Dahil maraming natuwa sa last na pagpost ko, magpopost ulit ako. Hahaha
Liam, Keith, Nathan, Keantoot, klo_war, Andrian, Rio, and LAN hello
=======================================
Naunang nabangenge si Rod kaya mabilis itong pumunta sa kuwarto ko para matulog.
"Wow! Feel at home ka talaga tol a. Inunahan mo pang mahiga si Angelo sa kama niya a." biro ni James.
"Okay lang yan. Ako muna, tutal baka palagi din naman ako makikitulog dito e. Di ba Gel?" sabay kindat nito sa akin.
"Oo na, matulog ka na at baka sumuka ka pa diyan." asik ko dito.
"Ayaw mo akong tabihan?" nakangising tanong ni Rod.
"DI pa naman ako inaantok e." sagot ko.
"Di mo naman sinasagot tanong ko eh. Tatabihan mo ba ako mamaya?" ulit nito
"Siyempre? Saan naman kami matutulog? Hiya naman kami sa iyo kung dito kami sa sala tapos ikaw andiyan." biro ko dito.
Ngumiti ito.
"Sige, una na ako ha? Sa akin ka tumabi wag kay James. Maliit lang ano niyan." sabay tawa nito.
"Gago ka! Pakialam naman ni Angelo dun? Sa titi mo lang may pakialam to." ganti naman ng isa.
Tumawa lang si Rod saka pumasok na sa kwarto.
"Gago talaga yun no?" sabi ni James.
Napangiti ako.
"Kelan ba hindi? Buti nga magkabati kayo nun e anglayo ng ugali niyo." puna ko.
"Ganun talaga. Opposites attract, parang kayo." tukso pa nito.
"Baliw. E di kung opposite kayo, at opposite kami, bakit tayo nagkasundo?"
"Ah... yun... special tayo e. Sa inyo iba, sa atin iba."
"Gulo mo" sabay bato ko ng kornik sa mukha niya.
Tumawa lang ito.
"Pero alam mo, sobrang natuwa talaga kami nung babalik ka na. Kahit pala mas matagal kaming magkasama ni Rod, iba pa rin pala pag wala ka. May malaking kulang." seryosong sabi nito.
"Asus... touch naman ako. KElan ka pa natutong magdrama." sabi ko.
Ngumiti ito.
"BAsta, masaya ako at andito ka na uli." sabay taas nito ng baso.
Sinalubong ko rin ng baso ko.
"Pero, di nga Gel. Bakit nga ba ayaw mong sagutin si Rod?" pag-iiba nito ng usapan.
Tiningnan ko ang kwarto kung nasa labas si Rod. Saka bumalik ang tingin ko kay James.
"Alam mo naman mga nangyari sa akin in just 3 years. Lahat ng minamahal ko, nawawala sa akin. Oo aminin ko, ilang beses ko ring isiping sagutin si Rod pero kung pati siya mawala din sakin, baka pati ikaw mawala, di ko siguro kakayanin. Kaya siyempre mas maganda na lang na ako ang magsakripisyo na di maging kami ni Rod kesa naman ipahamak ko pa siya o pati ikaw." paliwanag ko kay James.
"So mahal mo kami ni Rod?" tanong nito.
"Siyempre naman, bestfriends tayo e."
Hinawakan ako ni James sa kamay.
"Pero ayoko din kasing nalulungkot ang kaibigan ko. Palagi ikaw ang hinahanap niyan sakin. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Mahirap sa kanya na tanggapin ang biglang pagpalit niya ng preference, ang aminin sa akin na bestfriend niya na nagkakagusto siya sa iyo, pero lahat iyon tinanggap niya para lang maparamdam sayo na mahal ka niya."
"Alam ko. Pero alam ko maiintindihan niya ako."
"Sana nga. Pero sana wag mo ring pigilan ang sarili mo na iparamdam sa kanya na mahal mo siya. Kahit di man maging kayo pero at least naiparamdam niyo sa isa't isa."
"Hirap naman nun." ngumiti ako sa sinabi ni James.
"Oo nga no. Pero ang gusto kong sabihin, wag mong pigilan ang sarili mo. Kasi mahirap din na habambuhay e di ka magmamahal. Malay mo kaya sila nawawala sa iyo dahil di talaga sila ang para sa iyo. Malay mo si Rod pala ang para sa iyo."
"What if hindi James?" seryoso na ang mukha ko.
"You'll never know unless you try."
"At laging nasa huli ang pagsisisi." balik ko sa kanya.
"I don't know" sabay taas nito ng dalawang kamay. "I just feel na mahal niyo ang isa't isa. I for one can say that dahil ako palagi ang kasama niyong dalawa. Iba kasi ang turingan niyo sa isa't isa e. Not that I am jealous, but I know you do love each other."
Ngumiti ako.
"Mahal ka rin namin James. Di sa magkaibang level pero sa magkaibang klase ng pagmamahal."
Ngumiti siya.
"This is not about me. This is about both of you."
"I know. Pero time will tell pero ayoko munang madaliin. DI naman ako mawawala sa inyo e. I will always be here for you and Rod. Kaya malay mo in the near future maging kami. Pero wag muna ngayon." sabi ko.
"Kunsabagay." parang pinilit na lang nitong ngumiti.
"PEro ikaw, bakit wala ka pang girlfriend?" balik-tanong ko sa kanya.
"Inom na nga lang tayo." sabay tawa nito.
Tumawa na rin ako at pinagpatuloy namin ang pag-inom.
Nang maubos na yung iniinom namin ay nagligpit na kami.
"James, mauna ka na sa kwarto. Ako na magliligpit niyan." sabi ko dito.
"Sige... tinatamaan na rin ako e. Umiikot na paningin ko." sabi nito.
"Sige... hawak ka mabuti sa dingding baka tumumba ka."
Nang makapasok na ito sa kwarto ay nilinis ko na ang kalat namin.
Bago ako pumasok sa kwarto ay naghilamos ako at sinundot ang tonsil ko para mailabas ko ang ilan sa nainom ko para mabawasan ang lasing ko. Epektibo nga yun dahil parang humupa ang pag-ikot ng paningin ko.
Naglinis muna ako ng katawan bago pumasok sa kwarto. Nasa gitna ng kama si Rod, si James e nasa kanan nito. Siyempre sa kaliwa ako ni Rod nahiga. Pagkahiga ko pa lang ay agad na yumakap ito sa akin.
"Rod?" mahinang tawag ko dito. Chineck ko kung gising ito. Tulog naman.
Mainit ang katawan nito, nakadantay pa ang hita kaya nasa gilid ng bewan ko ang matigas na titi nito.
"Rod? Tulog ka ba talaga?" ulit ko.
Di pa rin siya sumasagot.
Tinitigan ko ang mukha nito. Napangiti ako.
"Thank you sa pagmamahal Rod." sabi ko di ko alam kung naririnig niya o hindi.
Humarap din ako sa kanya at yumakap. Lalo na rin itong yumakap ng mahigpit.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Aww. So cute! Nakakatuwa naman tong chapter na to, thank you po sa update! :-)
ReplyDeletewow! sarap aman sa feeling na may maturing na nagmamahal at nagmamalasakit na kaibigan.
ReplyDeleteYehey!. Hahahaha. Sana nga ay magtuloy-tuloy na. :D Thanks sa update.
ReplyDeleteNice chapter! Ayos naman pala tong si Rod. Pero team Jan pa rin ako eh. Wala pa kasing closure yung relationship ni Angelo at Jan. Sana kung sagutin man ni Gelo si Rod, eh makapag-ayos muna sila ni Jan. Haha :)
ReplyDeleteSana po masundan na ito. Sobrang immersed na po ako sa story. Adiction na nga ata ito. Tinapos ko po mula sa seminary series hangang dito in two days.-JL
ReplyDelete09164810254
ReplyDeleteLALO AKONG NAIINLAB HAHa....nice....@jhon andrew..
ReplyDelete