Hi, I was so excited to write about this.
Well, I do know I only have 11 followers and I love them all. I was so shocked at my views anyway. There's a lot? Wow! As in super shocked about this. I didn't expect that I would reach this number of views in such a short time.
Also, 2 people messaged me and asked me a lot of questions. Here are the questions and my answers:
1) How many chapters is My Elementary Series?
Well, since this is a persona blog based on my own personal experience, I don't really know as to how many chapters My Elementary Series would be. That depends actually on my memory because I am actually squeezing my head to remember almost if not all of the details that happened several years ago. So, I can say that it might reach 50 chapters at least.
2) If your stories are grouped by series, does that mean you will have other series as well?
Nice question by the way. Anyway, yes I group my stories by series so that it will be easier to archive later on. I also meant to do it so that readers would know a little about what the story is all about.
3) If yes, what are the other series?
I really smiled at this question. Well, I might group them as this:
High School Series (obviously),
Seminary series (now you know I was in a seminary),
Church Life series (Hmmm...),
College Series (predictable),
Manila Sexcapades Series(more on the naughty side),
The Three Gays (Friendship Series),
How I was molested (a little tragic twist)
Life being Hired Series(Just a Glimpse of what my life turned out into),
Luneta Park Series,
Call Center Series,
My Life as a Teacher Series,
Lost of Lust, Love was Lost (Love Stories),
Etc....
I know they are a lot. That means there are a lot for you readers to anticipate and read. By the time I reached the latter series (not last because I am only 24 right now), I would be 30+ years old. Hahaha. I will just try to write faster. I hope so.
So, everyone, keep reading. Mwah... love you all.
Wednesday, March 23, 2011
My Elementary Series (Part 12, Jan)
Pagkaayos ko ng sarili ko e pumunta na ako sa classroom namin. Nalate ako ng 10 minutes sa klase kaya pagkapasok ko ng classroom ay nakatingin silang lahat sa akin. Pati teacher namin ay nakatingin sa amin at halatang inis.
Nilapitan ko ang teacher ko at sinabi ko na nasiraan ako ng tiyan. Tiningnan niya mukha ko at ngumiti na lang.
"Kaya naman pala ganyan ang mukha mo." Iyon na lang ang nasabi niya.
Buti na lang nakalusot ako. Kunsabagay, kung sino man ang makakita sa akin ngayon ay sigurado ganun din ang sasabihin dahil alam ko namamaga ang mata ko at mukha na akong haggard dahil sa kakaiyak kanina.
Sa classroom namin ay free-sitting, ibig sabihin kahit saan pwede ka umupo. Hinanap ko ang bakanteng upuan at ang natitirang mga upuan na lang ay dalawa. Yung isa ay malapit sa bintana at ang isa ay (alam kong nahulaan niyo rin) sa tabi ni Jan.
Pagkakita ko sa upuan sa tabi ni Jan ay nakita kong nakangiti ito sakin. Hinahawakan niya ang katabing upuan. Sumesenyas na naman siya na dun ako sa kanyang tabi umupo.
Sa halip ay dun ako sa isa pang bakanteng upuan pumuwesto. Kahit na ayoko ng malapit sa bintana dahil nadidistract ako, iyon pa rin ang inupuan ko.
Pagkaupo ko ay tiningnan ko ulit si Jan at ansama ng tingin niya sa akin. Sumimangot ito at iniba na ang tingin. Tumingin na ito ng diretso sa harap ng klase. Di ko na rin siya pinansin.
Buong hapon na wala ako sa sarili. Ilang beses din akong tinawag ng teacher ko dahil sa ilang beses na may tinatanong siya e walang nakakasagot kaya expected niya dahil isa ako sa pinakamagaling sa klase e makakasagot ako kaso wala ako sa tamang huwisyo kaya wala din akong naisagot.
Pati titser ko tuloy napasimangot din sa akin. Hay buhay, lahat na lang ba sisimangot?
Parang hinihila ang oras. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang matapos ang araw na'to.
Nang mag-ring ang bell para sa uwian namin, mabilis akong nagligpit ng mga gamit ko.
Bago pa man ako makalabas ay tinawag ako ng teacher namin.
"Angelo, paiwan ka muna." utos sakin bago ako makalabas ng kwarto.
Saka ko lang siya nalingon at bumalik sa pagkakaupo sa harap niya. Ito si Mrs. Lacson. HEKASI teacher namin. Isa sa pinakamabait naming teacher.
Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.
"Bakit kaya tayo pinaiwan?"
Sa boses pa lang kahit di ko nilingon ay alam kong si Jan iyon. Nagkibit-balikat na lang ako.
Maya-maya pa ay hinarap na kami ni Mrs. Lacson.
"Angelo, sa pagkakaintindi ko ikaw ang leader ng group niyo di ba? Yung sa project?" tanong niya.
"Opo." Iyon lang ang naisagot ko.
"At ikaw Jan ay kasama sa grupo nila di ba?" sabay tingin kay Jan na nasa likod ko.
"Yes, Maám." malakas nitong sagot. "... Kagrupo po ako ni Angelo." sabay hawak sa kaliwang balikat ko.
"Okay. Isa lang naman ang tanong ko e. Bakit wala ang pangalan mo sa project niyo?" nakataas ang kaliwang kilay ni Mrs. Lacson.
Lagot ako. Nakalimutan ko na hindi ko nga pala nailagay ang pangalan ni Jan sa project dahil nga sa hindi nga siya pumunta nung Sabado. Iyon pa naman ang nais kong gawin pagkabalik sa school kanina kasi napatunayan ko namang di nga siya pinayagan nung Mommy niya nung Sabado.
