My New Series...
Sorry sa mga napaiyak ko last episode... Trust me... I cried more...
=======================================
Katatapos lang ng klase namin sa umaga. Inaya ako nina James at Rod na pumunta sa malapit na restaurant para kumain. Ilang buwan na ring puro sa canteen kami kumakain.
"Nagpaalam ka na ba kay..." tanong ni James.
"Oo. Sinabi ko na kung saan tayo pupunta." sagot ko sa kanya.
Ngumiti lang si James.
Naglakad kami papunta sa isang Chinese Restaurant.
Umorder kami ng Hot Pot.
Habang hinihintay namin ang inorder namin ay nagreview kami para sa exam namin mamaya.
Maya-maya ay inangat ni Rod ang kamay niya.
"Teka nga lang." sabi nito.
Tinginan namin ni James.
"Pwede ba? Tigilan na natin ang pagrereview nating ito. Ilang review na natin ito e. Buong weekends na tayong magkasama. Tinest na natin ang sarili natin. Gumawa-gawa tayo ng sarili nating exam, kung may mali man tayong sagot isa o dalawa lang. Tama na ito." inis na bulalas niya.
"Rod..." tinitigan ni James si Rod at tumingin sa akin.
Umiling lang ako.
"It's okay James. I understand. Itigil muna natin ang pag-review. Baka pagod na si Rod e." saka ko hinawakan ang balikat ni Rod.
Iwinaksi niya ang kamay ko.
"Alam mong hindi ako pagod. Alam mong hindi ako ang pinag-uusapan dito."
"Rod..." tawag ko dito.
"Angelo... kelan mo ba tatanggapin ang katotohanan na lahat ito nangyayari na sa iyo? Ha? Mahal kita alam mo yan pero hanggang kelan ka magiging ganito?" galit na galit na ang mukha ni Rod.
"Rod... please? Wag ngayon." saka ako humawak sa kamay niya.
Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Ngumiti.
"Ayun naman pala katapas ni Rod e." biro ni James.
Tawanan kaming tatlo.
Dumating na ang order namin. Masaya kaming kumain. Pagkatapos makapagpahinga ng ilang minuto ay naglakad na kami pabalik sa school.
"Ilang araw nga ba kayo sa Bacolod?" tanong ni James.
"Isang linggo lang yata."
"Okay lang ba sa iyo yun? I mean alam naman namin na memorable sa iyo ang Bacolod." nanghina ang boses ni Rod.
Alam ko ang tinutukoy niya.
"Oo naman. Ano naman magagawa ko? E sa doon ang NAMCYA this year eh. Alangan naman magback-out ako dahil lang doon." nakangiti ko pang sabi.
"Anggaling talaga ng school natin pagdating sa choir no. Every year nakakapasok talaga tayo sa national level. Ilang beses na rin tayo nanalo. This year din sana." si James.
"Sana nga." nakangiti kong sagot.
Pagdating namin sa school ay dumiretso kami ng library. Ibinalik ang librong hiniram namin tapos hiniram uli. Ito ang mahirap sa school namin, salat sa reference books. Ayoko naman bumili ng libro na isang taon ko lang gagamitin. Hindi pa palagi.
Dumiretso na kami sa Home Economics room namin kung saan ang tinuturo sa amin ngayon ay table arrangements. Boring para sa akin pero kailangan kong pakinggan.
Pagkatapos noon ay diretso na kami sa Filipino room namin na ilang building pa ang pagitan sa Home Economics room. Pagkatapos ng Filipino ay P.E. pero dahil member ako ng choir ay yun na ang nagsisilbing PE ko. Dun ko na kinukuha ang grades ko. Iyon nga lang ay wala akong kaklase na kasabay ko pumunta sa choir room. At wala naman akong ginagawa sa oras na iyon kundi tumambay lang sa choir room.
Pagdating ng alas-singko ay dumating na rin ang ibang kasamahan namin sa choir.
Kahit kelan, naging parte na ng buhay ko ang choir dito sa school pero lately e parang hindi ko masyadong naeenjoy ito. Binigyan nga ako ng solo nung nakaraang buwan pero dinecline ko. Sabi ko hindi pa ako handa. Bumaba din ang boses ko. Dati ay tenor 1 ako ngayon ay tenor 2 na. Hindi na kasi ako masyadong nag-eeffort kahit sa choir. Parang wala akong inspirasyon.
Pagkatapos ng practice sa choir ay kinausap ako ng choir teacher namin.
"Angelo... kailangan talaga kitang makausap." sabi ni Ma'am Abad sa akin.
"Bakit po Ma'am?" inosente kong tanong pero alam na alam ko ang dahilan nito.
"Well, wag ka nang magmaang-maangan pa. Alam mo kung bakit kita pinatawag dito." panimula nito. "....well, I am giving you your last warning. Kapag pinagpatuloy mo pa ang kawalan mo ng interes dito sa choir, e mas mabuti pang tanggalin na lang kita."
Tumahimik lang ako.
"Ano? Wala ka bang sasabihin? Tanggalin na lang ba kita?" may pagbabanta sa boses nito.
"Sorry po." maikli kong naisagot.
"Last warning mo na ito. Kapag nagpatuloy pa yung kawalan mo ng gana e tatanggalin na kita kahit isa ka sa pinakamagaling na lalaki dito." sabi pa niya.
Yumuko ako.
"salamat po." sabi ko.
Lumabas na ako ng kuwarto pagkatapos noon. Sukat doon ay niyakap ako ni Rachel.
Hinalikan ako sa pisngi.
"O bakit sambakol na yang mukha mo?" tanong nito at yumakap sa braso ko.
"Winarningan ako ni Maam e. Malapit na daw akong tanggalin." sabi ko.
NIyakap ako ni Rachel.
"Wag ka mag-alala. Kakausapin ko siya. Ako na bahalang magpaliwanag sa kanya." malambing nitong sabi.
"At ano naman ang idadahilan mo? Wala na akong pwedeng ipaliwanag sa kanya." tumaas ang boses ko.
"Wag ka namang magalit. Tumutulong lang naman ako e." inis na sagot nito.
"Di ka nakakatulong!" pasigaw kong sabi dito.
"Sinong makakatulong sa iyo ngayon? Ang Kuya Paolo mo?" sumisigaw na rin ito.
"Wag!" itinaas ko ang daliri ko na binabalaan siya. "Wag na wag mong maipasok sa usapan si Kuya Paolo."
"At bakit wag? Ako ang girlfriend mo. Pero kahit kelan ay hindi ko naramdaman na mahal mo ako. Palagi na lang yung Paolong iyon ang laman ng utak mo. Paano naman ako Angelo? Mahal kita. Girlfriend mo ako. Bigyan mo naman ako ng panahon." umiiyak na sabi nito.
Tinitigan ko lang si Rachel. Iniangat ko ang kamay ko para hawakan siya pero bago pa yun e tumakbo na siya papalayo.
Sumakay na ako ng jeep pauwi sa amin. Pagdating sa kanto ng Hechanova at Luna ay bumaba na ako. Sumakay ako ng tricycle pagkarating sa kanto.
Pagkabukas ko ng gate ay diretso na ako sa pinto ng bahay. Naabutan ko sa sala si Manoy Paul.
"O, buti andito ka na." bati nito. "Kanina ka pa hinahanap ni Manoy Roy mo."
Ngumiti lang ako. Pumunta muna ako sa kuwarto at inilagay ang mga gamit ko. Nagbihis ako sandali at naglakad papunta sa kuwarto ni Manoy Roy.
Kumatok ako saglit at binuksan ang pinto.
"Manoy Roy... bakit po?" tanong ko dito.
"Oy... dumating ka na... kailangan ko ang tulong mo e. Alam mo ba kung paanong pumunta sa buwan?" tanong nito na nakatingin sa labas ng bintana.
Ngumiti ako. Ilang linggo pa lang ako dito sa bahay nina Lola Lagring e halos nasanay na ako sa mga anak niya. Sina Manoy Paul, Manoy Roy, at Manay Dulce. Ang ibang anak naman nito ay nasa Manila na at ang iba naman ay nasa abroad.
"Hindi ko po alam e. Masyadong malayo ang buwan." sagot ko sa tanong nito.
"Di ba matalino ka? Pwede mo ba akong matulungan pumunta doon?" tanong ulit nito.
"Sige po. Maghahanap ako ng paraan para makpunta ka dun." sagot ko na lang.
Ngumiti siya at tumitig sa buwan ulit. Di na siya lumingon sa akin.
"Lalabas na ako ha." paalam ko dito.
Di siya umimik.
Lumabas na ako ng kuwarto niya.
Nakasalubong ko si Manay Dolce.
"O ano na naman ang pinagawa ng kapatid ko sa iyo?" tanong nito na medyo nakangiwi.
"Wala naman po." maikling sagot ko.
"O siya. Tulungan mo na akong maghain bago pa dumating si Manoy Alex mo (Asawa ni Manay Dolce)
"Sige po."
Saka ako sumunod sa kanya sa kusina at kinuha ang mga niluto niya. Nilapag ko ang mga ito sa mesa. Nilatag ko na rin ang mga kutsara at tinidor pati na rin ang mga plato sa mesa.
Pagkatapos noon ay tumabi ako kay Manoy Paul habang nanunuod siya ng TV. Umupo na ako sa carpte malapit sa TV.
Maya-maya ay narinig kong nagbukas ang gate. Pumasok na sa pinto si Manoy Alex.
"Good evening po." bati ko dito.
Ngumiti siya.
"'Lex... ikaw na ba yan?" rinig kong sigaw ni MAnay Dolce.
"Oo." sagot ng asawa nito.
Maya-maya ay pinatay na ni Manoy Paul ang TV at pumunta na kami sa dining area.
Habang kumakain kami ay abala si Manoy Paul sa pagpunas ng bibig ni Manoy Roy dahil hirap na hirap itong ngumuya.
Si Manoy Roy na tatlong taong naging addict sa drugs. Nilagay sa rehab ng anim na buwan pero di na kinaya ang gastos kaya inilabas na lang at dito na lang kinulong sa bahay. Pero andun pa rin ang pagiging siraulo nito.
Si Manoy Paul, pinakasimple sa kanila, mabait, tahimik, at malapit na daw ikasal.
Si Manay Dolce, nakalimutan ko na ang totoong pangalan niya pero tinawag siyang Dolce na espanyol daw para sa matamis o kendi na mahilig siya dun kaya ngayon ay nakikipaglaban sa diabetes.
Ngayon. Dito na ako nakatira sa kanila. Limang linggo na. Si Rachel girlfriend ko na.
Ano nga ba ang nangyari sa loob ng apat na buwan makalipas ang pagkaalis ni Kuya Paolo? Bakit ako nalipat galing St. Joseph Village sa Jaro papunta sa Hechanova sa La Paz?
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Haaayyyy... Sa wakas...
ReplyDelete@Migz... matagal ba?
ReplyDeleteBagong Chapter... Bagong bahay, bagong kakilala, bagong karelasyon (di lang sa pangalan kundi sa kasarian) pero ang di magbabago eh yung galing mo to want us more of your LIFE story...
ReplyDeleteAnyare!?
ReplyDelete