Sorry sa late update. Maiintindihan niyo kung bakit matagal bago ko pinost to.
Hi po kay EJ (thanks for the call), Keith (sira nga po CP ko), Ralph Kevin (di ako galit)
=======================================
Maya-maya ay may narinig akong katok.
"Gel... Gel... Andiyan ka ba sa loob?" rinig kong tawag ni Feljan.
Napamulat agad ako ng mata.
"Jan... teka lang." sabi ko kay Jan.
"Wag na... dito ka na lang. Kunwari tulog ka na." bulong nito.
Di na lang ako kumibo.
"Gel... Gel... gising ka pa ba? May tawag ka sa telepono. Long distance daw." sabi ni Feljan. "Si Kuya Paolo."
Agad akong bumangon. Bago pa ako mahawakan ni Jan ay nabuksan ko na ang pinto.
"Feljan... sorry... nasa banyo ako kanina.?" agad kong tanong.
Dumiretso ako sa dining area kung saan may extension ang telepono.
"Hello.. Kuya Pao!!!" sigaw ko.
Kaagad na nakita kong lumabas ng kwarto si Jan.
"Kuya Pao... napatawag ka?" excited kong tanong.
"Ano bang klaseng tanong yan? Di ba sabi ko tatawag naman ako." medyo pagalit nitong sabi.
"Sorry po." nalungkot ako at pinagalitan niya ako.
"Di ako galit. Galit ako sa nandiyan ngayon. Nandiyan ba si Jan?" diretso nitong tanong.
Napatingin ako kay Jan.
"Andito po." sagot ko naman.
"Ano'ng ginagawa niya diyan?" galit na galit ang boses ni Kuya Paolo.
"Di mo po siya pinapunta dito?" tanong ko.
"E gago ba ako? Papupuntahin ko siya diyan? Para ano? Para hawaan ka ng sakit niya?" di pa rin humihina ang boses ni Kuya Paolo.
"Kuya?" naguluhan ako sa sinabi niya.
"May sakit ang gagong iyan. Kung alam ko lang na maysakit siya e di ko na sana siya pinapunta diyan." nagngingitngit ito.
"Kuya... di kita maintindihan."
Lumalapit na sa akin si Jan.
"Diyan ka lang." sigaw ko dito. Ibinalik ko ang atensiyon ko kay Kuya Paolo. "Kuya... paliwanag mo naman."
"Yang Jan na yan... na dati mong boyfriend... may STD na yan."
"STD?" ulit ko pa.
"Oo. Wanted yan dito sa Fed."
Di ko naintindihan kung ano yung Fed kaya nakuha agad ni Kuya Paolo.
"Fed. Federal Ministry of Health. Isa yan sa mga may kaso ng STD dito na tumakas lang pauwi diyan dahil may sakit iyan. STD o Sexually Transmitted Disease... nakakahawang sakit dahil sa sex." paliwanag nito.
"Kuya naman e. Wag ka namang ganyan." sabi ko dito. Ayaw kong maniwala.
Lumapit na naman si Jan.
"Gel... ano daw sabi niya?" nag-aalangan ang mukha ni Jan.
Hinarap ko siya.
"Totoo bang maysakit ka?" tanong ko.
TUmahimik ito.
Di ako sinagot. Bumalik sa kwarto ko. Maya-maya ay kinuha ang dala nitong bag at walang sabi-sabing bumaba ng hagdan. Narinig ko ang pababang yabag nito. Hanggang sa narinig ko ang pagsara ng pinto sa sala.
"Kuya... sorry... kailangan kong habulin si Jan." di na ako nag-isip.
Ibinaba ko na ang telepono kahit naririnig kong tumatawag na sa akin si Kuya Paolo sa kabilang linya.
Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan at hinabol si Jan. Paglabas ng gate ay lumingon-lingon ako. Nakita ko siya na naglalakad paliko sa kanto.
Hinabol ko siya. Di naman siya nagmadali kaya naabutan ko siya.
"Jan... please... wag mo akong iwan uli." sabi ko dito.
Nilingon ako nito.
"Akala ko ba nandidiri ka sa akin dahil maysakit akong nakakahawa." sabi nito.
"Wala akong sinabi. Gusto ko lang malaman kung nagsasabi ng totoo si Kuya Paolo o sinisiraan ka lang niya."
"E nalaman mong totoo.. na may sakit ako... ano ngayon?" tanong nito.
Di ako sumagot.
Niyakap ko siya.
"Ano naman ngayon? Dapat ba akong lumayo?" tanong ko sa kanya.
"Para sa kaligtasan mo... dapat kang lumayo." sagot din nito.
Umiling ako.
"Pinuntahan mo ako. Sinusundo mo ako di ba?"
"Oo... pero ngayon naisip ko na ang selfish ko pala. Binalikan kita para sa sarili ko. Dahil ayaw kitang mawala. Dahil alam kong ikaw lang makakatanggap at magmamahal sa akin." Umiyak na rin ito.
"Oo... ako nga yun... ako ang Angelong nagmahal at minahal mo."
"KAso di na ako ang Jan mo... ako na ang maysakit na Jan. Nakakadiri ako." hagulgol nito.
"Ikaw pa rin si Jan ko. Ikaw pa rin ang mahal ko. Maysakit ka man o wala... di kita iiwan." sabi ko dito.
"Angelo... baka mahawaan lang kita. Madamay ka pa sa akin."
"Gago... Kaya nga STD e... sexually transmitted disease yan... e di wag tayong magsex."
Ngumiti ito. Para bang may nasabi akong nakakatawa.
Hinampas ko siya.
"Kanina umiiyak ka bakit tumatawa-tawa ka diyan?" asik ko dito.
"Kasi... kaya mo bang walang sex? Di ba dati halos di na ako tumaba dahil sa iyo." biro nito.
Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Ouch... ouch... ouch... maysakit ako." sabi nito.
"Anlayo nito sa titi mo. Kaya wag kang magdrama diyan." sabi ko dito.
NIyakap ako nito. Hinila niya ako sa waiting shed. Umupo kami.
"Jan... ano bang klaseng STD yan?" seryoso kong tanong.
"Tulo..." sabi nito.
Kumunot ang noo ko.
"Tulo? Di ba nagagamot naman yan? May second cousin akong nagkaganyan dati pero ininuman lang niya ng gamit nawala din." sabi ko.
"Kaso yung sa akin lumala na... nagkaroon ng komplikasyon... meron akong testicular cancer." sabi nito.
Tumahimik ako. Inintindi ang sinabi niya. Tumiling ang tenga ko sa salitang cancer... pero matagal ko pa naintindihan ang testicular... testicles... bayag.
"Wag kang magbiro ng ganyan Jan. Please naman." pinipilit kong ngumiti. Iniisip kong joke lang.
"Di ako nagbibiro Gel. Kaya ako bumalik dahil gusto kong makasama ka. Di alam nina Papa kung mawawala to kapag pinaoperahan." diretsong kwento nito.
"Kala ko ba tulo lang... bakit naman umabot sa ganyan?" medyo nagagalit ako sa kanya. Di kayang tanggapin ng sarili ko ang sinasabi nito.
"Naalala mo ba nung umalis kami ng Iloilo at pumunta ng Europe? Nagrebelde ako sa kanila. Palagi akong wala sa bahay. Palagi akong naghahanap ng makasex. Hinahanap kita sa kanila. Kahit sinong magkagusto sa akin ay pinapatulan ko. Umaasa na titigil din ako. Nakilala ko rin si Kuya mo Paolo nung pinadala ako sa camp para malayo ako sa city. Pero di pa rin tumigil ang pakikipagsex ko...
"Kaso isang araw... nagising na lang ako masakit ang titi ko... may malagkit na lumalabas sa titi ko tapos dumidikit na ang bried ko... medyo madilaw...
"Sa una akala ko e UTI lang dahil iyon nabasa ko sa internet kapag mahirap umihi...
"Kaso nung unti-unting lumaki at nanigas ang bayag ko... saka lang ako naglakas ng loob na sabihin sa mga magulang ko ang nangyayari sa akin. Sa unang tingin pa lang nila ay nahulaan agad nila kung ano yun. Dinala nila ako sa hospital. Sinabi yun nga tulo. Pero may more pa daw dun...
Di ako umiimik... nakikinig ako... pero nasasaktan.
"Sabi nga daw e may nakita daw na mabilis na lumalaking kulani sa bayag ko. Konektado daw sa tulo ko. Umabot kasi ng dalawang buwan na tiniis ko bago ko pinaalam sa kanila ang sakit ko."
"Ano'ng sinabi nina Tito sa sakit mo?"
"Ayun... iyak nang iyak. Sabi ng mga doktor na tinanungan namin e pwede naman daw operahin kaso hindi nila masisiguro na mawawala na ang cancer, di rin nila masigurado ang kaligtasan ko.
"Pinipilit nila akong magpaopera kaso natatakot ako. Sabi ko baka mamatay ako. Sabi ko ayoko pang mamatay na hindi ka nakikita." sabay tingin nito sa akin.
"Pero di ba kung iyon ang makakapagpagaling sa'yo di ba it's worth the risk."
"Dati ayoko... kaso nakita na kita at alam kong mahal mo pa rin ako... siguro kakayanin ko ito." sabi nito.
"Jan... go through with the operation. Please? Ayokong makikita kang nahihirapan."
"Basta promise me na nasa tabi lang kita." pagmamakaawa nito.
Tumango ako.
"Kaso paano sina mama at papa mo?" nag-aalala ako nang maalala ko.
"Di ka nila pagagalitan. Alam nila na ikaw lang nagpapalakas sa akin. Kaya pwede ka bang bumalik sa bahay?" nagmamakaawang tanong uli nito.
"Gustong gusto ko kaso baka maeskandalo sina tito." nag-aalangan pa rin ako.
Umiling siya.
"Please? Ikaw lang ang makakakumbinsi sa akin na magpaopera. Please?"
Tinitigan ko ang mata nito.
Namiss ko si Jan.. kahit matagal ding di kami nagkita... kahit nagkaboyfriend uli ako at kahit maysakit siya... di ko pa rin siya kayang ipagpalit.
Umiling ako saka tumango.
"Kaso wala si Mama Tony. Paano ako magpapaalam. Napakabastos ko naman kung di man lang ako magpapaalam." sabi ko.
Di sumagot si Jan. Ayaw niya akong diktahan alam ko.
Bumalik kami sa bahay. Sinalubong ako ni Feljan.
"Gel...nasa telepono pa rin si Kuya mo Paolo." bungad nito.
Dali-dali akong pumunta sa telepono.
"Kuya... sorry.." umpisa ko.
"Shit Angelo... Don't tell me..." di niya tinapos.
"Kuya... sorry... pero mas kailangan ako ni Jan... sorry." umiyak na ako.
"Angelo... don't do this... wag mong iwan si Lola mag-isa... after all that she did for you... shit! Nababaliw ka na para iwan ang lahat para diyan sa kadiri mong puppy love. Pag umalis ka diyan... wag ka nang babalik. Sisiguraduhin kong di ka na tatanggapin ni Mama Tony." babala nito.
"Why do you care? DI naman ako ang nang-iwan." sabi ko. Saka ko ibinaba ang telepono.
Mabigat ang dibdib ko na dumiretso sa kwarto. Kinuha ang tatlong bag ko. Nagsimula na akong mag-impake. Dinala ko lang ang mga gamit sa school, mga ilang damit, pantalon at sapatos. Iniwan ko ang maraming regalo ni Mama Tony at Kuya Paolo sa akin. Yung mga damit na ako mismo ang bumili ang mga dinala ko. Pero di na pala okay yung iba. Dinala ko na rin ang ibang damit.
May kumatok.
Nilingon ko at nakita kong nakatayo sa pinto sina Kuya Bon, Feljan at Rey.
"Aalis ka ba talaga?" si Rey.
Tumigil ako sa pag-iimpake. Lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila.
"Sorry... pero mas kailangan ako ni Jan. Pero di ko kayo makakalimutan. Di ba magkikita pa naman tayo sa school?" paalala ko sa kanila.
"Angelo..." rinig kong iyak ng dalawang tin-edyer.
Matagal na nakayakap sila sa akin. Bago ako kumalas.
"May sasakyan ba kayo?" si Kuya Bon.
"Wala po. Mag-aabang na lang kami ng taxi sa labas ng village." sagot ko dito.
"Hatid ko na kayo. Ihahanda ko ang kotse." agad na tumalima ito.
"Tulungan ka na naming magbitbit nito." si Rey.
Di na ako tumanggi.
Pagkababa namin sa sala ay naghihintay lang duon si Jan.
Dumiretso na kami sa kotse at inilagay na nina Kuya Bon ang mga bagahe ko sa likod ng kotse. Sumakay na kaming dalawa. Sasama sana sina Feljan kaso wala daw magbabantay sa bahay kapag bumalik si Kuya Bon kaya nagpaiwan sila.
Mugto ang mga mata ng dalawa habang kumakaway.
"Ingat ka ha?" si Feljan.
"kita na lang tayo sa school ha?" sabi ko.
Tumango sila.
Nag-drive na si Kuya Bon palabas ng village. Naisip ko... sana sa hinaharap ay mapatawad ako ni Mama Tony sa ginawa kong pag-alis... sana maintindihan niya kung bakit ko ginawa ito.
Nag-drive si Kuya Bon habang sinasabi namin ang direksyon.
"Hindi mo pa rin nakakalimutan ah." puna ni Jan.
"Siyempre. Pumupunta din ako minsan dun e." sabi ko.
Ngumiti siya.
Mga labinlimang minuto pa at nakarating na kami sa harap ng bahay nina Jan.
Bukas lahat ng ilaw.
Binuksan ng katulong ang gate nila. Sumunod na lumabas ang mama at papa ni Jan. Sinalubong siya at niyakap.
"San ka ba galing? Kanina ka pa namin tinatawagan ah." si Tito Edward.
"May kasama po ako." sabi nito.
Lumingon silang lahat sa akin. PAra akong mabubuwal sa kinatatayuan ko.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
nice.. ayun pala ang istorya bk8 c angelo muling nag hirap????
ReplyDeletemay sakit c jan, sayang nd na cla pwdng mag sex ni angelo.
2 weks bago ulit ang next chapter? jejejejeje
sayng we expect this chapter with intercourse at masaya pero nakakalungkot at naiiyak na ito sana magsurvive siya sa sakit niya T_T
ReplyDeletesana makasurvive siya sa sakit niya,.,kasi bagay talaga sila ni angelo eh.,,..,sana lang .,.,
ReplyDeleteworth the wait ang story nA 'to...
ReplyDeletesulit sa contents, kaya pala natagalan mahaba eh..(yung kwento) =)
Ay... di ko napansin mahaba pala..
ReplyDeletesna masundan pu agad kuya? jeje yngat lage
ReplyDeleteSa totoo lng di ko hilig at wala akong tyaga magbasa ng mga ganito. Pero anggaling mo kumuha ng atensyon. Iba talaga pag real experience. habang binabasa ko ang mga ito pakiramdam ko kasama ako sa estorya(O diba HOPING!). Tnx ANGELO you inspired me a LOT.
ReplyDeletestart nung tumawag ako sayo hanggang ngayon inaabangan ko mga updates mo.
greetings from WARRIOR'S BLOOD.
HAVE NICE DAY!
Wala po bng mobile view ang blog mo po?
ReplyDeleteHaist kuya paolo bakit ka pa kasi umalis....
ReplyDeletehai, Ulysses po, finally I caught up with your series, oh my gosh, I cant believe Paolo said that, kung ako sayo sinumpa ko sya, at papatayin.. I mean how could he say that he'll make sure you wont be accepted by mama Tony. grabe, i could compare him to someone from your provincial series, yung taong sumira lahat, yung nagsumbong... damn him, siya ang source ng lahat ng gulong ito ngayon. Dapat siya ang hindi nalang ipinanganak hindi po kayo....
ReplyDelete