplyDeletenxt na. Balik n cya ky mama tony:-)
si mama tony na lang ang love team? hihihi... oeave
Deletecute at sweet, sNa ay may friends ako na tulad nila.I needed one back then pero wala dumating hehe. cguro sadyang ganun ang buhay swerte swerte lng .. nyway CUTE at SWEET ang part ng kwento mo na ito... Keep it up.. tnx gelo..
ReplyDelete-Nathan J.R.-
nathan... I can't promise to keep this up... you know naman... I can't control the events... or should I say... I couldn't control the events
Deletewould be sad if titigil kna sa pagkukuwento, but most of us will understand dahil alam namin na may kanya kanya tayong buhay na hinaharap, sayang dahil madami kang napapasayang tao at isa nako dun.. well sadyang ganyan tlgang hindi natin kayang pgilan kng anong mga mangyayari pa.. Goodluck and hope this blog lasts more years pa... ;-)
Delete-Nathan J. R.-
i got this feeling na si ROD ang bf ni gelo ngayon. baka naging sila after college..
ReplyDelete