Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Sunday, January 22, 2012

My SJV Series (Chapter 24... Simbang Gabi Part 1)


Guys, thank you so much sa mga tumulong sa akin para mastop ang Facebook Group na Kwentong Pampalibog sa pagpost ng story ko. If makita niyo uli sila o kahit sino pa man na nagpopost ng story ko na inaangkin nila o tinatanggal ang disclaimer, please inform me agad and also help me call out the attention of those users to stop plagiarizing my work.

THank you all guys.

Facebook>>> Group>>> Kwentong Pampalibog>>> Stop copying my post you THIEF!!!
======================================================

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Kuya Bon ay kaagad naman na kaming umuwi. Kaswal lang ang pagtuturingan namin. Paminsan-minsan mga madaling-araw ay pumapasok siya sa kuwarto ko para magkipagsex. Nag-eenjoy na siya tumira ng pwet ko. Pero siyempre walang usapan kung kami ba o ano. Sabi ko nga mas okay na ang ganun kesa naman may commitment at masasaktan lang. At least wala akong dapat asahan kundi ang pasarapin at paligayahin ang isa't isa.

Ilang linggo na rin at nagsimula na ang simbang gabi. Siyempre araw-araw e maaga kaming gumigising ni Mama Tony. Lahat kami sa bahay ay magkakasamang nagsisimba. Siyempre, di pwedeng di ko makita si Ian doon. Pero dahil na rin sa maiksi lang ang panahon na naging magkaibigan at maging magboyfriend kami ay madali ko na rin siyang napatawad at tuluyan nang di binibigyang pansin. Pero kapag pinapansin ako ng mga kapatid niya ay binabati ko rin. Ang sabi ko na lang ay may samaan kami ng loob ni Ian.

"Malapit na ang Pasko. Dapat pagdating noon e bati na kayo huh?" payo naman ni Kuya Sid.

"Pipilitin po namin magkabati kung kaya." sabay-ngiti kong sabi.




Dec. 16 - Unang araw ng simbang gabi. Pagsapit ng hapon ay nakita ko si Mama Tony paglabas ng school. Nagpasundo siya kay Kuya Bon habang nasa school ako.

"Pupunta tayo ng SM. Mamimili tayo ng damit mo." bati nito.

"Ma, marami pa po akong damit. Di ba nga kakabili lang natin 2 weeks ago." sabi ko.

"Naku, iba yun. Ito naman e damit mo pangPasko. Kanina malamig e wala ka palang jacket. Tsaka kailangan mo rin ng bagong damit. Wala ba kayong Christmas Party sa klase niyo?"

"Meron po. Sa Biyernes na nga e." sagot ko naman.

"Biyernes na? Di ka man lang nagsabi?" gulat ito.

"E kasi wala namang nagtatanong e." malungkot kong sabi na naaalala na unang Pasko ko na di kami magkasama ni Jan.

"Naku, e paano ang exchange gift niyo. I'm sure meron kayo niyan."

"Meron po. Monito-monita po."

"Tapos? Nakabili ka na nga regalo?" usisa pa nito.

"Di pa po. Sa Huwebes sana. May naipon naman po ako e."

"Naku, wag na. Ngayon na tayo bibili."

Lumingon si Kuya Bon.

"May kailangan din po siyang dalhing pagkain sa Christmas Party nila." sabad naman nito.

Sinimangutan ko si Kuya Bon.

Humarap si Mama Tony sa akin. Nakataas ang kilay.

"At bakit di mo naman sinabi sa akin ito?"

"Sensya na po. Ayoko lang masyado umasa sa inyo. May pera pa naman ako e." sabi ko.

"O siya. Kung ayaw mong magalit ako sa iyo, itikom mo na yang bibig mo at wag ka nang umangal. Tayo nang mamili. Okay lang ba kung Mango Float ang dalhin mo? Kasya na siguro ang tatlong buo ano?"

Nakatingin pa siya sa akin pero alam ko naman, anuman ang isagot ko ay masusunod pa rin ang gusto niya. Kaya tumango na lang ako. At least di ko magagastos ang inipon ko. Nakalaan pa sana ito sa isang tao.

Dec. 17 - Pangalawang araw ng Simbang-gabi, nagkasulyapan pa rin kami ni Ian. Pero walang pansinan. Paglabas ng simbahan ay may kumurot sa pisngi ko.

"Ang cute mo talaga."

Pagtingin ko ay nakita ko si Ryza. Gusto ko siyang sapakin dahil di naman kami close. Pero naging civil pa rin ako sa kanya.

"Kumusta?" bati ko.

"Okay naman. Masaya na rin dahil nakita kita uli." sabay akap sa braso ko.

Gusto ko siyang sikuhin pero pinigilan ko. Nasa isip ko na girlfriend pa rin siya ni Ian at kailangan ko pa rin siyang irespeto kaso nakakabastos na ang ginagawa nito. May boyfriend siya pero okay lang sa kanya na pumulupot sa ibang lalaki.

Maya-maya ay tumabi sa amin si Icko.

Tumango lang siya sa akin.

Sinimangutan ko siya. Saka ko tinanggal ang kamay ni Ryza. Nagpaalam ako at humabol kina Mama Tony.

Pagdating naman sa school ay nag-usap-usap na rin kami nina James at Rod. Nagplano sila ng dadalhin namin sa Christmas Party. Kaso nakabili na kami nina Mama Tony kaya sila na lang ang nagkasundo na hotdog on stick ang dadalhin nila.

"Baka naman mapagod kayo sa sobrang hirap ng lulutuin niyo." biro ko.

"Sorry huh? Wala kasing milyonarya na sponsor sa amin e." biro ni Rod.

Dinagukan ko siya pero inakbayan lang ako nito.

Dec. 18 - Pangatlong araw ng Simbang-gabi, tumabi sa akin si Ryza sa simbahan. Gusto kong lumabas dahil habang nagmimisa ay nagkakasala ang utak ko. Gusto kong patayin ang babaeng ito. Nang mag-communion ay nakita kong nakatitig sa akin si Ian.

Bago pa lumabas ng simbahan ay nagtanong sa akin si Riza.

"Ano'ng gusto mong regalo sa Pasko?"

Kumunot ang noo ko.

"Wala. Ayokong mag-expect ng regalo." sabi ko.

"Hirap naman nun. Bibigyan sana kita e." sabi pa nito.

"Naku wag na. Si Ian na lang ang bilhan mo." sabi ko.

[[[[[Facebook>>> Group>>> Kwentong Pampalibog>>> Stop copying my post you THIEF!!!]]]]

Nag-iba ang expression sa mukha nito. Binitiwan ang kamay ko at umalis. Kahit na ayoko talaga sa kanya ay naguluhan ako sa naging reaksiyon nito.

Wala kaming masyadong klase dahil halos lahat ng tao ay naghahanda para sa Christmas party sa Biyernes. Hapon nang makatanggap ako ng unang regalo. Galing kay Rachel. T-shirt, kulay blue. Paborito kong kulay lalo na ang simple lang at walang masyadong design.

"Paano mo nalaman na ito ang gusto kong t-shirt?" gulat kong tanong.

"Kay James, pinagtanong ko." sabi nito.

"Naku, salamat huh? Pero sensiya na huh? Wala kasi akong regalo sa iyo e. Wala pa akong pera e." nahihiya kong sabi.

"Naku, okay lang iyon. Basta nagustuhan mo yang regalo ko. At kapag suot mo yan maaalala mo ako at para na rin akong nakayakap sa iyo." medyo parang malungkot na sabi nito.

"Naku, salamat talaga. Pwede bang yakap na lang ang regalo ko sa iyo?" biro ko.

"Okay lang." sabi nito.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Mabango ang buhok nito. Di ko namalayan na natagalan pala ang pagyakap ko sa kanya. Parang may kakaibang sensasyon akong naramdaman. Di ko napigilan na halikan ang buhok niya.

Kaagad siyang umigkas sa pagkakayakap ko.

"Sorry." sabi ko. "Ambango kasi ng buhok mo e. DI ko napigilan o namalayan na hinahalikan pala kita."

Hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

Pero bumalik uli siya sa pagkakayakap sa akin at bumulong.

"Thank you. Ito lang ang gusto kong regalo." sabi pa nito.

"Rachel. Sorry huh? Alam ko naman ang nararamdaman mo matagal na. Kaso magulo pa ang lahat sa akin. MAgulo ang utak ko, magulo ang puso ko, magulo ang buhay ko." pagtatapat ko sa kaniya.

"Okay lang yan. Pasko naman e. Hindi naman Valentine's para magpanic ako na magkaboyfriend." diretso nitong sabi.

Inilayo ko ang ulo niya sa akin. Medyo nangingilid ang luha nito.

Ngumiti ako sa kanya. Pag malapit pala makikita talaga ang kasimplehan ng kagandahan ng mukha nito.

"Alam mo, ang cute mo." agad kong sabi.

Napangiti ito.

"Bolero." sabay kurot nito sa baywang ko.

"Di nga. Totoo. Pwede ba kitang halikan?"

Di ko alam kung bakit ganoon ang sinabi ko. Kunsabagay, siya ang magiging first kiss ko sa babae.

