Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Friday, January 6, 2012

My SJV Series (Chapter 18... Heartbreak to the Max)

(Look-alike of the new guy)

Hi to my new readers and followers... Anthony and Fritz... Welcome

=============================================

Natawa ako sa sinabi niya. Mahirap maniwala agad kaya mas maganda na lang na isipin na nagjojoke siya.

"That's a cute one." sagot ko naman. "Pero di nga, ano ba kailangan mo?"

Napangiti siya.

"Pangalan mo nga." ulit pa nito.

"Angelo. MAsaya ka na?" biro ko.

"Not quite." tipid na sagot nito.

"And your name?"

"Icko"

Sabay angat ng kamay niya para mangumusta. Siyempre sinagot ko rin ito. Sino ba naman ako na mambastos sa taong nagpapakilala.



"Hi. So can I go now?" pagpuputol ko.

"Why? Ambilis naman. We just knew each other."

"Sorry Icko. I'm really not in a good mood now." pagdadahilan ko. Totoo naman.

"Yup, I know."

"Excuse me?" kunot-noo kong tanong.

"Yup, I know the reason why you're mad like that." ulit pa nito.

Di ako sumagot.

"Okay." saka itinaas niya ang dalawang kamay niya. "If you're not going to admit it, then I won't insist. Pero it helps if may nakakausap ka tungkol sa problema mo."

"It's okay. Sanay na akong may problema. Para yatang pinanganak akong may kakambal na problema sa buhay e."

Tinitigan niya ako. Halata na siguro sa mga mata ko ang lungkot.

"How can a small kid like you have lots of problems already?"

Natawa ako.

"Bakit?" si Icko.

"Wala. Matagal na panahon nang walang tumatawag sa aking small kid." paliwanag ko.

"Oh, I'm sorry. Are you insulted?" seryosong tanong nito.

"No, no. Kakaiba lang. Nakakatuwa na nakakatawa. Pero okay lang yun."

Tawanan lang kami.

"Gusto mo bang umupo saglit? NAkakangalay ang nakatayo e." sabi nito.

Tinungo namin ang playground. Umupo siya sa swing.

Di ako umupo.

"Ayaw mong umupo?" agad na tanong nito.

"Hindi ako nagsi-swing e." sagot ko.

"Huh? Bakit?" takang tanong nito.

"May motion sickness ako e. Pag nag-swing ako mahihilo ako at masusuka." paliwanag ko dito.

"Ahh.. " sabay tayo nito.

Nakita niya ang see-saw. Tinuro niya iyon.

"Di rin." sabi ko.

Luminga-linga siya.

Nakita niya ang mga pinagdugtong-dugtong na bilog na semento. Yung parang ginagamit sa mga kanal. Dinugtong-dugtong para lusot-lusutan ng mga bata.

Tumango ako.

Nauna siyang pumasok sa loob at umupo. SUmunod ako.

"Nice." sabi ko. Di pa ako nakapasok sa loob ng ganito kahit kelan.

"Oo nga no. Para tayong may sariling mundo na walang ibang makakakita at makakapanghimasok sa atin." sabi nito.

Napangiti ako.

"Pwede rin." sang-ayon ko.

Matagal na katahimikan.

"So Icko... Hmmm... saan ka dito nakatira?" pagpuputol ko ng nakakabinging katahimikan.

"Diyan lang Block 15."

"Ah...Block 12 kami e."

"Lapit lang. Grade mo na?"

Natawa ako.

"GRade? Mukha ba akong elementary?" tatawa-tawang tanong ko.

"Actually. Oo. Sensya na huh? Bad guesser." sabi nito.

"Thanks huh?" sarkastiko kong sabi. "No, first year high school na ako."

"Talaga? Di halata." sabi pa ulit nito.

"Hmmm, siguro dahil nag-skip ako ng isang taon. So mas maaga akong nakaalis sa elementary."

"Wow! Genius!." papuri o biro nito.

"Di naman. Sinuwerte lang. AT least mas maaga akong makapagtapos at makapagtrabaho."

"Naku! Bakit mo naman minamadali. Akala mo lang masarap ang buhay pagka-graduate." tutol nito.

"WOw! Bakit mo naman nasabi? Naka-graduate ka na ba?" tanong ko dahil alam ko nasa college pa lang ito.

"Soon." sabay siko nito sa akin. "Pero I'm taking it slowly. Ansarap kaya na may nagbibigay lang ng baon mo at hindi ikaw ang nag-iisip ng panggastos mo."

Ngumiti ako.

"Well, it's easy kung may magulang kang nagbibigay ng baon mo. For me, it's quite different."

Biglang naging seryoso ang mood.

"I'm sorry." biglang sabi nito.

"Sorry? Bakit?" takang tanong ko.

"Kasi, I didn't know na wala ka nang magulang." sabi nito.

Napahalakhak ako ng malakas. Nahampas ko siya sa hita sa kakatawa ko.

"Akala mo patay na parents ko?" tatawa-tawa kong tanong.

"O..Oo. Iyon ang akala ko sa sinabi mo e." seryosong sabi nito.

"No. Buhay pa sila. Pero right now, it's complicated. They are not supporting me. Nakikitira lang ako kina Mama Tony."

Seryosong tumingin ito sa mukha ko.

Tumigil ako sa pagtawa.

"Bakit? Ang seryoso mo naman." sabi ko.

"Yup. I thought na si Ian lang ang dahilan kaya ang mga mata mo ay puno ng lungkot pero there's much more to that pain than I imagined." dire-diretso nitong sabi.

"Ian?" pagdedeny ko.

"Pwede ba? Let's cut the crap. I saw you staring sweetly with Ian sa simbahan. And sa meeting kanina. I saw your eyes changed from excitement to jealousy nang makita mo sila ng girlfriend niya. And I saw you cry nang umalis ka sa meeting after your one last look sa kanya." nakatitig niyang sabi sa akin. May halong panunumbat.

"Paanong...?" di ko alam ang sasabihin ko.

"Yes, I was stalking you. Is that what you want to know? Pero I'm stalking you because I know you don't deserve someone like Ian. You don't deserve a two-timer like that. And I don't want you to hurt my sister." galit nang sabi nito.

"Sis... sister?" medyo nahulaan ko na kung sino.

"Yes, Ryza is my sister. My younger sister. I know na bading si Ian pero my sister loves him. And you know that it's better for them to be together. Walang pupuntahan ang relasyon niyo ni Ian. My sister deserves a better man... a real man. Pero if he loves that gay, wala na akong magagawa but to make sure that she will not get hurt." sabay dutdot ng daliri niya sa dibdib ko.

Natigilan ako. Napabagsak ang ulo ko sa tuhod ko. Doon na ako humagulgol. Ang kanina ko pa gustong ibuhos ay natuluyan nang nailabas dahil sa mga sinabi ni Icko.

"Gel..." biglang nagbago ang tono nito.

Hinawakan ako sa balikat. Niyugyog. Hinimas ang likod ko.

"Iwan mo na ako Icko." utos ko na di siya tinitingnan.

"Sorry."

"Iwan mo na ako please?" pagdidiin ko pa.

Narinig kong naglakad na siya palabas ng drum na kinauupuan namin.

Matagal akong nasa ganoong pwesto. Nakaupo. Umiiyak. Sapong-sapo ang mukha ko. Basang-basa na ng luha.

Bakit ba sa tuwing naiisip ko na na magiging masaya na ako ay saka naman may maninira. Ang alam ko sa mga pelikula at love story e palaging mayroong twist kung saan ay magiging maganda na ang takbo ng love story nila at magkakatuluyan pero bakit ako baliktad. Kung kelan nagiging masaya na ako saka naman biglang may twist na magpapabago at magpapasama ng takbo ng story ko.

Ako ba ang kontrabida sa buhay ko at sa buhay ng ibang tao na kailangang magkaroon ng pangit na twist sa love story ko para maging maganda ang ending ng love story nila? Wala ba akong karapatang pagandahin naman ang takbo ng love story ko?

Sana man lang pinatagal kahit papaano ang love story namin ni Ian. Kaso maituturing ba na love story ang mahigit lang sa isang araw na pagiging kami. Kung maituturing nga na kami dahil nung maging kami ay sila pa ni Ryza.

Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang may marinig akong tumawag sa akin.

"Angelo?"

Agad kong tiningnan kung sino ito. Si Kuya Bon.

Agad na inakay niya ako palabas ng drum.

Di ko napigilan na bigla akong napayakap sa kanya. Wala akong pakialam kung ano man ang iisipin niya. Sa ngayon, wala ako ni kahit sino na pwede kong yakapin at sandalan.

"Angelo." bulong nito.

"Kuya Bon. Diyan ka lang. Di kita tsinatsansingan huh? Kailangan ko lang may masasandalan ngayon. Pwede bukas mo na ako pandirihan?" pagpuputol ko sa sasabihin niya.

Nagulat ako at bigla niya rin akong niyakap.

"Di naman kita pinandirihan ah. Nailang lang ako at nabigla. Di ko alam paano makitungo sa iyo. Pero ang nakikita ko ngayon ang Angelo na mahina katulad nung pilay ka pa. Alam kong kailangan mo ulit ako." sabi nito.

Mas lalo pa akong niyakap nito. Inakay ako pauwi at saka ako nakatulog.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

7 comments:

  1. ahhhw.. touch nman ako kay kua bon.. pero talagang heartbreak to the max unn ginawa ni ian.. sana nman naging honest sya.. neways.. its interesting how the story would have another twists and turns na nman.. pero hopefully when it does.. for your happiness nman... sad sad nman..

    ReplyDelete
  2. Isang patunay lang yan Gel na di ka normal...
    you're different in a good way...
    in a way na mas maraming makaka-appreciate sa existence mo... =)

    ReplyDelete
  3. grabe may tumulong luha sa eyes ko

    ReplyDelete
  4. ok lang yan kaya mo yan, naranasan kuna yan kc bi ako(//_^)!!!

    ReplyDelete
  5. ako din naranasan ko nayan masarap magmahal pero kong pumasok ka sa ganyang sitwasyon handa ka ring harapin kong ano man ang pagsubok sa relation ninyo...

    ReplyDelete
  6. wow nakakalungkot nmn ang part ng storying ito sana sumaya ka nmn kua gel

    ReplyDelete