Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Monday, January 9, 2012

My SJV Series (Chapter 19... Too Hot-headed... Two Hot-headed)


Sorry for the late posting.

I'm so sad na konti na lang ang nagko-comment at nagchachat sa chatbox.

Belated Happy Birthday to iArcane.

Welcome to Peytreyk.

============================================================

Lunes, unang araw ng Linggo. Wala ako sa mood. Kahit na pinapasaya ako nina Rod at James ay di pa rin ako napasaya. Paminsan-minsan ay lumalabas ako ng klase at pumunta sa CR at iiyak.

Napapansin ito ni Rod at nagbabalak siyang kausapin ako pero di ko siya pinapayagang magsimula man lang magsalita. Napansin kong di siya mapakali at nang mag-lunch ay hindi na siya umuwi. Sinamahan niya akong bumili ng pagkain sa canteen. Nauna akong lumabas ng canteen at umupo sa damuhan sa ilalim ng puno.

"Wow! First time ko makasama ka mag-lunch dito sa school. First time ko rin kumain sa ilalim ng puno." bungad nito.

Tinitigan ko lang siya at di pinansin.

"Patabi huh?" pagpapaalam nito.



Tinitigan ko siya uli.

Ngumiti lang siya.

Sinimangutan ko siya.

"Look, Gel. Kaibigan mo ako. Bestfriend..." sabi niya. "... frustrated boyfriend."

"Magsisimula na naman ba tayo?" inis kong sabi sa kanya.

"Talaga? Magsisimula na tayo?" biro nito.

Sinimangutan ko uli siya.

"Pwede ba Rod? Tama na. Marami nang problema sa buhay ko. Wag mo nang dagdagan." buska ko sa kaniya.

"E kung babawasan ko?" biro uli nito.

Tiningnan ko siya. Nagulat ako na di na siya nakangiti.

"Look, Rod. You are my bestfriend and so far one of the cutest guys that I have seen pero hindi ito magwo-work. Maayos ang buhay mo. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati ikaw madadamay sa kamalasan na dala ko."

"Gel..." pagpuputol ko.

Lumapit siya sa akin. Iniangat niya ang kamay niya at alam kong yayakap siya. Bago pa niya ako tuluyang mayakap e tinulak ko ang dalawang braso niya.

"Gel.. Gel naman." bulong nito.

"Rod... please?" sabay kinuha ko ang bag ko. Tinapon sa basurahan ang mga pagkain ko at tumakbo papalayo.

"Gel..." rinig kong sigaw nito bago ako makalayo.

Agad akong lumabas ng school at tumakbo papunta sa likod ng school. Ngayon ko lang napuntahan ang lugar na ito. May eskinitang papasok sa isang baranggay. Nagpatuloy akong maglakad. Nadaanan ko ang maraming bahay. Mga nanay na nagtsitsismisan, nany at batang naghihingutuhan. Mga tambay na nakahiga sa bangkito sa tabi ng pinto.

Kahit papaano ay parang nag-enjoy ako sa paglalakad, Parang nasa ibang lugar ako. Parang ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar, sa ganitong klaseng lugar.

Naglakad pa akong konti at nakatungo ako sa isang lumang bahay. Napangiti ako. Kahit papaano ay parang nag-enjoy ako sa ganda ng bahay na ito kahit medyo luma, nakakatakot.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko. Naglakad ako papalapit sa bahay na iyon. Walang kahit anong ilaw sa loob.

"Tao po." mahina munang tawag ko.

Walang sumasagot.

Lumapit pa akong konti.

"Tao po." Medyo nilakasan ko na ang boses ko.

Walang sumasagot.

Di ko alam kung dahil sa masama ang loob ko o na-curious lang ako sa bahay na ito o dahil sa pakialamaero o usisero ako kaya naglakad ako papalapit pa sa bahay na ito. Hinawakan ko ang doorknob. Kinakabahan man pero tinuloy ko pa rin ang pagpasok sa bahay na iyon.

Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Naaamoy ko sa hangin ang kalumaan ng bahay at kung gaano na katagal walang naglilinis dito.

Dahil sa usisero nga yata ako ay nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob. May kaluwagan ang bahay sa na ito. May bukas na pinto papunta sa likod ng bahay. Siyempre alam niyo na nangyari pumunta ako doon at sinilip ito.

May mga manok na nakatali sa hapunan. May mga nakatanim ding mga gulay. May narinig akong lagaslas ng tubig. Akala ko gripo lang. Pero paputol-putol ang bagsak ng tubig. Lumapit ako sa pinagmumulan ng tunog ng tubig. Lumiko ako sa likod-bahay at bago pa man ako nakaliko ay nakita ko ang isang lalaking hubo't hubad na naliligo sa tabi ng poso. Di ako nakaalis kaagad. Nakatalikod ang lalaki at nagsasabon ito. Tinitigan ko ang ganda ng nakahubad nitong katawan. Moreno pero makinis.

Bilgang tumalikod ito para kunin ang panghilod kaso agad akong nasulyapan nito. Lumaki ang mata niya.

Natakot ako, bigla akong tumakbo papasok ng bahay. Sa pagmamadali ko ay di ko natingnan ang dinadaanan ko. Na-shoot ang paa ko sa isang bukas na lata. Napatid ako at napabagsak, una ang mukha. Humampas talaga ang mukha ko sa sahig. Halos nandilim ang mata ko. Pero naririnig ko ang mga yabag ng lalaki patakbo kaya babangon sana ako kaso parang nahihilo ako.

Napabagsak agad ako ng upo.

Di ko na nakayanan pang tumakbo kaya naabutan ako...

Naabutan ako ng isang lalaking puro sabon pa ang katawan at wala nang anumang nakatakip dito. Di ko alam kung matatawa ako o matatakot.

Pero isa lang ang nakikita ko. Galit na galit siya...

Dobleng galit. Galit sa taas... Galit sa baba.


-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

9 comments:

  1. ok lang yan kua gel maalis din ang galit nung lalake aha...ikaw pa....kua kailan k uli magpopost?sana bks makapagpost ka

    ReplyDelete
  2. hahaahah...astig k...update n po..hehe..bitin eh...

    ReplyDelete
  3. ang lakas talaga mambitin oh...
    sana eh di masyadong masakit pag hinarap mo na yung galit nya... =)

    ReplyDelete
  4. o may god ang saya saya :D

    mention me on your nect post :D

    ReplyDelete
  5. hahahaha! tibay ng radar mo pre! :))) di bale huhupa din galit nyan! :))) and thank you sa pagbati!! XD

    ReplyDelete
  6. alam mo kasi puro bitin eh...heheeh...pero love kita kya mag cocoment ako...hehehehe...kilala mo ba ako? more power sa blog mo...yaan mo ipopost ko site mo sa fb ko at sa twitter ko...God bless

    ReplyDelete
  7. andaming galit ah
    palamigin mo kaya ;D
    Sana frequent ang posting
    ang sya eh :D

    ReplyDelete
  8. Bakit nagalit kapa kasi ehh, nandiyan ang bestfriend tpos umalis kpa haaa. More update pleaseee nakakabiting kasi

    ReplyDelete
  9. salamat po pla sa paggreet dark angel!!! sorry d ako mxado nkakapagcomment, mabilisan lng kasi ako mgbasa ee... nsa seminary series plang ako... ehehe... tago din kasi ako mgbasa kaya paminsan minsan lang.. un lng po... thanks ulet...

    ReplyDelete