"Ay, ganun po ba? Sorry po, ma'am. Nakalimutan ko talagang ilagay. Nasanay kasi ako palagi na yung apat lang kami ang nililista ko kasi ever since last year, yung grupo po talaga namin nina Rexie, Jonadab at Renzie ang magkakasama kasi huli ang apelyido namin. Ngayon lang po kasi namin nakasama itong si Jan kaya nakalimutan ko po talaga. Sorry po." mahaba kong paliwanag.
Parang naubusan din ako ng hangin sa haba ng paliwanag ko.
Matagal akong tiningnan ni Mrs. Lacson sa mata. Pakiramdam ko e gusto niyang malaman ang totoong dahilan. Natatakot ako na baka alam niya ang totoong dahilan kaya wala ang pangalan ni Jan sa project namin.
"A, ganun ba? Akala ko kasi may ibang dahilan e. Sige, pakilagay na lang ang pangalan niya." Sabay binigay ang project namin.
Kinuha ko kaagad ito at sinulatan ng pangalan ni Jan.
"Wala pong ibang dahilan. Iyon po talaga yun." Ngumiti na lang ako para kunwari e di ako ninenerbiyos.
"Wala, kala ko kasi naiinis ka dito dahil maloko ito kaya di mo nilagay pangalan niya e." sabay ngiti din nito.
Ito ang gusto ko kay Mrs. Lacson, malapit sa estudyante. Masyado nga lang siyang malapit kaya nakikita niya ang galaw namin kahit wala sa klase.
"Ma'am naman. Maloko po talaga ako. Pero kay Angelo e di pwede. Friends kami nito e. Kaya di pwedeng lokohin." Sabay hawak sa balikat ko uli at may kasama pang pisil.
Nilingon ko siya. Nangiti ako sa sinabi at ginawa niya. Totoong ngiti. Kaya matamis din na ngiti ang sinukli niya.
"O siya. Tutal iyon lang naman ang dahilan. Kala ko may away kayo." saka sumenyas si Mrs. Lacson na pinapaalis na kami.
"Goodbye po, Ma'am." paalam ko sabay tayo.
"Goodbye din po." rinig ko ring paalam ni Jan.
"Aba, nag-goodbye ka na may po pa." biglang rinig kong sabi ni Mrs. Lacson. Kaya napalingon ako. Nakita kong nakangiti ito kay Jan.
Naalala ko di nga pala nagpapaalam palagi si Jan at bihira talaga itong mag-'po'. Kaya siguro nagulat si Mrs. Lacson dito.
"Masanay na po kayo, Ma'am." paliwanag ni Jan. Sabay ngiti pa at kindat sakin. "... natututo na kasi ako kay Angelo e. Masyadong maimpluwensiya."
Sabay niya akong inakbayan at hinila na palabas ng kuwarto.
Naglalakad kami sa hallway ng school nang nakaakbay pa rin. Ginalaw ko ang balikat ko. Kunwari may kukunin ako sa bag. Kaya tinanggal niya ang braso niya.
Kunwari e may hinanap ako sa bag saka ko lang napansin na may pulang plastic na nasa bag ko. Ngayon ko lang napansin iyon. Kaya nilabas ko iyon.
pagkabukas ko nito ay nakita kong dalawang Tupperware ito na may lamang pagkain. Isa-isa ko itong binuksan. Ang isa ay may laman na carbonara. Ang isa naman ay fried chicken at lumpiang shanghai.
Kaya pala bumigat ang bag ko. Tiningala ko si Jan na nakatayo sa harap ko samantalang ako ay nakaluhod habang tinitingnan ang laman ng bag.
"Thank you nga pala dito ha." Pagpapasalamat ko sa kanya sa food.
"Huh? Ano'ng thank you? Di naman ako naglagay niyan ah." painosente pa niyang tugon.
"Hmm? Ganun ba? Kaya pala pagkaalis natin sa bahay niyo e bumigat ang bag ko. Sensya ka na ha ngayon ko lang napansin." sabay tayo.
"Huli mo na pala. Sige. You're welcome na rin." Sabay malokong ngumiti.
"Pero teka lang. Wala namang lutong carbonara, fried chicken at lumpia ang mommy mo kanina a." naalala kong liempo, crab and corn, green salad, at fried fish (Tuna ba o Imelda, di ko na maalala yung isda e.) ang nakahain nung kumain kami e.
"A iyon ba? Pinasadya ko talaga iyan na ipaluto kay Ate Sionny kanina. Kasi napagtanong ko rin pala sa Mama mo nung pinagpaalam ka ni Tita (adviser namin) kung ano ang mga favourite mo. Since alam kong nakapagluto na si Mommy bago tayo umuwi e kay Ate Sionny ko na lang pinaluto iyan habang nagpapahinga tayo kanina sa room ko."
"Ano ka ba? Di mo naman kailangang gawin yun e. Bumabawi ka siguro para maisulat ko pangalan mo sa project no?"
"Hindi ah. Peace offering ko yan at first gift na rin bilang kaibigan." nakayuko siya habang sinasabi ito. Ayaw akong tingnan sa mata.
"Sige, thank you talaga. Favourite ko nga ang mga to. Gusto mo ba akong samahang kainin to. Masyadong marami ito para sa akin e. Di ko rin pwedeng iuwi to kasi wala naman akong kasama sa bahay mamaya kasi umalis sina Mama at Papa. Kaya mag-isa lang ako mamaya sa bahay."
Naglakad kami at pumunta sa ilalim ng malaking puno sa lawn ng school. Pinili namin ang madamong lupa para upuan. Saka ko binuksan ang dalawang Tupperware ng pagkain. Si Jan ay nakaupo naman sa harap ko.
Masaya kaming nagkuwentuhan nang kung anu-ano. Mas lalo ko siyang nakilala. Medyo malayo nga ang paraan ng pagpapalaki sa amin.
Sa bahay e kapag may mali ka e palo ka kaagad. Iba't ibang palo na ang natanggap ko lalo na kay Mama. Si Papa ang di namamalo pero si Mama ay grabe. Pag may ginagawa akong kasalanan ay bibilang yun hanggang tatlo. Kapag di ako tumigil ay papaluin ako.
Naaalala ko pa nung nag-away kami ng kuya ko. Kahit nasa tama ako e ako ang napalo dahil ako daw ang mas nakababata kaya ako ang dapat na gumalang. Pinaluhod ako sa munggo, pinadipa nang may nakapatong na mga tatlong mabibigat na libro sa bawat kamay habang nakaharap sa altar. Humingi daw ako ng tawad sa Diyos sa ginawa ko. Apat na oras akong ganun. Kahit iniwan na ako ng Mama ko. alam ko kasi na kapag di ko iyon sinunod ay mas malala ang aabutin ko. Buti na lang at inakyat ako ng Lola ko at pinatigil. Sabi niya siya na daw bahala sa Mama ko pag-uwi nito. Di naman siya pinagalitan ng mama ko dahil dito.
Sa pagpalo ng Mama ko, naramdaman ko iba't ibang uri ng sakit ng palo. May palo ng ruler, hanger, sinturon (maswerte ka kapag di yung parteng may buckle ang tatama sayo), patpat, walis, lubid, dustpan, at iba pa. Masyado daw kasi akong makulit. Dahil daw matalino ako kaya dapat daw e di ako pwedeng maglaro. Baka daw maalog yung utak ko. Kaya kahit na mukha na akong abnormal dahil sa kababasa e wala akong magagawa.
Si Jan ay baligtad, kapag ayaw niya ng pinapagawa sa kaniya e magkukulong siya sa kuwarto niya. Paglabas niya e may regalong nakalapag sa harap ng pinto niya. Parang sorry gift daw sa kaniya ng parents niya.
May halong inggit ako sa kaniya dahil magkaibang-magkaiba ang pamumuhay namin. Siya palaging layas, ako palaging nasa bahay. Siya palaging laro, ako puro aral. Siya halos araw-araw may bagong gamit, ako kailangan ko pang magkaroon ng magandang gawin para mabilhan ng bagong gamit ot damit. Dapat honor roll, dapat may ribbon o medal sa recognition, dapat manalo sa contest. Saka lang ako mabibilhan ng bagong gamit o damit.
Napansin niyang lumungkot ang mata ko sa mga kuwento niya.
"Angelo, okay ka lang ba?" malambing niyang tanong.
Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing, "hindi"
Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Inakbayan ako at niyugyog ng konti.
"Ano ka ba? wag ka nang malungkot. Di ka ba masaya na kasama mo bagong kaibigan mo? Kulang pa ba ang carbonara, friend chicken at lumpia para mapasaya kita? Sabihin mo bibili ako." pilit niya akong inaaliw.
Humilig na lang ako sa balikat niya.
"Sensiya ka na ha? Masaya ako na kasama ka ngayon. Ngayon ko lang kasi napatunayan na masyado pala akong kawawa. Aaminin ko naiinggit ako sa mga kinukuwento mo." paliwanag ko sa kaniya.
Niyugyog niya ulit ako habang nakaakbay. Kahit wala siyang sinasabi ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Di ba wala ka kamong kasama sa inyo ngayon?" bigla niyang naitanong.
"Oo, bakit?" Sabay angat ng ulo ko mula sa balikat niya. Humarap ako sa kaniya. Ang mukha niya ay sobrang lapit sa mukha ko.
"E di dun ka na lang matulog sa bahay." parang batanag tuwang-tuwa ang mukha niya.
"Huh? Bakit?" iyon lang ang naitanong ko.
"Tutal wala kang kasama sa bahay niyo ay dun ka na matulog sa amin. Tutal, okay lang iyon kay Mommy. Tiyak ako tuwang-tuwa iyon mamaya. Mas gusto ka nga niyang anak kesa sakin e." Sabay tawa.
"Tsaka ayaw mo nun, magagamit mo ang computer ko. Matuturuan kitang maglaro." patuloy pa niya.
"A. Yun ang hindi pwede. Kapag andun ako. Ikaw ang tuturuan kong gumawa ng assignment at mag-aral. Mag-4th grading exam na kaya. Next week na iyon. Sige, tara sa bahay niyo at nang makapagsimula tayong mag-aral ng maaga." Sabay tayo ako. Sinara ko na yung mga Tupperware. "Dun na lang natin to ubusin sa bahay niyo."
"Di ko alam kung matutuwa ba ako na kasama ka sa bahay o malulungkot dahil nagkaroon ako ng dalawang Mommy na pagbabasahin ako." tumamlay siya.
"O e di wag na. Uwi na lang ako." Babala ko kunwari sa kaniya.
Tumakbo siya bigla at inakbayan na naman ako.
"Sige na. Sige na. Suko na ako. Mag-aaral na ako. Sumama ka lang." sabay akay sa akin papuntang sakayan ng jeep papunta sa kanila.
Ngumiti na lang ako sa pagkapanalo ko.
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Tuesday, March 22, 2011
Question... I need you (bloggers) to help me with this.
I recently saw that I have a lot of views but these views are directed from a different blog. Where while reading this blog, my stories/posts are there and these are being posted by the blogger as his.
Now, I just need your help on this. Is it okay for that blogger to post my stories on his blog as his? My stories are very personal since these are based on my real life experience and story so if someone posts this as his, that will now be a fiction and I would truly feel bad if this would be so.
Can you advise me as to what can I do on this because I am so discouraged to write if this keeps on happening because someone will just ruin its sense?
Or, is it okay for others to post my posts as theirs? I'm a new blogger so if you can explain this to me, I would appreciate it.

Monday, March 21, 2011
My Elementary Series (Part 11, Jan)
Matagal din kaming nasa ganung posisyon nung biglang kumatok ang katulong.
"Jan." tawag ng katulong.
"Ate Sionny, bakit?" sagot ni Jan sa katulong pero nakapikit pa rin.
Binuksan ng katulong ang pinto.
"Jan, baba na daw kayo sabi ng Mommy mo."
"Sige, ate baba na kami. Salamat." Sabay bangon ni Jan.
Bago lumabas ang katulong ay lumapit ito sa mesa ni Jan. Kinuha ang remote saka tinutok sa aircon. Pinindot niya ang remote at lumabas agad dun ang malamig na hangin.
"O, bakit niyo pinatay itong aircon? Kaya pala ang init dito sa kwarto mo e." baling sa kaniya ni Ate Sionny.
Tiningnan ko rin ng masama si Jan. Nakangisi lang ito.
Lumabas na ang katulong nila.
Kinuha ko ang unan at binato kay Jan.
"Gago ka rin ano? Sira pala ang aircon ha. Pinagpawisan ako. Pinaghubad mo pa ako ng damit. Pinatay mo lang pala ang aircon." inis at tampo ang tono ng boses ko.
"Hahahaha. Naniwala ka naman." sabay tawa ng malakas pa habang nagbibihis.
Kinuha ko na rin ang damit ko at sinuot. Sabay tayo. Dumiretso ako sa pinto at lalabas na sana nang hinawakan niya ako sa braso.
"Uy, sorry na please? Joke lang yun. Masyado ka namang pikon e." Naglalambing ang boses at mukha nito. Nagpapa-cute para mapatawad.
Ako naman si tanga. Napalambot agad ang puso.
"Sige. Fine. Okay na." Sabay pilit na ngumiti.
Bigla niyang binitawan ang braso ko.
"Ampangit naman ng ngiti mo. Plastik." parang siya naman ang nagtampo.
Di ko na lang siya pinansin at lumabas na ng kuwarto. Agad din siyang humabol at inakbayan ako.
Di ko na lang pinansin iyon at sabay kaming bumaba.
Nang malapit na kami sa baba ay binulungan ako.
"Gusto ko lang naman makita ang payatot mong katawan e." Saka bumitiw sa pagkakaakbay at tumawa ng malakas hanggang pumasok kami sa dining area.
Nakahanda na ang lahat ng pagkain at alam ko napakadami nun para sa aming tatlo lang ng kanyang ina.
Sinenyasan ako ng Mommy niya na umupo sa upuan sa bandang kanan nito. Samantalang si Jan ay dumiretso sa kaliwa ng Mommy niya. Ngumiti lang sa akin ang mommy niya at umupo na rin. Umupo na rin kami.
Habang kumakain kami ay panay ang kuwento ng Mommy niya tungkol sa mga kalokohang pinaggagawa ni Jan simula pa noong bata pa siya at mas lalo daw lumala nung magkaroon na daw ito ng mga kaibigan na wakang inatupag kundi computer, basketbol, bulakbol at mall. Kaya daw tuwang-tuwa siya dahil ako daw ang iba sa kanila at sana daw mas bigyan ko ng atensyon ang anak niya para daw maimpluwensiyahan.
Si Jan naman ay halos matunaw sa mga sinasabi ng Mommy niya. Sa bawat kuwento ng Mommy niya ay pawang iling na lang at simangot ang nakikita ko sa mukha niya. Halatang hiyang-hiya.
Ako naman ay ngiti lang nang ngiti dahil natatawa ako sa kinukuwento ng Mommy niya. Minsan gusto ko sanang mag-agree at sabihin na mas malala ang kalokohan nito sa school pero pinipigilan ng bibig ko ang magsalita.
"O ano, Gel? Pwede ba kitang pagkatiwalaan dun?" Pagkumpirma ng Mommy niya nung tinanong kung pwede ko ba daw isumbong si Jan pag may ginawa itong kalokohan sa school.
"O, sige po Tita. Pag may ginawa po yung anak niyo, asahan niyo mabilis niyong malalaman." sabay harap kay Jan at ngumisi ako. Gusto ko pa sanang dumila kaso nakakahiya iyon. Kinindatan ko na lang siya.
Umismid na lang siya at binalik ang tingin sa kinakain.
"Siyanga po pala Tita. Nung Sabado po ba sinabi sa inyo ni Jan na may gagawin kaming project sa school? Di po kasi siya dumating e." naalala kong itanong.
"A, oo. Ikaw ba ang kasama niya dun sa sinasabi niyang group? Naku, sensiya ka na ha? Di ko talaga pinayagan iyan dahil di ko na maaasahan iyan e. Ang alam ko kasi pag sinabi niyang project e computer o mall lang yon. Kaya di ko siya pinayagang umalis. Sensiya ka na talaga ha?" Pagpapaumanhin ng Mommy niya sabay hawak sa kamay ko.
"O, sabi na sayo e ayaw mo kasing maniwala." pagmamayabang pa ni Jan.
Nilingon siya ng Mommy niya.
"E ako nga di mo makumbinse e. Sila pa kaya."
Napahiya na naman si Jan sa tinuran ng ina.
Pagkatapos ng pagkain namin ay konting kuwentuhan uli. Pinutol agad ni Jan ito dahil siya pa rin ang topic namin.
"Mommy, alis na kami. Mali-late na kami sa school e." nakapamaywang ito habang nakasimangot.
"O, siya sige. Salamat sa pagdalaw iho ha. Sana makausap ko rin ang Mama mo. Sigurado ako magkakasundo kami nun." sabay tumayo na rin kami.
Binigay ng katulong ang bag namin. Napansin ko na medyo bumigat ito sa pakiramdam ko. Dahil siguro ito sa busog ko kanina at pagod na rin.
Pinahatid na kami ng Mommy niya sa driver nila para mabilis.
Sa kotse ay wala kaming imikan. Pero kahit sa harap ako nakatingin, nahahalata ko na paminsan-minsan ay titingin siya sa akin at babaling sa bintana at bubuntong-hiniga. Alam ko gusto niya akong kausapin pero pinipigilan niya.
Pagdating namin sa school ay nauna akong bumaba. Sumunod siya.
"Jan, salamat pala sa pag-imbita kanina ha. Nabusog ako. Ansarap ng Mommy mo magluto." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Buti naman nagustuhan mo ang luto ng Mommy ko. Kung gusto mo araw-araw e dun ka na lang kumain." Saka nag-umpisa na siyang lumakad papasok ng gate ng school.
"Wag na. Nakakahiya naman sa Mommy mo."
"Di a. Kita mo naman botong-boto siya sa iyo. Parang mas gugustuhin pa nga niya na ikaw ang anak niya kesa ako e." Parang nagtatampo ito.
Hinawakan ko siya sa siko at tumigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako.
"Alam mo, mahal ka ng Mommy mo. Ramdam na ramdam ko iyon kaya alam ko na nagki-care siya sa iyo. Kung gusto mong maging magkaibigan tayo, baguhin mo ugali mo. Wag yung pakiramdam mo palagi e walang may gusto sayo. Dahil di totoo yun."
Ngumiti siya sa sinabi ko. Pero parang ngiting maloko.
"Ano'ng sinabi mo? Di totoong walang may gusto sakin?" ulit niya.
Nakuha ko kaagad na iba na ang takbo ng utak nito.
"Na walang nagmamahal o nagpapahalaga sa iyo. Iyon ang gusto kong sabihin." pagkaklaro ko pero huli na rin na napansin ko na parang mas lalong naging mali ang sinabi ko.
Mas maloko na ang ngiti niya ngayon. Lagot ako.
"So ibig sabihin e may mga taong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin?" Mas madiin ang pagkakasambit niya ng 'mahal'.
"Oo, ang Mommy mo at siguro Daddy at buong pamilya mo?" paputol-putol kong sagot.
"E maliban sa pamilya kaya meron pa?" Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Tinititigan ako. May gustong hulihin.
Biglang binawi ko ang tingin ko. Alam ko na namumula na ako. Yumuko na lang ako. Saka ko napansin na nakahawak pa rin ako sa siko niya. Binitawan ko iyon at mabilis na naglakad paakyat ng hagdan papunta sa building ng room namin. Pero alam ko di siya humabol kasi di ko naririnig ang mga yabag niya.
Naiiling-iling ako sa mga sinabi ko.
Napakatalino ko daw pero bakit nagiging bobo na ako ngayon. Di ako sanay na magsalita ng hindi iniisip muna pero heto na naman ako.
Imbes na sa classroom ako pumunta e dumiretso ako ng CR ng school. Sinara ko ang cubicle at umupo sa toilet bowl.
Nakatingin sa kisame. Saka ko namamalayan na lumalabo ang mata ko. Umiinit din ito. Di ko na napigilan na muling umagos ang luha sa aking mata.
Di ko rin alam bakit ako umiiyak. Naghahalo ang akong iniisip. Si Rexie, si Jan. Heto na naman ako. Nagpapakatanga. Di ko na naman alam ang ginagawa at sinasabi ko. Nagmamahal na naman ba ako.
Alam ko di tama ito. Di tama ang magmahal sa lalaki. Pero pilit ko ring tinatanggap na nagmamahal ako. Pero pilit ding pinagsasabihan ng utak ko ang isip ko. Tama na. Nasaktan ka na. Tama na yun. Wag mo na subukang sundan pa. Walang mangyayari sa amin.
Dahil sa huling sinabi ng isip ko saka ko hinayaang tumulo na lang nang sunod-sunod ang mga luha ko.
Ganito pala talaga. Napakasakit magmahal sa kapwa ko lalaki. Napakabata ko pa para maintindihan ito. napakabata ko pa para masaktan na ng ganito.

Thoughts 22 March 2011
I am so happy today...
When I checked my blog, I already have 10 followers and most of my followers are the writers of my favorite blogs as well.
Thank you all guys for following. You also know the feeling of having followers even if for starters like me, having only 10. But for me this is NOT ONLY ten. This is TEN.
Anyway, I will apologize in advance if I will not be able to post fast because I will have a seminar this week at Hotel Intercon and SMX. =)
I will be very as well going to provinces due to my work.
Dasmariñas, Cavite - March 23, 2011
Malolos, Bulacan - March 24, 2011
Sta. Cruz, Laguna - March 28, 2011
Batangas City, Batangas - March 29, 2011
Cabanatuan, Nueva Ecija - March 30, 2011
Tarlac City, Tarlac - March 31, 2011
Puerto Princesa, Palawan - April 1-3, 2011
I hope to find time to write even one post a day even if I am away.
Love you all.

My Elementary Series (Part 10, Jan)
Nakakahiya man isipin pero napatigil talaga ako sa mukha niya. Kung kay Rexie nga na cute lang pero di naman masyadong gwapo e natameme na ako dati ano pa kaya dito sa heartthrob na nasa harap ko.
Aaminin ko nakaka-attract naman talaga siya dati pa. Kaso sa kulit niya at pagkamayabang, nakakainis lang bigla. Madaling napapalitan ang paghanga ng pagkainis.
Pero ngayon. Ngayon na malapitan ko siyang nakita at magkatabi kami, dagdag pa ng pag-shift ng pagiging mayabang sa pagiging simple at mabait na kaklase, biglang nawala lahat ng hinanakit ko sa kanya. Iba talaga ang karisma nitong taong to. (Habang iniisip ko ito ngayon natatawa ako.)
Anyway, wala akong ginawa kundi ngumiti na lang. For 15 minutes, wala kaming usapan. Tinuruan niya ako kung paano maglaro sa computer niya. Since first time ko at that time humawak ng mouse, bobo-bobohan talaga ako nun sa computer, hinahawakan niya ang kamay ko habang gina-guide kung paano gumamit nun.
"Ganito lang ang paghawak ng mouse." Pagturo niya.
Siyempre dahil hawak niya ang kamay ko, magkakadikit ang mga gilid ng katawan namin, naaamoy ko ang singaw galing sa katawan niya. At ngayon ko napatunayan na tama pala ang hinala ko. Mabango ito palagi.
"Uy, nakikinig ka ba?"
Naputol lang ang pag-iisip ko at pag-amoy sa kanya nang hinampas niya ang kamay ko na may hawak ng mouse. Kunot-noo siyang nakatitig sa mukha ko kung bakit parang antahimik ko at ang seryoso.
"O, may problema ka ba?" Tanong na lang niya.
"Natatae ako." BIgla kong nasabi.
Natawa siya ng malakas sa sinabi ko.
Ako naman ay hiyang-hiya sa naisagot ko. Kaso wala na akong magagawa. Huling-huli na niya na may iba akong iniisip habang hawak niya kamay ko.
Dahil na rin sa hiya at para mapatotohanan na natatae nga ako, dumiretso na ako sa banyo. Buti na lang at may sarili siyang banyo.
Pagkapasok ko ay agad kong nilock ang pinto.
Pinaagos ko ang tubig mula sa gripo para maghilamos. Nang tiningnan ko ang mukha ko saka ko napansin na namumula pala ako sa hiya.
Napangiti ako. Saka ko naisip na 'bakit ako nakangiti?'
"Hindi pwede ito." Saway ko sa sarili ko.
Kinikilig ako sa ginawa niya kaninang paghawak sa kamay ko. Natameme ako nung maamoy ko siya. At for once e nasabi ko ang word na 'tae' sa harap ng ibang tao.
"Di pwede ito." Saway ko ulit sa sarili ko.
Naalala ko si Rexie. Mabilis akong nagpadala sa kanya that time kaya ako ngayon, pagkatapos na magamit para sa isang gabi ng init e heto at kinikilig na naman bigla... agad.
"Control yourself." Utos ko sa sarili habang nakataas ang kanang kamay at dinuduro pa ang sarili sa salamin.
Inayos ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin at nung medyo ok na ang mukha ko saka ko ini-flush ang toilet bowl para kunwari tapos na ako sa dapat kong gawin.
Pagkalabas ko ay nakahiga na siya sa kama. Nagulat ako dahil wala siyang damit pang-itaas. Di ko napigilan ang sarili ko na tingnan ang makinis at maputi niyang katawan. Payat man ito pero di katulad ni Rexie na medyo chubby, ito naman ay may konting mga umbok sa braso, halatang mahilig maglaro sa labas. Kunsabagay ay palagi din niya itong nakikitang nagbabasketball sa gym nila.
"Sensya ka na ha? Namatay ang aircon e. Ang init pa naman. Naghubad na ako ng damit kasi baka pagpawisan pa ako e." narinig ko na sabi niya habang nakatingala pa rin sa kisame.
"A ganun ba? Kaya ka pala nakahubad." Binawi ko ang aking tingin saka dumiretso ako sa upuan na nasa tabi ng kama.
"O, higa ka din kaya muna." sabay hawak sa bakanteng parte ng kama.
"A, hindi. Okay lang ako. Dito na lang ako."
"Sige na." Saka itinaas ang ulo para makita ako. "Di ba magkaibigan naman na tayo? Wag ka nang mahiya sa akin. Tsaka tumawag sa intercom si Mommy. Sabi 10 minutes pa daw ang pagkain e."
"Anong intercom?" inosente kong tanong.
Tinuro niya ang parang speaker na nakasabit sa dingding malapit sa pintuan.
"A, okay." yun na lang ang naisagot ko. Saka ko naramdaman na mainit pala talaga. Kaya palihim kong ginalaw ang t-shirt ko para mahanginan.
"Mainit di ba?" Tanong ni Jan. Ewan ko kung paano niya nalaman. "Hubarin mo na rin yang polo mo at humiga ka na rin muna dito. Medyo malamig pa ang kama dahil sa aircon kanina."
Nahihiya man ako pero wala akong magagawa. Mainit talaga. Dahan-dahan kong hinubad ang damit ko at pinatong sa upuan saka humiga sa tabi niya. Tama naman ang sinabi niya medyo malamig pa ang kama kaya napasarap ang higa ko.
"Di ba sabi ko sayo?"
Saka ko lang siya nilingon. Nakatagilid siya at nakatingin sa akin. Nakaunan ang ulo niya sa kanang kamay niya. Naalala ko wala pala ako sa kama ko at katabi ko pala siya. Na-conscious tuloy ako dahil nakikita niya ang dibdib at tiyan ko. Di yun kasingganda ng sa kanya kaya nahiya ako.
Dahan-dahan kong nilagay ang braso ko sa tiyan ko para matakpan iyon.
Natawa siya sa ginawa ko.
"Wag ka nang mahiya. Lalaki naman tayo dito e." saka tinanggal ang braso ko sa tiyan.
Naisip ko oo nga naman lalaki naman kami. Di ko pa naman inaamin sa sarili ko na bading ako e kaya okay lang. Wala namang nakakaalam na may nakahalikan at natikman na akong katawan ng lalaki e kaya ayos lang.
Pinikit ko na lang ang mata ko dahil sa sarap ng lambot ng kama niya.
"Alam mo ba, kahit minsan wala pa akong nakakatabi dito sa kama ko." dinig kong sinasabi ni Jan. Kahit nakapikit ako tumango ako para alam niya na nakikinig ako."
"Ayaw naman kasi ni Mommy na isama ko mga kaibigan ko dito kasi alam niya mga bulakbolero at mga pala-away mga iyon."
Saka narinig ko siyang humingang malalim.
Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa braso.
Napadilat ako at tumingin sa kanya.
Tinaas ko ang mga kilay ko parang nagtatanong.
"Wala. Kala ko kasi tinulugan mo na ako e." Nakangiti niyang sagot
"Di a. Nakikinig ako sa iyo. Dahil gusto din naman kitang makilala." Sabay ngiti din sa kanya.
Natahimik muna siya. Saka tiningnan akong mabuti sa mata. Parang gustong malaman kung nagsasabi ako ng totoo.
"Wag ka mag-alala. Seryoso ako. Gusto din naman kitang maging kaibigan e."
"Cross your heart?" Tanong niya. Iyon yung ginagawa namin nung elementary para sabihin na di kami nagsisinungaling.
Ngumiti uli ako at inekisan ang dibdib ko.
"Hope to die." Iyon lang at tumahimik na kami.
Alam namin na from that day. Iba na ang turingan namin.
Magkaibigan na kami. Nagkakaunawaan sa isa't isa.

Thursday, March 17, 2011
My Elementary Series (Part 9, Jan)
Araw na ng pasahan ng ginawa naming projects. Di na lang namin pinansin yung kasama namin sa group na hindi sumipot nung Sabado. Bahala siya sa buhay niya kung di siya pumunta. Di porke pamangkin siya ng adviser namin e ok lang na umabuso siya.
Kunsabagay, matagal na rin akong inis sa taong yun. Porke kasi alam niyang pamangkin siya ng adviser namin e lahat kami e palagi niyang kinukulit at niloloko. Sa lahat ng iyon siguro ako ang may pinakamarami. Dahil siguro sa ako ang pinakabata sa aming mga kaklase.
Pagkatapos ng unang subject namin ay nilapitan niya ako.
"Uy, sensya na nung Sabado ha? Di ako nakapunta. Di kasi ako binigyan ng baon ng Mama ko e. Musta naman ang project natin? Maganda ba?" mabait siya ngayon. Siyempre may kasalanan.
"Maganda naman ang project namin." inemphasize ko yung huling salita para alam niya na di siya kasama.
"Huh? Bakit naman ninyo lang? Di ba grupo tayo?" tanong niya na lang.
"Well, since wala ka nung Sabado nung ginawa namin ito, e di hindi ka rin kasama dito sa project na to." sabay talikod para lumabas ng room para pumunta sa second subject namin.
Mabilis ang lakad ko kaya di na siya humabol.
Pagkapasok sa second subject ko ay pumasok na rin siya. Nagulat ako nang binulungan niya ang katabi ko na magpalit sila ng upuan. Dahil sa babae ang katabi ko ay madali niya itong nabola.
Ganun naman siya e. Alam niya kasing marami-rami ding mga babae sa school namin na patay na patay sa kanya dahil sa may tsura naman siya kahit papano pero maporma nga lang kaya ginagamit niya ito para mapasunod.
Magsasalita sana siya sa akin kaso nagsimula na ang klase namin kaya di na siya nakapagpatuloy sa pagsalita.
Mabuti nga. Natawa ako sa isip ko. Natahimik din ang loko. Di niya ako makukumbinse kung iyon ang gusto niya.
Maya maya pa ay may nilagay siyang papel sa harap ko. Nakatupi ito. Kaya binuklat ko ito.
"Sorry na please. Sana maintindihan mo na hindi talaga ako pinayagang umalis nung Sabado." nakasulat sa papel.
Nangiti ako. May pagka-isip bata pala to.
Sinulatan ko rin ang papel para sumagot sa kanya.
"Patunayan mo munang di ka pinayagan." sagot ko.
Saka ko binigay sa kanya.
Di na siya nakasagot at buong umaga niya akong di kinausap ni nilapitan man lang.
Natuwa naman ako na napatahimik ko siya.
Pagkatapos ng 4th subject namin nung araw na yun ay excited na ako umuwi para mananghalian sa bahay.
Palabas na ako ng gate nang may humawak sa braso ko.
Nilingon ko kung sino ito.
Si Jan.
Hay. Ano na naman kailangan nito, sa isip ko.
"Gel, uwi ka na ba?" tanong niya na di pa rin binibitawan ang braso ko.
"Oo, uuwi ako. Sa bahay naman ako kumakain e." seryoso kong sagot sa kanya.
"Pwede bang sa bahay ka na kumain?" nakangiti na niyang tanong.
Natigil ako sa tanong niya. Nagdalawang-isip kasi di ko alam kung bakit niya gustong dun ako kumain sa bahay nila.
"Wag na. Mas gusto ko kumain sa bahay. Hinihintay na ako ni Mama sa bahay e."
"Wag ka mag-alala, pinagpaalam na kita kanina." Nakangisi pa niyang sagot.
"Huh? Ano'ng napagpaalam?" Taka kong tanong.
Natawa siya sa tanong ko.
"Ansimple nung sinabi ko e di mo pa naintindihan. Actually di ako ang nagpaalam sa Mama mo kundi si Tita." Tinutukoy niya ang Tita niyang adviser namin.
"Ano'ng paalam mo at bakit ako dun kakain sa inyo?"
"Sinabi ko na gusto ko makilala ang bago kong kaibigan kaya gusto kitang isama sa bahay para kumain."
Kumunot lang ang noo ko.
"Wag ka mag-alala andun si Mama ko. May kasama tayo kaya wag kang mag-alala di kita kakainin." sabay tawa ng malakas.
"Sige." Pumayag na lang ako tutal baka pag tumanggi pa ako ay tatagal pa ito at di na ako makakain.
Sumakay na kami papunta sa bahay nila.
Pagbaba namin ay tinuro niya agad ang bahay nila. Namangha ako sa laki ng bahay nila. Halatang maykaya ang loko-lokong ito.
Nagdoorbell siya at agad na may lumabas na katulong. Aba, naka-uniporme pa ang katulong nito. Sosyal. Kami nga sa bahay e ako ang katulong. Dahil lahat ng gawain ay halos nagagawa ko na sa bahay.
Pagkapasok namin ay nakita namin sa salas nila marami ang mamahaling gamit. Nainggit ako sa mga nakita ko.
"Jan, nasa kusina ang Mommy mo." sabi ng katulong sabay kuha ng mga gamit namin. Atubili pa akong ibigay ang gamit ko dahil di ako sanay na may katulong.
Pumunta kami sa kusina at nakikita kong nagluluto ang mommy niya.
"Mommy, dito na po kami." bungad niya sabay halik sa pisngi ng mommy niya.
Bumaling sa banda ko ang mommy niya. Tiningnan ako sabay ngumiti.
Lumapit pa ito at inilahad ang kamay.
"Ikaw ba ang bagong kaibigan nitong anak ko? Buti naman at nagkaroon ng matinong kaibigan ang anak ko. Di yung puro computer ang alam. Sana naman maambunan mo ng konting sipag at talino itong anak ko para naman tumino." mahabang pagbati ng mommy ni Jan.
Di ako nakasagot sa sinabi niya. Di ko alam kung paano niya nasabi lahat iyon.
"Ay! Siguro nagulat ka na kilala na kita ano? Sensya ka na ha kung di ko nasabi. Nung tumawag kasi itong si Jan kanina at sinabi niyang may kasama siyang manananghalian dito ay tinawagan ko agad ang kapatid ng asawa ko. Yung adviser niyo. Tinanong ko nga kung sino ka at kasi halos lahat ng nagiging barkada nitong si Jan ay mga basag-ulo o mga mahilig a bulakbol at computer. Sinabi naman ni Eleonor (adviser namin) na okay ka daw at isa ka daw sa pinakamagaling niyang estudyante. Kaya excited ako na makita ka kasi baka ikaw na yung makakapagatino sa anak ko." Mahaba niyang tugon. Natuwa ako sa mommy ni Jan dahil halatang mabait at madaling makapalagayan ng loob.
Si Jan naman ay halatang nahihiya na sa sinasabi ng mommy niya.
"Mom, gutom na kami e." Pagputol niya sa usapan namin ng mommy niya. Alam kong ayaw na niya itong magpatuloy dahil mas lalo na siyang napapahiya.
"O siya, sige. Gutom na pala ang Baby ko. Sige magpahinga muna kayo sa kuwarto mo at papatawag ko na lang kayo pag tapos na ako. Malapit na rin ako." sabay lingon sa akin. "Feel at home Angelo."
Saka ako hinila ni Jan papunta sa 2nd floor kung saan andun ang kuwarto niya.
Pagkapasok namin ay agad akong napanganga sa laki ng kuwarto niya at sa dami ng kung anu-anong kagamitan na ang iba ay hindi ko pa ngakikita sa buong buhay ko. Meron siyang sariling computer sa kuwarto niya at merong mga laruang sa tingin ko ay libo ang mga halaga.
Napansin niya na natulala ako. Kinalabit niya ako.
"Dami kong laruan no? Lahat iyan regalo lang ng Mommy at Daddy ko." proud niyang tugon.
"So spoiled ka pala." Nagulat ako sa naisagot ko.
Sumimangot siya sa sinabi ko. Saka ko lang na-realize na mali pala ang sinabi ko.
Tumalikod siya at pumasok sa banyo.
Saka ko lang napag-isip-isip na nadala ko pala ang inis ko sa kanya kahit andito na kami sa bahay nila at pinakilala niya ako sa Mommy niya na mabait.
Maya-maya pa ay lumabas siya ng banyo na nakapambahay na.
"O, bakit ka nagpalit. Papasok pa tayo ah." Naitanong ko.
"Oo nga, Gusto ko lang maging presko ang pakiramdam ko. Mainit ang panahon e. Tsaka ibang uniform ang susuutin ko mamaya. Marumi na iyong kanina e." Mahabang niyang paliwanag habang binubuksan ang computer niya.
Para presko daw pakiramdam niya. Kaya pala napaka-presko ng taong ito. Sabay pinagalitan ko ang sarili ko dahil lumalabas na naman ang inis ko sa kanya. Naunawaan ko na kung bakit pala palagi siyang malinis tingnan kahit hapon na. Iyon pala ay nagpapalit pala talaga siya ng uniform.
Lumapit ako sa computer niya. Na-curious ako dahil wala pa ako nun.
Tahimik pa rin siya kahit alam kong alam niya na nasa likod niya ako.
Pinagpag niya ang konting space sa tabi niya. Gusto niya akong umupo.
Umupo naman ako.
"Jan, Yung sinabi ko kanina. Yung spoiled. Sana wag mong masamain. Di ko sinasabi na spoiled ka. Ang gusto ko sabihin ay spoiled na palagi ka palang binibigyan ng magulang mo." paliwanag ko.
Doon niya na lang ako nilingon. Nakangiti na ito.
"Buti naman." Maikli lang niyang sagot. "Di naman ako masama kung makikilala mo lang ako e."
Sandali siyang tumahimik at lumingon uli sa akin.
"Gusto mo rin ba akong makilala?" sabay ngiti ng sobrang tamis.

Subscribe to:
Posts (Atom)