Guys... please register or if not comment with your name para mas maganda.
Bryan Paul, LAN, Rio, ko.war, nathan.millano, Kristoff1992 thanks for keeping my chatbox busy while I am away.
Sa mga nagtext, thank you sorry if di ako nakareply, super busy sa work.
To my new followers, sorry at huli ko na kayo nabati: kevin201104, emmanuel arca, magna nimous, lanchie, ace, raymond, paul, simple_dawg, John Carlo
Sa mga nagtetext at nangungulit ng meetups at sex, ikaskas niyo na lang yang kati niyo sa pader.
=======================================
"Gel... Gel..." rinig kong gising sa akin ni Tita Anna.
Pupungas-pungas ako nang makita ko ito.
"Tita... Ano'ng oras na po?" tanong ko.
"Alas-siyete na. Saan si Jan?"
Luminga-linga ako.
"Di pa pala bumabalik." sabi ko.
"Di ka pa ba tinatawagan?"
"Di po e. Nakatulog ako. Pero alam ko po kung nasaan siya."
Natuwa ang mata ni Tita Anna.
"Naku salamat naman. Saan?"
Tiningnan ko muna si Tita Anna sa mukha. Iniisip ko kung kilala din niya ang lalaking iyon. Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.
Pero nanaig ang inis ko.
Tumayo ako at pumunta sa computer. Binuksan ito. Binuksan ang Yahoo Messenger ni Jan.
Nilingon si Tita Anna. Pinakita ko sa kanya ang message history ni Jan at ang usapan namin kanina ng foreigner.
"Oh God!" bulalas ni Tita Anna.
Napaupo ito. Parang takot na takot at concerned.
Nilapitan ko ito.
"Tita ANna. Kilala niyo po ba siya?" tanong ko.
Hinawakan ako nito sa mukha.
"Gelo... sorry sa ginawa ng anak ko. Pero mas concerned ako ngayon sa kanya."
"Bakit po Tita?"
"Iyang lalaking nakausap mo kanina at kinita niya. Iyan yung isa sa mga kaibigan niya sa Amsterdam."
"Amsterdam? Saan po yun?"
"Sa Europe. Nung nagbakasyon kami doon nang dalawang buwan, yun yung time na positive na siya. Nagbakasyon kami para mailayo siya sa lugar kung saan siya nahawa noon."
"tapos po?"
"Well, palagi din siyang lumalabas. Nahuli namin siya nung sinundan namin siya. Dahil nag-alala kami. Pumupunta pala siya sa tinatawag nilang positive club."
"Ano po yun?"
"Positive club. Sa unang dinid namin e akala mo magandang grupo. Yun pala kaya sila tinawag na positive club dahil lahat ng miyembro nila e mga homosexuals na positive na sa HIV." pagpapaliwanag ni Tita Anna.
Kumunot ang noo ko.
"Hindi lang basta-bastang club yun." pagpapatuloy ni Tita Anna. "Grupo sila nang may mga HIV na kaya ayun, okay lang sa kanila ang makipagsex sa grupo nila dahil di sila magkakahawaan. Iyang lalaking iyan, naalala ko, isa yan sa mga kasama niya sa grupong iyon."
Tumigil si Tita Anna at tiningnan lang ako.
"Inilayo namin agad siya nang malaman namin ang tungkol sa mga ginagawa niya at pagsali sa club na yun. Agad kaming umalis doon. Galit na galit siya dahil di naman daw siya dapat katakutan dahil pare-pareho lang silang may HIV. Iyon nga lang ang sabi ng mga doctor, kahit may HIV siya ay pwede pang lumala iyon dahil mas dumadami ang mga virus sa katawan niya."
Hinampas ni Tita Anna ang kama.
"I don't know when or how they were able to communicate uli. Ang tigas tigas ng ulo niyang si Jan. Inilayo na nga namin dun e siya pa ang nagdala nito dito. God!!!" napapasigaw na si Tita Anna.
Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Tito Edward. Wala pang isang oras ay dumating na si Tito Edward, may kasamang mga pulis.
Kumunot ang noo ko. ISinakay na kaming lahat sa van.
"Tita, bakit po may pulis?" tanong ko.
"We should have done this earlier." sabad ni Tito Edward.
"Ang ano po?" tanong ko ulit.
Di ako sinagot ni Tito Ed at ibinaling ang atensiyon niya sa dalawang kausap na pulis. Napadaan kami sa West Visayas Medical Center at may sumakay na dalawang lalaki. Sa pagkakaalam ko doctor sila dahil doc ang tawag ni Tito Edward sa kanila.
Dire-diretso kami at pumunta sa isang hotel sa city proper. Kaagad na hinarap kami ng receptionist ng hotel at nang kinausap ng doctor at pulis ito ay tinawag ang manager. Mabilis naman na kinuha ng manager ang susi niya at sumakay kami sa elevator.
"Thank you for informing us earlier." rinig kong sabi nito sa mga doctor.
Paglabas namin ay dire-diretso kami sa hallway at nang marating ang isang kwarto ay isinuksok ng manager ang susi sa doorknob na hindi man lang kumatok. Nang bumukas ang pinto ay kaagad na pumasok ang mga pulis at doctor. Sumunod kaming tatlo nina Tita Anna at Tito Edward.
Ang mga sumunog na nakita ko ay hindi ko nasikmura.
NAsa sahig sina Jan at ang foreigner na yun. Nakadapa silang dalawa at nakadagan si Jan sa kanya. Hubo't hubad at natutulog. Pawisan. Sa katabi nila ay may magkayakap din na dalawang binata. Ang isang kamay pa ng binata ay nakasapo sa puwet ni Jan. Tulog din sila. KItang-kita namin sa sahig ang mga nakakalat na maliliit na plastic.
"Naku, pards" sabay dampot ng pulis. "Shabu pa yata tinira ng mga to."
Kaagad na hinawakan ni Tito Edward si Jan sa balikat. Hinila ito patayo.
Unti-unting minumulat ni Jan ang mata niya at parang wala ito sa sarili.
"Dad?" tanong nito.
Susuntukin na sana ni Tito Edward si Jan pero hinila ni Tita Anna si Jan at binalutan nang kumot.
"Edward, wag dito." sigaw ni Tita ANna.
Ginising ng mga pulis yung tatlo pang nasa sahig.
Nagulat ang mga ito. Kaagad na tumayo ang isa at tatalon pa sana ng bintan kaso nahawakan siya ng pulis. Ang isa naman ay hiyang-hiya at nagtatakip ng mukha. Ang gagong foreigner ay tumatawa-tawa pa at tinuturo si Jan.
Nilapitan ko ito at sinuntok sa mukha. Ramdam ko ang paghagupit ng sakit sa braso ko sa sobrang lakas ng suntok ko pero di ko ito ininda dahil nakita kong dumugo ang bibig ng foreigner.
"Fuck you! I will sue you for this!" sigaw nito.
Kaagad na hiniga ng doctor ang dalawang lalaki at chineck ang mga vitals nila. May kung anong ininject sa kanila pero di ko alam kung ano. Pagkatapos ay inalalayan na sila papasok sa ambulansiya. Pati sina Jan at ang foreigner ay sa pinakamalapit na ospital dinala.
Walang malay si Jan at ang isa pang binata nang dinala sa ospital kaya diniretso sila sa emergency. Ang foreigner at ang isang binata ay chinicheckup pa.
Hindi ko magawang lumapit kay Jan. Sinamahan ako ni Tita ANna. Si Tito Edward naman ay may kausap sa cellphone.
Napaupo na ako at umiyak. Inalo ako ni Tita Anna.
"TIta... kasalanan ko kung bakit naging ganyan si Jan. Ako ang malas sa pamilya niyo." iyak ko dito.
"Shhh... You've been a very good friend... special friend to him. Kung ano man ang nangyari ngayon, it's not your fault." pagpapakalma nito.
"Bakit po ba nagawa niya pang gawin iyon sa iba? Andito naman ako. Kaya ko naman gawin sa kanya kahit ano."
"Alam niya yun, kaso he won't do it with you dahil ayaw niyang mahawa ka. Ayaw niyang sapitin mo ang sinapit niya. He's just protecting you." si Tita Anna pa rin.
"Ang sabihin mo. Masyadong makati iyang anak mo." si Tito Edward.
"Edward!" saway ni Tita Anna dito.
"I'm sorry Angelo pero we should have told you about this bago pa nangyari ito. Jan is not the same Jan that you know. Hindi kita sinisisi dito pero he really changed. Kung meron mang naging problema dito, siya ang nagdala niyan sa sarili niya."
"Edward, stop it." ulit na saway ni Tita Anna.
"Why Anna? Why would I stop, if that sex addict son of your couldn't stop? Ha? We should have done this before pero we tolerated him. Sumunod tayo sa mga gusto niya. We didn't help him, we made him worse. Dapat nung una pa lang na nagkaroon ng sakit yang anak mo ay hinayaan na natin siyang gamutin ng mga doctor pero what did you do? Ayaw mong iwan ang anak mo sa ospital dahil nandidiri ka na na malaman ng ibang tao na kung bakit nasa ospital ang anak mo." sumbat ni Tito Ed dito.
"I was never ashamed of our son. He's my son and I love him whatever he is. If you would have been understanding from the start, we could have saved him from having what he has now. Pare-pareho tayong may kasalanan dito so don't throw the blame on me." galit na rin si Tita Anna.
"Tito, Tita... please stop. Wag na kayong magsumbatan. Bakit di na lang ako ang sisihin niyo. Ever since naman na naging kami ni Jan, ako ang dahilan na nagkagulo kayo. This would have never happened kung di ako pumasok sa buhay niyo. Pero I hope, you won't make this about you. Kasi right now, it's about Jan. We should focus on helping him. He needs you now."
Napaupo na si Tita Anna. Sumandal naman si Tito Edward sa poste. Marami nang nakatingin sa eskandalong ginawa namin.
"By the time na makalabas si Jan sa ospital, sana po bantayan niyo siyang mabuti. Gawin niyo lahat para maging mabuti ang kalagayan niya. Pero..." umiyak na ako. "...sad to say, I won't be here for him anymore. He clearly needs everything but me. I agree nagbago na siya. Nagbago na rin ang pananaw niya. Nagbago na rin ang pagtingin ko sa kanya. Today is just too much for me to bear. Kapag di pa ako lumayo sa kanya, hahabulin ako ng mga alaala nang nangyari kagabi."
Tumayo uli si Tita Anna. Hinawakan ako sa balikat.
"Don't say that. Jan needs you." pag-aalo nito.
"He's right. Angelo's right." si Tito Edward.
Tumingin kami sa kanya.
"You should let the poor boy go. Wag na natin siyang idamay dito." pagpapatuloy nito.
"But, Ed..." si Tita Anna.
"Anna... we know for a fact bakit siya binalikan ni Jan. He's trying to redeem himself. Alam naman natin nung sinabi ni Jan na babalikan niya si Angelo dahil baka si Angelo ang makatulong sa kanya. Pero frankly, Angelo can't help him." pagpapatuloy ni Tito Ed.
Napayuko ako. Para akong nainsulto masyado.
Lumapit si Tito Ed at hinawakan ang balikat ko.
"It's not your fault. We know na you did your best and everything to help Jan. You took care of him, you loved him nang walang kulang. Pero he's the problem. He's a different person now. I know matalino kang bata kaso nabubulagan ka. I know you didn't notice ang mga mood swings niya, pagiging mainitin ang ulo at iba pa dahil mahal mo siya. Pero not to discourage you, he's not the same Jan. Your Tita Anna knows that too."
Tiningnan ko si Tita Anna kung totoo. Tumahimik lang ito.
"We know, this is a very big mess for you to bear and it will haunt you for months, years or forever. But I promise you, we will take care of Jan from now on. Di na namin ipapasa ang responsibilidad sa pag-aalaga sa kanya gaya ng pagpasa namin nito sa iyo. I think, and I know you will agree... mas mabuting wag na muna kayo magkita." malumanay na paliwanag ni Tito Edward.
Tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Di dahil sa nalungkot ako kundi dahil alam kong tama si Tito Edward at di ko siya makontra dahil alam kong tama siya. YUmakap ako kay Tito Edward at yumakap din ito sa akin. Yumakap din si Tita Anna.
"Angelo, I'm sorry na dinamay ka namin sa gulong ito." si Tita ANna.
"Please take care of Jan po." sabi ko paulit-ulit.
"We will." si Tito Ed.
Nang bumitaw na kami ng yakap ay nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila.
Mabuti na lang at may pera pa ako kaya nagtaxi na lang ako pabalik sa bahay nila.
Pagdating sa bahay ay kaagad na nakitsismis ang mga katulong nila. Pero sabi ko sina Tita Anna na lang ang tanungin.
Dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Kinuha ko ang picture frame na may picture namin ni Jan. Umiyak ako nang umiyak. Ayoko siyang iwan pero kailangan. Tama lahat ng sinasabi ni Tito Edward. Maraming nagbago sa kanya lalong lalo na sa ugali niya pero di ko pinapansin dahil mas nakikita ko ang magagandang nangyayari sa amin. Pero tama sila, maraming nagbago kay Jan.
Pinunasan ko ang luha ko. Pinilit patatagin ang sarili ko. Inangat ko ang telepono at nagdial.
Matagal na nag-ring bago may sumagot.
"Hello... Kuya.."
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Nakakainis pero malaking challenge na naman na dapat lagpasan. Kudos sayo sa pagiging matatag mo.
ReplyDeletegooo kaya mo yab gel,,
ReplyDeletelol kuya paolo is coming back. (haha umaasa pa rin ako)
ReplyDelete<(Nathan J.R.)>