Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Miyerkules, Nobyembre 7, 2012

True Gay Stories... Jed... Part 2



Second Part ng Story ni Jed... (Sorry, nasend mo na pala. Di ko nacheck email ko agad)
----------------------------------

"Ano hanap mo dito?" tanong niya.

Kumibit-balikat ako.

"Bakit?" Usisa nito.

"Di ko nga alam e. Sa totoo lang di ko alam kung anong ginagawa ko dito." pag-amin ko.

Tumawa siya.

"Isa lang naman pinupunta ng mga tao dito e." sagot nito.

"Ano naman yun?"

"Sex." bulong nito.



Tumingin ako sa kanya.

"So yun din hanap mo?"

"Oo naman.  Sino ba ayaw dun?" balik-tanong nito.

"So gusto mo mag-sex tayo?" medyo di pa rin ako makapaniwala.

"Di pa ba halata? Andito nga ako sa tabi mo oh?" sabi nito.

Ngumiti ako.

"Malay ko ba kung naghahanap ka lang ng makakausap." palusot ko.

"Kung naghahanap ako ng makakausap di ako dito pupunta." nakangiting sabi nito.

"Wala na akong masabi."

"Meron pa. Sex ba tayo o hindi?" tanong nito.

"Angganda ng tanong mo. Hahaha. Makakatanggi ba ako?"

"Sabi mo nga gwapo ako.  Tatanggi ka ba sa gwapo?" sabay lapit ng mukha nito sa mukha ko.

Hinalikan ko ang labi niya.

"Ano yun?" tanong nito.

"Ano pa? E di oo." ngumiti ako.

Kaagad din niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at humalik.

"Ano yun?" tanong ko rin.

"Thank you." sagot naman nito.

(Korny no?)

TUmayo na ito. Kaagad na inilahad ang palad niya. Parang aalalayan ako pagtayo.

Tinitigan ko siya.

Napangiti siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ako nito patayo.

Kaagad na lumabas kami.  Kaagad na nagsitinginan ang mga nadadaanan namin.  Siguro dahil naiinggit sila sa kasama ko dahil gwapo nga naman ito.  Tapos halos magkasingtangkad lang kami.

Inakbayan ako nito bago kami bumaba sa hagdan padaan sa mga matatandang nakatambay sa labas ng orchestra.

"Ay... ang taray... sarap nilaaa." sigaw ng isang bading.

Ngumiti lang siya.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"Marlo. Ikaw?" balik tanong nito.

"Jed."

"Hi Jed.  Kamukha mo future boyfriend ko." sabay ngisi nito.

"Talaga? Pakilala mo ako ha? Baka nawawala kong kambal yun." sagot ko dito.

"Hay, ang slow." nainis na sabi nito.

Ngumiti ako.

"Bakit? Ako ba yun?"

"Hindi...yung kambal mo." sagot naman nito na medyo naiinis.

"Ah... Malay ko bang ako yun e di ka naman nanliligaw."

"Mamaya na. Liligawan pa kita pero sasam ka na sakin sa motel? Di ba parang baliktad?"

Tumawa ako.

"Iba naman ang sex sa relationship. Madaling maghanap ng kasex lalo na sa gwapo mong yan.  Pero di ibig sabihin na mahal natin agad ang isa't isa."

"So, di ka nainlove sa akin agad?"

"Wow! Agad?! Ang conceited ha?" medyo nahambugan ako sa sinabi niya.

"Di naman." sabay akbay nito. "Di ka ba na-love at first sight sakin kanina?" paglilinaw nito.

"Attracted oo pero love? Di ko masabi e."

"So di ka naniniwala sa love at first sight?" tanong nito bago pa kami lumiko papuntang Avenida.

"Di ko alam kasi di pa ako naiinlove e."

"Weh?!" sabay ngiti nito.

"Oo nga. Masyado kasi akong tago. Walang nakakaalam na ganito ako.  Na lalaki din hanap."

"Kunsabagay, papasa kang lalaki. Di ka mahahalataang bading." puna nito.

"Ikaw din naman e.  Lalaking-lalaki ka nga rin e." sabi ko.

"Oo, pero napag-iisipan naman akong callboy"

Tumawa ako.

"ikaw nga din e. Naisipan mo akong ganun e." sabi nito.

Tumawa pa ako.

"Pero kung magiging callboy ka at may pera ako, kukunin kita." bawi ko na lang.

Ngumiti siya.

"Talaga?" tanong nito sabay tingin sa akin

Tumango ako.

"Gwapo mo e." sabi ko.

"Kaso libre lang ako e. Para sayo." bulong nito.

"Oo na. Wag ka nang bolero. Sumama na nga ako sa iyo e. Saan ba tayo?" tanong ko nung malapit na kami sa Metropole.

"Malapit na.  Wala na kasi akong pera e kaya sa murang motel na lang kita dadalhin." pagpapaumanhin nito.

"Pwede naman kasi hati tayo e." sabi ko.

"Wag na. May nakalaan naman akong pera para sa motel e."

Pumasok kami sa eskinita sa gilid ng Metropole papasok sa malapit sa NBI sa Carriedo, sa likod.  Tapos dineretso namin at lumiko kami sa Happy Inn.  Tumigil muna siya sa harap na tindahan at bumili ng sabon, shampoo at Cream silk. Tapos ay pumasok na kami sa Melody Lodge.

Medyo maliit lang ang motel pero halatang bago pa dahil amoy pintura pa ito.  Mabait ang babaeng sumalubong sa amin at nagbayad na ng 150 si Marlo.

"Room 106" sabi ng babae sa isang lalaking may hawak ng tuwalya.

Kinuha ng lalaki ang susi sa babae at sinamahan kami papunta sa room 106.  Pinaandar nito ang aircon at iniwan kami.

Inikot ko ang mata ko sa kwarto.

"Okay ito ha.  Malaki para sa 150 at aircon na." puna ko.

"Bago lang ito e." sabi nito.

"Marami ka na nadala dito?" tanong ko.

Lumapit ito sa akin at yumakap.

"Bakit? Nagseselos ka?" bulong nito.

"Kung oo?"

"Wag ka mag-alala, baka last na napunta ko dito." sabi nito.

"Ha? Bakit? Medyo kinabahan ako."

Tumingin siya sa akin.  Hinalikan ako ng matagal.

COrny na sa corny pero tama pala ang sabi nila, kapag nahalikan ka, para kang lumulutang.  Pero sabi nila, nangyayari lang iyon kapag mahal mo ang humahalik sa iyo.  Ibig bang sabihin nito e mahal ko si Marlo?

Niyakap ko rin siya at lumaban na ako ng halikan.

Maya-maya ay binitawan nito ang labi ko.

"Bakit mo pala sinabing last na punta mo na dito?" ulit ko.

"Bakit? GUsto mo ba yung boyfriend mo e pumupunta pa dito at may sinasamang iba?" nakayakap ito sa baywang ko.

"Boyfriend na ba kita?"

Tinitigan ako nito. Dinikit ang noo niya sa noo ko.

"Sana... kung gusto mo rin ako maging boyfriend."

"Di ka ba nabibigla?" skeptical pa rin ako. Sino ba naman kasi maniniwalang ganun lang kabilis manligaw at sumagot lalo na sa mga kagaya ni Marlo.

"Nabigla din.  Nagulat nga ako at na-attract agad ako sa'yo eh."

(To be continued)

-----------------------------------

2 more parts to post for Jed's story.

Please submit your stories to angelic.thoughts.1986@gmail.com or text me at 09167719273.  Thanks.

3 komento:

  1. anyare na? tagal na walang kasunod. hope angel is doin well

    TumugonBurahin
  2. tagan na po nito wala na ba susunod??

    TumugonBurahin
  3. 09164810254

    TumugonBurahin