Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, May 22, 2012

My Paolo Series... (Chapter 29... A Sweet and Sad Goodbye)



One more episode for My Paolo Series... Hay

Malapit nang matapos ang My Paolo Series... sana wag kayong magsawa.

Intsik.. thanks again sa message.

To Mr. Parco... thank you sa donation through Paypal.  Hopefully some people will also donate and help me even in small ways.
=======================================

Habang nag-aalmusal kami ay tahimik kaming apat nina Tito Leo.

Walang nagsasalita.

Tumayo ako.



"Ma, Papasok na po ako." pagpapaalam ko.

TUmayo si Kuya Paolo.

"Ako na po maghahatid sa kanya. Pupunta din ako ng hotel e.  Magpapasa ng resignation." sabi nito.

Tumango lang si Mama Tony.  Ngumiti si Tito Leo sa narinig.

"Sige po alis na kami." ulit ni Kuya Paolo.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at sumakay na ng kotse.  Si Kuya Paolo ang nag-drive.

Malayo na ang narating namin nang inakbayan ako ni Kuya Paolo.

Sa ginawa niyang iyon, e napahilig ako sa braso niya.  Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko.

"Baby... sorry... sorry talaga." sabi nito.

Pinarada niya ang kotse sa tabi ni daan.  Niyakap ako.

"Baby... sorry talaga at nasaktan kita.  Pero inaamin ko na mali ako na di ipaalam sa iyo ang lahat lahat.  Mali ako na hindi man lang isinaalang-alang ang magiging kalalabasan ng ginawa ko.  Minahal kita at minahal mo ako kahit di inisip ang naiwan kong problema.  Mali man ako pero alam ko na mahal kita at ang desisyon na ito ang magpapatama ng lahat ng mali ko." umiiyak na sabi nito na nakadikit ang mukha sa mukha ko.

"Pero tama man ito... ako pa rin ang lugi nito Pao e... Iiwan mo pa rin ako.  Kahit saan ko tingnan, ako ang kawawa dito e." sumbat ko dito.

"Angelo... Angelo... look at me." hinawakan ang magkabilang tenga ko. "... di pa naman sigurado e.  Pero ayokong mangako sa iyo. Ayokong mangako ng kahit ano.  Basta mahal kita. Iyon lang ang tandaan mo." sabi nito.

"Ayoko nang ganito.  Sana di na lang kita nakilala!" sigaw ko dito.

"Wag kang ganyan Baby.  Please naman? I thought okay na tayo." paglalambing nito.

"Okay? Kahit kelan di magiging okay sa akin ito.  Kahit anong gawin kong pag-iisip... niloko mo ako. Niloko mo ako Paolo!" sigaw ko ulit dito saka ako umiyak ng malakas.

"ANgelo!!!" sigaw nito sa akin. "Hindi kita masisisi kung galit ka sa akin.  Aalis na ako.  Di ko alam kung babalik pa ako o makakabalik pa ako pero sana wag mong kalimutan na mahal natin ang isa't isa kaya sana ang mga sandaling ito ay wag natin sayangin sa awayan natin." pasigaw na rin na sabi nito.

Tumahimik ako sa sinabi niya.

Napayuko ako.

"Angelo..." sabay himas nito sa likod ko.  Niyakap ang ulo ko at hinila palapit sa kanya.

"Kuya Pao... sorry... sorry... di ko lang kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin." sagot ko na lang.

"Angelo... di pa naman sigurado e. Wag ka magsalita ng tapos."

"Opo... Pao... sorry talaga... Mahal lang talaga kita. Mahal na mahal." sabi ko ulit dito.

"Mahal din kita baby ko. Mahal na mahal.  Kaya sana sulitin na natin ang mga araw na ito? Sana punuin natin ng pagmamahal ang ilang araw na magkasama tayo."

Niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit.

"Kuya Paolo... kelan pala ang alis mo?" bigla kong tanong dito nang magsimula na siyang mag-drive.

"Sa Linggo na e." sagot nito.

Ngumiti ako.

"Kuya Paolo... pwede ba ako magrequest sa iyo?" mahinahon kong tanong dito.

"Of course Baby." sabi nito.

"Can we spend the next 2 days together na tayo lang. Gusto kong masolo at malubos-lubos ang panahon na magkasama tayo."

"Anong gusto mong gawin?" nakangiting tanong nito.

"Gusto kong bumalik tayo sa lugar kung saan kita sinagot.  Kung saan tayo unang nagmahalan." mahinang sabi ko sa kanya.

"SIge. Bukas na ba?"

"Opo. Di ako papasok bukas para makasama ka ng matagal hanggang Sabado."

"Sige. Sige. Akong bahala.  Masusunod Baby." nakangiting sabi nito.

Maya-maya ay nakarating na kami sa mall.  Nagpark lang siya at dinala ang mga gamit ko.  Hinatid ako sa klase.

"Sunduin kita mamaya ha?" sabi nito bago lumabas ng kwarto.

"Sige po." sabay kaway ko sa kanya. "Ingat Kuya."

Ganun nga ang ginawa niya kinahapunan. Sinundo niya ako at sabay kaming umuwi sa bahay.  Agad siyang nagpaalam kay Mama Tony at kay Tito Leo sa binabalak nito.

"Overnight lang po kami ni Angelo bukas sa beach. Gusto ko po sanang maenjoy muna ang stay ko dito bago ako bumalik sa Germany." Paalam nito.

Lumapit sa kanya si Mama Tony at yumakap.

"Mamimiss talaga kita apo ko." sabi ni Mama Tony sa kanya.

"Mamimiss ko rin kayo Ma.  Kaso sa Linggo pa po flight ko. Di pa ngayon kaya may konting panahon pa tayong magkasama." malungkot na sabi nito.

-------------

Kinabukasan ay maaga pa kaming nag-almusal.  Kasabay namin si Mama Tony. Si Tito Leo ay tulog pa.

Pagkatapos noon ay niyakap kami ni Mama Tony.

"Mag-iingat kayo sa daan ha?" paalala nito.

Pagkatapos noon ay nag-drive na si Kuya Paolo.  Mabilis ang pag-drive nito.  Nagmamadaling makapunta sa resort kung saan kami unang nagtalik.

Nagpaalam na rin ako kagabi kay Sir Bryan na hindi ako makakapasok ngayon. Sinabi kong malapit nang umalis si Kuya Paolo kaya nilulubos-lubos namin ang panahon na magkasama kami.

Okay lang daw. Basta daw magpractice daw ako pag wala akong ginagawa.  Tutal application day lang naman ngayong Biyernes.

Pagdating namin sa resort at pumasok sa kuwarto ay siyempre naghalikan kami ni Kuya Paolo. Punong-puno ng init ang halikan at yakapan namin.  Maiinit na hagod sa katawan ng bawat isa.

Walang kahirap-hirap na nabuhat niya ako at isinandal sa dingding.  Idinikit ako doon at hinawakn ang dalawa kong kamay.

"I love you baby ko." sabi nito.

"I love you din Pao ko." sagot ko dito.

Binuhat niya uli ako at inilapag sa kama.

Sumayaw sayaw pa ng sexy habang hinuhubad ang damit nito.

Kung saan-saan na lang niya tinapon ang mga damit niya.  Titig na titig naman ako sa kanya habang naghuhubad ito.  Masakit man isipin pero mamimiss ko si Kuya Paolo... ang guwapo nitong mukha... ang sexy nitong katawan... at ang masarap nitong alaga.

Dahan-dahan niyang hinubad ang mga damit ko hanggang sa walang natira.

"Baby... ready ka na?" malokong tanong nito.

"Always... para sa iyo." sagot ko sa kanya.

Saka niya ako dinaganan at balik sa halikan at yakapan.

---------------------

Don't miss the last episode bukas ng My Paolo Series ... T_T


-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

3 comments: