2 chapters to go for My Paolo Series.... Sorry guys sa matagal na pag-update... super busy talaga.
Also, thanks sa mga nakatext ko these past few days, kina LJ, JC, JC ulit, KLJan, Kevin, Tristfire, and of course... Baby Keith na kagagaling lang sa hospital dahil sa dengue... get well soon...
Also, all the way from Riyadh, ang ever-friendly na si Intsik. Sensya di ako makapagreply, mahal text sa KSA e... hahaha.
=======================================
"Fiancee? He never mentioned this." si Mama Tony.
"Of course he won't Ma. In fact, we never wanted to mention this in front of you." medyo nahihiyang sabi ni Tito Leo. "But, due to these circumstances arising, we need to be firm. He needs to go back to Germany."
"Pa..." tawag ni Kuya Paolo kay Tito Leo.
"I don't think that he is into this now Leo. Halata naman sa bata na ayaw pa niyang magpakasal." si Mama Tony.
"Ma, he's just having cold feet. Five years na silang magnobya ni Giselle. This has been planned for more than a year. We just asked him to come here for the holidays para naman makavisit siya while he is still a bachelor. Pero for some reason he doesn't want to come back home." si Tito Leo.
"Pa, I don't want to get married with Giselle anymore." mahinang sabi ni Kuya Paolo.
Tahimik lang ako. Ayokong sumali. Kahit na gusto nang sumabog ng dibdib ko.
"What's with this madness iho? You know well kung gaano na kalaki ang nagastos natin para sa paghahanda sa kasal mo." galit na si Tito Leo.
"Leo, maybe he needs time to think about this. ANyway, he's still just a kid." pamimilit ni Mama Tony.
Ngumiti si Kuya Paolo sa kanya.
"We don't have time. His wedding is scheduled 3 weeks from now." si Tito Leo ulit.
TUmayo si Mama Tony sa gulat. Si Kuya Paolo ay kalmado pa rin, alam niya talaga iyon.
"What? That soon? As in this May?" gulat na gulat si Mama Tony. Nagsimula nang maglakad ng pabalik-balik.
"Yes, May. After all, May is the wedding month in Germany. Last year pa nakaplano ito." paliwanag ni Tito Leo.
"This is insane!" sumigaw na si Mama Tony.
Lumapit si Tito Leo kay Mama Tony at inakbayan ito.
"Ma, don't shout. Di naman namin ginusto ito e. This was all Paolo's idea. Sila ni Giselle ang nag-decide na magpakasal. We were all against it at first pero they were persistent. Until both of us agreed on this. Now, after all these times and money that we have spent he's saying that he changed his mind? That we can't accept... or rather we won't understand." mahabang sagot din ni Tito Leo habang pinapakalma si Mama Tony.
"Ma, akyat po muna ako sa taas. Medyo inaantok na ako e." sabi ko.
TUmayo si Kuya Paolo. Ngumiti ako sa kanya.
Umakyat na ako. Ayoko nang pakinggan ang usapan nila, masakit sa dibdib ko. Parang nakikinita ko na kung ano ang magiging katapusan ng usapan nila.
Nagkulong ako sa banyo. Naglublob sa bathtub. Di ko namalayan na nakaidlip na ako.
Maya-maya ay naramdaman ko na may bumuhat sa akin.
"ANgelo?" rinig kong boses ni Kuya Paolo.
Iminulat ko ang mata ko. Nakangiti si Kuya Paolo sa akin.
"Ano bang pumasok sa isip mo? Magkakasakit ka niyan e." sabi nito.
Ngumiti ako. Kahit na masakit pa rin ang dibdib ko sa nangyari kanina.
Binuhat ako nito at inilapag sa kama. Siya na ang kumuha ng tuwalya at pinatuyo ako. Pinunasan ng dahan-dahan ang katawan ko.
"KUya... Aalis ka na?" masakit man pero naitanong ko rin sa kanya.
Di siya sumagot. Binihisan niya muna ako.
"Pao... please? Sabihin mo po sa akin para po alam ko kung ano nangyayari." pamimilit ko dito sabay ngiti.
"Don't do that..." sagot nito. "Don't smile like that. Alam ko nasasaktan ka."
"Wala naman akong magagawa Pao... kung iyon nga ang mangyayari, kailangan kong tanggapin."
"Baby... JUst hear me first." sabi nito.
Di ako sumagot. Tumango ako. Humiga ito sa tabi ko. Binuhat ang ulo ko at ipinatong sa dibdib niya.
