Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, May 27, 2014

Shared Stories... Ghino... (Recruiter-Agent Conflict of Interest) Part 1




Since it took me a long time to post, I have some posts here that were emailed to me before.  I will post all of them first maybe,  While I am writing for my new posts for My Jalandoni Series.

===================================

Dear Angelo [[Hahaha, natawa ako dito - Angelo]]

I am Ghino, one of your readers for several years now.  Sorry if I have to write some in English because I came from the province and I cannot speak Tagalog better than how I speak or write in English.  Pero since napansin ko na mostle Tagalog mga nagsusulat dito. I will try my best to write in Tagalog if not Tag-Lish.

December 2012.  Nag-apply ako bilang call center agent sa isang call center sa Quezon City.

Interviewer: "You have been in recruitment for several years, why are you now applying as an agent?"

Me: "I have been working in recruitment and it takes a lot of time for me and I rarely have time for myself since most of the time I am rendering overtime to finish all my tasks.  This is one thing I liked about being a call center agent, you don't bring your work at home.  You rarely do overtime work.  And most importantly, you can spend your restdays to yourself and not do restday overtime."

Medyo, nakita ko naman sa interviewer ko na hesitant siya sa sagot ko.  Pero tinanggap pa rin naman niya ako.

Isa ako sa apat na nakapas sa interview niya.  Sampu kaming sabay na ininterview niya.

Interviewer: "Well, guys you will now proceed to the next step of the interview process which is the exam."

Pinag-exam kaming apat.  Sa awa ng Diyos ay nakapasa naman kaming apat.

Proctor: "Congratulations, you passed the exam, please wait for your personal interview. Please wait for your name to be called."

Nakita namin na may isang batch na natapos na na interviewhin bago kami kaya sa isip namin baka matagalan pa kami bago kami interviewhin kaya nagpasya kaming apat na maglunch.  Tatlo silang babae, yung isa tomboy pero nagkasundo naman kaming apat.  Iba-iba kaming pinanggalingan, iba-ibang experience pero nagkasundo naman kami dahil pare-pareho lang naman kaming applicants.

Pagkabalik namin ng lunch ay nagulat ako na tinawag ang pangalan ko para interviewhin na.  Naunahan ko pa yung ibang naghihintay kanina.

Pumasok na ako sa interview room. Ininterview ako ng babaeng nagngangalang Andrea.  Pansin ko na parang di naman siya nakikinig sakin.  Pero ang totoo pala ay hindi siya interesado sa sagot ko.  Inofferan niya ako ng posisyon bilang recruiter.  Kahit na ayoko ay nagandahan naman ako sa offer kaya tinanggap ko.

Heto, 3 months na ako bilang recruiter sa kumpanya.  May kanya-kanya kaming mga account na hawak at kailangang punuin.  Challenging kasi maraming tao ang nakakausap ko araw-araw.  Kailangan mong alamin kung sino ang fit sa posisyon at account. Kailangan mong mag-dig deeper para malaman mo kung totoo ba ang mga sinasagot nila sa iyo.

Dito ko nakilala si Renz, nag-aapply siya bilang Inbound Sales Agent.  At since ako ang may hawak sa account na ito, ako ang huling nag-interview sa kanya bago ko siya i-endorse para interviewhin ng account.

Cute siya, morene, average lang ang katawan, pero maganda ang hubog ng biceps at dibdib niya.  Medyo sungki ang ngipin pero nakabrace kaya cute tingnan.  Ang mga mata naman niya ay parang chinito na matulis ang magkabilang dulo kaya nagustuhan ko ang pagtitig dito.

Me: Tell me something about yourself.

Renz: I am a fresh graduate of Bachelor of Arts in Marketing from *** and I do not have experience yet.  However, I want to join in this company as I believe the experience that I will gain here as a Sales Agent will further help me in my career should I wish to pursue Marketing and Sales in the future.

(Impressed, kahit alam ko namang mostly ng mga fresh graduates ay iniisip lang nila ang call center dahil nahihirapan sila maghanap ng trabaho dahil wala silang mapasukang trabaho.  Sorry, pero speaking based on experience lang. Please do not hate me.)

Me: Do you have any experience in selling?

Renz: Honestly Ghino, no.  This would be my first time.  But I am very enthusiastic to learn and excel in this field.

Me: OKay, do you have a girlfriend?

Renz: (Smiled) No sir.

Me: Any person you are courting right now?

Renz: Sir, Mind me asking what's with the question? (Smiled again)

Me: Well, do you know that courting someone is like selling yourself?  It is a basic form of sales.

Ngumiti ito nang pagkakaganda.  Honestly, kinilig ako.

Renz: Well, sir, for now, I am not couring anyone, but I have now plans to court someone soon.

Me: (Aray, naisip ko) Well, would you want to practice?  If you can convince me with your courtship, we'll know if you will be a good sales agent.

Renz: (Smile ulit) Can I start now sir?

Me: Sure. When you're ready.

Renz: If you will love me, I will shower you with surprises everyday.  From small inexpensive stuff such as handwriteen cards, self-made poems, chocolates or flowers.  I will make sure that I will spend at least one time in a day to make you smile and feel loved.  I may not have anything yet, but I will make sure to give you all of myself.  I will not have any inhibitions and I will just act as normal as I can so that if in case you will love me back, you will love me for what I am and what you thought I was.

Aminado ako.  Sa mga salita niyang yun, kinilig ako.  Sobra, lalo na sa mga ngiti at titig nito.  Kung test nga yun sa sales, siguro nasa 100% na siya.  Di dahil sa mga sinabi niya kundi sa tono ng boses niya, sa mga titig at ngiti niya.  Gusto ko na talagang isipin na para talaga sa akin iyon pero mahirap maging assuming.  Ano ba naman ako sa kagaya niyang kayang magpasagot ng kahit sinong babae.

Pero time to go back to reality.  Gusto ko na tapusin ang interview kasi kapag tumagal pa ito baka mas lalo na akong mainlove sa kanya.

Me: Okay.  Where do you live right now?

Renz: I live with my parents in Malolos, Bulacan.

Me: Any plans of relocating soon?

Renz: I might, but it's too late to say yet.  Right now I am just enjoying my life with my parent.  But if you will give me a reason to relocate here.  I can move in with you so you can wake up with me every day and sleep with me every night.

Me: Hmmm.  The question is a different one.  It's not a follow-up question to the courtship example we had a while ago.

Renz: Oh, sorry.  I thought it was.

Nasaktan naman ako sa pagsasang-ayon niya.  Kasi deep inside pinipilit kong para talaga sakin yung sagot niya.

Me: So, what can you say about Malolos? If for example I am a tourist and I am looking for a place to visit.  How can you sell Malolos, Bulacan to me?

Renz: Well, Malolos is a very historical place.  This is where the Barasoain Church is located.  This is one of the oldest churches in the Philippines and is depicted in one of our bills which is the 1-peso bill which is now changed unfortunately.  This is where our 13th president, Joseph Estrada took oath for his presidency.  Malolos is also a well-urbanized city but still takes pride in our historical structures and more.

Mas umayos na ang kabog ng dibdib ko dahil medyo seryoso na kami.

Pagkatapos ng interview ay pinalabas ko na siya ng kwarto.  Pasado naman.  Mukha naman siyang madaling turuan at marunong naman siya bumenta kahit papano.  Kung siya nga nabenta niya sarili niya sa akin na no boyfriend since birth e.

Maya-maya ay sinabihan ko na siya na ang schedule niya para sa final interview ay alas-otso pa ng gabi at dahil alas-kwatro pa lang ay sinuggest ko na magbreak muna siya at bumalik na lang mamaya.

Umalis ito pero bago pa lumabas ng pinto ng recruitment area ay lumingon sa akin at nagsmile.  Ngumiti naman ako pabalik.  Walang malisya, pero nakakapagpakilig.  Ganun ang dulot niya sa akin.

Mga bandang alas-sais ay nagbreak na rin ako.  Pumunta ako sa malapit na mall at doon nag-lunch.  Sa trabaho namin, bihira kami mag-lunch nang sabay ng mga kasama ko.  Kung kelan lang wala nang tao saka lang kami makakasaglit para kumain.

Umupo na ako sa Chowking pagkatapos umorder.  Hinihintay ang inorder kong laureat kasi sobrang gutom ko.

Nang mailapag na ang laureat ay kumain na ako.

"Wow. takaw ah." bungad ng familiar na boses sa likod ko.

Nilingon ko at andun si Renz.

Ngumiti ako.

"Wala, gutom talaga e." sagot ko.

"Pansin ko nga.  Kanina ka pang alas-diyes andun pero di ka pa nagbi-break." sabi nito.

"Pansin mo talaga ha?" sabay subo ko ulit.

"Oo naman.  Di naman mahirap mapansin yun e."

Ngumiti lang ako.

"Thank you pala sa pagpasa mo sa akin kanina ha?" sabi nito na nakangiti.

"Don't thank me. You deserve it naman e." balik ko dito.

"Sa tingin mo, makakapasa talaga ako kapag ganung ginamit kong panliligaw?" biglang seryosong sabi nito.

"Oo naman. Napakabolero mo, sasagutin ka nung sino mang liligawan mo." masakit man pero kailangan kong sabihin.

"Nice.  Biglaan nga lang yun e. You caught me offguard pero minsan pag nagsabi ka nang totoo mas madali kesa sa gumawa ng bola."

Napaisip ako sa sinabi nito.  Syempre pumasok na naman ang defensive side ko.

"So ganun talaga nararamdaman mo sa liligawan mong babae?"

"Yup. Honest yun. Pero hindi sa babae." sabi nito.

Tiningnan ko siya. Nakangiti lang siya sa akin.

"Bakla ka?" tanong ko.

"More on the confusion stage but I know I am not straight." sagot nito.

"Ah..." medyo di ko alam ano isasagot.

"So sa tingin mo gagana yun kahit hindi sa babae?" ulit nito.

"Siguro. Di ko alam.  I have never been courted eh so I wouldn't know."

"Why naman?" tanong nito.

"Wala pang nagkakamali." biro kong sagot.

"Well, buti na lang for the first time. Ito ang pinakamabuting pagkakamali ko." biglang sabi nito.

===================================

To be continued.

Medyo mahaba e kailangang putulin.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09064656383. Thank you.

1 comment: