Saturday, September 3, 2011
My Freshman Series 12 (Fresh First Day)
Glad to have time to write tonight. Thanks to my new fan Alejandro... Thanks for texting me those wonderful praises...
=========================================================
Ang schedule ko nung year na iyon ay ganito:
7:00 - 8:00AM - Science and Technology - 2nd floor New Science Building
8:00 - 9:00AM - English - 2nd Floor, New English Building
9:00 - 10:00AM - Vacant Period
10:00 - 11:00AM - Mathematics - Old Math Building
11:00 - 12:00AM - Araling Panlipunan (Philippine History) - New Social Science Building
12:00 - 1:00PM - Lunch Break
1:00 - 2:00PM - Filipino - 2nd Floor, New Filipino Building
2:00 - 3:00PM - Values Education - Old English Building
3:00 - 4:00PM - Vacant Period
4:00 - 5:00PM - T.H.E. - New Home Economics Building
5:00 - 6:00PM - P.E., Health and Music, (No fixed building pa daw e)
Sa tingin ko pa lang sa aking schedule ay feeling ko mangangarag na ako sa dami at haba ng oras ko sa school. E bakit pa kasi may dalawang oras pa na break. Pwede naman sana wala na iyon para makauwi me ng maaga.
Pagkapasok ko sa school ay agad kong hinanap ang New Science Building. Napansin ko lang sa schedule ko e may new at may old. Buti na lang at mas maraming bagong building na room ko. Iba talaga ang prebilihiyo ng section 1. Madali ko lang nahanap ang building dahil lahat halos ng building ay may malalaking pangalan sa harap nila.
Agad na akong umakyat sa building na iyon at hinanap ang room ko na nasa pinakadulo pa pala nito. Kasabay ko ang maraming estudyante na nagmamadali din at excited na pumasok sa klase.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad akong tiningnan ng ilan sa mga kaklase ko. Maraming mga babae ang agad na nagbulungan pagkapasok ko. May ilang lalaki din naman ang nakatingin sa akin taas-baba.
Pinilit ko na wag mapahalatang bading ako. Wag muna ngayon sa isip ko ang magulo ang buhay ko. Mas mabuti na ito, iwas tukso sa mga lalaki.
Agad kong inukupa ang upuan sa pinakalikod ng klase. As much as possible sabi ni Kuya Jay, keep a low profile daw. Wag daw magpakabibo, wag masyadong maging matalino, wag magpasikat sa school para di ako madaling mahanap.
7:05AM nang dumating ang teacher namin sa Science. Isa siyang matangkad na babae, maputi, bata pa tingnan siguro mga 28 years old lang. Maganda manamit at may poise.
Agad siyang nagpakilala sa klase.
"Good morning to you all. My name is Mrs. Reyes. Ako ang teacher ninyo sa Science and Technology I." sabay ngiti nito sa klase.
"Misis po? So may asawa na po kayo?" agad na tanong ng isang babae sa harap. Halatang nagpapasipsip agad ito sa teacher.
Ang sarap nga barahin e. Misis nga di ba? Alangan naman wala pa siyang asawa at trip niya lang tawagin siyang misis. Natawa ako sa isipan ko.
"Oo. Bakit? Mukha ba akong "laon"?" Agad na tanong ng teacher namin sa pasipsip na kaklase ko. (Ang ibig sabihin ng "laon" sa amin ay matandang dalaga. Karaniwan na impresiyon sa mga laon ay moody at may kinikilingan at strikto.)
Namula agad ang kaklase kong babae.
"Hindi po. Mukha lang po kasi kayong dalaga." pagbabawi nito.
"A okay. Mukha akong di wife-type?" medyo umasim ang mukha ng teacher namin.
Di na maibuka ng kaklase ko ang bibig nito.
Sa isip ko, buti nga. Sipsip ka kasi e.
Nagpatuloy ang klase nang medyo masama ang timpla. Kahit papaano ay natapos ang klase na hindi ako natatawag.
Ang kagandahan sa school na ito ay 10 minutes before the time ay tapos na ang klase kasi nag-allot sila ng 10 minutes mula sa isang classroom papunta sa isa. Medyo magkakalayo pa naman ang mga building kaya medyo matagal din pala ang lakad.
Halata ko sa mga kaklase ko na halos lahat sa kanila ay mga valedictorian din nung elementary nila. Halos lahat sa kanila ay mga magkakilala na. Intensyon ko na wag masyadong makihalubilo sa kanila para walang makakilala sa akin. Palagi ko silang pinapauna sa paglabas ng classroom at palagi ako sa huli nila maglakad para di ako makita.
Ang sumunod na subject namin ay English. Sa 2nd floor din ito kaya medyo nakakapagod din. Pagdating sa classroom ay agad ko ring inukupa ang nasa likod na upuan. Andun na ang teacher kaya noong nakapasok na halos ang lahat ay nag-check na ito ng attendance. 5 estudyante lang ang wala pa ngayong araw.
Agad na nagpakilala siya sa aming lahat, Mrs. Lacson daw ang itawag sa kanya. Napangiti ako ng simple dahil napansin kong muntikan na namang magsalita ang sipsip kong kaklase pero tumigil siya.
"Anyway..." panimula ni Mrs. Lacson. "...since all of you I presume are from section 1 when you were in elementary and most of you I know are valedictorians here, I hope that there would be no delay in my class. I presume that all of you can speak well in English. Am I right?"