"Giselle... was my classmate in college. She's not really my type. There was really no love at first sight for me. Pero sa kanya daw e ganun. Sa totoo lang siya ang nanligaw sa akin until such a time na nagustuhan ko na rin siya. After 4 years ng pagiging kami e we decided na it's time for us to settle down." pagkukuwento ni Kuya Paolo.
Hinawakan nito ang noo ko at hinalikan.
"Then... we convinced our parents to have us married. At first, it was hard, almost 2 weeks bago namin sila napa-oo. Then last year, nagsimula na kaming magplano para sa kasal namin." pagpapatuloy nito.
"Pero bakit ka po pumunta dito?" tanong ko.
"Well, last Summer, kagaya ng naikuwento ko sa iyo. I met Jan. Dahil kay Jan ay namulat ako for possibilities... doon ko napatunayan ang matagal ko nang duda sa sarili ko. Several months after nawala si Jan sa akin ay nahirapan akong mag-focus. Di ko alam kung anong gagawin ko. I said I need to time to think and be sure of myself. Nung sinabi ni Mama na kailangan kong magbakasyon dito kina Mama Tony ay di na ako tumanggi dahil gusto ko munang makalayo. Pero di ko inaasahan na may makikilala ako ditong makakapagpabuo ng pagkatao ko. Ikaw yun Baby." sabi nito sabay hawak sa mukha ko.
"Pero Pao... mahal mo pa ba si... Giselle?" tanong ko dito.
"Ayokong magsinungaling sa iyo Baby. Hindi ko masasabing hindi pero di din ako siguradong oo. Nagdadalawang-isip na ako ngayon. HIndi ko alam kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ko." yumuko ito.
"So kaya kailangan mong bumalik sa kanya?" alam kong magiging dulo ng sasabihin niya.
Tumango siya.
"Baby.... try to understand. Kailangan kong siguruhin sa sarili ko kung ano nga ba ang nararamdaman ko. I fell in love with you while I'm still in love with Giselle. What makes you think that I won't do this to you?" seryosong sabi nito sa akin.
Tumango ako.
"Naiintindihan kita. Napag-isip-isip ko na rin yan." sagot ko.
"So, naiintindihan mo ako?" tanong nito uli.
"Opo. Dahil mahal kita. Kailangan intindihin at iintindihin ko para sa atin."
Ngumiti siya at humalik sa akin.
"Thank you Baby."
Ngumiti ako uli kahit masakit sa akin.
YUmakap siya sa akin at maya-maya ay nakatulog na.
Ilang oras din akong nag-isip-isip. Nakatuon pa rin ang isip ko sa malapit na pag-alis ni Kuya Paolo.
Pumatak ang luha ko sa isiping mawawala na siya sa akin.
Bumangon ako at naglakad-lakad sa hardin.
Kuya Paolo... tawag ng isip ko habang nakatingin sa bintana ng kuwarto namin. Parang nakikita ko ang taong mahal ko na natutulog. Sa isip ko ay naiisip ko na kung ano ang mangyayari sa kinabukasan.
Pinipilit kong umiyak pero bakit hindi pumapatak ang luha ko?
Kunsabagay, andami nang kamalasan ang nangyayari sa buhay ko. Lahat ng nagmamahal at minamahal ko ng sobra ay nawawala din sa akin. Si Jan... si Ralph... si Kuya Gilbert... si Ian kahit sandali lang... at ngayon ay si Kuya Paolo.
Ano pa ba ang bago?
Ano pa ba ang dapat kong iyakan?
Si Paolo ba ang iiyakan ko? O ang katotohanan na para na akong isinumpa na di na ako pwedeng magmahal?
I just wish na hindi na lang sana ako nagmahal... baka sakaling hindi na ako masaktan.
Nakikita ko nang pagbalik ni Paolo sa kanila at kapag nakita niya uli si Giselle ay itutuloy din niya ang kasal. Kahit sino namang lalaki ay walang inasam kundi ang makasal. Kahit ilang taon pa, di mangyayaring kami ang ikakasal ni Kuya Paolo.
Imposibleng mangyari.
Umakyat ako sa kuwarto. Tiningnan muna si Kuya Paolo. Ngumiti ako.
I promise you. Ikaw na ang huling taong mamahalin ko. Kapag umalis ka, hindi na ako magmamahal kahit kelan.
Umakyat uli ako sa kama at niyakap siya at hinalikan... sa huling pagkakataon.
Sapat na ito.
Masarap magmahal pero ayoko na.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
more power kuya gel, masakit nga magmahal
ReplyDeleteYieh. Hindi ba siya umalis at yun ang dahilan ng patuloy mo paring pagmamahal?. Haha.
ReplyDeleteKalungkot. :[
Broken hearted ako sobra....
ReplyDelete