"Sige. Pero as Christmas gift huh? No other meaning." sabi nito.

Naiintindihan ko ang nais nito. Gaya ko rin, siguro ayaw din niyang umasa.

KAagad kong inilapit ang labi ko sa labi niya. Hanggang sa tuluyang naglapat ito. Dahan-dahan kong ibinubuka ang labi nito. Pero atubili siya. Maya-maya ay tumakbo na lang ito papalayo.

Naiwan akong nag-iisip sa nangyari. Nasaktan ko ba siya sa ginawa ko. Masyado bang obvious na gusto ko lang tikman kung gusto ko rin ba ang halik ng babae?

Sa dulo ng mata ko ay nakita kong may nakatingin sa akin. Nang tingnan ko ito ay si Rod pala. Nakatingin sa akin. Umiling ito bago tuluyang lumayo.

Ano kaya ang iniisip niya ng panahon na iyon?

Dec. 19 - Pang-apat na araw ng Simbang-gabi. Mabuti naman at katabi ko si Kuya Bon kaya di na nakasiksik si Ryza. Dismayado ito nang makitang wala nang puwesto sa lugar namin. Alam ko dapat e wala akong pakialam, pero parang natuwa ako sa reaksiyon niya.

Ilang beses ko rin naramdaman na nakatingin sa akin si Ian, tapos si Icko. Pero binalewala ko. After all, wala na ako dapat pakialam sa kanila.

Pagdating sa school naman ay wala kaming pansinan ni Rod. Agad namang napansin ni James iyon.

"Wow! L.Q. (Lovers' Quarrel) kayo?" biro nito.

Ansama ng tingin ni Rod.

"Buti sana kung ganun e. Kaso quarrel lang." dugtong nito.

"Bakit?" sabay akbay sa amin ni James. "Magpapasko na e nag-aaway pa kayo. Magbati na kaya kayo."

"Nagbati na kami dati. Sobra pa dun ginawa namin." biro ko.

Sumimangot si Rod. Tumahimik na lang tuloy ako.

"Ano ba kasi ang nangyari?" usisa ni James.

"Tanungin mo siya." sabi agad ni Rod.

"Ewan ko sa iyo." sagot ko din. "Wala naman akong ginawang masama sa iyo ah."

"Akala mo lang iyon. Palibhasa palagi kang manhid. Habambuhay ka nang maging manhid. DI ka marunong magmahal. Lahat para sa iyo laro lang." sumbat nito.

Natigilan si James.

"Bakit? Porke ba di ako pumayag maging tayo e manhid na ako at di marunong magmahal? Ang hirap sa iyo di ka makaintindi." inis ko nang sagot.

"Pero kaya mong makipaglaplapan kahit kanino." sabi nito.

Agad kong natukoy na ang halik namin ni Rachel ang tinutukoy niya.

Napangiti ako. Tumaas namang ang kilay ni James. Sumimangot si Rod.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong nito.

"Nagsiselos ka kay Rachel?" diretso kong tanong.

Di siya sumagot.

Natawa si James.

"Hay naku. Pwede ba pag=usapan niyo yan? Pero hintayin niyo muna akong umalis. Alam ko naman ang tungkol sa inyong dalawa, pero weird pa rin para sa akin e. Sige, lalayo muna ako." saka kinuha ni James ang bag niya at umalis.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

Please message me for your comments at 09175863989. Thank you.

Facebook>>> Group>>> Kwentong Pampalibog>>> Stop copying my post you THIEF!!!

6 comments:

  1. Yehey! may Post na... woooohhh... nkaabot na din ako... kinareer ko na pagbabasa... LOL. haha. sana bukas may post na ulit... ahehe... Atat!??!

    ReplyDelete
  2. haaayyy kala ko d ka na magpopost gel.. nga pala first time ko dn magcomment kasi akala ko talaga hindi ka na magpopost..sobrang tuwa ko lang..nabasa ko na lahat ng post mo mula nung elem series.. honestly lahat ng pwede mong maramdaman nandito na.. tuwa, lungkot, pananabik,galit, pagkabitin etc.. on top of that LIBOG sorry pero yun talaga ako..kagaya mo tao dn tnx tnx XOXO

    ReplyDelete
  3. hahaha... nakarelate ako sa dulo ng post na to.. angsaya kaya nun pag ganun..:)

    ReplyDelete
  4. wow thanks naka post kna, masarap basahin ang mg akuwento mo ahhh.mor eupdate pleaseee.....

    ReplyDelete
  5. kua gel buti nkapagpost kna hahaha,,.....nkakaluha nmn ang story mo

    ReplyDelete