Wednesday, August 3, 2011
My Freshman Series (Part 7, Enrolled Freshman)
I don't own any rights to this picture. =)
========================================
Biyernes ng umaga, dumating sa bahay ni Kuya Gilbert si Kuya Jay. Pagkapasok niya pa lang sa bakod ay agad na tumakbo papalapit sa kanya at yumakap. Agad din akong niyakap ni Kuya pero agad na bumitaw ito at luminga-linga at hinila ako papasok sa bahay ni Kuya Gilbert.
Agad niyang isinara ang pinto at sumilip uli sa bintana. Parang may hinahanap.
"Kuya, bakit po?" agad kong tanong sa kanya.
Matagal bago siya lumingon sa akin. Bumaba na rin si Kuya Gilbert dahil narinig ang pagdating ni Kuya Jay.
"O, tol, bakit?" sabi ni Kuya Gilbert.
Ngumiti lang ng tipid si Kuya Jay kay Kuya Gilbert. Saka umupo sa sofa.
"Wala. Paranoid lang siguro ako." sabi nito.
Nagkatinginan lang kami ni Kuya Gilbert. Halatang may tinatago sa amin si Kuya Jay.
Umupo na lang kami ni Kuya Gilbert.
Tiningnan kami ni Kuya Jay. Parang may gustong alamin.
"Kamusta ka naman dito?" panimula niya.
"Okay naman po. Wala namang problema." sabi ko sa kanya.
"Kamusta naman kayo ni Gilbert?" sabi pa ni Kuya.
Kumunot ang noo ko.
"Okay naman. Magkaibigan naman kami e." sabi ko sa kanya na may tanong sa mukha ko.
"Oo nga. Ano bang tanong yan?" dugtong ni Kuya Gilbert.
Napangiti si Kuya Jay.
"Tigilan niyo nga ako. Masyado kayong defensive. Ikaw Gilbert ha, mahuli lang kitang may ginagawa dito sa kapatid ko, isusumbong kita sa parents mo." babala ni Kuya Jay.
"Promise walang nangyayari sa amin ni Gel. Magkaibigan lang kami." sabi ni Kuya Gilbert.
Parang may sumiklot sa dibdib ko. Kaibigan pala kami. Kaibigang naggagamitan.
"Sige sabi niyo e." nakangising sabi ni Kuya Jay.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa sala.
"Siyangapala..." pagpuputol ni Kuya Jay sa katahimikan. "... Saan mo balak mag-enroll ngayon?"
"Pwede siguro naman siya sa U.P. High School." si Kuya Gilbert.
"DI PWEDE!" biglang pasigaw na sagot ni Kuya Jay.
Kumunot uli ang noo namin ni Kuya Gilbert.
"Jay, sabihin mo nga sa amin, may tinatago ka no?" agad na tanong ni Kuya Gilbert.
"Oo nga Kuya. May tinatago ka ba sa akin?" medyo inis ko ring tanong sa kanya.
Bumuntung-hininga muna si Kuya. Medyo ginulo ng konti ang buhok at humarap sa amin.
"Sige na nga. Gel, pinapahanap ka ni Lolo. Alam na niya na papasok ka either sa U.P. High, Phil. Sci. (Philippines Science), o sa Spec. Sci. (Special Science Class). Alam niya na gumraduate ka na valedicatorian so alam niya na dun ka sa tatlong school na yun mag-eenroll. Naipagtanong na rin niya na nakakuha ka na ng entrance exams sa tatlong school na yun. So alam niyang sa tatlong yun ka papasok. kaya di ka pwedeng dun mag-enroll." sabi ni Kuya Jay.
"Tapos?" di ko maintindihan ang dahilan ng lahat.
"Oo nga. Tapos?" pang-aasar na dugtong ni Kuya Gilbert.
Kahit inis si Kuya Jay sa pagpasok ni Kuya Gilbert ay pinagpatuloy niya ang sinasabi.
"May mga naipasok na siyang tao dun sa tatlong eskwelahan na yun para manmanan ka." si Kuya Jay.
"Manmanan?" sabay naming tanong ni Kuya Gilbert.
"Oo. Kasi nga di ba ang kwento ni Mama ay may sira ka sa pag-iisip. Yun ang dahilan kung bakit di ka pinilit ni Lolo na ipakuha at itira sa kanila para tumulong sa pangangampanya? Kaso, gumraduate ka pang valedictorian. Sa tingin mo ba hindi makakarating kay Lolo yun, samantalang dala-dala mo ang apelyido niya?" pag-aasik ni Kuya Jay.
Natigilan ako.
Kunsabagay tama siya. Maraming connection ang lolo ko. Apelyido ko pa lang ay malalaman na agad ng mga tao niya kung ano ang nangyayari sa akin. Paano nga naman namin mapapagtanggol na may sakit ako sa pag-iisip kung ganung valedictorian ako?
"Natahimik ka. Tama ba ako?" panggigiit pa ni Kuya Jay.
Tumango na lang ako.
"So ano ngayon ang plano mo para sa kapatid mo?" si Kuya gilbert.
"Dapat sa public school siya pumasok. Yung public school na maraming estudyante na di siya madaling matiktikan ni Lolo." sabi ni Kuya Jay.
"So, ang naiisip mong school ay...?" si Kuya Gilbert.
"Sky High. (Code Name ko para sa school ko para di malaman kung saan. May naghahanap na sa akin sa Iloilo e. hahaha. Inaalam ang complete name ko. Di ba Mark?)" sabi ng kuya ko.
[Note: Guys ha? Code name lang yan ng school ko ha. Di yan real name para naman sa privacy ng school.]
"Sa Sky High? Bakit naman doon?" agad kong tanong.
"Di mo ba nakukuha ang point ko? Iyon ang isa sa pinakamalaking high school dito sa Iloilo. Kahit na patiktikan ka ni Lolo doon ay mahihirapan siya. 1st year pa lang ay halos limang libo na ang estudyante. Ano pa kaya ang buong school?" paliwanag pa ni Kuya Jay.
Tumingin sa akin si Kuya Gilbert.
"Okay lang ba sa iyo na doon ka?" concerned na tanong nito.
"Di ko alam e. Balita ko maraming mga gago sa school na yun e." sabi ko naman.
"Iyon lang ang pinakamagandang school na pwede mong pag-enrolan." pagpipilit pa ni Kuya Jay.
Kunsabagay, wala namang mawawala kung makikinig ako paminsan-minsan. Halata naman na pakanan ko lang ang iniisip niya.
"Sige. Doon na lang ako mag-enrol" desidido kong sagot.
Agad na tiningnan ako ni Kuya Gilbert. Takang-taka sa biglaang pagsang-ayon ko.
Ang Kuya Jay ko naman ay nakangiti. Di ko alam kung dahil napapayag niya ako o dahil kahit kelan ay alam niyang di siya natatalo sa usapan.
"Sky High..." Naisip ko. Ano kayang naghihintay sa akin doon?
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
==================================================
[Note: Guys ha? Code name lang yan ng school ko ha. Di yan real name para naman sa privacy ng school.]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
my kinalaman ba ung sky high sa kalabaw? or dun sa isang hs na my city sa name? ^^
ReplyDeletehahahha...ikaw gel ha special mention talaga? hehehe...pero thnx ha...post na ang next...excited ako! hahahaha.. God bless!
ReplyDeleteMay code name pa talaga...pero marami namang clue na iniwan...halata tuloy kung saan...hahaha...(babasahin na nila ulit yan para malaman kung ano yung sinasabi ko)...hahaha...^^
ReplyDeleteAng weird noh..hanggang ngayon ba pusakal ka pa rin ba? Hahahaha..just kidding.
ReplyDeleteNaeexcite na naman ako sa susunod na mga chapter. Ano nga kaya yung naghihintay sau? For sure hindi mawawala yung alam mo na..heheheh..
Abangan ko next chapter mo.
Oo nakakaexcite naman tong chapter nato gawan mo na nga ng karugtong ng mabasa kuna, joke galit eno alam mo hanga talaga ako sau ang likot ng isip mo nakakapagsulat ka ng mga ganyang bagay sa totoo lang ng yayari na rin yan a totoong buhay(^_^)!!!!!! more energy para maslalo kaming maexcite galing mo tol!!!!!
ReplyDelete