Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Sabado, Disyembre 17, 2011

True Gay Stories... Ram

This is a true a true story shared by my friend. Obviously I asked his permission to post his story.

=========================

Galing si Ram sa office nila. Kakabreak pa lang niya sa boyfriend niya at kahit anong gawin niya ay di pa rin mawala sa isip niya ang lungkot at ang alaala ng boyfriend niya.

Sabado at wala siyang ibang plano kaya naisipan niyang mag-shopping.

Sumakay siya ng MRT at bumaba sa Cubao. Nag-ikot siya sa Farmer's Mall. Isa sa mga nasa isip niya ay alam niya na maraming tumatambay na mga bisexual at callboy doon kaya nagbaka-sakali siya sa kahit alin sa dalawa.

Di ganoon kaguwapo si Ram kaya ang pagkukuha ng callboy ay ginagawa rin niya para lang makakuha ng panandaliang aliw.

Si George ay dati niyang suking callboy hanggang sa naisipan niyang ibahay ito ngunit o
pagkatapos ng ilang buwang pagsisilbi dito at ilang libong pisong nagastos niya para sa mga luho nito ay naabutan niya na lang na pasakay na ng jeep ito dala-dala ang mga bag nito. Di na niya makontak ang cellphone nito. Hanggang dun na lang ang pagsasama nila.

Kahit papaano ay minahal niya ito di lang dahil sa guwapo, macho at malaki ang ari nito kundi dahil sa naging mabait ito sa kaniya.

Kaso ganun talaga siguro ang mga relasyon ng bading at lalaki... nagtatapos.

Mga kalahating oras na siyang nag-iikot nang may lumapit sa kanyang lalaki. Sa porma pa lang nito ay alam mo nang callboy. Kaso di niya type ang lalako kaya nagdahilan siya.

May ilang bisexual din siyang nakita na may mukha kaso siya naman amg di type.

Naglakad na lang siya papunta ng Gateway. Nagbaka-sakali na may makita siya doon dahil alam nga niya na maraming bisexual ang tumatambay doon.

Pagdating doon ay marami ngang bisexual kaso mga maaarte halos lahat. Parang nagpapatalbugan sa suot at mukha pero ang kakapal ng foundation. Masyadong halatang bading kahit pa suot e panlalaki.

"Paminta" naisip nito. "Mga trying hard na paminta."

Naglakad siya at nag-Ikot sa Isetann. Ang akala niyang Isetann e katulad ng Isetann sa Recto na maraming callboy. Kaso wala pala doon. Inikot niya hanggang 5th floor kaso walang tumatambay doon. Napabili siya ng bag para di siya mukhang umiikot lang.

Palabas niya ng Isetan e nakita niya ang isang sinehan na kadikit ng LRT2 station. Ang palabas Sexventure. Alam niya na sa mga ganung sinehan ay siguradong may booking.

Nagulat siya na mahal din ang entrance dito. Pinili niya ang balcony dahil iyon daw ang maraming may nangyayari.

Pagpasok niya pa lang sa sinehan at umakyat ng 2nd floor e maraming tumatambay kaso parang halos lahat e matandang bakla o parang maysakit na callboy.

Nagbakasakali pa rin siya. Pumasok siya sa balcony at sa daanan pa lang ay marami na ang nagpaparamdam.

Umupo siya sa bandang likuran kung saan maramu ding andun. May mga nagsusubuan na at may mga naghahalikan.

Nilapitan siya ng isang callboy. Matangkad. Maganda ang katawan. Kaso may amoy.

Umayaw siya.

Maya-maya may lumapit sa kanya. Kahit madilim ay kita ang magandang mukha nito. Tumabi ito sa kanya.

"May kasama ka?" tanong ng lalaki kay Ram.

Alam na ni Ram na ganun ang usual na tinatanong ng mga callboy.

"Wala." sagot naman niya.

"Ahh. Ano hanap mo?" tanong p uli nito.

"Hmmm. Alam mo na yun." diretsang sagot niya.

"Gusto mo ba ako?"tanong uli nito.

"Oo." sagot naman ni Ram.

"Biyahe tayo?" tanong ng callboy.

"Magkano?" tanong ni Ram.

"Ikaw bahala." sabi ng callboy.

"Ayoko ng ganun. Dapat magpresyo ka kasi baka mamaya magreklamo ka." si Ram.

"Sige. 2000." sabi nung lalaki.

Halos mabulunan si Ram.

"Grabe. Ang mahal naman."

"Good service naman." pagpapaliwanag ng callboy.

"Wag na lang. Wala akong ganung pera." sabi ni Ram.

"Sige." pagpapaalam ng callboy.

Akala ni Ram ay tatawad yung callboy at dun na siya papayag. Kaso sa guwapo nun maraming kakagat sa presyo nito.

Nakadalawang alang na ang pelikula ba sa tingin ni Ram ay walang katuturan at pangit ang acting ng mga artista. Lumabas na ito ng sinehan at nag-ikot uli ito sa Farmer's.

May mga lumapit na tatlong callboy kaso parang ambabata pa. Kaya umayaw din siya.

Maya-maya ay pasara na ang mall. Bumaba siya ng ground floor at kumain sa Tropical Hut.

Doon ay umupo siya at kumain katabi ng glass wall.

Habang kumakain ay may nakita siyang lalaking guwapo at macho na umupo sa labas at nakaharap sa kanya.

Pasulyap-sulyap lang si Ram. Nang mapansin niyang tumitingin din sa kanya ang lalaki eh tinitigan niya rin ito at ngumiti. Di niya inaasahan at nag-fuck you sign ang lalaki. Tumayo ito at umalis.

Nainis na si Ram. Nagdesisyon na itong umuwi. Patawid sita papunta sa Eurotel nang may makita sitang nakaupong mga labinlimang lalaki.

Imbes na umuwi e tumambay siya sa harap ng Chowking. Hinintay niya na may lumapit sa kanya. Nakita niyang may tumayong tatlong lalaki. Dalawa okay.

Sinundan niya ang mga iyo papunta ng Gateway. Nang pagdating ng likod ng Isetann e naghiwalay ang tatlo. Doon ay sinundan niya ang isang okay.

Napansin sya nito kaya tumigil ito sa paglakad at umupo.

Umupo din si Ram medyo malayo dito. Nililingon din siya nung guwapo. Ngumiti ito sa kanya. Ngumiti din siya.

Tumayo ang lalaki at lumapit papunta sa kanya.

To be continued...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento