Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Martes, Nobyembre 15, 2011

My Freshman Series (Chapter 22... Halloween Night)


Hmmmm...

=====================================

Sa wakas ay natapos din namin ang decoration 2 hours bago ang pagdating ng mga ibang committee. Maliban sa mga magdadala ng pagkain namin ay wala nang ibang pwedeng pumasok para surprise ang design.

Kinagabihan.

Pagsapit ng alas-siyete ay nagtipon na kami sa harap ng choir room. Pati mga teacher namin ay di namin pinayagang pumasok pero sila ang mga nilagay namin sa unahan ng pila.

Sa wakas ay dumating na halos lahat at oras na para pumasok.

Ang ginawa ng grupo namin ay hindi lang basta mga design kundi mga mobile design. Ibig sabihin ay gagalaw iyon depende sa mga string na nakatali doon. Para siyang trap kumbaga. Sa bandang pinto pa lang ay marami ng nakahandang trap dahil doon siyempr marami ang dadaan.

Pagpasok pa lang ng mga teacher namin at natamaan nila ang unang string ay agad na may malalaglag na mga maliliit na laruang gagamba. Di lang basta laruan, nilagyan pa namin ng mga string para kunwari e makati.

Siyempre sigawan halos lahat lalo na ang mga babae. Kaming mga nasa likod ay tawa lang ng tawa. Pagpasok ng mga teacher namin ay akala ng mga kasunod nila ay safe na sila dahil na-trigger na ang trap pero di nila alam na meron pang mga trap na ang string e nasa labas ng pinto at dahil nasa huli kami ay agad naming hinila iyon.

Mabilis na may lumipad na tela na parang multo galing sa kisame namin, pabagsak sa ulo ng mga nasa harap. Siyempre tilian na naman ang iba. Yung isang babae e napayakap pa sa akin. Medyo matagal din iyon. Ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya sa pagkakayakap sa akin. Medyo asiwa ako.

Napalingon na lang siya sa akin nang nakalayo na siya. Ngayon ko lang napansin na maganda pala siya. First year din pero di ko kaklase.

Mga ilang minuto pang puro tilian at sigawan ang naririnig dahil sa dami ng mga traps na ginawa namin. Ang simpleng decoration ay naging horror house. Pati ang mga upuan nila ay may mga string din.

Nang halos maubos na ang mga trap ay nagsimula na ang program.

"UNa sa lahat, thank you sa decoration committee sa pangunguna ni Angelo kaya naging mas kakaiba ang halloween party natin ngayon." Panimula ng president naming si Dianne.

Pagkatapos noon ay nagkaroon ng intermission number ang mga 4th year. Siyempre tilian ang mga babae dahil nga naman ang guguwapo nv mga 4th years namin. Lalong lalo na ang sayaw nila ay yung thriller ni Michael Jackson. Pero ang pinagkaiba nga lang ay ang mga Zombie na ito ay mga naka-topless. Siyempre todo laway na ako secretly.

Sa wakas ay natapos din dahil sakit na ang puson ko sa mga kasarapang nasa harap namin.

Pagkatapos ng intermission ay may awarding ng premyo dahil may simpleng raffle kami.

Pagkatapos noon ay kainan na, ilang intermission number at games. Pagkatapos noon ay ilang oras ng sayawan. Habang sayawan ay paminsanminsan ay nahuhuli kong sumusulyap sa akin si Ryan pero binabaling ko na lang ang tingin ko kay Mike.

Mga bandang alas-dose ay nagsimula nang mag-uwian ng iba. Kami bilang decpration committee ay kailangan pang maglinis pagkatapos.

"Kung sino nga pala ang gustong magpalipas ng gabi dito ay pwedeng gamitin yung mga foam at unan sa stockroom." paalala ni Maam Alba.

Saka nag-decide ang iba sa amin na doon na lang magpalipas ng gabi. Sumang-ayon din ako dahil late na at ayoko nang gisingin si Kuya Gilbert. Tutal nagpaalam naman ako kay Kuya Gilbert na baka umagahin din kami. Basta daw nasa school lang ako at di gagala. Kasama din sa nagpaiwan si Mike at Ryan.

May naisip na naman tuloy ako sa tingin ng dalawa. Ang tingin ni Ryan na punong-puno ng pag-uusap at ng kay Mike na punong-puno ng kapilyuhan.

4 (na) komento:

  1. sayang namang, bitin naman..... when namng ang karugtong pleaseeee nakaka adik tlaga.

    TumugonBurahin
  2. haha. ganun tlaga. mya maya. nasa biyahe me papasok work e

    TumugonBurahin
  3. sana po maituloy nyo :D maganda na po kasi eh =)

    TumugonBurahin
  4. ok lang yan guys gagawin nman ni dark angel yan eh wait lang kau!!!!! busy ung tao eh!!!! busy sa work busy sa love joke

    TumugonBurahin