Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Martes, Marso 13, 2012

My Short Christmas Series (Chapter 8... Christmas Fun)

Kuya Paolo's look-alike.

Alvin, Unzako, JhaniBravZ... welcome to my blog and thank you for following.

Special mention ko lang si Intsik - my follower from Kingdom of Saudi Arabia and he wants me to greet his BABY BEAR from BABY PANDA.

Thank you sa lahat ng bumati sa Anniversary post ko.
====================================

Mga kinahapunan habang naglalaro ng basketbol sina Feljan, Kuya Bon, Rey at Sid ay dumating sina Ryza at Icko,  sumunod ding dumating si Ian sa bike nito.  Inaya nila si Ian sa 3 on 3 na laro kaso di daw siya marunong kaya umupo na lang din si Icko.  Nakaupo ako, sa kanan ko si Ian, sa kanan ko si Ryza at sa tabi niya si ICko.  Naaalala ko pa rin ang sinabi ni Ian sa akin na naghiwalay sila ni Ryza dahil sa akin kaya nahahalata ko na nakikipag-flirt na ito sa akin.  Paminsan-minsan ay humahawak ito sa siko ko at humihilig-hilig sa balikat ko.  Nang hindi ko na makaya ang kalandian nito ay tiningnan ko si Ian at sinenyasan.  Nakuha naman ni Ian.

"Gel, nauuhaw ako, ikaw?" tanong nito.

"Oo, nauuhaw din ako.  Tara bili tayo ng maiinom." sabi ko sabay tayo.

"Teka lang. Sama ako." si Ryza.

"Di ka na kasya sa bike ko e. Kami na lang ni Angelo.  Dadalhan ka na lang namin." si Ian.

Napangiti si Icko.

"Ako din ha?" sabi ni Icko.

"Sige." sabay ngiti ko sa kanya saka sumakay na ako sa bike ni Ian.



Habang papalayo na ako ay napatawa kami ni Ian.  Di ko napigilan at niyakap ko siya.  Hinalikan pa sa buhok.

"Isa pa pwede?" tanong nito.

"Ano ka? Bawal.  Baka iba na naman mapuntahan nito."

"E kung gusto mo okay lang."

Tumawa ako.

"Baliw ka talaga Ian." sabay kurot ko sa tagiliran nito.

Gumewang ang bike niya.

"Uy, wag mo akong kilitiin, baka maaksidente na naman tayo." saka tinigil niya ang bike.

"O, bakit ka tumigil?" tanong ko sa kanya.

"Upo muna tayo." sabay ginilid niya ang bike sa waiting shed.

Napangiti ako.

"Bakit? Ano na naman pag-uusapan natin?"

"Wala naman. Gusto ko lang masolo ka."

Nagblush at napangiti ako.

"O eto na nasolo mo na ako. Wala ka na bang ibang gagawin?" pino-provoke ko pa siya kahit alam ko kung ano ang kasunod.

Inilapit na niya ang mukha niya sa akin at bantang hahalikan ako.  Di ako umiwas.

"Okay lang?" tanong pa nito.

Tumango ako at ngumiti.

Ipinagpatuloy niya ang paglapit ng mukha niya sa akin.  Hanggang sa tuluyan nang nagtagpo uli ang mga labi namin.

Matagal na nagdikit ang mga labi namin, hinawakan pa niya ang pisngi ko.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay natahimik siya.

"Okay na?" tanong ko sa natatahimik na si Ian.

Tumango siya.

"Lika na?" aya niya.

Sumakay uli ako sa bike niya at humawak sa balikat niya at bumili na kami ng softdrinks.  Nang pabalik kami ay niyakap ko siya ng marahan.

Pagkabalik namin sa basketball court e nakita kong andun si Kuya Paolo pero uminit ang ulo ko dahil nasa tabi niya si Ryza at halata kong nakikipag-flirt ito kay Kuya Paolo.

Nang makita kami ni Kuya Paolo ay tumayo ito at sinalubong ako.

"Kakagising mo lang Kuya?"

"Oo e. Napasarap tulog ko." sagot naman nito at ngumiti ng pagkaganda-ganda.

"Siyangapala Kuya Pao, bestfriend ko si Ian." pakilala ko sa kanila.

"Hi. Saan kayo galing?" tanong uli nito.

"Bumili lang ng softdrinks, mainit e." ako.

"Naku, di ako nakaabot, sana nagpasama na rin ako magpabili."

"Eto Kuya, hati na lang tayo." alok ko ng softdrink ko.

"Talaga? Okay lang?"

"Oo naman." sabay ngiti din ako.  Ikaw pa.

Kinuha niya ang softdrink ko at uminom.

"KUya Pao, nagbabasketball ka ba?" tanong ni Ian.

"Oo naman." si Kuya Paolo.

"Kuya sali ka sa kanila." alok ko sa kanya.

Ngumiti siya.

Nilapitan ko sina Feljan, Rey, Kuya Bon at Sid, sinabihan ko silang isali si Kuya Pao, sabi ko para sasali din si Icko.

