Bonzkie (Cute *smile)... Marfred... thank you for following and Welcome to my blog.
Bonzkie, thank you din sa last comment mo. Fritz, eto na po, sorry busy lang talaga. JM_virgin, Kinred, Denzel, thanks for liking.
Andre Philip and Diamond10... kayo ha, ambabata niyo pa huh? Baka mag kayo mabuntis kakabasa nito.
Jayson, glad you're okay now. Punta ka sa right side, may archive dun, click mo yung pinakauna, tapos at the end of each post, click mo lang ang Mas Bagong Post.
Sorry talaga guys if I wasn't able to post recently, I had a very big financial problem e. I spent a lot of time resolving it. Huhuhu. Hope in the future, matapos ko na itong problem ko.
====================================
Araw ng Pasko, December 25, alas-otso ng umaga nang magising ako sa doorbell. Bumaba agad ako dahil walang sumasagot nito. Pupungas-pungas pa ako ng mata nang buksan ko ang pinto. Tinungo ko ang gate at sinilip muna sa butas kung sino iyon, di ko makita ang mukha dahil nakatalikod.
Binuksan ko na ang pinto ng gate. Isang lalaking nakatalikod, mas mataas sa akin at maganda ang porma ang nabungaran ko. May mga nakalatag na dalawang malalaking bag sa tabi nito.
"Sino po sila?" tawag ko dito.
Humarap ito.
Nasa likod nito ang araw kaya para siyang nakakasilaw. Nang tinanggal nito ang sunglasses niya at ngumiti ay halos manigas ako sa kinatatayuan ko.
"Hi. I'm Paolo. Andyan si Mama Tony?" pakilala nito saka nakipagkamay sa akin.
Kinamayan ko ito at ayaw ko sanang bitawan ang malambot nitong kamay.
Tumaas ang kilay nito at ngumiti.
Saka ko lang naalala na may tinatanong pala ito.
"Ah, si Mama Tony. Baka natutulog pa sa taas." nahihiya kong sabi.
Ngumiti ito.
"Pwede ba akong pumasok?" nakangiting tanong nito.
Parang gusto kong itanong kung sa akin niya gustong pumasok. Napangiti na lang ako sa naisip ko.
"Sino po muna kayo? Bakit niyo po pala hinahanap si Mama Tony?" tanong ko naman sa kanya.
"Wow. Medyo strict ka pala. She's my grandmother." sagot naman nito.
Napangiwi ako. Apo pala ni Mama Tony to tapos pinagnanasaan ko.
"Why the weird face? Anything wrong?" nagtataka ito sa pagngiwi ko.
"Sorry. Di ko alam na apo ka niya. Pasok ka." sabay bukas ko ng pinto para sa kanya.
Kinuha niya ang dalawang bag niya. Kinuha ko ang isa.
"Thanks" sabi nito sabay ngiti na naman ng pagkagandang ngiti.
Kung pwede ko lang halikan to ngayon ay ginawa ko na.
Palingon-lingon ako habang sinasamahan ko siya papasok sa bahay. Di pa rin ako makapaniwala sa mukha nito.
Pinaupo ko muna siya sa sala bago ako patakbong umakyat ng second floor at ginising si Mama Tony.
"Andiyan na si Paolo?" masiglang tanong nito.
"Opo." nakangiti kong sagot sa kanya.
Dali-daling nagsuklay si Mama Tony. Nagpalit ng damit galing sa nightrobe niya at hinila na ako palabas ng kuwarto, pababa ng hagdan.
Patakbo itong niyakap si Paolo.
"Paolo. Ang pinakagwapo kong apo." salubong nito.
Napangiti ako.
I agree, naisip ko.
"Lola, sorry ako lang. Masyado pong busy si Mommy e. Kaya di daw po siya makapag-leave." pagpapaliwanag nito.
Hinalikan ni Mama Tony ang noo ni Paolo.
"It's okay. At least kahit papaano ay andito ka. Namimiss ka na rin ng lola mo."
"Ako din po 'La." sagot ni Paolo.
Nainggit ako, gusto ko rin siyang yakapin.
Nang magbitiw sila ay binaling ni Mama Tony sa akin ang tingin.
"Siyangapala. Paolo, eto si Angelo. Anak siya ng mga inaanak ko sa kasal. Ang Kuya niya ang inaanak ng Mama mo. So para na rin kayong magkinakapatid." pagpapakilala ni Mama Tony sa amin.
Ngumiti siya.
Ngumiti din ako.
"'La, saan nga pala ako?" tanong ni Paolo, sabay tingin sa mga bag niya.
"Ahhh... Okay lang ba sa iyo na may kasama sa kuwarto?" tanong nito kay Paolo.
Tiningnan ako ni Paolo.
"Si Angelo ba ang kasama ko sa kuwarto?" tanong nito kay Mama Tony.
"Oo. Kasi ang isang kuwarto ay may dalawang gumagamit doon. Mga bago kong ampon. Si Angelo mag-isa lang sa kuwarto niya." pagpapaliwanag ni Mama Tony.
"Sige. Okay lang sa akin. Walang masama." sabi nito. Saka binuhat ang dalawang bag niya.
Shit!, naisip ko. Not again.
Tinulungan ko si Paolo sa isang bag niya. Sumunod sa amin umakyat si Mama Tony.
Pagkapasok namin sa kwarto ay kinuha ko ang ilang gamit ko sa aparador at nilagay sa mga bakante kong bag. Ginawan ko ng espasyo para sa mga gamit niya.
"Sorry, apo, isang kama lang ang meron dito pero kung gusto mo bibilhan kita ng isa pang kama para naman maging komportable ka."
Tiningnan ni Paolo ang kama. Tiningnan niya din ako.
"Okay lang po 'La. Malaki naman ang kama e. Tsaka mas magiging close naman kami ni Angelo kapag magkasama kami sa kama." sabay akbay nito sa akin.
Ngumiti lang ako.
"Good. I was hoping that you two will get closer." nakangiting sabi ni Mama Tony.
How close ba?, naisip ko na naman.
Niyugyog ako ni Paolo.
"Bukas ipasyal mo ako huh?" pakiusap nito sa akin.
Kumunot ang noo ko.
Parang naintindihan ni Mama Tony ang nilalaman ng isip ko.
"Ay oo nga pala. Pangatlong beses pa lang na andito si Paolo. Bata pa siya noong huling punta niya dito. Kaya di pa niya masyadong alam ang mga lugar dito."
"Ah... sige po. Sasamahan ko siya bukas. Papasama kami kay Kuya Bon para may sasakyan tayo." sagot ko naman.
"wag na. I can drive." si Paolo.
"But you don't have a lisence." sabad ni Mama Tony.
"'La, I have an international lisence." sabay kindat nito sa akin.
Napangiti ako sa paraan ng pananalita nito. Cute kumbaga.
"Okay. Do whatever you want. I know I can't convince you otherwise." sabay kurot ni Mama Tony sa pisngi ni Paolo.
Aaminin ko, ang cute talaga niya. Ako din gusto kong kurutin ang pisngi niya.
"Gusto mo bang mag-almusal? Magpapahanda ako." si Mama Tony.
"I think I will pass, 'La. May jetlag pa ako e. Almost 10 hour flight eh. Tulog po muna ako." sabi nito.
"Sige. Rest well." sabi ni Mama Tony. "Angelo, tulungan mo muna si Kuya Paolo mo mag-ayos ng gamit niya habang nagpapahanda ako ng almusal natin."
"Sige po, 'Ma."
Ngumiti si Paolo. Lumabas na si Mama Tony.
"Kumusta ka naman dito?" si Paolo.
"Okay naman. Mabait naman si Mama Tony e." sagot ko.
"Di ka ba nabo-bore dito? Walang masyadong gagawin dito e. Parang malapit nang maging labas ng City to e."
"Di naman. Andiyan naman sina Kuya Bon e, pati sina Feljan at Rey. Tsaka may mga kaibigan naman ako sa school e. Kaya di ako nabo-bore."
"Ahhh... ano naman pinagkakaabalahan mo pag wala ka sa school niyo?" tanong ulit nito habang nag-aayos kami ng gamit niya sa aparador.
"Computer, kumain, drawing, kumain." biro ko pa.
Natawa siya.
"Di ka naman mahilig kumain no?" sabay tawa nito ulit.
Napangiti ako,
"Masarap kumain e." sabi ko. Lalo na kung ikaw ang kakainin ko, naisip ko.
"So, you draw?"
"Yup." sagot ko.
"Are you good at it?"
"Medyo... sabi nila."
"Ah... I hope you will draw me some time."
"Siyempre okay lang. Kung gusto mo."
"I would love to pose for you."
Natawa ako.
"Pose talaga? Mukha lang naman di ba?"
"Pangit yun, dapat yung may art naman." sabi ni Paolo.
"You mean?"
"I mean, dapat yung parang mobile naman. Yung parang may movement, di yung para akong estatwa."
"Yung parang candid?"
"Tama!" sabay gulo nito sa buhok ko.
Nang matapos na kaming mag-ayos ng mga gamit niya ay inalis niya ang pang-taas na t-shirt niya at naiwan lang ang puting sando nito.
"Paano? Tulog muna ako?" sabi nito. Sumaludo pa.
Ngumiti lang ako.
Gusto ko sanang itanong kung pwedeng tumabi kaso mamayang gabi magkakatabi naman kami kaya maghihintay lang muna ako.
"Sige." sabi ko.
Pumikit na ito.
Tinitigan ko siya habang nakahiga. Angganda talaga ng mukha at katawan niya.
Lalapit sana ako pero pinigilan ko sarili ko.
Kung makati ako, sige, pero hindi ito ang tamang pangkamot ng kati ko. Kinakapatid ng kuya ko to, tsaka apo ni Mama Tony. Masyadong delikado.
Napangiti ako.
Sige, hindi ko papakialaman si Kuya Paolo.
Tumingin uli ako sa kanya.
"I will try hard na pigilan ang sarili ko." sabi ng isip ko.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.
hey, sorry, di ko lam my prob ka pala.. i thought nag.papa.excite ka lang e..hehe
ReplyDeleteaahha hai sa wakas nagpost din si kua gelll kaytagal kitang hinintay babalik karin..ahah
ReplyDeletei've been visiting ur blog last summer pa!! and until now and i love it!!
ReplyDeleteoh my! O tukso layuan mo ako...
ReplyDeletegrabe na miss kuto darkangel
ReplyDelete