Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Linggo, Mayo 8, 2011

My Seminary Series (Part 10, Intimate with Kuya Dan, continued)


This is the look-alike of Kuya Dan... Hmmm...

========================================

Matagal bago ako nakapagsalita. Nahihiya at natatakot sa pwede niyang sabihin sa akin kung sakaling magsabi ako ng totoo. Oo nga at alam niya na bading ako pero alam ko speculations niya lang iyon. Ako naman si tanga at inamin iyon pero pwede ko pa namang bawiin iyon e at ang pagkukuwento ko ay mas lalo lang magpapadiin doon.

"Hmmm. Siguro you don't trust me yet. Right?" pagputol ni Kuya Dan sa malalim kong pag-iisip.

Pinisil niya ang dalawang kamay ko. Tumango lang ako.

"Okay. Will I earn your trust if ako muna ang magkukuwento?" tanong uli niya.

"Siguro." tipid kong sagot.

"Okay, I will take that as a yes." nakangiti pa niyang sabi.

Nagbuntung-hininga muna siya bago nagpatuloy.

"OKay. Here I go. I am Kuya Dan. Lumaki ako sa San Joaquin, Iloilo. I have 5 siblings. Medyo malaki lang. I am the youngest. Lahat kami lalaki." saka nagpakawala ng mahinang tawa.

"Well, the reason why I chose to be your mentor dahil I am just like you." sandali siyang natahimik sa huling sinabi niya. Medyo humina pa ang boses niya sa huling pangungusap.

Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin kaya kumunot lang ang noo ko.

"Di ko po kayo maintindihan." sabi ko pa.

"Hmmm. Well, kung anong nalaman ko tungkol sa iyo, I was like that." sabi pa nito.

Medyo nahulaan ko na. Nagulat ako kahit papaano.

"You mean, bading ka?" mahinang tanong ko. Medyo nilapit ko pa ang ulo ko sa kanya para walang makarinig.

"Not really gay. I can say I am a bisexual. I had girlfriends pero wala pa namang naging boyfriend. Although aaminin ko I am attracted sa guys. Dati pag nakakita ako ng lalaking hubad, I feel aroused too." pagpapaliwanag pa nito.

"Pero wala ka pang naging boyfriend di ba?" pagko-confirm ko ulit.

"I think I said that already." nakangiti nitong sagot.

"Pero you never had an experience with guys din di ba?" tanong ko pa ulit.

Umiling siya.

Napangisi ako.

"O bakit parang iba yung nasa isip mo." parang matatawa din nitong banggit.

"E kasi naman kuya, how can you be sure na bi ka kung girls pa lang ang experiences mo?" pilyo kong tanong.

"Wala. I just know. Pero di ko naman tinry na makipag-sex sa lalaki. Sorry for my word." sabi pa nito.

"Malay mo naaattract ka lang pero di ka naman bi. Pwede naman yata yun e. Pero straight ka pa rin." pagpipilit ko pa.

"Maybe. I think I don't know dahil di ko pa naman natry. Siguro inconclusive ako. Pero di ko inasam na makipagsex sa lalaki." pagtutuldok nito.

"So, do you want me to be like you?" pautal-utal kong tanong sa kanya.

"I don't know yet. Kaya nga gusto ko magkuwento ka sa akin e para naman maintindihan din kita. Hindi yung ako yung ina-analyze mo." tuwang sabi nito.