Tinawag nila si Kuya Pao at agad naman itong sumali sa kanila. Hinubad na naman nito ang kanyang t-shirt at naiwan na naman ang puting sando nito.  Sa sikat ng araw ay lumiliwanag ang kaputian nito.

Aminado ako natigilan ako sa ganda ng kulay ng balat nito, sa hubog ng mga braso at binti nito at ang magandang mukha nito lalo na nung lumapit siya at pinahawakan sa akin angh t-shirt niya.  Siyempre tatanggihan ko ba? E parang nayakap ko na rin siya dahil ang mabangong pawis niya e nasa damit nito.

Siniko ako ni Ian.

"O bakit?" agad kong tanong sa kanya.

"Natigilan ka diyan? Crush mo yan no?" tukso pa nito.

"Oo naman. Guwapo kaya.  Pero siyempre off limits. Bawal yan.  Kinakapatid ko yan e." sabi ko.

"Naku, may karibal pa ako."

Napangiti ako.

"Kaya ayusin mo panliligaw." biro ko dito.

"Hala. Grabe naman."

"Joke lang. Wag ka mag-alala, wala kang karibal." sabay siko ko sa kanila.

Ngumiti siya.

Kanya-kanya kami ng cheer ni Ian.  Siya ay chinicheer si Sid at Icko, siyempre chinicheer ko sina Kuya Bon, Feljan, Rey at siyempre si Kuya Paolo.  Halatang mas magaling si Kuya Paolo sa kanila.  Tuwing titira siya Kuya Paolo ay napapatitig ako sa pagtaas ng damit niya at paglabas ng abs ni Kuya Paolo, pati na rin ang pag-flex ng muscles niya sa braso at ang buhok niya sa kili-kili.

Napapangiti pa ako minsan kapag tumitingin siya sa akin kapag nakakashoot siya.  Ganun din ang ginagawa ni Feljan pero mas nakatuon ang paningin ko kay Kuya Paolo.

Sinisiko ako ni Ian paminsan-minsan dahil nakatuon talaga ako kay Kuya Paolo.

"Crush mo nga siya." biro nito.

Ngumiti lang ako.

Nang matapos ang laro ay nanalo sina Kuya Paolo, Feljan at Rey.  Inakbayan ako ni Kuya Paolo na pawis-pawis pa.

Kahit na basang-basa ng pawis si Kuya Paolo ay di ako umiwas sa pagkakaakbay nito.  Inenjoy ko lang.

Inakbayan din ako ni Feljan nang kumalas si Kuya Paolo.

Naglakad na kami pauwi at nagpaalam na sina Ian, Sid, Icko at Ryza.  Napansin kong nakapako ang mata ni Ryza kay kuya Paolo.  Gusto ko siyang saksakin pero di pwede.

Pagkapasok namin sa bahay ay nanunuod si Mama Tony ng TV, ngumiti lang ito sa amin.  Sabi namin maliligo lang kami.

"Sige at mag-meryenda tayo." sabi naman ni Mama Tony.

Dumiretso na rin kami ni Kuya Paolo sa kuwarto.  Pagkapasok namin ay naghubad na agad siya ng sando at shorts, nagulat ako nang makita kong naka-brief na lang ito.  Mabilis din na kinuha ang tuwalya at pumasok na ito sa banyo.

Naiwan ako sa kama na tulala.  As in napamura ang utak ko.  Hindi matanggal sa utak ko ang katawan ni Kuya Paolo na nakabrief lang.  Kanina ay sinisilip ko lang ito sa ilalim ng sando niya kapag nagsu-shoot siya pero ngayon ay hindi lang ang abs niya ang nakita ko.  Kung wala ang brief niya ay halos nakita ko na ang lahat.  Kunsabagay ay parang nakita ko na ang lahat dahil manipis lang naman ang puti nitong brief.  Pero hindi ko nakita ang bukol niya kundi ang matambok lang niyang puwet.

Nang matapos siyang maligo ay lumabas itong nakatapis lang ng tuwalya.  Alam ko sa ilalim noon ay wala na yung brief niya.

Nang pumasok ako sa banyo ay naligo na rin ako.  Palabas na sana ako nang makita kong nakasabit sa likod ng pinto ang kakahubad lang niyang brief.  Wala sa isip ko pero kinuha ko ang brief niya at inamoy ito. Di ko napigilan na magustuhan ang amoy ng brief niya.  Kaya ayun natuloy sa pagbate ko ang pag-amoy ko nito.
-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.

4 (na) komento:

  1. sana ginawa ko rin yan sa pisan ko pero natakot lang ako hehehehe.. sayang talaga :)

    TumugonBurahin
  2. pa greet nman kai BABY PANDA KO (Intsik of KSA) from BABY BEAR..THANKS

    TumugonBurahin
  3. pa greet uli sa BABY PANDA KO (Intsik of KSA) from BABY BEARY NYA...thanks uli...

    TumugonBurahin