Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Sabado, Marso 31, 2012

True Gay Stories... Jed... Part 1


Ako si Jed, tubong Laguna pero nakatira ngayon sa Makati. Kakagraduate ko lang ng college. Masasabi kong katamtaman lamang ang aking kagandahan ng katawan at mukha. Sa height na 5'9 ay medyo matangkad naman kesa sa ibang tao, maporma at tahimik.

Dahil kakatapos lang ng ilang taon kong paghihirap sa college ay naisipan kong magliwaliw. Ang unang nasa isip ko ay kailangan kong gawin ang matagal ko nang pinipigilang gawin at maranasan.

Oo bading ako, kung hindi bakit andito ang kwento ko.



Buong apat na taon ko sa kolehiyo dagdag pa ang ilang taon sa elementarya at sekondarya ay lubos na mahaba para itago ko ang aking totoong kasarian. Mahirap iyon lalo na marami akong kaibigan na mga guwapo at magaganda ang katawan. Pero hindi ko talaga kayang iwaksi ang pagiging bading.

Unang araw na wala nang pasok ay pumunta ako sa internet cafe. Naghanap ako ng mga mababasa tungkol sa mga karaniwang ginagawa o pinupuntahan ng mga kagaya kong nasa third sex o bading.

Nabasa ko na isa sa pinakagustong puntahan ng mga bading kung saan mas madaling makahanap ng makakatalik na hindi binabayaran ang katalik ay sa mga sinehan at mga bathhouse. Nagsaliksik ako ng mga sinehan na palaging pinupuntahan. Una kong nabasa ang Bravo Theater sa Quiapo na ang tawag din ay Ginto. Malapit iyon sa Isetann Recto at marami daw pumupunta doon na mga kagaya ko.

Mula sa Makati ay sumakay ako ng bus na PVP Liner, 22 pesos lang ay nasa Quiapo na ako. Nilakad ko ng konti mula sa pinagbabaan ko papunta sa overpass. Umakyat ako ng overpass patawid sa kabila. Kumanan ako at mga ilang gusali pa ay nakita ko na ang nag-iisang sinehan doon. Maraming mga tao sa labas. Mga nagtitinda ng mga damit, helmet, at kung anu-ano pa.

Sa umpisa ay nag-atubili akong pumasok dahil parang nakakahiya dahil parang hayag na hayag sa kanila kung ano ang intensiyon ko. Pero sa wakas ay napatay ko ang kaba ko at bumili na ng ticket.


Mura lang ang tiket, Singkwenta pesos sa buong sinehan. Bahala na kung sa Balcony o Orchestra. Nabasa ko sa internet na ang mga bading na gusto ng mga lalaking bayaran e sa orchestra (baba) naglalagi at ang mga kagaya ko na ayaw magbayad at hanap lamang ay libreng kasayahan ay sa De Luxe (gitna) at Balcony (taas) pumupunta.

Pagkaakyat ko ng ground floor ay bumili muna ako ng softdrinks dahil matagal din ang biyahe ko.

Pagkatapos noon ay dinala ko ang softdrinks ko sa balcony.

Sa daan pa lang ay marami nang mga nakaupo o nakatayong mga lalaki o bading. Hindi ko alam kung nahalata nilang bago pa lang ako sa lugar na ito dahil halos kilala na nila lahat ng mga pumapasok dito.

Sa huling hagdan na tinahak ko ay may nakaupong cute na lalaki. Maganda ang porma nito pero mas maliit ito sa akin. Mukha lang siyang 15 dahil baby face ang mukha nito pero alam ko nasa tamang-edad na siya.

Tinitigan ako ng lalaki ng saglit pero bumalik din ito sa pagtitext niya. Di ko alam kung naghahanap ng customer o type talaga ako.

Pumasok na ako sa Balcony at kaagad ay para akong nabulag. Kapag unang pasok pa lang ay wala ka talagang makikita maliban sa palabas sa screen.

Habang umaakyat ako ng hagdan sa loob ng balcony ay may mga kamay na akong naramdaman na humahawak sa dibdib ko. Siyempre iwinaksi ko iyon dahil di ko alam kung ano ang mga itsura ng mga iyon.

Lumiko ako at umakyat sa harap ng electric fan. Ramdam ko kaagad na mainit ang loob ng sinehan kahit nakasindi ang aircon. Maraming nakatambay sa harap ng electric fan, may nakatayo at ang iba ay nagyayakapan.

Umupo ako sa bandang gilid. Sinanay muna ang mata sa kadiliman. Maganda ang napili kong pwesto dahil lahat ng umaakyat ay nakikita ko at di nila namamalayan na sinusuri ko sila. Sa ilang umakyat, siguro mga 3 lang ang nasa edad at katawan na gusto ko. Kung hindi mataba ay matanda ang mga dumadaan. May sumubok ding tumabi sa akin, mataba na mama.

"Hi." bati nito.

Hindi ko siya sinagot. Hudyat sana para malaman niya na hindi ako interesado sa kanya,

"May kasama ka?" tanong nito.

Hindi ko pa rin siya sinasagot.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakalatag sa armrest ng upuan. Binawi ko ito.

"Suplada." galit na sabi nito na biglang naging bading na bading ang boses.

Natawa ako ng palihim dahil hirap na hirap siyang itago ang totoo niyang boses pero lumabas din.

Maya-maya pa ay nakita ko uli ang lalaking nakaupo kanina sa hagdan. Dire-diretso ito sa pag-akyat.

Kaagad na tumayo ako at sinundan siya.

Nakita kong dumiretso siya sa mga nagkukumpulan sa taas. May mga sampu hanggang labinlimang mga tao doon na nagkukumpulan. Kaya sumunod ako.

Kaagad kong nakita na sumilip siya sa mga kababalaghan na tinutumpukan ng mga lalaki. Nakisilip din ako pero sa likod niya ako pumuwesto.

Nakita ko kung ano ang punagkakaguluhan nila. May dalawang lalaking hubo't hubad na nagtitirahan ng patuwad at enjoy na enjoy silana pinapanuod ng mga tao. Di ko alam kung ang mga taong ito din mismo ang nag-udyok sa kanila na gawin iyon.

Nag-enjoy ako sa nakikita ko dahil nasa edad trenta lang ang mga lalaki at magaganda ang katawan. Para akong nanunuod ng live show.

Di ko namalayan na tumigas ang akin sa napanuod ko.

Lumingon si cute.

Kaagad akong umatras. Medyo nahiya sa nangyari. Sa mismong puwet pa niya ako tinigasan. Nagmukha tuloy akong manyak sa kanya.

Umalis ako sa mga nagkukumpulan dahil napahiya ako sa cute na crush ko.

Umikot ako sa likuran at umupo sa walang masyadong tao. Di ko na nakita pa ang crush ko. Nanuod muna ako ng palabas. Crush ko pa naman ang nasa pelikula, si Rodel Velayo.

Naramdaman kong may umupo sa upuan sa likuran ko. Pero di ko pinansin. Diretso lang ang tingin ko sa palabas.

MAya-maya ay may narinig akong bumulong sa akin.

"Anlaki nung tumigas sa likod ko kanina a. Type kita." sabi ng boses.

Siyempre nilingon ko.

Nakita ko nasa likod ko malapit ang mukha sa tenga ko, ang crush ko. Dahil nga pareho kaming nakaharap sa palabas ay mas lalo kong natitigan ang mukha nito. Maganda ang lahat ng parte ng mukha niya. Maputi pa at mabango.

Ngumiti ito pagkalingon ko.

"Type kita." sabi nito.

Ngumiti ako.

"Type mo ba ako?" tanong uli niya.

"Wala akong pambayad." sabi ko.

Tumawa ito.

"MUkha ba akong callboy?" lokong tanong nito.

"Oo e. Sa guwapo mong iyan, imposible na makuha ka ng libre." sabi ko sa kanya.

Tumawa ulit siya.

Hinalikan ang tenga ko.

"Sayang naman. Kala ko type mo ako." sabi nito.

Tumayo na ito.

Ewan ko ba pero biglang gumalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang braso nito. Tumigil ito. Hinawakan ang kamay ko.

"Tabi ako sa iyo." sabi nito.

Binitawan ko siya.

Lumipat nga siya ng upuan at umupo sa tabi ko. Nagulat ako nang bigla din niyang hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya.

Pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na totoo ang nangyayari sa akin. Kung totoong ang cute na lalaking gaya niya ay pinili ako kesa sa ilang taong nasa loob ng sinehang ito.

(To be continued)

3 komento:

  1. hahahaha......baka triper.........................................................................ras

    TumugonBurahin