"Oo nga ano. Sige ako naman magkukwento." sabay hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

Sukat doon ay ikinuwento ko ang unang karanasan ko kay Rexie. Natutuwa pa siya sa parte na sinabi ko na hindi pa ako tinayuan noon at parang di ko alam ang nangyari. Pero nang sa bandang nakuwento ko ang di namin pagkatuluyan ni Rexie ay parang nalungkot ang mukha niya. Saka ko naman kinuwento si Jan. Andami niyang naitanong tungkol kay Jan. Halatang nakuha ko ang atensiyon niya. Lalo pa siyang nalungkot nang dumating na sa parteng nagkahiwalay kami ni Jan. Pinagpatuloy ko ang kuwento ko hanggang sa dumating kina Ivan, Glenn at Kuya Jorey. Ang panliligaw ni Ivan. Ang pagniniig namin ni Kuya Gilbert. Ang pagbabalik ni Jan sa buhay ko at pag-aaway namin ni Ivan. Pero habang papunta na ang kuwento ko sa pagkakaalam ng pamilya ko at pamilya ni Jan ng tungkol sa amin ay nag-iinit na ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan ko nang sinabi ang malungkot na naging katapusan ng lahat sa amin.

Naramdaman ko na lang na tumulo na pala ang luha ko. Siya na mismo ang nagpunas nito. Doon ay humagulgol na ako.

"Kaya mo pa bang ikuwento?" pag-aalala nito dahil parang nangongongo na ako sa paninikip ng dibdib ko dahil sa pag-iyak.

Umiling ako. Masyadong masakit ang alaalang iyon.

Inilapit niya ang upuan niya at inakbayan ako. Inilapit ang ulo ko sa dibdib niya at hinihimas ang likod ko. Ewan ko ba pero parang nakaramdam ako ng kapayapaan sa dibdib niya. Unti-unti ay tumatahan ang pag-iyak ko. Di ko alam kung baba niya lang ang naramdaman ko sa ulo niya pero pakiramdam ko ay hinalikan niya ako sa ulo ko. Sandali pa akong sumandal sa dibdib niya. Pinapatahan ang sarili ko. Alam ko na sa posisyon namin ay marami na sigurong nakatingin.

Maya-maya pa ang binawi ko na ang ulo ko sa dibdib niya.

"Okay ka na?" paniniguro nito.

"Hindi. Pero ita-try ko." honest kong sagot.

Ngumiti lang siya. Ginulo pa ang buhok ko.

Lumingon ako kina Jason at Hikes. Tama nga ako. Curious sila sa nangyari sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanila.

"Well, thanks for sharing. Sana kung anuman ang narinig natin sa isa't isa sa atin lang okay?" paniniguro pa ni Kuya Dan.

"Siyempre naman po Kuya." ngumiti ako sa kanya.

"Pero sa totoo lang. Bago kita makilala, di ko pa alam ang tungkol sa mga bading talaga. Alam ko na nagkakagusto ako sa lalaki pero yung relationship, and sex ng lalaki sa lalaki, never ko pang nalaman iyon. Ganoon pala iyon. Masaya pero masakit." sabi pa nito na parang nalungkot.

"Well, siguro minalas lang talaga ako kaya ganoon pero siguro naman meron din mga lalaki sa lalaki or bi sa bi or kahit ano pa na nagiging masaya din." sabi ko naman.

"Siguro nga." sabi lang niya.

"Malay mo meron palang lalaki o bi din na para sa iyo." sabay siko ko sa kanya ng marahan.

Natawa siya sa sinabi ko.

"Oo nga. Walang biro kuya. Malay mo mas masaya pala ang love story mo kesa sa akin. Gusto mo pakilala kita kay Kuya Gilbert?" biro ko pa sa kanya.

"Yung kaibigan mo na andito ngayon sa Iloilo? Ayoko nga. Baka matulad ako sa iyo. Maospital din ako." biro pa nito. Pero parang tumahimik dahil parang mali ang sinabi niya.

Natawa din ako sa sinabi niya.

"Malay mo pag nakita mo siya ay ma-love at first sight ka. Guwapo yun, macho at matalino." panunudyo ko pa.

Natawa lang siya.

"Umayos ka nga. Andito ako para mag-guide sa iyo. Hindi para ikaw ang mag-guide sa akin." kinurot pa niya ako ng marahan.

"Pero Kuya Dan, kung hindi mo sinabi sa akin na bading ka or bisexual, di ko mahahalata talaga. Crush pa naman kita." biro ko pa na medyo totoo.

"Ano? Crush mo ako?" gulat na sabi nito. Medyo nakangisi pa.

Tumango ako.

"Opo. Cute mo kaya. Tapos ganda pa ng katawan mo." medyo ngumisi pa ako nang maalala ko ang puwet niya.

"Ikaw talaga ha? Siguro sinadya mong buksan ang banyo kanina."

"DI ah. Di ko naman alam na andoon ka. Kung alam ko siguro, Oo." sabay tawa pa ako.

"Ikaw talaga Angelo. Andito ako bilang Kuya mo. Di para pagnasaan mo."

"Joke lang po Kuya. Pero crush lang kita talaga. Di bale na sa katawan."

Tumingin si Kuya Dan sa relos niya. Malapit na palang matapos ang klase namin. Tumayo ito at pumunta sa harap ng klase.

"10 minutes na lang. Please wrap up your discussion." utos pa nito. Saka naglakad papunta sa upuan ko.

"So Angelo, same time tomorrow ha? If you need anything. I mean any guidance lapitan mo lang ako. Kahit ano. Even if you just need a Kuya or a friend, ako muna papalit sa Kuya Gilbert mo. Okay?" sabi pa nito.

"Talaga?" pilyo kong tanong.

"Alam ko nasa isip mo pero hindi iyon. I'm just here as your friend. Okay?" sabay ngiti nito at lumabas na ng classroom.

Isa-isa na ring nagsitayuan ang mga brothers at lumabas ng kwarto. Saka lang lumapit sina Jason at Hikes sa akin.

"Napaiyak ka rin ba?" tanong agad sa akin ni Jason.

"Oo e. Ikaw din ba?" tanong ko.

"Di ah. Si Hikes ang umiyak." sabay ngiti pa sa akin at kay Hikes.

"Oo na. Naiyak na ako. Hmp." Kunwari ay nagtatampo pa si Hikes.

Inakbayan ko lang silang dalawa.

"Wag na kayong mag-away. At mahuhuli na tayo sa chores natin." pagbabati ko sa kanila.

"Chores ka diyan. Di mo nga alam kung saan tayo pupunta e." si Hikes.

"Oo nga. Saan ba?" tanong ko agad.

"Punta muna tayo sa kuwarto natin. Naghihintay yata si Kuya Joseph doon. Siya ang magsasabi ng chores natin." si Jason.

Umakyat kami sa kuwarto para kunin ang listahan ng gagawin namin. Binigay sa amin ni Kuya Joseph ang papel ng gagawin namin.

"Maglinis ng banyo?" halos sabay-sabay naming tanong nina Hikes at Jason.

"Yup. Yan ang schedule niyo e. Wala naman akong magagawa." seryosong sabi ni Kuya Joseph.

Gusto naming magdabog na tatlo pero di namin ginawa. Nagkatinginan na lang kaming tatlo nang lumabas na si Kuya Joseph.

"Tara na at baka pagalitan pa tayo. Isang oras lang ang binigay sa atin e." si Hikes.

"SIge, pero dapat habang naglilinis tayo ay ikuwento mo Jason ang dapat na ikukuwento mo kanina." pilyo kong naalala.

"Ang ano yun?" sabay na tanong ni Jason at Hikes.

"Yung karanasan mo sa sex." pagpapaalala ko.

Ngumiti lang sa akin si Hikes. Si Jason naman ay tumango lang.

Sabay-sabay na kaming pumunta ng banyo at nilock iyon.


Kamukha ni Hikes


Kamukha ni Jason

===============================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145. Thank you.

3 komento:

  1. I really like ur posts
    Nafefel ko ung mga nangyayari habang binabasa ko ;).
    Sana d ka magsawang mag post :D


    Ask ko lang twing kailan ka mag post??


    - dyll

    TumugonBurahin
  2. Wala apo akong specific date and frequency ng pagpost. I just do it if may time po ako. I have 2 jobs kasi e.

    Hope you won't stop reading. Thanks

    TumugonBurahin