Thanks sa mga bumati sa Birthday ko guys. Sorry at di ako nakapagpost this past few days. Super busy e.
Also, may bumalik kasi na galing sa nakaraan ko... medyo naging busy sa pagkikita namin. Friendly meeting lang.
=======================================
Masaya kaming umalis sa bahay nina Catalina. Nakuha namin ang pirma ni Cat na bawal na siyang lumapit kay Kuya Paolo kahit kelan. Nakipagkasundo rin si Mama Tony sa Papa ni Catalina na siya na mismo ang magbabantay sa ginagawa ng anak nito.
Pagdating namin sa bahay ay pareho kaming pagod. Siguro mentally pagod kami sa mga nangyari ngayong araw. Pero masaya kami dahil nga natapos na rin ang problema ni Kuya Paolo.
Agad namang tumawag sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Kuya Paolo si Mama Tony. Inexplain nito ang nangyari sa apo at handa daw itong magbigay ng ebidensiya na makakapagpatunay sa dahilan ni Kuya Paolo kung bakit ito umabsent sa trabaho. Maliwanag din daw na merong psychological problem si Cat kaya si Kuya Paolo na ang hahalili sa posisyon nito.
Sa awa ng Diyos ay pinayagang bumalik si Kuya paolo pero kailangan muna daw nitong makipagpulong sa Human Resource Department ng hotel at dalhin na rin ang abugado at ebidensiya nito para daw mas legal at mas magiging malinaw ang lahat.
Excited naman si Kuya Paolo na bumalik sa trabaho niya.
Nang sumunod na Lunes ay siya na uli ang naghatid sa akin pero this time kasama na sina Kuya Bon. Si Kuya Bon ang nagsisilbing bantay ni Kuya Paolo. Para daw just in case na sumugod na naman si Cat.
Ampangit nga lang nun ay hindi kami halos makapaglambingan ni Kuya Paolo.
Kami naman ni Luke ay naging okay naman. Kaso na-shock ako one time nung kinausap niya ako.
"Bez... may sasabihin sana ako sa iyo." mahinang sabi nito habang nagkukulay kami.
"Yes.. Bez... kung gusto mo ulit makipagsex sa akin di na mangyayari yun ha?" biro ko dito.
"No... not that..." seryosong sabi nito.
"E ano naman... seryoso mo naman... parang di ikaw yan."
"Kasi, I'm trying to stop myself from falling in love with you e... Kaya kung pwede for the meantime e wag na tayong magsabay ng lunch." di siya nakatingin sa akin nang sinasabi niya ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"Luke... bestfriends tayo di ba... pati ba yun dapat mawala?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Hindi naman. Pwede naman tayong magkasama e. Kapag nandito sa klase di ba palagi naman tayong magkatabi?"
"Oo... pero bakit kailangan pati lunch natin e maapektuhan naman?" naiinis na nalulungkot kong tanong.
"For the meantime lang naman e. Kasi kapag palagi tayong magkasama e hindi mawawala ito e. Kaya kahit lunch lang e maghiwalay naman tayo." paliwanag nito.
Natahimik ako.
Maya-maya ay tiningnan ko siya.
"Ganun na ba talaga kalalim pagtingin mo sa akin na kailangan pati pagkakaibigan natin madamay?" seryoso ding tanong ko dito.
Tumango lang siya.
"So sa tingin mo kapag di tayo magsasama sa lunch e mawawala yan?" sunod na tanong ko.
"Di ko alam." nagkibit-balikat ito. "Baka. Malay natin."
Nagbuntung-hininga ako.
"Kung iyan ang gusto mo. Di kita pipigilan." sa wakas ay sabi ko dito.
Tumingin siya sa akin.
"Gel..." tawag nito sa akin.
"No... I mean, if yan ang makakapagbalik sa pagkakaibigan natin... okay sa akin... sandali lang naman e." sabi ko dito. Medyo nararamdaman ko na ang sakit.
Sa totoo lang di ko siya maintindihan. Mawawala ba ang pagmamahal niya sa akin kung di kami magsasabay sa lunch? E magkatabi naman kami sa klase.
"Thank you." sabi nito.
Ngumiti ako.
"No need." sabi ko dito.
Iyon na nga ang nangyari. Nang magtanghalian ay di kami magkasabay kumain. Naisip ko na maghanap ng ibang makakainan maliban sa McDo kung saan kami palagi kumakain ni Luke.
Naglakad-lakad ako at sa wakas ay nakakita ako ng murang karinderya. Doon ako kumain. Kahit papaano ay masarap ang pagkain nila kahit mura. Naka-tatlong kanin tuloy ako.
Bago pa maubos ang kanin ko ay may narinig akong nabasag.
Napalingon ako.
Nakita kong nakatingin sa akin si Rachel... ang kaklase ko.
Nakatitig lang ito sa akin.
"Ano ba yan She (palayaw niya), nabasag mo yung dalawang pinggan." rinig kong sigaw ng babae.
