Tuesday, May 15, 2012
My Paolo Series... (Chapter 27... My Birthday Party... Full of Surprises)
3 chapters to go. Malapit na ang next series na until now wala pa akong mahanap na magandang title para dun. Haha.
Binabati ko ang crush ko na si Keith... pagaling ka po.
Belated happy birthday kay Intsik from Saudi Arabia.
KL Jan... thanks for texting as well.
=======================================
Excited na ako para sa birthday party ko. Di ako mapakali sa workshop. Parang sana di na ako pumasok dahil parang wala naman akong nagawang matino.
Pagkatapos ng klase ay maaga pa akong sinundo ni Kuya Bon. Van ang dinala namin para magkasya sina Luke at Rachel. Inimbita ko rin si Sir Bryan.
Habang nasa biyahe kami ay nagpakilanlan sina Rachel at Luke. Kaso ang pinag-uusapan nila siyempre e ako. Si Rachel panay ang tanong kay Luke kung kumusta ako sa workshop. Si Luke naman ay panay ang tanong kay Rachel kung kumusta ako sa school.
Medyo naging close ang dalawa agad pero nakakailang lang dahil pareho nila akong pinagtatawanan.
Pagdating sa bahay ay kitang-kita ko sa mukha nila ang pagkamangha. Kunsabagay, di naman kasi ordinaryo ang laki ng bahay ni Mama Tony. Hindi pa kasama doon ang hardin. Di man kasinglaki ng mga don ang bahay niya pero malaki talaga.
"Bez, dito ka nakatira?" tanong agad ni Luke.
"Nakikitira lang ako dito." pagpapaliwanag ko dahil ayokong magmukhang mayabang.
"Oo, dito siya nakatira." idiniin ni Kuya Paolo ang huling salita.
Ngumiti ako.
"Oo. Dito ako nakatira." pag-aayos ko.
Ngumiti si Luke at si Sir Byran.
"Tara na sa loob." aya ni Kuya Bon.
Sumunod naman kami sa sala. Sinalubong kami ni Mama Tony at agad akong niyakap.
"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ng lahat.
Napangiti ako. NAsa sala ang magkakapatid na Ian, Ilianne, Isidro, at Isaac, pati na rin si Icko. Andun din ang magsyotang sina Feljan at Rey.
Niyakap ako ni Ian, saka binigyan ng regalo. Ganun din ang ginawa nina Feljan at Rey. Si Icko naman ay may regalo din.
"Yung sa amin ni Paolo, nasa kuwarto mo na." sabi ni Mama Tony.
"Thank you Ma." sabay halik ko dito.
"You're welcome." sabi nito.
Maya-maya ay may narinig kaming nag-doorbell. Lumabas si Kuya Bon para buksan ito.
"Ma, may iba pa ba tayong bisita?" tanong ko kay Mama Tony.
"Meron pa." nakangiting sabi nito.
"Surprise!" sigaw ng dalawang pamilyar na boses.
Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko sina James at Rod.
Napangiti ako. Tinakbo ko silang sinalubong at niyakap.
"Gago kayo. Bakit kayo andito?" excited kong tanong.
"Ayaw mo?" tampong tanong ni Rod.
"Hindi naman. Nasurprise ako tol." sabi ko.
"Halata naman e. Pero nagtampo nga kami dahil si Kuya Bon pa ang nag-imbita sa amin." sabay kurot ni James sa baywang ko.
"Naku. Sorry talaga. Nawala sa isip ko. Medyo naging busy lang. May naging problema lang kasi." paliwanag ko.
Pero sa isip ko galit na galit ako kung bakit nakalimutan ko ang dalawang kaibigan ko.
"James.. Rod!" tawag ni Rachel sa kanila.
Ngumiti ang dalawa.
"Hmmm... Paano'ng andito si Rachel at kami hindi?" bulong ni James sa akin.
Napangiti ako.
"Mahabang kwento. Kain muna tayo. Mamaya na tayo magkuwentuhan." sagot ko.
Buong gabi ay puno ng masayang tawanan, kuwentuhan at pakilanlan. Ang mga kaklase ko ay kinilala ang mga kapitbahay ko at mga kasama sa workshop.
Nakakatuwa na sa unang pagkakataon ay maraming tao ang nakadalo sa birthday ko. Maraming regalo pero ang mga tao ang mas mahalaga.
Mga bandang alas-onse ay nagpaalam na ako para ihatid sina Rachel, Luke at Sir Bryan. Sina James at Rod naman ay nagpaiwan. Pinaalam namin kay Mama Tony na makikitulog sila sa kuwarto nina Feljan at Rey. Medyo naging close na rin kasi ang apat.
"Kayong dalawa huh? Baka kung anong gawin niyo sa mga kaklase ko ha?" biro ko kina Feljan.
Siniko ako.
"Ano ka ba? Kung meron man kaming gustong makasama sa sex, ikaw lang yun." sabay ngiti ni Feljan.
Ngumiti ako.
Nagpaalam na kami nina Kuya Paolo, Kuya Bon, Sir Bryan, Luke at Rachel.
Mga isang oras din bago kami nakabalik. Mabuti na lang at di na traffic dahil gabi na.
Pagdating namin sa bahay ay nag-inuman pa kaming mga lalaki bago natulog.
Pagkapanhik sa kuwarto ay ipinagpatuloy namin ang mahabang kantutan ni Kuya paolo.
Kinabukas nang maaga ay hindi ako pumasok sa workshop. Nagpaalam ako kay Sir Bryan. Sabi niya okay lang basta pumasok ako ng isang oras na mas maaga para maulit niya sa akin. Birthday gift na lang daw niya sa akin iyon.
Mga alas-diyes na kami umalis ng bahay at hinatid sina Rod at James. Pagkatapos ay dumiretso sa Gaisano City sa La Paz.
Buong araw kaming nasa mall nina Mama Tony. Nanuod pa kami ng palabas sa sinehan, kumain sa mamahaling restaurant sa Sarabia Hotel, pagkatapos ay balik mall uli para mag-shopping.
Tuwang-tuwa ako dahil andami nilang pinamili para sa akin.
Pagkauwi namin ay sinalubong kami ni Rey.
"Mama Tony, may bisita po kayo ni Kuya Paolo." bungad nito.
"Huh?" kaagad na nagmadaling pumasok si Mama Tony.
Sumunod naman kami ni Kuya Paolo. Si Kuya Bon na lang ang nagdala ng mga gamit namin.
"Ma!!!" bungad na sigaw ng lalaki.
"Leo!" sigaw din ni Mama Tony.
Tumakbo ang lalaki para salubungin si Mama Tony. Niyakap ito.
"Leo... bakit di ka nagpasabing darating ka?" tanong ni Mama Tony habang kayakap ito.
"Wala naman. Gusto ko lang kayong sorpresahin ni Paolo." sagot nito.
Lumapit si Paolo at yumakap at humalik dito.
"Pa." bati nito.
Ngumiti ang lalaking tinawag niyang Papa sa akin.
"A siya nga pala. Si Angelo. Anak nina Josie at Bob (palayaw ng Papa ko). Naalala mo ba sila?" tanong ni Mama Tony.
"Oo naman. Kasama ko sa choir ang dalawang iyon nung binata pa lang ako e." sagot nito.
Lumapit ito sa akin.
"Hi, hijo. I think you don't know me yet. You can call me Tito Leo. Paolo's father." pakilala nito.
"Hi po." sagot ko. Medyo na-intimidate ako sa kanya.
"Bakit ka nga pala napaluwas Pa?" agad na tanong ni Paolo.
"Well, your vacation's over, Son. You need to go back home now." sabi ng papa niya.
Parang may sumakal sa leeg ko. Di ako makahinga. Napatingin sa akin si Kuya Paolo.
"Leo?" si Mama Tony.
"Pa? Why?" si Kuya Paolo.
"Your Mama insists. Besides, it's time for you to go back. Hindi na namin alam kung ano pang idadahilan sa fiancee mo. Palagi kang hinahanap sa amin." si Tito Leo.
Napatingin sa akin si Kuya Paolo.
Napapikit ako.
FIANCEE? Ano na naman 'to?
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ohmay. :[ NGANGA sa fiancee. Haha.
ReplyDeletesus, ginoo ko!
ReplyDeletehay nako paolo.
ReplyDeleteNamatay.anu 2!FIANCEE!bkt!?
ReplyDeleteJust finished reading all the series. Can't wait for the next part of your story! :)
ReplyDeleteNice stories, Just spent the whole night reading through your series. Taga Aklan ako pero madalas ako sa ilo-ilo, haven't been home for a while namiss ko tuloy. Hope to read more of your stories :)
ReplyDeletewow fiancee... asar much..
ReplyDelete