Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Linggo, Disyembre 25, 2011

My SJV Series (Chapter 13... Girlfriend or Boyfriend)


Merry Christmas Guys... Timing yata ito e. Hahaha

================================================================

Kahit na ganoon ang sinabi ko kay Kuya Bon ay hindi pa rin ako sigurado na ganun nga ang gagawin ko. Kaso sabi ko nga dati paano ko malalamna na bading talaga ako kung di ko naman nasubukan na magkarelasyon sa babae.

Sabado ng umaga. Maaga akong kinatok ni Mama Tony para gisingin at mag-almusal. Habang kumakain kami ay kinakumusta niya ang mga nangyari sa school ko at iba pa.

"Alam mo ba kung paano ko naging mga inaanak ang mga magulang mo sa kasal?"

Umiling ako.

"Hindi po e. Di naman kasi sila makwento. Bihira nga kami magkita e." sagot ko na lang.

"Aaahhhh... di pa rin sila nagabbago..."

Ngumiti lang ako.





"anyway, unang nagkakilala kami ng Mama at Papa mo sa simbahan. Nakuwento naman siguro nila na members sila ng choir dati." pagkukuwento nito.

"Opo."

"Yun... so dati pa nakikita ko na silang dalawa... member sila ng Charismatic choir. Sila talaga ang mapapansin mo dahil yung Papa mo ang naggigitara, di pa uso ang piano at organ noon, at ang mama mo ang palaging nagsosolo. Maganda ang boses ng Mama mo, di ba?"

"Opo." sagot ko uli.

"Ayun, ako naman kasi palagi sa simbahan at ang oras ng pagsimba ko ay yun ding oras ng pagkanta nila. Malapit ako sa simbahan noon, sa mga pari at mga tao doon. Kapag may handaan nga sa simbahan ay may naka-reserve talagang upuan sa akin at may invitation palagi iyon. Siguro dahil na rin mahilig ako mag-donate ng pera dun. Ka-close ko ang mga pari. At dahil nagustuhan ko ang pagkanta ng mga magulang mo, nang ikasal ang mga anak ko, sila ang kinukuha kong taga-kanta."

Ngumiti siya saglit parang may inaalala.

"Ayun, hanggang sa naging palagian ko na silang bisita sa bahay, naging malapit din sila sa mga anak ko. Hanggang sa tuluyan na nga silang nagpakasal at kinuha na akong ninang." pagtatapos nito.

Ngumiti na lang ako sa kwento niya.

Agad siyang tumayo pagkatapos niyang kumain.

"O siya, mamamalengke na ulit kami ni Linda. Dito ka lang ha? Baka naman makagat ka naman ng aso. Kung mamamasyal ka, diyan-diyan lang, wag ka nang pumunta sa ibang phase. Wag kang lalampas ng oval Okay?" paalala nito.

"Sige po. Ingat po kayo."

Ngumiti siya sa akin, tinapik ako sa ulo at pumasok na ng bahay.

Maya-maya pa ay narinig ko nang nagbukas ng gate, lumabas ang van at sumara uli ang gate.

Nalakad-lakad ako sa garden para ma-exercise ko ang binti ko. Mabuti naman at wala nang kirot.

Angsarap talagang maglakad-lakad sa garden ni Mama TOny, kahit marami pang ginagawa ay nakaka-relax. Hinubad ko ang tsinelas ko at nakapaang naglakad sa bermuda grass. Agad ay pumasok ako sa bahay at kinuha ang sketch pad ko at lapis saka bumalik sa garden. Naisipan kong umupo sa bermuda grass at mag-sketch.

Ito ang isa sa mga pasttime ko. Ang mag-sketch. Ang pinakahilig ko mukha. Ayaw ko nang may tinitingnan na picture. Gusto ko e yung nasa harap ko o iniimagine ko lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-sketch ko nang may nag-doorbell. Dahil alam kong andun si Kuya Mario ay siya na lang ang hinayaan kong tumingin.

"Angelo." tawag sa akin ng pamilyar na boses. Si Ian.

Agad ko siyang nilingon at napangiti ako sa ganda ng ngiti niya. Agad siyang lumapit sa akin, hinubad ang tsinelas niya at umupo din sa tabi ko sa bermuda grass.

"Kumusta ka na? Isang linggo kitang di nakita a." bungad nito.

"Okay naman. Nakakalakad na. Ikaw?"

"Eto, inaasahan ko na andito ka. Mabuti di ka umalis. Matagal kitang hinintay makita uli e." sabay akbay nito sa akin.

"Oo nga eh. Palagi kasi akong nasa school e. Anong bago sa iyo?" pilit pinipigilang makilig sa pag-akbay niya. Naaamoy ko ang pabango niya.

"Wala naman. Namiss lang kita." medyo humina ang boses nito.

Ngumiti lang ako. Tinapik ko siya sa hita.

Hinawakan niya ang kamay ko. Sandaling tumigil doon pero binawi ko rin.

"Bakit?" tanong nito.

"Magulo pa ang isip ko Ian." sabi ko.

"Bakit? Galit ka pa rin ba sa paghalik ko last week?"

"Hindi... sa totoo lang... gusto kita... namiss kita." pagtatapat ko sa kaniya.

"E bakit ka umiiwas sa akin?" ,asuyong tanong nito.

Agad niyang hinila ang kamay niya dahil dumaan si Kuya Mario. May kinuha lang sa ilalim ng puno ng tisa. Umalis din agad ito pagkatapos ngumiti sa amin.

"Di kasi pwedeng maging tayo." diretsong sabi ko dito.

"Bakit naman?" malungkot na tanong nito.

"Tatapatin kita. Marami na akong karanasan sa kapwa ko lalaki at lahat yun ay di maganda ang mga naidulot. Di maganda ang naging ending."

"Alam kong di maganda kaya nga may ending e. Pero promise ko kapag naging tayo walang ending."

Natawa ako sa logic niya.

"Pero walang patutunguhan ito. Habambuhay tayong magtatago kung maging tayo man. Ang tam ay ang magka-girlfriend ka at magka-girlfriend ako."

"Seryoso ka? Para mong niloloko ang sarili mo, Lolokohin lang natin ang mga babae. Lalong lalo na lolokohin mo lang din ako. Apat na tao ang masasaktan dito."

"Ano ba ang gusto mo, masaktan ang pamilya mo?"

Natahimik siya.

"So mas gusto mo e maghanap na rin ako ng girlfriend?" pagtatanong uli nito.

Natahimik ako. Kahit masakit sa akin e tumango ako.

"Okay sabi mo eh." seryosong sabi niya.

"Ian, sorry ha?"

Tumango na lang siya.

"Ian, pwede ba kitang iguhit?"

Tumingin siya sa akin. Hinawakan ako sa kamay. Tiningnan ako ng matagal.

"Sige. Pero may isang kondisyon." seryosong sabi nito.

"Ano?"

"Alam mo yung sa Titanic?" sabay ngiti nito.

"Huh?"

"Naalala mo ang giuawa ni Jack at Rose?"

"Alin dun? Yung iginuhit siyang nakahubad?"

Tumango siyang nakangiti.

Biglang uminit ang pakiramdam ko.

"Saan naman tayo?" tanong ko.

"Di pwede sa amin e. Daming tao. Pwede ba sa kuwarto mo?"

"sige."

Iyon lang at binuhat namin ang mga gamit ko. Dumaan kami sa likod ng bahay at nagpaalam kay Kuya Mario na sa taas lang kami.

Agad ay dumiretso kami ng kuwarto ko at naglock ng pinto.

Dali-dali ay naghubad si Ian. Inaasahan ko na na maghuhubad siya pati ng brief niya.

Agad siyang humiga sa kamna ko ng hubo't hubad. Nag-init ang pakiramdam ko. Lalo na nung mapadako ang mata ko sa ari niya na nakatayo na.

Napansin niya ang tingin ko at napangiti siya.

"Malamig e." paliwanag pa nito.

Napailing ako.

"Seryoso ka ba diyan? Paano kung may makakita ng drawing ko at makilala ka?"

"E di mainggit sila sa laki nito." biro pa ni Ian.

Natawa ako.

"Okay, sabi mo eh."

Iyon lang at inumpisahan ko na ang pagdrawing sa kanya. Pagsketch ko pa lang ng buong katawan niya ay di ako makapagpigil na pagpawisan dahil nadadaanan ng mata ko ang katawan at ari niya.

Parang may sariling pag-iisip ang ari niya at gumalaw ito.

Natawa uli ako.

Mga 15 mninutes ay natapos ko na ang mukha niya. Pumunta na ang pagguhit ko sa katawan niya. Habang ginuguhit ko ang dibdib niya ay iniisip ko na hawakan ang dibdib niya. Lalo na ang magagandang braso niya.

Medyo natagalan ako sa pagdrawing ng dibdib at braso niya dahil nanginginig ang kamay ko.

Dumating na ako sa dako ng baywang niya. Doon ko natitigan ang maliit niyang baywang at ang magandang abs niya. Lalong nahirapan ako nang sa bandang ari na niya. Di lang sa dahil naaasiwa ako na dinodrawing ang ari niya kundi dahil galaw ng galaw ang ari niya.

Ilang beses kong binura ang sketch ko ng ari niya dahil paiba-iba ng posisyon nito.

"Ano ba yan? Wag mo nga galaw-galawin. Di ko makuha e." utos ko.

"Gusto mo bang kunin?" malokong tanong nito.

"Gago. Wag kang ganyan. Drawing lang di ba?"

Agad ay hinila niya ang sketch pad ko at tinapon sa baba ng kama. Hindi ko napigilan ang biglaang paghalik niya.

Dala na rin na nakahubo't hubad siya ay hindi ko napigilan ang yakapin siya. Agad na hinimas ang dalawang pwet niya. Nilamas ito at unti-unti ay dumako ang kamay ko sa harapan niya.

"Alam ko namang gusto mong hawakan ito e. Kanina pa. Sa iyo ngayon yan." bulong nito sa tenga ko.

"Shhhh..." utos ko.

Saka tuluyang naghalikan kami.

--------------------------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.

6 (na) komento:

  1. Wow ang ganda na ang takbo ng kwento mo dark angel.More update pleaseeee

    TumugonBurahin
  2. How come walang nangyayari sa aking ganyan? hehehe! Thanks, Gel!

    TumugonBurahin
  3. woah! as uSual mala-titanic nga ang eksena.. wag lng magkaRoon ng tragedy. hehehe. ang ganda ng poSt ngaun.

    TumugonBurahin
  4. amh dark sino ung nasa pic? tanong kulang kaw bayan?

    TumugonBurahin
  5. Sana maging sila ni Ian :) wag na syang magpakipot pa! Go na lng! Sya rin naman ang masasaktan eh :))

    TumugonBurahin
  6. so this is the last story so far. i have read most of your stories, and the unexpected disappearance of gilbert was the saddest part for me. i envy you! napaka rich ng experiences mo. i'll check your blog for new posts later this week.

    TumugonBurahin