Guys.... sorry kung walang pictures ha. Sorry din if took me a long time to continue my story, I have been very busy this week since I started on my new job.
Anyway, here goes my short update:
=============================================
Umaga pa lang ng Lunes ay ginising na ako ni Kuya Gilbert. Kahit na antok pa ako sa ginawa namin kagabi. (Alam niyo na kung ano yun) Dumiretso na ako sa banyo para maligo at sunod ay nagbihis.
Ang guwapo ni Kuya Gilbert sa suot niya. Medyo pormal ang suot niya kaya nagmukha siyang mas matanda kesa sa edad niya. Pero kahit na, guwapo pa rin siya.
Kahapon ay nagpaalam na ang kuya ko na di siya makakasama sa pag-enrol sa akin dahil may importante daw siyang dapat gawin. Hindi ko naman inexpect na sasama talaga siya.
Sumakay na kami sa kotse ni Kuya Gilbert at pumunta sa Sky High (Why the name? See last chapter)
Gaya ng pagkakaalam ko napakalaki nga ng eskuwelahang ito. Sa gate pa lang ay makikita mo na ang napakaraming taong gustong mag-enroll at pumasok sa eskuwelahan na ito. Alam ko naman kahit papaano na kahit ganito kalaki ang paaralang ito, kahit papaano ay nakakapag-compete din ito sa mga kompetisyon hanggang nasyonal.
Habang binabagtas namin ang daan papunta sa harap ng unang building ay nakita ko kaagad na may ilang babae at binabaeng nakatitig sa akin at kay Kuya Gilbert.
Sa wakas ay may nakita kaming parking space. Doon na ipinark ni Kuya Gilbert ang kotse. Pagkalabas namin ng pinto ng kotse ay di pa rin naaalis ang mga titig ng mga babae at binababee.
"Kuya..." tawag ni Kuya Gilbert sa isang guwardiya "Yung bagong mag-eenroll saan po pupunta."
Agad na tinuro ng guard ang building malapit sa amin. Nagpasalamat kami at naglakad papunta sa sa building na tinuran.
Pagdating namin doon ay may nakapaskil sa bintana kung ano ang mga requirements na kailangan ng mga bagong estudyante. Alam na alam na namin kung ano mga iyon at dala na namin iyon.
Pagdating namin sa table ng nagreregister ng mga bagong estudyante ay agad naming binigay ang aking mga dokumento. Agad na napatingin ang registrar sa apelyido ko.
"Angelo ________, kaano-ano mo si __________?" sabi ng nag-reregister. (Tinago ko na lang ang surname ko at yung sinabi niyang tao.)
"Di ko po yun kaano-ano." mabilis kong sagot.
"Ah, ganun ba? Kaapelyido mo kasi e." pangiti nitong susog pa.
"Kaapelyido lang po yun." matamis ko ring tugon.
"Okay, anyway, valedictorian ka pala nung gumraduate ka. Siyempre siguro naman alam mo na kung anong section ka namin ilalagay." nakangiti pa rin nitong sabi.
"Di po e." Kunwari'y di ko alam.
"Ito naman, siyempre sa section 1 ka namin ilalagay no." sabi pa nito.
TUmingin ako saglit kay Kuya Gilbert at bumulong.
"Okay lang ba yun Kuya?" sabi ko pa sa kanya.
"Ikaw? Sa tingin mo? Okay lang din kung mas mababang section para di ka madaling mahanap." sabi naman nito.
"Sige." sang-ayon ko naman sa kaniya.
Agad kong hinarap ang naghihintay na registrar.
"Ammm... Pwede po bang mas mababang section na lang po ako?" mahina kong tanong sa kanya.
"Huh?! Seryoso ka ba iho? Maraming gustong maging section 1. Ikaw naman e antaas ng grade mo sa high school at valedictorian ka pa sa isa sa pinakamagandang elementary dito sa Iloilo tapos nanaisin mo sa lower section?" gulat na gulat na sabi ng registrar.
Tumango lang ako.
"Pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan sa sinasabi mo dahil di ko talaga maintindihan. DI rin kayang tanggapin ng isip ko." pilit pa nito.
Lumingon uli ako kay Kuya Gilbert. Bumulong agad ito.
"Sige section 1 na lang. Nakakainis na e." sabi naman nito.
Napangiti ako. Sa ilang araw naming magkasama sa bahay ay nalaman ko na ugali nito. Isa na dito ang pagiging pikon at mainipin.
"Sige po section 1 na lang po." medyo mahina ko pang sabi.
Ngumiti na lang yung registrar.
"Ikaw talagang bata ka. Biniro mo pa ako." napatawa pa ito ng malakas.
Mabilis na natapos ang registration. Pumunta na kami sa bayaran ng mga miscellaneous at PTA fees. Habang nasa pila kami ay panay na naman ang reklamo ni Kuya Gilbert.
"Bakit may babayaran pa kayo? Public school naman kayo ah. Dapat ang pagbabayad ay optional, hindi mandatory." inis na sabi nito.
"Ikaw? Tanong mo. Baka sakaling sumagot." sabi ko pa sa kanya ng pabiro.
"Hay... Wag na. Wala akong panahon makipag-diskusyon sa kanila."
"Yun naman pala e. E di ganun na lang bayaran na lang natin. P350 lang naman e." sabi ko naman.
"Ano pa nga ba?" inis na sagot nito.
Napangiti lang ako sa kanya.
Mabagal ang usad ng pila. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Kuya Gilbert na bibili ng pagkain dahil nababagot siya.
"Dito ka lang ha. AKo na lang ang pupuntang canteen para bumili ng softdrinks. Nakakauhaw ang init dito e." paalam nito.
Tumango lang ako at ngumiti.
Agad na umalis ito at patakbo papunta sa canteen kung saan man iyon.
Maya-maya ay may tumabi sa aking bading.
"Uy... ang cute mo naman. Pwede ka bang makilala?" sabi ng isang bading na medyo may kahabaan ang buhok. Medyo matangkad ito kesa sakin.
Ngumiti lang ako at tumingin sa harap ng pila.
"Ay sister. SUplado ang cutey. Di pansin ang ganda mo teh." sabi pa ng isang bading na kasama niya. May dalawa palang kasunod niya.
"Oo nga teh. Dedma siya ever. Wala ka daw ganda." kantiyaw pa ng isang bading.
"Hoy bata!" hinila nito ang siko ko para humarap sa kanya. Dahil nga maliit lang ako ay agad akong nasama sa hila niya.
"Aray naman po!" sabi ko.
"OA mo naman. Nasaktan ka na sa hila kong ganun?" nakatawang sabi ng bading.
"E masakit e. ANo ba gusto mo?" sabi ko sa kanya na halatang inis na ako.
"Wow teh! Antaray ng boylet." sabi ng isa niyang kasama.
"Teh, tinatanong ka kung ano daw gusto mo. Sabihin mo na kasi." sabi pa nung isa.
Napatawa sila ng malakas.
Nakatingin lang ako sa kanila. Inis na inis. Hinila ko ang braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak ng bading sa siko ko.
"Uy! Di pa tayo tapos. Ang suplado mo naman bata ka o. Pasalamat ka cute ka." sabi pa nito.
"Ano ba kasi ang gusto mo?" sabi ko sa kanya na galit na galit na.
"Gusto ko? Ibibigay mo ba?" sabi pa nito na alam ko na ang ibig sabihin.
"E kung suntoko ko ibigay ko sa iyo pag di mo binitawan iyan?"
Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses. Nasa likod nila si Kuya Gilbert na may hawak na dalawang bote ng softdrink. Galit na galit ang mukha.
"Bitiwan mo ang braso ng kapatid ko kung ayaw mong ihampas ko tong bote sa ulo mo." babala pa ni Kuya Gilbert.
Agad na bumitiw ang bading. Akmang aalis na sana ang tatlong bading nang hinawakan ni Kuya Gilbert ang siko nung bading na humawak sakin.
"Aray!" malakas na sigaw nito.
Napalingon halos lahat ng tao.
"Ano? Ngayon nasasaktan ka? Di ba ganyan din ginawa mo sa kapatid ko?" nagagalit na sabi ni Kuya Gilbert.
"Kuya sorry na. Tama na please?" pagmamakaawa ng bading.
"Sorry? Bakit ka sa akin nagso-sorry?"
Humarap sa akin ang bading.
"Sorry na. Please?" pagmamakaawa nito.
Hinarapo ko si Kuya Gilbert.
"Kuya, tama na." marahan kong sabi sa kanya.
Agad niyang tinapon pabitiw ang siko ng bading kaya medyo nabagsak ito sa lupa.
"Sa uli-uli, wag kayong mambastos ng lalaki. Wag niyong daanin sa dahas. Di porke bading kayo e mambabastos na lang kayo basta-basta." pagpapangaral nito sa bading na nakaupo sa lupa habang itinatayo ito ng dalawa niyang kaibigan.
Walang sabi-sabing kumaripas ng takbo ang mga bading.
Agad na humarap sa akin si Kuya Gilbert. Hinawakan ang siko ko. Nakabakat pa doon ang kuko ng bading. Hinimas niya na lang ito. Agad niya akong inakbayan habang nasa pila.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
==================================================
Bitin...hehehehe..Kelan susunod?
ReplyDeletebitin..hehehe..
ReplyDeleteOo nga nakkbitin!!!!
ReplyDeletewen naman ang sunod
ReplyDeleteYan na po... just reposted... sensya po nalogout kahapon e. di napost ng buo
ReplyDeleteNice one po :D hahaha!! grabe! ang ganda talaga lahat ng mga sinulat nyo! can't wait for the next one!!
ReplyDeleteAy yun naman pala...Akala talaga namin bitin siya. Ok. Medyo nakulangan lang ako. Pero nakakatakot yung encounter mo sa Public school kasi mukhang nakikita kong madali kang mabully. Sino naman kaya yung maeecounter mo.Can't wait for the next update.
ReplyDelete