Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Huwebes, Setyembre 29, 2011

My Freshman Series 14 (Meeting you... again)


Here's the new update guys.

=========================================

"Gel, kailangan mo yata kumain ng mainit. Parang babagsak na ang mata mo eh." alalang sabi ni James.

"Naku, wag na. Ganito talaga ako pag maraming ginagawa sa gabi." wika ko.

"Naku naman kasi. Alam mo namang may pasok ka kinabukasan ay hindi mo na lang pinagpaliban." sabi pa nito.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Naku, kung alam mo lang ang ginawa ko, baka ipagawa mo rin sa akin yun." naisip ko.

Napansin kong kanina pa tingin nang tingin si James sa relo niya.

"O bakit parang may hinihintay ka?" puna ko.

"Meron nga. E yung gagong kaibigan ko absent na kahapon e, late pa ngayon." inis na sabi nito.

"Huh? Sino ba yun?" kunot-noo kong tanong. Di ko naman kasi alam na may kaibigan din siyang kaklase namin.

"Bestfriend ko noong elementary. Kaklase natin." sabi pa nito.

"Okay."

Maya-maya ay may narining kaming tumatakbo sa corridor. Bigla itong tumigil sa harap ng pinto. Hingal na hingal.

Agad kong namukhaan kung sino iyon. Si Rod.

Naghahanap ang mata nito at nang makita si James ay kumaway ito.

"Tol!" sabay takbo nito kay James. Nag-"appear" pa ang mga ito.

"Buti naman nakapasok kang ungas ka." sabi ni James.

"Siyempre, sunduin mo ba naman ako sa bahay kagabi e." sagot naman ni Rod.

Sabay tawanan ng mga ito.

"Siyangapala, ang sinasabi ko kahapon, si Angelo." pagpapakilala pa ni James sa akin.

Lumingon sa akin si Rod. Noon lang niya ako namukhaan. Nagkabanggaan ang mga mata namin. Umismid agad ako at umiwas ng tingin.

"Magkakilala kayo?" tanong agad ni James.

Natawa si Rod.

"Sa kasamaang-palad." mapait kong sabi habang nakatingin sa notebook ko.

Napakamot ng noo si James.

Umupo sa tabi ko Rod. Inilahad ang kamay niya.

"I think we started on the wrong foot. Rod nga pala." pagpapakilala uli ni Rod.

Tinitigan ko siya saka tumingin kay James. Takang-taka pa rin si James.

"Wrong foot?" lingon ko kay Rod. "You mean the wrong dick."

Tumawa ng malakas si Rod. Si James naman ay agad siyang hinampas sa balikat.

"Uy! Gago ka! Ikuwento mo naman kung paano kayo nagkakilala nitong si Angelo." pamimilit nito.

"Hay naku James! Wag mo nang ungkatin. Baka mabwisit lang ako. Isipin mo na lang na muntik na akong mapasubo dahil sa kanya." medyo ngumiti pa ako ng konti kay Rod.

Hagalpak na naman ng tawa si Rod. Lumingon na ang ibang kaklase namin. Si James naman ay napag-iwanan na.

Napangiti na lang ako.

"Gusto ko itong kaibigan mo James ha? Maganda ang sense of humor. Witty." sabi pa ni Rod.

"Ewan ko sa inyong dalawa. May sekreto pa kayo eh." medyo nagtatampong sabi ni James.

"Di kasi namin pwedeng ikuwento e." sabi ko na lang kay James. "Basta..."

"Pero, does this mean na okay na tayo?" sabay akbay sa akin ni Rod, may pisil pa sa balikat ko.

Tumango na lang ako.

"May choice ba ako? Kaibigan ka ni James e." kunwaring napipilitan ako.

"Ayun!" sabay na sabi nina Rod at James.

Napansin ko kaagad na malalim na ang pagsasamahan ng dalawa dahil yung expression nila at ang timing ay halatang sanay na magsabay.

"Angelo nga pala." ako naman ang naglahad ng kamay ko kay Rod.

"Rod uli tol" sabay kindat nito sa akin.

Ngumiti lang din ako.

"Ayun, magkaibigan na tayong tatlo." pasok naman ni James.

"Oo ba." sabay naming sabi ni Rod.

"Ayun!" si James

Sabay kaming nagtawanang tatlo.

Medyo may napansin nga lang ako. Mahilig mang-akbay si Rod. Ewan ko lang kung ganoon lang talaga siya pero dahil doon ay palagi kong naaamoy and Axe Phenix niyang pabango. Masyadong common pero masyadong lalaki ang amoy.

Dahil nasa gitna ako nina James at Rod, at ako yung bago sa grupo nila, palagi nila akong tinatanong tungkol sa iba't ibang bagay. Siyempre kailangan kong magbago ng detalye, mahirap na makilala dahil sa apelyido ko.

Nang dumating na ang teacher ay natahimik kami. Napansin ko kaagad na matalino din kahit papaano itong si Rod. Alam ko na kung bakit sila naging magkaibigan ni James. Di rin siya nagmamagaling. Hinihintay muna niya na walang magtataas ng kamay o walang nakakasagot bago siya sumagot.

Pero natutuwa ako sa kaniya dahil tuwing nakakasagot siya ng tama ay kumikindat siya sa akin.

Siyempre ako napapangiti lang. May choice pa ba ako?

=================================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.

7 komento:

  1. Nakakatuwa naman.May kaagaw na si Kuya Gilbert sa katauhan ni Rod. Hehehe..excited na ako sa kaganapan between sa tatlong magkakaibigan..

    TumugonBurahin
  2. aku din sobra na iecite sa mga mangyayari sa kanilang talo(//_^)!!!!

    TumugonBurahin
  3. Ayun!! nagkaron din ng story :)) ok lang naman ung mga nakalipas na chapters na puro sex pero mas gusto ko may story din bago sex =))

    TumugonBurahin
  4. cnu na nga po ulit si rod??? ahahaha sa tagal ng kasunod di ko na matandaan si rod. ahaha

    TumugonBurahin
  5. Hahaha... Si Rod yung nagpahawak ng alaga niya sa CR, noong enrollment

    TumugonBurahin
  6. yes, cia nga yun....... nice tlaga ang kwento ahhh. Sana may update agad. Thanks for the writer good job guys

    TumugonBurahin
  7. sobrang na kakabitin tagal update

    pero ok lang more power

    TumugonBurahin