Hay... sorry kung natagalan ako bago mag-post medyo busy talaga. Simula ng taon e.
Medyo nalungkot din sa huling na-post ko.
============================================================
Ilang beses na nagtama ang mga mata namin ni Ian pero di ko talaga siya pinansin. Pero kung talagang gusto niya akong kausapin e di sana lumapit din siya pero di siya nag-effort. Madalas ko pang naririnig na nagtatawanan sila ng girlfriend niya.
Maya-maya ay lumapit sa akin si Illianne.
"Hi Kuya Angelo." bati nito.
Susupladuhan ko sana kaso wala namang kinalaman ang bata sa away namin ng kuya niya. Tsaka baka mas maguluhan ang bata kapag ganun ang reaksiyon ko. Kaya pilit na pilit man ay ngumiti ako.
"Hi Illianne, musta ka na?" bati ko pabalik.
"Okay naman po. " saka ngumiti ito ng pagkaganda-ganda. Nakakawala ng inis.
Maya-maya ay lumapit sa amin ang kasama ni Ian. Ang girlfriend niya,
"Yan-yan... sino siya?" sabay-tingin nito sa akin.
"Si Kuya Angelo po. Kaibigan din siya ni Kuya Ian. Kuya Angelo, si Ate Ryza.... girlfriend ni Kuya Ian." pagpapakilala ni Illianne dito.
Para akong tinamaan sa hulinh sinabi nito.
Lumapit sa akin si Ryza at nakipagkamay. Ganun din ang ginawa ko.
"Hi. You're too cute." bati nito sabay kindat pa sa akin. Iniangat pa ang isang kamay niya at hinawaka sa kamay namin. Idiniin ito.
Na-sense ko agad ang pagka-flirt nito. Gusto ko siyang sampalin at sabunutan dahil nakuha pa nitong makipag-flirt kahit may boyfriend na siya. At ang boyfriend niya ay ang boyfriend ko rin.
Kaagad kong binawi ang kamay ko.
"Nice meeting you." maiksi kong sagot. "Sensya ka na huh? Uuwi pa ako e. May nakalimutan ako sa bahay."
Iniwan ko siya at tinungo si Mama Tony. agad akong nagpaalam kay Mama Tony na babalik ako sa bahay dahil may nakalimutan ako.
"Gusto mo ba ng kasama pabalik?" si Kuya Bon.
"Kuya naman. Para namang ang layo ng bahay natin. Kaya ko na." sabi ko.
Ngumiti lang siya.
Agad akong naglakad paalis ng basketball court. Nilingon ko muna ito at hinanap si Ian. Nakita ko siyang kasama uli ni Ryza at nakapulupot pa ito dito. Nakatingin din siya sa akin.
Agad na tumulo ang luha ko at umalis na ako bago pa niya makita na iniiyakan ko siya.
Habang naglalakad ako ay iniisip ko pa rin ang mga eksena kanina.
"Ang aga pa para umuwi ah?" sabi ng isang boses.
Agad kong nilingon ang pinanggalingan nito.
Nakita ko sa ilalim ng isang puno na nagkukubli sa anino nito ang isang lalaking nakasandal dito.
Muntikan na akong atakehin sa puso nang makita kong may tao pala dito.
"Sino yan?" takot kong tanong.
Agad na gumalaw ito at naglakad papalapit sa akin. Unti-unting nasisinagan ng ilaw galing sa poste ang mukha nito. Saka ko lang siya naaninag. Siya yung bagong crush ko. Yung nakita ko sa simbahan at naglalakad kanina.
(Look-alike only)
Di ko alam kung tatakbo ako sa takot o mapapangiti sa tuwa kaya napako na ako sa kinatatayuan ko.
"Takot?" biro nito.
Hindi ako sumagot.
"Tinatanong ka eh. Ang aga mo naman para umuwi." sabi uli nito.
"May naiwan lang ako sa bahay. Babalik din ako." mahina kong sagot.
"E yung naiwan mo sa basketball court?"
"Huh?"
"Yang naiwan mong tao... I mean espesyal na tao." paglilinaw nito.
"Di kita maintindihan."
Natawa ito ng pagkalakas-lakas.
"Sige okay lang kung ayaw mong umamin. Parang di ko nakita ang kaibahan ng tingin mo kanina sa simbahan at ang tingin mo sa kanya ngayon sa basketball court." sabay ngisi nito.
Nagsimula akong maglakad uli dahil naiirita ako sa ngiti nito... o dili kaya sa kaguwapuhan niya.
Patakbo itong humabol sa akin. Hinawakan ako sa siko.
"Hep, hep, hep. TEka lang. Di ba masyadong bastos naman> Kinakausap kita e."
Iwinaksi ko ang kamay niya. Binitawan naman niya.
"Pwede ba. Kung sino ka man. Pabayaan mo na ako. " sabi ko sabay lakad uli.
"Di bagay sa iyo ang suplado alam mo ba iyon?" rinig kong sigaw niya.
Napangiti ako kahit nakatalikod ako sa kanya. Ang pagkakilig sa loob ko ay tumulak sa akin para tumigil sa paglakad at lingunin siya.
"Okay? Ano ang kailangan mo sa akin?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Dahan-dahan siyang nakangiting naglakad papalapit sa akin.
"Wala naman. Kailangan ko lang ang pangalan mo."
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Waaaaaah! Bitin ako, Gel ha? Inggit na talaga ako ng bonggang-bongga. Ikaw na talaga, Gel! :-)
ReplyDeletewow... ikaw na talaga!
ReplyDeletekaka-heartbroken p lang eh.. kinikilig na sa bagong Crush.. =)