Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Linggo, Nobyembre 13, 2011

My Freshman Series (Chapter 21... Pang-alis Kati)


Eto na naman... hahaha

=================================================

Pinakiramdaman ko muna kung seryoso siya. Medyo namanhid na ako siguro sa dami ng pinagdaanan ko. Sa sex, sa love, sa mundo ng kabaklaan. Ang unfair lang e ang bata ko pa nang nangyari sa akin iyon.

"How can you prove to me na kaya mo akong panindigan?" agad kong tanong

"Panindigan? Buntis ka ba?" biro pa nito.

"Alam mo na gusto kong sabihin." sabi ko

"Di eh. Paki-explain."

"Ano ba ang gusto mo? Ang maging tayo o ang makasex lang ako?" diretsahang tanong.

"Maging tayo." mabilis nitong sagot.

Matagal na katahimikan uli. Walang nagsalita. Mas lalo niyang diniinan ang pagyakap sa akin.

"Gel..." malambing na sabi nito ng pangalan ko.

"Oh, bakit? Ano ba gusto mo?"

"Ikaw?"

"Ano'ng ako?"

"Ikaw? Ikaw ang gusto ko." sabay halik sa punong-tenga ko.

"Tapos?"

Ibinaba niya ang kamay niya sa tiyan ko. Unti-unting iniangat ang damit ko.

"Hep hep hep. Ano yan?" sabay pigil ko sa kamay niya bago pa ako mahubaran.

"Ayaw mo ba?" bulong uli nito sa tenga ko.

"Di pa nga tayo e iyan na agad ang gusto mo? Ano ako cheap?" tuwiran kong sabi.

"Di naman sa ganun." paliwanag pa nito.

Agad akong tumayo.

"Thanks but no thanks. Iyan ba tingin mo sa akin? Cheap? Na kahit di pa kita boyfriend e papayag na ako makipag-sex sa'yo?" medyo inis kong sabi.

"Wala naman akong sinasabing ganyan e."

"Wala ka ngang sinasabing ganyan pero yung ginagawa mo. Iyon ang ibig sabihin noon." Panunumbat ko.

Agad kong kinuha ang gamit ko at inayos ang sarili ko bago ako lumabas ng pinto.

Agad akong tumigil at nilingon siya.

"For your information, papayag na sana ako dahil gusto din kita. Kaso sawa na akong maging pang-alis ng kati. Kung gusto mo lang magpalabas, marami diyan. Ilang libo ang estudyante dito sa school na ito. Marami ang magkakandarapang sumubo niyang kanina mo pang tigas na tigas na titi o kahit magpakantot sa'yo. But try to treat them with respect. Bagay na meron ako dati sa'yo pero nawala ngayon."

Agad akong dire-diretsong lumabas ng school. Pumunta ako sa malapit na pay phone at tinawagan si Kuya Gilbert.

Umupo ako sa malapit na waiting shed habang naghihintay kay Kuya Gilbert.

Maya-maya pa ay lumabas na rin ng school si Ryan. Luminga-linga ito at nang makita ako ay agad akong pinuntahan. Seryoso ang mukha nito.

"Gel, sorry na sa nangyari sa loob. Nadala lang ako..." Sabi nito.

"Ng libog." Pagtatapos ko sa sinasabi niya.

"Ng pagmamahal ko sa iyo." pagtutuwid nito.

Tumawa ako.

"Sige nga. Kung sakaling naging babae ako at nagustuhan mo ako. Sa tingin mo ba ay magandang tingnan na balak mo na akong hubaran nang hindi pa man nagiging tayo?" seryoso ang mukha kong tanong sa kanya.

Di siya nakasagot.

"Hindi di ba? Pero dahil sa hindi tayo babae at lalaki, di ibig sabihin noon ay pwede na nating gawin iyong gusto mo dahil wala namang mawawala sa atin." pagpapatuloy ko.

"Gel..." pagsasabad nito.

Ngumiti lang ako sa kanya. Saka namang dumating ang kotse ni Kuya Gilbert.

"Sige na. Andiyan na ang sundo ko. Let's just be friends para wala nang away. Okay?" saka tinapik ko siya sa balikat.

Hinawakan niya ang braso ko. Sandali. Saka ko iwinaksi iyon.

"Mas maganda na ang ganoon." sabi ko sa kanya.

Tumahimik na ito.

Pagkapara ni Kuya Gilbert sa harap namin ay agad akong pumasok sa kotse niya. Binigyan ko ng huling sulyap si Ryan. Nakayuko pa rin ito.

Saka na kami umalis ni Kuya Gilbert. Di ako masyadong kinausap ni Kuya Gilbert. Alam niyang meron na naman akong problema. Maliban sa mahinang paghawak nito sa kamay ko. Di pa nakuntento, inakbayan ako. Humilig na lang ako sa balikat niya habang pauwi.

Naisip ko. Mas mabuti na ang ganoon. Mas mabuti nang hindi na kami magkatuluyan ni Ryan. Alam ko naman na lahat ng nagiging malapit sa akin ay nawawala din. Kaya nga hindi na namin binibigyan pa ng kahulugan ang gabi't gabing pagniniig ni Kuya Gilbert para di na maputol.

Si Rexie, si Jan, si Ivan, si Ralph, si Ryan... sino pa ba ang idadagdag ng kapalaran ko para mas lalong masugatan ang puso ko.

Naisip ko, mabuti pa ang butas ng pwet ko, ilang beses nang nasaktan at dumugo pero sa kahulihan ay nasanay na rin. Sana kasing-tibay din ng puwet ko ang puso ko, para masaktan man uli ako, pasasaan man at masasanay din ako.

-------------------------

Kinabukasan ay tahimik lang ako sa classroom, kahit masyadong nagkukulitan sina James at Rod.

Dumaan ako ng CR para umihi at walang anuman ay nakasalubong ko si Ryan. Pawis na pawis ito na lumabas ng CR.

Tiningnan lang ako at ibubukas pa sana niya ang labi niya para magsalita pero dumiretso na ako sa CR. Di ko na hinintay pa ang sasabihin niya.

Pagkapasok ko sa banyo ay nakita ko na naman ang mga bading na nang-away sa akin noong enrolment.

Dahil sa ayoko ng away ay ngumiti na lang ako. Ngumiti na lang din sila. Saka nagpatuloy sa usapan.

"Uy, kumusta naman yung nota nung nasubo mo kanina?" sabi nung isang bading na medyo maputi pero asiwa ang make-up.

"Wala. Ambilis nga labasan e. Guwapo pa naman. Gusto ko pa naman sanang tagalan at namnamin yung nota niya kaso ang gago, ambilis labasan. Siguro next time baka mas matagal na siya."

Sabay tawa ng dalawa.

Aywan ko ba kung sadyang ipinaparinig nila sa akin para takamin ako sa pagsubo nila o sadyang wala lang silang mga modo para pag-usapan ang mga iyon kahit may ibang tao.

"So, paano, masusundan pa ba yun?"

"Oo naman. Ansarap ko yata tsumupa no?"

"Wow! Bongga ka sister. Nakuha mo ba ang number niya?" kilig na kilig yung isang bading.

"Oo naman. Hanapin mo sa CP ko. Wag mo agawin ha? Sinave ko yata diyan."

Natapos na akong umihi at naghugas na ako ng kamay.

"Alin ba dito?" sabi ng bading habang hinahanap sa celphone ang number.

Papalabas na ako nang biglang para akong pinukpo sa ulo.

"Akin na nga. Ito o. Yung number ni Ryan. Guwapo yun di ba?" halos patiling sabi ng bading.

Napatigil ako sa paglabas sa pintuan ng CR. Napalingon ako sa kanya.

"S...Sino'ng Ryan? Yung kakalabas lang galing dito kanina?" di ko napigilang itanong kahit natatakot akong malaman ang katotohanan.

"Ay sister, kilala yata ng bagets. Lagot ka ang ingay mo." sabi nung isa.

"Hindi okay lang iyon. Di naman ako magsasabi e." pilit na ngiti kong sabi sa kanila.

"Oo, yung guwapong lumabas bago ka pumasok. Kilala mo?" parang gulat na takot na sabi ng bading.

"Oo, kilala ko lang. Per di naman kami close e. Di ko ipagkakalat to no?" Sabi ko ulit. Saka ako kumaway sa kanila.

"Sige." MEdyo diskompiyado pa rin ang bading sa akin.

Naglakad na ako palayo sa CR.

Parang nasinghot ko lahat ng amoy ng ihi at dumi sa CR dahil parang nahilo ako at nanlambot ang tuhod ko. Naghanap ako ng bench na pwede kong pag-upuan.

Sinapo ko ang mata ko dahil ayokong umiyak sa nalaman ko. Pilit ko mang iwaksi sa isip ko dahil di ko naman boyfriend si Ryan pero ansama palang marinig na ang taong gusto mo at gusto ka rin ay pinatulan ang kakakilala lang nitong bading.

"Siguro nga libog lang ang gusto niyang iparamdam sa akin." sabi ng isip ko.

Napailing ako at napangiti sa naiisip ko.

Defensive na ako masyado. Naisip ko.

Maya-maya pa ay may umakbay sa akin. Di ko na kailangan lingunin kung sino man iyon. Kilala ko na ang amoy ng Axe Phoenix nito. Si Rod.

"O, ano'ng minumukmok mo dito?" agad na sabi nito sabay yugyog sa akin.

"Wala, nahilo lang ako. Napagod lang siguro." pinilit kong ngumiti.

"Siguro nga. Masyado ka kasing devoted sa ginagawa niyo e." hinigpitan niya pa ang pag-akbay sa akin.

"Nahihilo talaga ako Rod." sabi ko.

"Sige, hilig ka muna sa balikat ko." pag-ooffer nito.

Di na ako nag-atubili. Humilig ako sa balikat niya at mga ilang saglit din kaming ganun.

Humampas ang malamig na hangin sa pisngi ko at nakaidlip ako.

Pagkagising ko ay nakahilig na ako sa dalawang hita niya.

Agad akong bumangon.

"Naku, sorry. Nakaidlip ako." hiyang-hiya kong sabi. Di ko alam kung maraming nakakitang dumadaan sa pagkaidlip ko sa hita ng Rod.

"Hindi, okay lang. Wala naman tayong malisya e. Maliban na lang kung meron kang malisya sa akin." nakangiting sabi nito.

"Wala ah." alam ko namula ang pisngi ko. Inayos ko ang buhok ko at tumayo.

"Rod. Sorry talaga ha? Nakakahiya sa iyo. Sige punta na akong choir room." Pamamaalam ko.

"Sige, sabayan na kita. Baka makatulog ka habang naglalakad e." Sabay akbay nito sa akin.

Pagdating sa choir room ay nakita ko agad si Ryan na nakatingin sa amin ni Rod. Kita ko sa mukha niya ang pagkainis.

Pagkapasok ko ng choir room ay agad kong kinuha ang mga natitirang design sa stock room para ilabas.

Agad namang pumasok si Ryan.

"Kaya naman pala ayaw mo e. May iba naman palang gusto." agad na bulong nito sa akin.

Agad ko siyang hinarap at inismiran.

"Wag na wag mong idamay sa usapan ang mga kaibigan ko. Kahit nakaakbay man yun, kaibigan ko yun. Di ako tinatalo at di ako tinuturing na pang-alis ng kati. Bago mo baguhin ang usapan, hugasan mo muna ang laway ng bading na sumubo ng ari mo sa CR kanina. At tingnan mo ang celphone mo baka hinahanap ka na at gusto pa ng round 2." dire-diretso kong sabi sa kanya.

Di ko alam kung dahil din iyon sa masakit ang ulo ko kaya ko nasabi iyon pero kalahati ng sarili ko e gustong sabihin iyon at kalahati ay na-guilty sa pagsabi ko lahat niyon ng walang patumangga.

Di na siya nakaimik kahit na dumaan na ako papalabas ng stock room.

Kahit papaano ay naging masakit din para sa akin ang mga sinabi ko. Masakit pero dapat.

Dapat nga ba?

=================================================


Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09175863989. Thank you.

8 komento:

  1. kuwaaaaa!! di ko talaga mapigilan! > < naiinis ako dun sa ryan... but somehow parang nakakarelate ako sa feeling mo nung time na yun kuya gel... > <

    maghihintay nanaman ako sa karugtong... hihihihi :3

    TumugonBurahin
  2. Ganun, naghanap ng iba.... ang ganda talaga ng kwento mo... sana may update agad ahh. naka adik ka

    TumugonBurahin
  3. @aqua16... ako talaga? Baka yung kuwento

    TumugonBurahin
  4. kuya Gel,nakkarelate ako sa story mo, lalo na dun sa Elementary Series, and especially nung pinaghiwalay kayo ni Jan,

    keep it up,ganda ng stories mo! :D

    TumugonBurahin
  5. grabe --

    parang ako yung nakonsensya sa ginawa mo kay Ryan kuya Gel ..

    sumobra ka ata nung sinabi mong .. marami namang iba dyan na gustong masubo yung toot nya ..

    yan TULOY --

    kahit sa isang MALIGNONG BAKLA ! nagpasubo siya ng TOOT nya . ;sigh

    TumugonBurahin
  6. ok lang yan dark angel marami pang mangyayari kahit na nga un adult kana!!!! di kana nagrereply da text ku why?

    TumugonBurahin
  7. @Shun... sorry, sira CP ko. There are times na di ko mapindot yung keys, touchscreen kasi e. Pumapalya na. Luma na. Don't worry, maghahanap kami ng CP mamaya ng bf ko, para mapalitan na CP ko... txt na ulit tau

    TumugonBurahin
  8. @Prince... okay lang yan... at least nalaman ko yung totoo niyang ugali... I miss ur text din

    TumugonBurahin