Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Sunday, August 31, 2014

My Jalandoni Series... (Chapter 8... Mac... )



Sorry sa tagal na hindi ako nakapagsulat guys.

Two posts in a day. Para makabawi sa inyo.

=======================================

"Just talk if you need to ha? Ano ba gusto mo itawag ko sa'yo?" pagputol nito sa matagal na katahimikan.

Ngumiti ako.  Hinawakan ko ang kamay niya. Malambot ito. Kamay ng mayaman.

Hinigpitan din niya ang paghawak sa kamay ko.

"Mac..." tawag ko sa pansin niya.

"O..?" tanong nito.

"Gusto kong magpalit ng palayaw. Feeling ko malas ang nickname ko." sabi ko sa kanya.

Natawa siya.

"Seryoso ako." Pagkukumbinsi ko sa kanya.

"O sige. Sige. Okay lang ba ako pumili ng nickname mo?"

"Oo... ayusin mo ha?"

"Yung nickname ba na ito ay tawag ko lang sa iyo o pati lahat ng nakakakilala sa iyo?" usisa nito.

"Hmmm... hindi ko naman na pwedeng baguhin ang palayaw ko sa ibang tao e.  Siyempre ikaw na lang tatawag sa akin nito."

"Parang terms of endearment?" sabay ngisi nito.

"Heh... wag masyadong assuming."

Tumawa ito.

"Well, I can choose how I would want to call you."

"But that doesn't mean papayag ako sa kahit anong gusto mong itawag sakin."

"You don't have a choice."

"Sige na... ano na?"

"Hmmm... I want to call you... Gel"

Tiningnan ko siya sabay taas ng isang kilay ko.

"Gel?" tanong ko.

"Yan tawag sa'yo ng mga kaibigan mo di ba? I don't want to change it. Because that's who you are.  Wala akong gustong baguhin sa'yo. I want how and what you are now."

Napailing ako. Another movie line perhaps.

Humilig ako sa balikat niya.

Hinawakan niya ang baba ko.

"Can I kiss you?" sabi nito.

"No." sabay ngiti ko.

"Hmmmp." rinig kong sabi nito.

Hinawakan niya ang buhok ko.

"Your boyfriend is very lucky to have you." sabi nito.

"Don't say that. You have no idea how I wanted to not have a boyfriend.  Lahat ng tao na malapit sakin at mahal ko, napapasama."

"Don't say that too. Walang taong malas sa mundo. May malas lang na pangyayari pero hindi ikaw mismo iyon."

"Sana lang."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin.

"Mac..." tawag pansin ko sa kanya.

"Hmmm..."

"Wag mo akong iwan ha?"

"Sweet." sabi nito.

Napangiti ako.

Maya-maya ay tumayo na ako.

"Ibalik na kita sa inyo?" tanong nito agad.

"Di ko alam. Baka kasi nakabantay sila dun e."

"Gusto mo sa bahay ka na matulog?" offer nito.

Tiningnan ko siya.

Ngumiti ito sa akin.

Tumango ako.

"Wala bang magagalit sa inyo?"

"Wala. Usually ako lang mag-isa sa bahay. Kasama mga yaya ko."

"Yaya? Yaman!"

"Hahaha... more like childish and dependent."

"Or yaman?"

"Pilitin natin?"

"Hahaha. Tara na nga. Antok na rin ako e."

Inakay ako nito sabay hawak sa kamay ko papasok ng kotse. Saka niya sinara ang pinto.

Pumasok na rin siya sa kotse at nagdrive paalis.

Dumaan kami ng La Paz Public Market, diretso ng papuntang La Paz Plaza. Tapos kumaliwa kami. Dinaanan namin ang La Paz Church. Dumiretso lang kami hanggang sa kumanan kami sa Ledesco Village.  Dire-diretso hanggang sa makita namin ang malaking bahay malapit sa isang park.

Bumusina siya at maya-maya ay may isang lalaking nagbukas ng gate. Ipinasok niya ang kotse sa garahe at sabay kami bumaba.

"Manong Dan, si Angelo. Kaibigan ko. Dito siya matutulog." pagpapakilala nito.

"Magandang gabi po." bati ko.

Ngumiti at tumango ang lalaki.

"Pakihanda po ang guest room natin sa taas." sabi ni Mac.

"Sige po." sagot ng lalaki.

"Tara?" aya ni Mac sakin.

Pumasok kami sa backdoor ng kusina. Tapos dumaan kami sa sala. Bago pa man ako makaakyat sa hagdan ay may nakita akong nakapukaw ng atensiyon ko.

Natigilan si Mac nang tinitingnan ako.  Tumingin siya sa direksyon ng tingin ko.

"Paano'ng...?" sabay harap ko sa kanya.

Di siya nakapagsalita.

"Ikaw yung..."


-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09369252617. Thank you.

1 comment: