Monday, January 30, 2012
My SJV Series (Chapter 28... Feljan... Ian)
Rexcer, JR21, Joo... Eto na... dahil sa walang humpay niyong request.
Kristoff21.... Thank you very much for a very lengthy and wonderful comment on my last thought post.
======================================================
Sandaling tumitig ako sa binatang iyon. Ngumiti uli ito. Ngumiti din ako.
"Ma, bihis lang po ako huh? Amoy-araw po ako e. Bababa po ako agad." sabi ko sa kanya.
Tumango lang ito. Ngumiti din ang ibang kasama niya pero napako ang huling tingin ko sa lalaking iyon. Ngumiti uli ako bago dumiretso ng hagdan.
Mabilis akong naligo at nagbihis... at nagpabango. Oo, may dahilan kung bakit ako nagpabango. ALam niyo na yun.
Halos patakbo... o palipad... akong pababa ng hagdan. Kailangan kong makita ang lalaking iyon uli.
Pagbaba ko ay wala na sila sa sala.
Bumagsak ang balikat ko.
Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Medyo natuyo ang lalamunan ko sa pagkadismaya.
"Angelo... sumunod ka daw sa garden sabi ni Mama Tony. Naghihintay sila sa iyo. Kakain daw kayo." biglang sabi ni Kuya Bon.
Patakbo akong lumabas ng pinto papunta sa garden. Andun sila sa kakagawa pa lang na cottage.
KInawayan ako ni Mama Tony.
"Upo ka na." aya nito.
May dalawang bakanteng upuan. Isa katabi ng isang may katandaang lalaki at ang isa sa tabi ng isang binatilyo. Sa kaliwa naman nito ay ang bagong crush ko. Gusto ko sanang tumabi dito kaso wala e, nakakubli siya.
Di ko alam kung nabasa ba nila ang nasa isip ko pero umusog ang katabing binata nito at nagkaroon ng space sa pagitan nila. Siyempre, tuwang-tuwa ako. Halos talunin ko mula sa hagdan ng cottage papunta sa puwesto nila.
"Thank you." mahina kong sambit.
"Siyangapala..." simula ni Mama Tony. "This is Father William (ang nasa tabi niya, medyo matanda at naka-barong pa ito) Si Brother Mike (Katabi ni Father William, siguro nasa twenty plus na ang edad nito), si Brother Anthony (katabi niya sa kaliwa, kaeded yata ni Father William), at si Brother Andrew, (kaedad naman ni Brother Mike). At Sina Feljan at Rey." pagpapakilala ni Mama Tony sa dalawang binata.
Ngumiti ang mga ito.
"Hi po. Nice to meet you." bati ko sa lahat. Siyempre ang patama ko ay kay Feljan.
"Siyangapala. Sina Feljan at Rey ay dito sa atin titira simula ngayon." pagpapatuloy ni Mama Tony.
Di ko alam kung napansin nilang lahat pero alam ko lumaki ang mata ko sa tuwa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kung pwede nga lang yakapin ko si Mama Tony sa maaga nitong pamasko sa akin e ginawa ko na. pero siyempre nagpigil ako.
"Ah. So doon po sila sa babang kuwarto matutulog?" agad kong tanong, tinatago ang pagkagusto na sana doon matulog si Feljan sa tabi ko.
"Oo. Pinaayos ko na kay Bon iyon." sagot nito.
"Silang dalawa kasi ay matagal nang nakatira sa ampunan namin. Kaso sa kasamaang palad ay walang masyadong nag-aampon ngayon kaya medyo lumaki na sila sa amin." paliwanag ni Father WIlliam. "Kaya kinausap namin si Tony, tutal palagi naman siyang nagdodonate sa orphanage namin, kung pwedeng kupkupin niya ang dalawang bata. Okay naman sa dalawang bata ang usapan."
"Pero di ko sila pagtatrabahuhin. Pag-aaralin ko sila at ituturing ko na ring kagaya mo. Ang balak ko nga sa susunod na pasukan ay ipapasok ko sila sa school mo, tutal high school na rin sila." si Mama Tony.
"Talaga po? E di mas mabuti para naman may kasama ako papasok at pauwi. Anong year na ba sila?" sobrang excited na sana maging kaklase ko si Feljan.
"Mag-first year pa lang ako. Medyo bumalik ako e. Medyo may kahinaan daw." paliwanag ni Rey.
"Mag-third year na ako." sagot ni Feljan.
Bumagsak ang balikat ko dahil di pala kami magka-year ni Feljan.
"Pero sa February ay kakausapin ko ang school niyo. Ipapasok ko na itong dalawa." si Mama Tony.
"Okay po." nakangiti kong sabi.
"Naku, salamat talaga Tony. Hulog ka ng langit sa amin. Sana ipagpatuloy mo lang paggawa ng mabuti sa kapwa." sabay dampi ng palad nito sa braso ni Mama Tony.
"Naku, wala ito. Gusto ko rin naman makatulong e. Isa pa e wala na ang mga anak ko dito. Gusto ko rin may tumatayong mga anak ko kahit papaano. Nagsimula din akong mahirap kaya alam ko ang pakiramdam nang walang tumutulong." pag-aalala nito sa nakaraan.
"Sana nga't gabayan ka at lalo ka pang pagpalain." sambit naman ni Brother Anthony.
Pagkatapos noon ay nagplano na ang mga ito kung kelan nila dadalhin ang mga gamit ng dalawang binata. Nag-usap na rin sila na paminsan-minsan ay dalawin ng mga ito ang bahay-ampunan.
Naging masaya ang tanghaling iyon dahil mababait at may tsura sina Rey at FELJAN... (in bold letters). Pagkatapos naming kumain ay nag-usap-usap ang mga matatanda sa veranda habang kaming mga bata ay pumunta sa kuwarto ko at pinakita ko ang mga damit at gamit ko. Hindi naman sa pinainggit ko pero para sabihin sa kanila na kung may gusto silang gamitin o hiramin ay sabihin lang nila sa akin at ipapahiram ko basta di ko lang ginagamit.
Natuwa naman ang dalawa sa pagtingin sa iba't ibang bagong sapatos at bag ko. Aaminin ko medyo na-spoil nga ako ni Mama Tony.
Biglang kinuha ni Feljan ang frame na may picture namin nina James at Rod.
"Sino sila?" usisa nito.
"Sina James at Rod. Mga bestfriend ko. Kaklase ko rin." sagot ko naman
"Ahhh... so makikita rin namin sila sa pasukan?" si Rey.
"Oo naman. mababait ang mga iyan. Mga kalog at makukulit." pagpupuri ko.
"Ano yung kalog?" inosenteng tanong ni Feljan.
Napatitig muna ako sa kanya. Tinatantiya kung seryoso nga ba siya o ano.
Nang mahinuha kong seryoso nga siya ay sinagot ko na rin ito.
"Kalog, ibig sabihin, palabiro at makulit."
Sabay tango naman ang dalawa. Agad kong nakuha na siguro sa bahay-ampunan ay kung ano lang ang mga nakikita at naririnig o natuturo sa kanila ay yun lang ang alam nila.
"Pero magkakasundo kayo ng mga iyan." ulit ko.
Ngumiti sila at nagtinginan.
"Feljan, may talent ka ba?' siyempre usisa ng usiserong tulad ko.
"Wala e. Marunong lang akong magguhit-guhit pero di ako ganun kagaling." mahiyaing sagot nito.
Gusto ko sanang sabihin, e ang magpa-cute talent mo ba? Pero siyempre nagpigil ako.
"Talaga? Ako din e. Magaling ako magguhit. Gusto niyong makita?" pagbibida ko.
Tumango agad silang sabay.
Kinuha ko ang sketch book ko at pinakita ko ang ilang guhit ko ng mga mukha ng tao.
Ngingiti-ngiti pa ang mga ito.
"Anggaling naman nito." papuri ni Feljan.
"Kung gusto mo Feljan e tuturuan kita." anyaya ko.
"Siyempre. Habang wala pa kami sa eskuwelahan, turuan mo muna ako ng ganito." sabi nito.
"Sige. " sabay bumaling ako kay Rey. "Ikaw Rey, anong talent mo?"
"Naku wag mo nang itanong yan. Sobrang mahiyain yan at magkubli kapag may sayawan o kantahan." sabay tawa ni Feljan.
Napatitig ako sa magandang mukha ni Feljan. Cute ang mukha nito. Di siya yung tipikal na sasabihin mo na guwapo talaga pero siya yung matatawag mo na pogi. Oo, may kaibahan ang guwapo sa pogi. Di ko ma-explain pero ganun. Siguro ang pogi mas maappeal sa bading, ang guwapo sa babae.
Napatitig ako sa medyo maanipis na mata nito, makinis na mukha, medyo moreno at makinis na balat, ang pantay nitong ngipin at ang pino nitong balahibo sa mukha. Mukha talaga siyang bata pero may katangkaran na ito kaya kakaiba ang appeal.
Oo, confirmed. Attracted na ako sa kanya.
Maya-maya ay tinawag na kami ni Mama Tony, aalis na daw sina Father William. Bumaba kaming tatlo. Matagal na nagpaalamanan sina Feljan at Rey sa pari at mga brothers nila sa bahay-ampunan. Nakita ko sa mukha ni Feljan na tumulo ang luha nito. Siyempre, ang agad kong reaksiyon ay inakbayan siya kahit mas matangkad siya sa akin sabay himas ng likod nito. Half-tsansing, half-awa.
nang tumigil na siya sa kakaiyak ay humarap ito sa akin at ngumit.
Pinapasok na kami ni Mama Tony at pumunta kami sa kuwarto nilang dalawa. Medyo maluwag ang kuwarto nila at may katabi pa itong banyo.
Tumulong ako kina Kuya Bon sa paglatag ng bedsheet at pagpalit ng punda, kumot at kurtina nila. Siyempre sobrang excited na tumira sa iisang bahay kasama ko si Feljan.
Maya-maya ay tapos na kaming mag-ayos. Inaya ko silang iikot sa playground.
Para na naman kaming mga batang tumakbo papunta sa playground sa oval.
nakita kong andun sina SId at Isaac na nagbabasketbol. Pinakilala ko sa kanila sina Feljan at Rey. Ayun naaya tuloy sila sa 2 on 2 na basketbol. Hindi naman umayaw ang dalawa at nakipaglaro agad sa magkapatid. Siyempre, ako bilang lampa at di marunong magbasketbol ay umupo lang sa gilig. Di ko alam kung kanino ako magchi-cheerr. Pero mas madalas e kay Feljan ako nagchi-cheer.
Kumindat pa ito ng isang beses nang maka-shoot.
"Go Feljan!" full-effort ko na pag-cheer.
"Sinong Feljan?" agad na tanong ng boses sa likod ko.
Di man ako lumingon ay tumayo na ang balahibo sa batok ko. Alam na alam ko ang boses at amoy na iyon. Si Ian
Di ko siya sinagot.
Umupo si Ian sa tabi ko. Sobrang tabi. Magkadikit na ang mga braso namin.
Umusog akong konti.
"Gel.. can we talk?" agad na simula nito.
"No." matiim-bagang kong sagot.
"Please?" pangungulit pa nito, siniko ako ng marahan.
"Ano pa ba ang pag-uusapan natin? Wala nang reason para mag-usap." sabi ko naman.
"Anong wala? Ikaw pa ang nagagalit e ikaw nga itong nang-iwan." may asik na sabi nito.
"Ganun? Ako ang nang-iwan? Ulitin mo nga ang sinasabi mo. Addict ka yata e." inis kong sumbat.
"Di ba? Pagkatapos nung homeowners' meeting, di mo na ako pinansin?"
"Wow! Wala kang kaalam-alam nun?" iiling-iling pa ako.
"Wala. Magtatanong ba ako kung meron?"
"Siyempre magagalit ako kung malaman kong may girlfriend ang boyfriend ko." sabi ko.
"So nagselos ka nun?" sabay siko uli nito sa akin.
"Oo. Kaso gaya nga ng sabi mo. Nagselos ako. Past tense. Di na ako nagsiselos ngayon. Nagising na ako sa kahibangan ko sa iyo."
"So, sinasabi mo di mo na talaga ako mahal?" medyo mahinang tanong nito.
"Sinungaling ako kung sasabihin kong di kita mahal."
"So pwede pang maging tayo ulit?"
"Hindi na." medyo garalgal kong sagot. Nagbabadya na ang pag-iyak.
"Bakit naman? AKala ko ba mahal mo pa ako?"
"Oo, mahal kita kaso alam ko naman na second choice lang ako. Gusto mo lang makipagbalikan dahil hiniwalayan ka na ng girlfriend mong makati pa sa gabi." nainis ako at tumayo.
Di ko na siya hinayaang sumagot. Lumipat ako ng upo. Sumunod ito at umupo uli sa tabi ko.
"Hindi ka ba nakakaunawa na ayaw ko nang makipag-usap sa iyo? Pasalamat ka ayokong magkaroon ng issue, kung hindi e aalis ako sa pagkakaupo dito." asik ko sa kanya.
"Pag di ba ako nangulit di ka aalis?" malambing na tanong nito.
Di ko siya sinagot.
Tahimik lang siya. Paminsan-minsan ay tinitingnan ako. Kaso di ko talaga siya tinitingnan. Pero sa gilid ng mata ko ay naaaninag ko na nagmamakaawa ng atensiyon ang mga mata nito. Sa mga mata nito na nahulog ako kaya kahit anong mangyari, di ako dapat tumingin sa kanya. Baka madala na naman ako.
Inaliw ko ang sarili ko sa kakatingin kay Feljan. Ang paminsan-minsan nitong pagtatalon ay lumalabas ang makinis, pawisan at magandang hubog ng tiyan nito.
Nang maka-shoot siya ay tumingin ito sa akin, ngumiti at lumapit at nag-high five.
Ngumiti lang din ako.
Napansin kong tumingin si Ian sa kanya.
Nang makashoot uli si Feljan ay kumindat ito at ngumiti sa akin.
Biglang tumayo si Ian.
"Kaya naman pala ayaw mong makipagbalikan e. May bago ka na. Pinalitan mo na pala ako."
Di na ako nilingon nito at dire-diretsong umuwi.
Gusto ko siyang habulin pero nanaig pa rin ang pride ko at pagkainis sa kanya.
Di ko rin maintindihan kung dahil ba kay Feljan kaya di ko na siya hinabol o dahil ayoko na sa kanya o dahil nasasaktan pa rin ako.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang cute ni feljan in fairness ha...as in super kakabaliw..:)
ReplyDeletekeep on posting gel...keepsafe
ReplyDeletewow ang bongga namn ito,,,, more exciting
ReplyDeletewEw! andaming assumption sa di pagsunod kay Ian huh..
ReplyDelete@ confirmed na confirmed ang difference ng pogi at gwapo.. keep posting Gel. Kaabang abang talaga ang mga post mo.
ha ha ha. nakakatuwa aman cla. hmmm. yngat lng angelo ha. .next chapter frend. he he he
ReplyDeleteAyun lang... okay na sana ee may bumalik pa... cnu kya ang pipiliin??? hahaha...
ReplyDeleteNgayon ko lang nabasa lahat ng post mo. At first na-shock talaga ako kasi ambata-bata mo pa nun. As your story unfolds, inaamin ko nakakainggit talaga at the same time ayoko namang ganon ang mangyari sa akin. I have experienced sex when I was young though incest yun, medyo nakarelate ako sa ibang part ng story mo. Ang ganda ng takbo ng story mo though medyo malungkot.Siguro mahaba-haba pa story mo kasi sa timeline nito ay first year ka pa lang. Meron pang college (sana). Keep on posting at lagi ko pong susubaybayan itong story of life mo. Cheers to a happy life!
ReplyDeleteidol :)
ReplyDeleteKuya first time ko magpost dito kasi pinagaralan ko kung paano magpost na hindi anonymous ang nakalagay..
ReplyDeleteJR21, john_pogs30 or juan rolando santos
ang ganda talaga neto parang dinadala ka sa mga bagay na gusto mo makita ay nakikita mo na dito, ano kaya ang gagawin ni Gel sana si Feljan na lang ang gustohin niya.. pero tulad nang sinasabi ko mas gusto ko si JAN.
ReplyDeleteyesss wow ganda talaga
ReplyDeleteGreat and that i have a dandy supply: Renovation House Company hgtv home improvement
ReplyDelete