Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Martes, Marso 20, 2012

My Paolo Series (Chapter 1... A Sweet Start)

Kuya Paolo's look-alike.

The start of a new Chapter... My Paolo Series...

This is of course focused on Kuya Paolo.
====================================

Nagising ako na nakayakap pa rin si Kuya Paolo sa akin. Bumalikwas ako para humarap sa kanya. Ewan ko kung niluwagan niya talaga ang braso niya para makagalaw ako. Humarap ako sa kanya at sumiksik sa dibdib niya. Naramdaman ko rin na agad nitong sinikipan ang braso niya.

Ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib niya sa bandang leeg. Naaamoy ko ang imported na pabango nito. Hinalikan ko pa ng marahan ang balat nito.



"Angelo, are you already awake?" rinig kong tanong nito.

"Opo. Di ako makatulog e."

"Bakit?" mahinang tanong nito.

"Wala lang po. Di ko nga alam e."

"Halika nga dito Baby." sabay sinikipan pa ang braso niya uli.

Napangiti lang ako sa ginawa niya.

Nakaidlip uli ako.

Ginising ako ni Kuya Paolo maya-maya.

"Baby, gising na. We have to go early. We have a lot of stuff to do and places to go." nakangiting panggising nito sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"You're cute... really." papuri pa nito sabay kurot sa pisngi ko.

"Kuya Pao..." tawag ko ng pangalan niya.

"Yes Baby?"

"Walang Good Morning kiss?" biro ko dito.

Napangiti siya.

"Gusto mo ba?" tanong din nito.

Tumango ako.

Ganun lang at yumuko ito at hinalikan ako sa labi.

Mabilis lang ang halik na iyon pero parang antagal.

Nang binawi na niya ang labi niya ay bumangon na ako. Naligo ako nang mabilis pero bago ako lumabas ng banyo ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako.

"Lumabas ka na..." utos ko sa sarili ko."... naghihintay ang prinsipe mo."

Masaya na malungkot isipin iyon pero nakakatakot talaga ang susuungin ko ngayon kay Kuya Paolo. Kaya binalaan ko na lang ang sarili ko na wag na masyadong papadala sa emosyon lalo na lahat ng naging nakaraan ko di maganda ang kinalalabasan.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagbibihis na ng polo shirt si Kuya Paolo. Pagkatingin nito sa akin ay napangiti ito. Ngumiti ako pero sandali lang. Ayoko masyadong maglagi sa ngiti niya dahil baka mahirapan akong umiwas.

Naging tahimik ako habang nasa biyahe kami. Paminsan-minsan ay inaakbayan ako ni Kuya Paolo. Hinihila ang ulo ko na wari ko'y gusto akong ipahilig sa balikat niya. Umiwas ako. Di na siya nagpumilit.

"where are we heading?" tanong nito.

"Where do you want to go?"

"Anywhere beautiful and quiet." sagot naman nito.

"Gusto mo mag-beach?"

"Hmmm... baka marami namang tao. Wala bang falls dito?"

"Naku Kuya Paolo, nasa city pa tayo. Kung gusto mo ng falls e lalabas tayo ng city, pupunta tayo ng province niyan." sabi ko.

"Fine with me. Where is that place?"

"Hmmm, kung gusto mo sa Maasin na lang tayo. May falls dun. Di naman ganun kaganda pero may alam akong falls dun." suggestion ko.

"Maraming tao?" tanong nito.

"I don't know." sabi ko.

"Tsk. Paano ba'to? Gusto mo road trip tayo?" biglang sabi nito.

"Road trip?" di ko alam ang sinasabi niya.

"Hmmm, magdrive lang tayo then pag may makita tayong magandang gawin o magandang lugar, e di let's stop. Doon na tayo." sabi nito.

"Sige. Ikaw bahala. Ikaw naman mas nakakatanda e." biro ko dito.

"Okay lang ba sayo?"

"Yup. Tara. Drive tayo pa-south. Diretsuhin natin ang highway." sabi ko dito.

Iyon ang ginawa namin. Nagdrive lang siya nang nag-drive. Nadaanana namin ang District ng Molo, tapos ay Arevalo. Lumabas na kami ng city at pumasok sa munisipalidad ng Oton. Tumigil muna kami sa isang tindahan para bumili ng maiinom at makakain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagda-drive nang...

"Baby, nagugutom ako." sabi nito.

Kinuha ko ang V-Cut at binuksan. Ibinigay ko sa kanya.

Nilingon ako nito. Umiling.

"Bakit Kuya?"

"Can't you see I'm driving, Baby? Subuan mo ako." malambing na sabi ni Kuya Paolo.

Napangiti ako. Masyado namang pa-sweet ang pinapagawa nito.

Iyon na nga ang ginawa ko. Sinubuan ko siya. Ngiti naman siya nang ngiti kapag sinusubuan ko siya. Kapag nasasagi ng labi niya ang daliri ko e kumikindat ito.

Tawa naman ako nang tawa sa reaksiyon niya.

Kuwento siya ng kuwento sa akin nang mga ginagawa nila sa Europe ng mga kaibigan niya, tungkol sa school nila, ang course pala niya ay accountancy pero di pa niya pina-practice ang profession niya at wala pa siyang lisence.

Natatawa ako nang ikinuwento niya ang mga kagaguhang ginagawa nila ng mga barkada niya. Uso pala sa kanila ang maligo sa beach na nakahubad. At mahilig din silang pumunta ng beach dahil maraming nakahubad din doon.

Lumagpas na kami ng Tigbauan, munisipalidad pagkatapos ng Oton. Doon ay nakita na namin ang beach at may nakita kaming beach na walang katao-tao.

Pumasok kami doon.

"Sir, cottage o room?" agad na bungad ng attendant sa resort.

"Room." agad na sabi ni Kuya Paolo.

Kaagad na tinuro ng lalaki ang room kung saan kami didiretso.

Itinigil ni Kuya Paolo ang kotse sa tapat ng room. Bago pa kami makapasok ay tinanong ko si Kuya Paolo.

"Kuya Paolo, kailangan ba talaga natin ng room? Di ba maliligo lang naman tayo?"

Di niya ako sinagot.

Pagkapasok namin sa room ay hinila ako nito. Ni-lock ang pinto.

Dahan-dahan ako hinila sa kama.

"You forgot something." sabi nito.

"Ano naman?" tanong ko.

"You forgot that I have to fuck you today?"

Napalaki ang mata ko sa sinabi nito. Kakaiba pala pakinggan yun.

"I didn't forget Kuya. I just wasn't thinking na ngayon agad ito."

"Ayaw mo?" tanongnito.

"Gusto." sabay ngiti ko.

Ngumiti din siya saka ay niyakap na niya ako.

"Angelo..." bulong nito.

"Yes, Kuya... sige na po. Ready na ako."

"No, that's not what I want to say."

Tinitigan ko siya. Pumikit ito. Hinawakan ko ang mukha niya. Hinalikan siya. Hinalikan din niya ako pabalik. Naglabanan na ang mga dila namin.

Maya-maya ay tinulak niya ako ng marahan.

"Kuya, sorry. Kung ayaw mo akong halikan... okay lang po. Di na kita pipiliting halikan." pagpapaumanhin ko sa kanya.

"Nope, I want to kiss you."

"Pero bakit ka umiwas?"

"I just wanna be honest with you. I just want that kiss to have a meaning." sabi nito nakatitig na sa akin. Nakita ko na nangingilid na ang luha niya.

"Kuya? Bakit ka umiiyak?" saka pinunasan ang luha niya.

"Angelo... I just wanna know..." nag-aalangan siyang sabihin ito.

"Ano po?"

"Angelo... Can I love you?"
-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.

Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.

4 (na) komento:

  1. wow!!!! i love you din agad.. jejejeje

    TumugonBurahin
  2. Hm. YES!. Wag na pakipot. Lol. A big catch. Haha

    TumugonBurahin
  3. sana sa akin na lang sinabi ni Kuya paolo ang I LOVE YOU.

    TumugonBurahin
  4. oo nga.. i love you agad?? hmmm.. tapos bitin pa din. super excited na ako sa pagtira nya sayo eh..hehe enjoy ba?

    TumugonBurahin