Lumapit sa akin si Rachel.
"Hi." bati ko dito.
"Hi... bakit ka andito?" tanong nito.
Tumawa ako.
"Sama naman ng tanong mo. Dito ako para kumain. Ikaw?" tanong ko dito.
"Ah... sa amin to e." sagot nito.
"Ahhh... ganun ba?" napangiti ako.
"Ma..." tawag nito sa babae kanina. "Kaklase ko po pala si Angelo." pakilala nito.
Lumapit ang babae. Saka ngumiti sa akin.
"Ahh... kaya naman pala natulala ka diyan... oo kilala ko iyan sa unang tingin. Hi iho." bati sa akin ng mama ni Rachel.
"Hi po... Tita...?" tanong ko sa pangalan nito.
"Tita Marisse." pagtatapos nito.
"Kayo po ba nagluluto?" tanong ko ulit.
"Aba, oo. Matagal na." sabi nito na nakangiti.
"Ansarap po kasi e. Nakatatlong kanin nga ako e." sabi ko.
"Ganun ba? Magkakasundo pala tayo." sabi ng mama ni Rachel saka umupo sa harap ko.
Umupo din si Rachel sa tabi ng mama niya.
"Ang cute mo pala sa personal, iho." sabi ng mama ni Rachel.
"Tita Marisse naman. Ano pong personal?" tanong ko dito.
"Ahhh... kasi sa picture pa lang kita nakikita e. Naikukuwento ka ni She kasi." sabi nito.
Nakita kong sumimangot si Rachel.
"Pero masarap ba talaga ang luto ko?" ulit na tanong ni Tita Marisse.
"Opo. Sobrang sarap. Dito nga ulit ako kakain bukas e." nakangiti kong sagot dito.
"Talaga? Sige... dito ka kumain. Libre!" halos pasigaw na sabi ni Tita Marisse.
"Naku wag po. Ayoko po kasi nagpapalibre e. May baon naman po akong pangkain. Mabuti nga po at masarap ang kakainin ko e. Di puro fastfood."
"Naku, iho. Wag ka mag-alala. Ako ang may-ari ng karinderyang ito. Ako din ang nagluluto kaya wag ka mag-alala. Sagot kita. Basta dito ka kumain. Gusto na nga kita e." puno ng energy na sabi ni Tita Marisse sabay kurot sa pisngi ko.
Natawa ako.
"Sige po. Kung di ko po kayo mapipilit." sabi ko.
"Naku. Sige. Bukas ay ipagluluto kita ng espesyal na putahe na para sa iyo lang." sabi pa ni Tita Marisse.
Napangiti si Rachel.
"Naku, sobra-sobra na po ito. Wag na po kayo mag-abala." sabi ko ulit.
"Shhh... ako ang kusinera kaya ako ang masusunod. Kaklase ka ng anak ko at gusto kita. Kaya wag ka na magpumilit." sabi nito.
Napakamot ako ng ulo.
"Sige po." sabi ko ulit.
Tumawa lang kami pagkatapos.
"Siyangapala. Malapit ka ba dito nakatira?" tanong ni Tita Marisse.
"Ah hindi po. Taga-Jaro pa po ako. Diyan po sa may MAry Mart ang summer workshop namin." kuwento ko habang tinatapos ang pagkain ko.
"Wow. Ano'ng klaseng workshop iyon?" si Tita ulit.
"I'm sure Ma, drawing yan." sagot ni Rachel.
"Opo. Drawing nga po." sabi ko na nakangiti kay Rachel.
"Sabi na Ma e. Magaling kasi siya magdrawing." sabad ni Rachel na nakangiti naman sa akin.
"Oo na. Ilang beses mo na naikwento sa akin. Kilala ko na nga yata si Angelo e. Palagi mo ba namang kinukwento." biro ng mama nito.
Nanlaki ang mga mata ni Rachel. Siniko ang mama niya.
Ngumiti lang si Tita Marisse.
Di na ako umimik. Kunsabagay, marami na rin nakapagsabi na may crush sa akin si Rachel.
Tinapos ko lang ang pagkain ko saka nagpaalam sa kanila.
"Bukas uli dito ka kumain ha?" paalala ng mama ni Rachel.
"Sige po. Di ko po makakalimutan yan." sabi ko din.
"Ingat Angelo." si Rachel.
Ngumiti ako.
"Sige. See you tomorrow." paalam ko sa kanya bago ako tumalikod.
"Uyyy..." narinig kong mahinang sabi ng mama ni Rachel.
Napangiti ako.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Haynaku Luke, Mamimiss mo lang lalo siya. :P
ReplyDeleteRachel, wag masyadong umasa, malabo ang pag-asa. Haha.
Thanks sa update. :DD & Belated. :)))
tama kean nakagarahe na si GEL hehehehe
ReplyDeletewaaah! malay din natin, baka bigla magkarun ng twist sa story. he he he
ReplyDelete