Friday, January 27, 2012
My SJV Series (Chapter 27... Simbang Gabi Part 4)
The look-a-like picture of a new face on next chapter.
Syra and March, welcome. Thank you for following.
To all my followers, thank you always for the wonderful comments.
=====================================
Dec. 21 - Pang-anim na araw ng Simbang-Gabi. Sabado.
Bago mag-uwian ay nagkatamaan ang mga mata namin ni Ian, may balak siyang sabihin ngunit nauna na akong tumalikod.
Pagkarating sa bahay ay natulog agad ako at nang magising ako ay wala na sina Mama Tony, Kuya Bon. Naiwan ang mag-asawa at nakita ko mula sa beranda ay nagatatanim ang mga ito ng mga gulay sa pala-pala (o plot sa Ingles).
Nang makita nila ako ay kumaway ako. Kumaway din sila. May itinuturo ito sa loob ng bahay. Parang nahulaan ko kaya dumiretso ako sa kusina at kumain. May nakaiwan na sulat: "Nauna na kaming kumain. Alam namin na antok na antok ka at bumabawi ka ng tulog."
Pagkatingin ko sa orasan ay alas-nuwebe na pala.
Di ko alam ang gagawin ko. Ayoko namang tumulong sa mag-asawa na magtanim ng gulay. Nagpaalam na lang ako sa kanila na maglalakad-lakad lang ako sa court.
Paliko na sana ako sa kaliwa nang makita kong nagja-jogging si Icko.
Naka-jersey shorts lang ito at rubber shoes. Ang sando ay nakasabit sa balikat nito. Ginawa nang pamunas. May headset ito.
Kumanan na lang ako. Di ko siya pinansin. Dahil sa nagja-jogging nga ito ay nahabol ako.
"Hi!" Bati ni Icko.
Di ko siya pinansin. Di ko alam kung dahil sa galit ako sa kanya o nahihiya ako sa kanya.
"Hi!" bati uli niya na nakaharap na sa akin, nagja-jogging patalikod.
Di ko pa rin siya pinansin, kaso nakita ko na may hump sa likdo niya, kaya automatikong hinila ko ang braso niya.
"Oops! Muntikan na ako dun ah" sabi nito pagkakita ng hump na tinitingnan ko. "Salamat"
Di ko pa rin siya pinansin, tuloy lang ako sa paglalakad.
Tumigil na siya sa pagja-jogging at sumabay na sa akin sa paglakad.
"Wait, please." sabay hawak sa siko ko. "Let's talk."
"I don't think so. The last time we did, it didn't go well. SO better we don't." inis ang tono ng pananalita ko.
"Look! Whatever I said, I am not sorry because that was the truth." paliwanag nito.
"So? Ano pang pag-uusapan natin?"
"Well. I regret doing that. It's just akala ko I was doing it for my sister. Pero I didn't know my sister. After ko ginawa yun, the day after, nakipagbreak siya kay Ian. Hindi ko alam kung bakit."
Natigil ako sa sinabi niya. Nakipagbreak si Ryza kay Ian?
"Yup! It surprised me as well. I guess my efforts are then disregarded. That's why I am sorry now dahil... basta I'm sorry."
"It's okay. Don't worry. Di na ako galit sa iyo." sagot ko.
"Thank you. Peace?" sabay lahad ng kamay.
Tinanggap ko iyon.
"Peace." sagot ko naman.
Magkasabay na kaming naglalakad paikot ng oval ng village.
"Di ka ba naiinitan?" tanong ko sa kanya. DI ko kasi mapigil ang sarili ko na sumulyap sa magandang katawan nito e. Sexy, fit at makinis.
"Di naman. I need sunlight. I need to sweat." sabi pa nito. Sabay punas ng damit niya sa katawan.
Parang sana ako na lang ang damit at didilaan ko katawan niya. Kaso iwinaksi ko uli ang isiping iyon.
"Alam mo ba kung bakit naghiwalay sina Ryza at Ian?" di ko mapigilang itanong.
Ngumiti si Icko.
"Di nga eh. Ayaw naman sabihin ni Ryza kung bakit. Akala ko nga nalaman niya ang tungkol sa inyo ni Ian e. Pero nung makita ko kayong magkasama ni Ryza sa simbahan, alam kong di pa niya alam." diretsong sagot nito.
Natahimik uli ako. Bakit naman kaya nakipaghiwalay si Ryza kay Ian. Gustuhin ko mang matuwa dahil wala na sila ni Ian, di ko magawa dahil sa isiping si Ryza pa rin ang nakipaghiwalay at hindi si Ian. Ibig sabihin, gusto ni Ian makipagrelasyon pa rin kay Ryza.
"Musta ka naman?" sabay akbay sa akin.
Nagulat ako sa concerned na boses nito. Kaso nangibabaw ang init ng braso at katawan niya na dumikit sa akin. Di ko napigilang tumingin sa kanya.
Agad niyang binawi ito.
"Naku sorry. Nalagyan pa tuloy kita ng pawis." sabay punas ng pawis niya sa braso ko galing sa tagiliran niya.
Gusto ko sanang sabihin okay lang dahil okay naman talaga sa akin yun e. Kaso hinayaan ko na lang siya.
Mabuti pa ang siko at balikat ko natsansingan siya.
"Okay naman ako." sagot ko sa naudlot niyang tanong. "Ilang araw ding umiyak dahil sa iyo pero I survived."
"Dahil sa akin? Dahil kay Ian. Problema niyo yun e. Siya ang boyfriend mo eh." paliwanag nito.
E ikaw nga boyfriend ko e, biro ng isip ko.
"Dahil din sa iyo. Ansakit mo kaya magsalita noon." siko ko sa kanya.
"Oo na. Nagsorry na ako di ba?" paglalambing nito.
"Oo na. Binibiro lang kita."
Napangiti ito.
Di ko talaga mapigilang sumulyap-sulyap sa katawan niya. Medyo payat pero kakaiba ang hulma e. Parang katawan ng dancer or athlete.
"Oy, kanina ko pa napapansin, tingin ka ng tingin sa katawan ko ah." ngising-demonyong sabi nito.
"Naiinggit lang ako. Gusto ko rin maging ganyan ang katawan ko e."
"Bakit? Maganda ba katawan ko?" tanong ni Icko.
"Oo no. Sexy nga e." inosente kong sagot.
"Sino mas magandang katawan sa amin ni Ian."
Siniko ko siya ulit.
"Pwede bang wag na nating pag-usapan ang patay? Nakakasira ng araw e."
"Grabe ka naman? Patay agad? Di ba mahal mo yun?" pangungulit pa nito.
"Di ko alam. Malay mo crush lang iyon. Mabilis lang naman yun e."
"Bakit naman crush? Nakukyutan ka ba sa lokong iyon?" usisa nito.
"Oo naman." mabilis kong sagot.
"Talaga? E mukhang tuko yun e." sabay tawa nito.
"Ansama mo. Akala mo kung sino kang guwapo." tudyo ko dito.
"Bakit? E gwapo naman ako ah." sabay pa-cute pa nito.
Ngumiwi ako. Nakita nito kaya inakbayan ako at kiniliti. Sa kakulitan nito ay bahgyan kong natamaan ang ari niya. Napatigil ito.
"Sorry. Ikaw kasi e." sabi ko.
"Hindi. Wala ka naman sigurong malisya sa akin di ba?" diretsong tanong nito.
"Kapal huh? Paano naman ako magkakamalisya sa iyo? Aber?"
"E di wala. Defensive?"
Ngumiti lang ako. Magsasalita na sana kami nang makita kong papalapit na si Ryza. Bago pa man siya nakalapit ay nagpaalam na ako kay Icko.
"Sige, alis na ako. Alam mo naman kung bakit." pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige." sabay kaway sa akin.
Nang malapit na ako sa bahay ay nakita ko ang sasakyan nina Mama Tony. Tumakbo ako pauwi. Dire-diretso ako ng bahay at nadatnan kong may kausap si Mama Tony.
Dalawang naka-barong na medyo may katandaang lalaki, tatlong di masyadong matanda at dalawang lalaking mas matanda lang ng konti sa akin.
Napako ang tingin ko sa isang lalaki. Kakaiba ang mukha nito. Pogi kung pogi pero di guwapo. Nang makita ako ay ngumiti ito.
Ngumiti na lang din ako.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
bitin nmn po? huhuhuhuhuhuhuhu...
ReplyDeletegusto ko yung "sana ako na lang ang damit at didilaan ko ang katawan nya.." kaso masyadong mahalay yun..
ReplyDeleteilang percent ung pagkakahawig nung lalaki sa kwento mo at yung nasa picture? (usisero n talaga ako no.)
poging pogi pero hindi gwapo = pwede na...?? hehe ayos!
ReplyDeleteAng Cute tlgaaaa.... hindi pwedeng Hindi ako maExcite para sa Next Chapter!!!!! Grabe!!!! sana may post na ulit... ahihihi
ReplyDeletebitin..sino ung picture sa dulo?
ReplyDeletekua gel ahahha .....nakakabitin
ReplyDelete