"Yes, Mrs. Lacson." pag-chorus ng marami.
"Okay. Who here thinks that he or she is pretty good in English?" tanong nito.
Halos lahat nagtaas ng kamay. Dahil nga nagpipigil ako, di ako nagtaas ng kamay.
Binilang niya kaming mga hindi nagtaas ng kamay.
"So, those who did not raise their hand, why do you think you are not pretty good n English?" tanong nito sa aming anim na nakababa ang mga kamay.
Nagtaas ng kamay ang isa.
"Yes, what's you name?" tanong ni Mrs. Lacson.
"James po." sagot nung kaklase kong lalaki.
"Okay James. Why do you think you're not pretty good in English?" tanong ulit ni Mrs. Lacson.
"Because I know that what we learned when we were in elementary is nothing compared to what we should really know when it comes to English." diretsong sagot ng James.
Ngumiti si Mrs. Lacson pero walang sinabi.
"How about you...?" tanong nito sa isang batang babae.
"Anne po, Mrs. Lacson." pagpapakilala nito.
"Okay Anne, what about you?"
"Well, I think that your standards of saying pretty good may not be as the same as our standards when we say pretty good, that means, that is a very vague question which I know should not answer right away but probe first." medyo mahina pero diretsong sagot ni Anne.
Medyo napatango ng kaonti si Mrs. Lacson. Gusto ko nga ring palakpakan si Anne pero pinigil ko.
"How about you, the smallest boy in my class?" nakangiting sabi pa nito sa akin.
"Angelo po, Mrs. Lacson."pagpapakilala ko.
"Okay Angelo, give me your best shot."
"Well, the word pretty used as an adjective is very ambiguous for me. When you said pretty good a while ago, it meant "quite good" which is just on a verge of being good and not that good. For me, I am confident enough that I am satisfactorily good by my standards when it comes to English." palitanya kong sagot.
Tumaas ng kaunti ang isang kilay ni Mrs. Lacson.
Agad itong naglakad papunta sa harap ng classroom.
"Well, I got the answers I need. Those who said that they are pretty good in English, always be ready because I will be expecting a lot from you. But those who didn't raise their hands, you are invited to have the screening for our school newspaper." agad na sabi nito.
Dumilat ng malaki ang mata ko.
"Patay!" sabi ko sa isip ko.
Hanggang pagkatapos ng klase ay natahimik na ako. Mabuti na lang at vacant period ko kaya pumunta na lang ako sa canteen at kumain. Dahil nga sa wala akong kaibigan o kakilala, bumili na lang ako doon ng Moo at sandwich at dinala iyon sa isang bench malapit sa canteen. Nasa ilalim ito ng isang puno ng mangga.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko nang may nagsalita sa likod ko.
"Angelo di ba?" sabi ng boses sa likod ko.
Agad kong nilingon kung sino ito. Ito yung kaklase ko kanina at sa pagkaalaala ko ay James ang pangalan nito.
"Yes, at James ka di ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Yup, buti naalala mo." sabay upo nito sa bench.
"Siyempre naman. Ikaw nga naalala mo pa pangalan ko e." sabi ko din sa kanya.
"Well, I know kasi na magiging close tayo." kumindat pa ito.
Saka ko lang natitigan mukha niya. Halatang mas matanda siya sa akin ng isang taon. Payat at moreno. Medyo hindi siya ganun ka-neat tingnan dahil sa magulo niyang buhok na parang antigas, pero maganda ang maliit niyang mukha. In short cute.
"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya na may halong kilig.
"Well, we're both smart. Di ka kasi sipsip di tulad ng ibang kaklase natin. That's why I like you." sabi nito sabay sipsip sa dala niyang softdrink.
"Same here." pagtango-tango ko sabay hagod pa ng tingin sa mukha niya.
Pero sa isip ko, lagot. Another distraction.
"Anyways, palagi ka naman sa likod e. Tabi na lang tayo. Ayoko kasi sa harap e. Masyadong epal dun e. Okay lang ba sa iyo if we hang out?" sabi pa nito.
"Yup. That would be fine. Masarap ka naman ata maging kaibigan e." medyo ambiguous na sabi ko.
"Yup. Masarap talaga akong kaibigan." pag-uulit pan niya.
As usual kung saan na namang "masarap" dumako ang isip ko.
"Tara na, malilate na tayo." aya na nito.
Agad kong tinapon ang basura ko sa kalapit na basurahan at kinuha na rin mga gamit ko.
Pagdating namin sa kuwarto namin para sa 3rd subject, gaya ng napag-usapan namin ni James, magkatabi kami sa upuan. Kuwentuhan muna kami habang naghihintay ng teacher. Kahit papaano ay napalagay ang loob ko kasi may nakakausap na rin ako.
=========================================
Guys, don't forget to comment. Love you all. Just keep on reading.
=========================================
Sign out na ako... Sunday morning e. Maglalambingan pa kami ni BF... hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hope you like this guys... This is my 100th post... Akalain niyo yun. 100th post na ito e 1st day of my high school year pa lang. Hahahaha... Ganun na ba ako kabagal magkuwento???? NIyahahaha... I love you guys... mwah
ReplyDeleteJames pala ang una nakilala mo..Abangan ko progress ng pagkakaibigan niyo.
ReplyDeleteUpdate na...hehehe..
woo...sobrang gling tlga...ganda tlga nito...tnx sau
ReplyDelete