Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, May 11, 2012

My Paolo Series... (Chapter 25... Changes... are Happening)



Hi guys... eto na bumabawi na. Hahaha... Malapit nang matapos ang My Paolo Series... May bagong series na uli after nito.
=======================================

Pagkabalik ko sa workshop ay naging casual lang kami ni Luke.  Di naman kami naasiwa sa isa't isa.  Tinanggap ko naman ang kondisyon ni Luke e.

Naging pormal lang kami hanggang matapos ang klase.  Hinintay ko lang na sunduin ako ni Kuya Bon at saka namin binalikan si Kuya Paolo sa hotel.  Hinintay namin ng halos isang oras bago umuwi si Kuya Paolo.



Nagngitian lang kami ni Kuya Paolo dahil hindi naman kami pwedeng maghalikan sa harap ni Kuya Bon.

Sumunod na araw ay ganun ulit ang setup.  Di ko alam pero naging excited ako para kumain ng lunch.

Nang magpananghalian na ay mabilis akong naglakad papunta sa karinderya nina Rachel.

Malayo pa lang ay kumakaway na si Rachel.  Nakangiti ito sa akin.

"Ma, andito na si Angelo!" tawag ni Rachel sa mama niya.

Sinalubong ako ni Rachel.

"Musta?" bati nito.

"Eto, gutom." sagot ko.

Ngumiti si Rachel.

"Doon ka na umupo malapit sa electric fan." sabi nito sabay turo sa akin ng mesa malapit sa bentilador.

Sumunod naman ako.  Ngumiti ulit ako sa kanya.

"Thank you, She." sabi ko.

Ngumiti siya.

Tumalikod ito at sinundan si Mama niya sa kusina.

Pagbalik nito ay may pinggan na ng kanin at dalawang bowl ng ulam, munggo at adobo.

Napangiti ako sa amoy nito.

"Ambango naman nito Tita." papuri ko.

Napangiti ito.

"Tikman mo iho, mas masarap yan kainin kesa amuyin." biro ni Tita Marisse.

"Sige po." sabi ko.

Kinuha ko ang kutsara at tinikman ang munggo, sinunod ang adobo.

"Ansarap po Tita." sabi ko.

Niyakap ako ni Tita Marisse.

"Naku... wag mo akong purihin iho.  Baka mas lalo kitang magustuhan niyan."

"Di nga po.  Totoo nga. Ansarap ng luto niyo." sabi ko.

"Sige iho.  Gusto mo bang mag-uwi niyan? Uwian mo mama at papa mo." alok ni Tita Marisse.

Ngumiti ako. Medyo nasaktan.

"Hindi po. Wag na. Di ko naman kasama sina Mama't Papa sa bahay e.  Nakikitira po ako sa ninang nila." kuwento ko.

Nagkatinginan sina Rachel at mama niya.

"E di uwian mo yung ninang nila. Gusto mo?" alok ulit nito.

"Sige po. Gusto pa naman ni Mama Tony ang munggo." sabi ko.

Ngumiti si Tita Marisse.

"O siya She. Ikaw muna mag-estima kay Angelo at may kakain e." paalam ni Tita Marisse at hinarap ang pumasok na customer.

"Ambait ng mama mo no?" baling ko kay Rachel.

"Ganun talaga yun.  Kailangan din kasi niya maging masayahin lalo na dito sa karinderya.  Nasanay na siguro.  Halos lahat ng customer namin e para niyang kaibigan.  Pero siyempre iba naman yung sa iyo." paliwanag ni Rachel.

"Dahil kaklase kita?" tanong ko.

"Isa din yun." sabi ni Rachel.

"Ano pa yung isa?" curious kong tanong.

"Wala yun. Sige na kain ka na." sabi na lang nito.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain hanggang sa maubos ko ito.

"Ito pala yung dalawang ulam." sabay bigay ni Tita Marisse ng dalawang tupperware na nakalagay sa plastik.

"Naku Tita, andami naman po nito." sabi ko pagkakuha ng plastik.

"Ano ka ba? Okay lang yan.  Niluto ko lang naman yan para sa iyo. Sabi kasi ni Rachel yan daw palagi mong kinakain sa canteen niyo kapag lunch." sagot ni Tita Marisse.

Napangiti ako.  Paanong nalaman ni Rachel iyon?

"Sige po. Maraming salamat huh? Ibalik ko na lang po ang tupperware bukas."

"Siyempre.  Dadalhin mo rin uli yan pabalik sa inyo dahil lalagyan ko ulit ng pagkain.  Tanungin mo na rin yung ninang ng mga magulang mo kung ano ang gusto niyang pagkain para naman mailuto ko." nakangiting sabi ni Tita Marisse.

"Sige po. Salamat. Rachel, mauna na ako." paalam ko.

"Teka lang, sasabay siya sa iyo sa Mary Mart dahil bibili siya sa grocery." pahabol ni Tita Marisse.

"Ah ganun ba>? Tara She." aya ko kay Rachel.

"Sige. Teka lang kukunin ko lang ang bag ko." sabi ni Rachel.

Pumasok ito sa pinto at wala pang isang minuto ay lumabas din.

"Tara." sabi nito.

"Sige." sabay baling ko kay Tita Marisse. "Tita, sabay na po kami."

"Sige. Ingatan mo anak ko ha? Bata pa yan?" sabi nito sabay kindat.

"Tita, mas matanda po siya sa akin e. Siya po mag-aalaga sa akin." biro ko.

Tumawa si Tita Marisse. Namula si Rachel.

"Tara na." aya ko nang di siya gumalaw.

Sumunod naman siya.

Mabagal ang ginawa naming paglakad.  Marami kaming napag-usapan pero kadalasan school.

Pagkarating namin sa grocery ay nagpaalaman na kami.

"Bukas ulit dun ka kumain sa amin huh?" paalala nito.

Ngumiti ako.

"Oo naman. Masarap pagkain sa inyo e. Libre pa. Saka masarap kumain kapag kasama kita.  Kaya dapat bukas saluhan mo akong kumain." sagot ko dito.

Ngumiti siya bago pumasok ng grocery.

Tiningnan ko siya habang papalayo.

Maganda si Rachel. Mahinhin, mabait, matalino, magalang, at maganda.  Hahaha. Oo, maganda siya, kahit di mahilig sa makeup. Ayoko pa naman sa lahat ang malandi.

Maya-maya ay lumingon siya sa akin.

Kumaway.

Kumaway din ako at ngumiti saka naglakad pabalik sa workshop.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

1 comment:

  1. Ayieh. Haha. Kakilig at some point. :P
    Is it payback time na ba para kay kuya pao?
    Gaganti ba at ipapadanas ang naramdaman mo nung sila ni "cati". Haii. Haha.
    Excited for the next series.

    ReplyDelete