Sunday, August 31, 2014
My Jalandoni Series... (Chapter 7... Tabing Ilog... Iloilo River Version)
Sorry sa tagal na hindi ako nakapagsulat guys. Hopefully mapatuloy na ito.
Thanks Ram Ace (new follower), Mervz, LAN, John, Ed, Robert, Brix, Rio, Britney, Liam, and Edward for sticking...
=======================================
Habang tumatakbo ang kotse sa kahabaan ng General Luna ay tiningnan ko si Mac. Seryoso ito.
Nilingon ako at ngumiti.
"Why?" tanong nito.
"Wala lang. Thank you at napadaan ka." sabi ko.
"You're welcome. I don't know what's the reason but I was actually lucky to have passed through here. I was on my way home na sana, pero my uncle asked me to buy something for him so good thing dito ako napadaan."
"Weird lang din kasi parang napakaimposible naman na mapadaan ka sa mismong oras na kailangan ko." sinapo ko ang dibdib ko na kabado pa rin.
"Well, I might be your knight in shining armor." sabi nito sabay ngiti uli.
"Sorry, but I am no damsel in distress." biro ko.
"You can be my Hansel in distress." biro din nito.
"Corny na." asik ko.
Tumawa lang siya ng malakas.
Nang dumating na sa harap ng capitol ay kumaliwa ito. Tapos binaybay namin ang daan hanggang sa lumagpas kami ng Museo Iloilo.
"Remember that place?" tanong nito.
"Oo naman. Palagi ako pumupunta diyan dati e."
"I mean, for us."
"Oo na, diyan kita unang nakausap."
Ngumiti siya.
"Glad you remembered. That was special."
Di ako sumagot. Wala ako sa mood makipagflirt.
Nilagpasan naman ang Hall of Justice, tapos ang tulay. Kumanan siya paglagpas ng tulay, sa may bagong gawang daan sa tabi ng Iloilo River.
Ipinara niya ang kotse sa tabi ng isang bench.
"Dito muna tayo?" pagkumpirma nito sakin.
Tumango lang ako saka lumabas sa kotse.
Umupo ako sa bench na nakaharap sa ilog.
Umupo naman siya sa tabi ko.
Matagal siyang nakatingin sa ilog.
"MAc." tawag ko sa kanya.
Saka lang siya humarap.
"Oh?" sagot nito.
"Salamat ha?"
"Sus, walang anuman yun."
"No, honestly. Salamat. Hindi ko alam ano na nangyari sakin kung nahuli ako ng mga iyon."
"Hmm... alam ko kung ano mangyayari sayo." sabay tawa nito.
"Masaya ka pa yata." asik ko dito.
"Medyo. Kasi iniimagine ko kung ano ang gagawin nila sa'yo. That would be a great picture for me. I'll be jealous but I would enjot the view." sabay tawa nito.
Sinuntok ko siya sa balikat.
"Ouch!" sigaw nito. Napalakas yata suntok ko.
Di ko siya pinansin.
Hinawakan niya kamay ko.
"Sorry. Honestly ayokong isipin ang gagawin nila sa'yo. I'd die." seryosong sabi nito.
Di ko siya hinarap.
"Seryoso?" tanong nito.
Saka ko lang siya hinarap.
"Seryosong ano?" tanong ko.
"Ganun ang linya ko pero wala kang reaksiyon?"
"Ano'ng gusto mong reaksiyon ko? Besides lahat naman ng sinasabi mo galing palagi sa quotes at movies eh. Walang originality."
Napatawa siya.
"Nanotice mo rin pala."
"Oo naman no. Kaya nga di ko pinapatulan mga patutsada mo e. Walang sincerity."
"I agree." sabi naman nito. Di ko alam bakit nilaglag niya sarili niya.
"But, don't worry, your presence is enough for me." sabi ko na lang.
Hinarap ko siya at nginitian. Ngumiti siya. Kinurot ko pisngi niya bilang pagsabi ng thank you. Saka niya hinawakan ang kamay ko. Tinitigan ako.
"You are always welcome to pinch my cheek."
Kinurot ko ito uli. Malakas.
"Aray! Tama na. Once lang please. Baka lumobo pisngi ko." sabi nito sabay kiskis ng kamay niya sa pisngi niya.
Ngumiti ako sa mukha niyang parang isip bata.
Hinarap ko ang ilog. May dumadaan na maliit na bangka. Ngumiti ako. Di ko alam bakit.
"Mac..." tawag ko sa kanya na hindi nakaharap.
"O, bakit?" medyo seryoso pa rin siya. Di ko alam kung galit dahil sa pagpisil ko sa pisngi niya.
"Palagi ka ba talagang darating pag kailangan kita?" di ko alam bakit natanong ko iyon bigla.
"Oo. Bakit parang seryoso ka bigla?"
"Wala lang kasi marami na nagsabi sa akin nang ganyan. Pero di ko na alam kung nasaan na sila ngayon." Iniisip ko si Jan, si Kuya Paolo, si Kuya Gilbert, si Ralph... ano na nangyari sa mga pangako nilang palagi nasa tabi ko?
"Siguro naman may reason sila bakit sila nawala. Pero that doesn't mean iniwan ka na nila. Babalik at babalik din sila. In due time. Pero you have to make sure na mas masayahin at mas masayang ikaw ang babalikan nila. Kasi if they would see you like how you are now, baka magsisi sila na iniwan ka nila. I am not saying na di sila dapat magsisi na iniwan ka. Pero you have to make them feel na you can go on with your life with or without them. You can be happy with them in your life but that doesn't mean you will be less happy without them." Seryosong sabi nito.
Hinarap ko siya. Nakatingin ito sa langit.
Nasa isip ko. Para ba sakin ang sinasabi nito o para sa kanya. Kung ano man ang magiging role ni Mac sa buhay ko, I am just glad na ngayon sa oras na ito, may Mac akong kasama.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09369252617. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
salamat angel, i've been following your blogs for almost 2 years now. sana maging okay ka na para mapadalas na yung update sa kwento. and more sex scenes pls hehehe
ReplyDeleteat last! he he he, tnx sa update, kaya mo yan. sabi nga nila, i every trials/ hindrance that we gone trhrough and you pass it, it will make you a better person. goodluck and always take care!
ReplyDeleteWow tgal ko ndi napadaan dito me iba ka pala nappst
ReplyDeleteWow tgal ko ndi napadaan dito me iba ka pala nappst
ReplyDelete