Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, March 21, 2012

My Paolo Series (Chapter 2... To Love or Not to Love)

Kuya Paolo's look-alike.

Second Chapter of my Paolo Series
====================================

Tinulak ko si Kuya Paolo.

Umupo agad ako sa kama. Di ko napigilan ang umiyak.

Lumapit din ito at inakbayan ako.



"Angelo... sorry. Did I startle you? Did I come too fast?" sabay himas sa likod ko.

Umiling ako.

"Then why cry? Please tell me, Baby." malambing na sabi nito.

Hinarap ko siya kahit tuloy lang sa pag-agos ang luha ko.

"Kuya Paolo... tell me why."

"Why what?"

"Why do you want to love me?"

"Angelo... I don't want to love you. I already love you." nakangiting sabi nito.

Umiling ako.

"For God's sake, Kuya Pao... You can't love a person after a day of meeting him." asik ko dito. Ayokong maniwala sa matatamis na dila nito.

"How do you know?" tanong nitong balik sa akin.

"You just can't."

"Well, I know I love you. Wala na akong magagawa dun kung ayaw mong maniwala na mahal na kita." binitawan na ako nito mula sa pagkakaakbay.

"You just can't." pag-uulit ko.

Di ko alam kung kinukumbinsi ko ang sarili ko na di pwede o kinukumbinsi ko siya.

"Tell me why..." humawak ito sa kamay ko. "... Tell me why can't I love you."

Tumingin ako sa mata niya.

"Maraming dahilan."

"Sabihin mo." utos nito.

"Kinakapatid kita." sabi ko.

"Hindi kita kinakapatid. Kinakapatid ko ang kuya mo." sagot naman nito.

"Apo ka ni Mama Tony." dagdag ko pa.

"Di ka niya apo so hindi tayo magkadugo." balik naman nito.

"Lalaki ka." wala na akong maisip na dahilan.

"So?" nakataas na kilay na tanong nito.

"Hindi ka pwedeng mainlove sa kapwa mo lalaki." tumataas na ang boses ko.

"Bakit? Lalaki ka ba?"

"Technically yes." mabilis kong depensa.

"But, emotionally no. Alam ko na you're falling for me and you're just convincing yourself na hindi maaari." tumaas na rin ang boses nito.

Napatigil ako.

"And yes, naiinlove ako sa lalaki, kahit sa'yo. Bisexual ako. Di ako bading. I like both men and women. Nagkataon lang na this time e sa'yo ako nainlove."

Di na ako makasagot sa sunod-sunod niyang tirada ng salita.

Natahimik ako. Yumuko.

Hinawakan niya ako sa baba, pinatingin sa kanya.

"Angelo... Baby... give me one good, valid, and sane reason para wag kitang mahalin, then I will stop this."

Natahimik lang ako. Walang pumapasok sa utak ko. Di ko alam kung wala na akong mahanap na dahilan o dahil ayaw ng utak ko na maghanap pa ng magandang dahilan.

"Angelo... I love you from the first time I saw your face. I love you with your innocent, shocked and admiring look when you looked at me for the first time yesterday. Wala akong magagawa dun. Di ako pwedeng magsinungaling. I'm old enough to know what feelings I have. You can't tell me what I can and cannot feel for you. But you can just love me." diretsong paliwanag nito.

"KUya Paolo..." malambing kong sabi sa kanya.

"Yes Baby?"

"I'm really, really sorry. Aaminin ko, I'm madly in love with you kahit isang araw pa lang tayong magkakilala. It's not just your cute face and smile, o yung sobrang sarap na katawan mo, pero yung buong Paolo na nasa harapan ko. Mahal ko na siya. Kahit ilang beses ko nang winarningan ang sarili ko na wag kang patulan, wala akong nagawa. I've fallen so hard for you." pagtatapat ko.

"So, what's wrong, Baby?" HInawakan nito ang dalawang kamay ko.

"You're not the first boyfriend that I will have. Marami na akong minahal. Di ko lang alam kung sino sa kanila o ilan sa kanila ang sineryoso ako. Lahat sila pinagbigyan ko. Di na ako virgin sa sex. Marami na ang nakapasok sa akin. Wala na akong special na maibibigay sa iyo. Kung masasabi kong masyado na akong gamit, masasabi ko iyon. Laspag na ako. Laspag na ang katawan ko, ang puso ko. Ilang beses na ako nagmahal, at sa huli ay palaging nasasaktan. Mahirap maging bading Kuya Pao... mahirap magtiwala. Kahit sabihin man natin na mahal natin ang isa't isa, magkakasakitan at masasaktan pa rin tayo sa huli."

"Angelo, I will take care of you. Di kita pababayaan, di kita sasaktan. Puprotektahan kita. I love you." hinalik-halikan pa ang mga nakakuyom kong kamay.

"Hanggang kelan Kuya Pao... hanggang kelan naman ang pangakong yan? Paano kita mamahalin kung pagkatapos ng Pasko e babalik ka na rin sa inyo. Iiwan mo na ako. Di ko kakayanin ang long distance relationship." nangingiyak ulit ako.

"So lumabas din ang totoong dahilan. Natatakot ka na mahalin ako dahil alam mong iiwan din kita pagkatapos ng bakasyon ko."

Di ako sumagot dahil tama din siya.

"Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong nito.

Nagkibit-balikat ako.

"Alam mo, duwag ka. Duwag ka dahil you won't take chances with me. You're afraid to open up your heart of fear that you will get hurt. Duwag ka. Akala mo ba di ako natatakot na mahalin ka? Natatakot din ako Angelo. Natatakot ako sa sasabihin nina Mommy at ng mga kaibigan ko pag nalaman nilang boyfriend kita. You have less to lose. I have more to face. Pero here I am, asking you... begging you to take chances with me. Can't you just appreciate that?" nagagalit na ang tono ng boses nito.

"Oo Kuya Pao... tama ka. Duwag ako. Pero may dahilan naman para maging maduwag ako. Maraming beses na akong lumaban para sa damdamin ko pero di ako ipinaglaban. Kung ipinaglaban lang ako ng lahat ng lalaking nakarelasyon ko e di sana masaya ako pero ano Kuya Pao? Ano'ng nangyari? Eto ako, nag-iisa. Hanggang ngayon, nasasaktan. Tapos gusto mong maging matapang ako... take chances with you? I had all my chances. I took all the chances, pero walang nangyari di ba?"

"They're different. They're not me. I love you." mahigpit na hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Umiling ako para ibaba niya ang kamay niya. Ginawa din niya.

"Bigyan mo pa ako ng isang araw Kuya Pao.. para pareho tayong makapag-isip. Malay mo nabibigla lang tayo sa mga pangyayari." seryosong sabi ko sa kanya.

Di siya nasagot.

"Wag nating buksan ang topic tungkol sa love buong araw. Pagkarating ng hatinggabi mamaya e sasabihin ko sa iyo ang sagot ko." sabi ko.

Umatras siya. HUmiga sa kama. Nagtakip ng mukha.

"Sige. Okay lang. Maghihintay ako." sabi nito sabay takip ng unan sa mukha.

Tiningnan ko siya. Naririnig ko ang malalim na hininga nito sa likod ng unan.

Nalungkot ako pero naging proud ako sa sarili ko dahil hindi ako nagpadala sa pabigla-biglang emosyon.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hinawakan din niya ang kamay ko ng mahigpit. Hinila ito at hinalikan ito sa ilalim ng unan.

Napangiti ako.

Nang binitawan na niya ang kamay ko para hawakan uli ang unan ay tumabi na ako sa kanya. Nakaupo ako habang nakahiga siya.

Hinawakan ko ang sinturon niya. Tinaggal ang pagkakasara noon. Sunod ay binuksan ko ang butones ng pantalon niya at ibinaba ang zipper. Di pa rin niya inaalis ang unan.

Nang hawakan ko ang bukol sa harapan ng brief niya e napabangon siya.

Tinitigan ako.

"Ano yan?" takang tanong nito.

"Ayaw mo ba?" kunwari ay malungkot kong tanong.

"G..Gusto pero bakit mo ginagawa ngayon?"

"Di ba sabi mo ngayon natin gagawin?" pagpapaalala ko sa kanya.

"Akala ko ba ayaw mo ngayon."

Tinitigan ko siya, tumaas ang kilay ko.

"Paolo naman e. Sabi ko mamayang gabi ako magdedecide kung pwede kitang maging boyfriend pero di ko sinabing bawal tayong mag-sex." kunwari ay inis kong sabi sa kanya.

"Ah, ganun ba?" sabi nito saka mabilis na hinubad ang sapatos niya, pantalon, brief at damit.

"Ambilis naman." natatawa kong sabi.

"Wag ka na kasi magpakipot." saka tumalon ito padapa sa akin.

Tinitigan ako.

"I love you." ulit na sabi nito.

"I love you too."

Sabay halikan uli namin.

Tinulak ko siya.

"Pero di ibig sabihin na tayo na huh?" pagpapaaalala ko lang.

"Yup, I understood my baby."

Saka nagsimula na naman ang mainit naming halikan at romansahan.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.

Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.

4 comments:

  1. ang kulit. " I love you too... Pero hindi ibig sabihin na tayo na huh?"

    hahaha

    ReplyDelete
  2. pakipot ka din pala angelo!!!

    sex lng pala ang habol mo kay kuya paolo...

    akin nlang xia.. bigay mo na skin,, dali!
    jejejeje

    ReplyDelete
  3. ahw ang hirap naman n2..i and my partner is happy with our long distance relationship.as long as u are committed and trust each other.walng problema un

    ReplyDelete