Wow... more than a month din akong walang update ah... ito na babawi na ako ngayon.
Liam, Intsik of Riyadh, James, Keith, Jaime, Red, Tim... thanks for keeping in touch.
=======================================
Nagising ako sa pag-ring ng telepono.
"Hello?" mahinang sabi ko.
"Angelo... makinig ka, saglit lang to dahil long distance ang tawag ko. Pag lumaki to baka magtanong si Lolo. Nakapag-enroll ka na ba?" agad na bungad ng Kuya ko.
"Opo. Long distance, saan ka ba ngayon Kuya?"
"Sinama ako bigla ni Lolo at Lola sa States, mga 3 weeks din daw kami dito, kaya baka mahirapan akong kumontak sayo palagi." pagpapatuloy nito.
"Ahh.." sang-ayon ko na lang.
"Anyway, natanggap mo ba yung pinadala kong pera sa account mo?" tanong nito.
"Ah... ikaw pala yung nagpasok nun." napangiti kong sabi.
"Bakit? May inaasahan ka bang sugar-daddy na magpapadala sa iyo ng pera?" panunukso nito.
"Wala." inis kong sabi dito.
"Sige, gamitin mo muna yang pera mo para makahanap ka ng apartment na matutuluyan malapit sa school niyo. Patulong ka na lang sa mga kaibigan mo." utos nito. Halatang nagmamadali.
"Sige Kuya, ngayon din hanap kami."
"Good. Sige, alagaan mo muna sarili mo ha? Wag kang pumasok sa gulo. Alalahanin mo." paalala nito.
"Sige po Kuya. Thank you."
"Sige, ingat."
Napangiti ako kahit na ibinaba na niya ang telepono.
NIyakap ako ni Rod.
"Sino yun?" bati nito sa akin.
"Kuya ko."
"Ano'ng sabi?" umupo ito sa tabi ko at umakbay. Humilig ako sa balikat niya.
Hinalikan ako nito sa ulo.
Sumimangot ako sa ginawa niya.
Ngumiti naman siya.
Nagising si James. Binawi agad ni Rod ang braso niya sa pagkakaakbay.
"Ang aga niyo a. ANo'ng meron?" bati nito.
"Tumawag si Kuya, nasa States daw siya for 3 weeks e. Pinapahanap ako ng apartment." sabi ko.
"Wag na, dun ka na lang sa bahay." agad na sagot ni Rod.
Ngumiti ako. Inisip ko agad kung anong maaari naming gawin kapag nagkasama na naman kami.
"O kaya sa amin." si James.
"Tol, wag ka nang mang-agaw... nauna ako e." sabay-sundot ni Rod sa ilong ni James.
Natawa ako.
"Oo nga naman. Siyempre sa asawa ka muna bago kuya." sabi ni James.
"Dun ka tumama tol." sundot uli ni Rod sa ilong ni James.
"Aba! Ano'ng asawa? Maya-maya e maniwala si Rod. E di pa naman kami." sabi ko.
Nagkunwaring nalungkot ito.
"Ayan, lagot ka Angelo. Nalungkot na ang die-hard manliligaw mo." panunukso ni James.
Hinalikan ko sa pisngi si Rod. Ngumiti ito.
"Hay naku. Eto na naman ang dalawang ito." sabi ni James. "Gawin niyo yan pag wala ako."
"Rod, ano ka ba? GUsto ko rin namang tumira sa inyo. Kaso baka pag tumira ako dun, ako naman ang matira mo." biro ko dito.
"Ayaw mo nun?" nakangising sabi nito.
"Ahem... guys... andito pa ako o? Pwede?" si James.
Tawanan kaming dalawa ni Rod.
"Pero sa totoo lang, pwera biro, alam mo naman kung bakit ayokong tumira sa inyo o kahit sino sa inyong dalawa di ba?" seryoso kong paliwanag.
Sumeryoso din ang mukha ng dalawa.
"Alam niyo naman na di kanais-nais ang mga nangyayari sa mga pinagtitirhan ko di ba?" sabi ko.
"Pero Gel, di naman siguro ganun, nagkataon lang." si James, inakbayan ako.
"Oo nga. Promise, pag sa bahay ka tumira, wala kang mararanasan kundi saya, at sarap... ng pag-aalaga ko."
"Pero, seryoso ako. Ayoko na muna makitira kahit kanino sa inyo. Kaya ko naman siguro mag-isa. Tsaka pwede naman nating gawing tambayan ang apartment na mahahanap ko eh. Pwede din kayo makitulog dun kung gustuhin niyo. Basta mag-isa muna ako." paliwanag ko.
"Sige, di ka namin pipilitiin. Pero kung sakaling di mo kaya, alam mo naman na palagi kang welcome sa bahay namin ni James." si Rod.
"Alam ko yun." ngumiti na lang ako.
Saka nag-akbayan kaming tatlo.
Bago pa magtanghali ay naligo na kaming tatlo, saka sinamahan ako ng dalawa na maghanap ng apartment, sabi ko nga ayoko malapit sa school dahil gusto ko namang malayo ang bahay sa school para may travel time. Nakahanap kami ng apartment malapit sa UP sa mismong Iloilo city proper, malapit sa University of San Agustin, medyo looban pa siya pero mas gusto ko ang ganun, hindi malapit sa daanan ng jeep para di maingay at di mausok.
"Seryoso ka gusto mo dito?" si James.
"Okay naman ang lugar ah." sabi ko.
"Oo nga may sarili kang gate, may sariling kwarto, de-aircon na, may complete furnitures and appliances pero 10 thousand kada buwan mag-isa ka lang?" sabi nito.
"Ano ka ba? Kapag nakita ng kuya ko na ang kinuha kong kwarto e mumurahin at di komportable, pagagalitan ako nun."
"Oo nga naman, okay na to." sang-ayon ni Rod.
Binatukan siya ni James.
"Yan, okay sa iyo dahil mas malapit ka dito kahit malayo sa school" asik ni James dito.
"Siyempre, para palagi akong makadaan dito bago umuwi." si Rod.
"O siya, two against one, wala akong magagawa."
Napangiti kami ni James.
"Kuya, kunin ko na po tong apartment." sabi ko kay Manang Pinang.
"Ilan ba kayo ang titira dito?" usisa nito.
"Kami pong tatlo." agad na sagot ni James.
"Ah... mga estudyante lang ba kayo?" si Manang Pinang uli.
"Opo, sa Sky High [-di totoong pangalan ng school] second year high school lang po kami." sagot ni Rod.
"Ahhh... so one month advance at one month deposit ang kailangan dito. Kelan niyo mabibigay?"
"Ngayon na po." sagot ko. Kaagad kong kinuha ang pambayad at ibinigay kay Manang Pinang. Kaagad naman akong sinulatan ng resibo nito.
"Yung ilaw at kuryente nga po pala?" si James.
"Ah... kasama na yun sa binayaran niyo." nakangiting sabi nito.
"Ah... okay naman pala eh." si James ulit.
"O siya sige mga iho. Eto na ang mga susi niyo, bahala na lang kayo ha? Pag may kailangan kayo, sabihin niyo lang sa akin, at kapag may kailangang kumpunihin diyan e mag-doorbell lang kayo at ipapaasikaso ko." paalala nito bago tuluyang umalis.
Kaagad ay bumalik kami sa hotel at kinuha ang mga gamit ko. Syempre nang-usisa ang manager pero sinabi kong alam na ito ng Kuya ko at binigay ko agn bago kong address kapag nagtanong. Saka kami sumakay ng taxi.
Kaagad na inayos namin ang mga gamit sa bahay. Saka kami nagkasundo na magpaalam uli sina James at Rod sa magulang nila na sa bahay sila magpapabukas at tutulungan nila ako sa pag-ayos ng bago kong bahay.
Kaagad bumili ng maiinom si James at Rod habang inaalis ko sa mga bag ko ang mga damit ko.
Tumingin ako sa paligid ng kwarto. Ito na naman ang bago kong kwarto. Akin lang ang kuwarto at bahay na ito. Wala akong kasama, walang kahati. Kung malas man ako, walang madadamay sa kamalasan ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Sabi nga nila, dapat magandang energy ang dinadala sa bagong bahay, wag bad.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng gate, nilabas ko sina James at Rod na may dalang mga yelo, tsitsirya at isang long neck na emperador.
"Grabe, patayan ba to?" sabi ko.
"Si Rod may gusto e."
"Anong ako? Isa nga lang yan, di tayo malalasing niyan." sabi nito.
"Naku, pag nalasing ako, bahala kayo." babala ko sa kanila.
"Baka ikaw ang bahala, kasi nga si Rod ang may gusto nito, parang may binabalak e." sabi ni James.
Siniko ito ni Rod.
Inayos na namin ang sala, sa sahig na lang kami umupo. Kuwentuhan habang tagayan at tawanan habang tumutugtog ang radyo.
Mga bandang alas-diyes ay tinatamaan na kami. Nainitan kami kahit naka-aircon kaya naghubad kami ng mga t-shirt. Siyempre, di mawala sa paningin ko ang katawan ni Rod. Parang mas lumaki at naging mas matipuno pa ito nung bakasyon.
Nakita niyang nakatingin ako sa dibdib niya at ngumiti ito. Kumindat pa. Ngumiti din ako.
"Gel... nag-eenjoy ka na diyan e. Bakit di mo na lang sagutin itong bestfriend ko." si James halatang may tama na.
"Mas atat ka pa yata kesa sa'kin tol eh. Ikaw ba nanliligaw?" si Rod. Kumindat uli.
Ngumiti lang ako.
"Malay mo, malapit na." di ko napigilang sabihin.
"Ayun!!!" halos sabay na sigaw nung dalawa.
"Tagayan pa yan!" si Rod.
Natawa ako.
"Cheers, bottoms up." si James.
Sabay-sabay kaming tumungga at inubos lahat ng emperador sa shot glass namin.
"Okay ka pa Gel?" si Rod.
Tumango ako. "Okay pa naman."
"Tagayan pa yan!" sagot uli ni Rod.
"Ulol, may balak ka talaga tol." sabad ni James.
"Wag mo na akong lasingin baka makatulog ako, sige ka." babala ko kay Rod.
"Itigil na ang inuman!" sigaw uli ni Rod.
Tawanan na naman kami.
Saglit lang akong tumayo para umihi. Andami nang naihi ko. Doon ko namalayan na tigas na tigas pala ang ari ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, pulang-pula na ako, napangiti ako. Gago ka Rod ha, may balak ka talaga.
Bumalik ako sa sala at tuluyan pang nakipag-inuman sa dalawang kaibigan kong sobra kong namiss.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Whahaha. Atlast! Sana maging regular na po ulit ang update. Hehehe
ReplyDeletehahaha... sana nga e. pangit ng nick m o
ReplyDeleteHm. Pangit tlaga? Ngee. Eh anung maganda? Suggest ka nga. Hahahaha.
Deletewaaahh may update na.,.,ang tagal kong nagintay.,.,.hehehe.,.ang pogi namn nung nasa pic sino po yun.,.,
ReplyDelete@ Jan.. di ko alam... hahaha
ReplyDeletenice... nice.. . may update na ule. he he he tnx po!
ReplyDeleteTagal kong hinintay to
ReplyDelete09164810254
ReplyDelete