Third Chapter of My Paolo Series
====================================
Pagdating namin sa bahay ay wala kaming pansinan ni Kuya Paolo. Mga bandang alas-otso na iyon.
Sinalubong kami ni Mama Tony na halatang nagtataka sa pakikitungo namin sa isa't isa.
"O, bakit sambakol ang mukha niyong dalawa? Nag-away ba kayo?" tanong ni Mama Tony.
"Pagod lang Ma." sagot ni Kuya Paolo.
Ngumiti lang ako kay Mama Tony.
"Sige, magbihis na kayo at magpapahanda na ako ng hapunan." sabi nito.
Umakyat kami ni Kuya Paolo sa kuwarto. Nauna na siyang maligo at ako'y humiga sa kama, napaidlip ng konti. Nagising na lang ako nang narinig kong nagsara ang pinto. Lumabas na si Kuya Paolo.
Saka na ako naligo at nagbihis na rin. Tahimik lang ako nang bumaba ako at tumabi kay Kuya Paolo at sabay kaming kumain. Wala pa rin kaming kibuan.
Pagkatapos namin kumain ay sinamahan namin si Mama Tony na manuod ng TV at mag-rosaryo.
Mga bandang alas-diyes ay natulog na si Mama Tony. Pumanhik na ito.
Patuloy lang na nanunuod si Kuya Paolo ng tv.
Nagpasya akong lumabas, magpahangin at maglakad-lakad. Umabot uli ako sa park at umupo sa swing. Nakatingin ako sa mga bituin habang nag-iisip.
"Anglalim ng iniisip ah." bigla kong narinig na sinabi.
Napalingon ako at nakita ko si Feljan.
Nginitian ko siya. Ngumiti din siya sa akin at umupo sa swing sa tabi ko.
"Kumusta naman ang araw niyo ni Kuya Paolo?" tanong nito.
"Okay naman. Pumunta lang kami ng beach. Medyo malayo kaya nakakapagod." sagot ko.
"Ah... e bakit parang di kayo bati ngayon?"
Tiningnan ko siya. Ngumiti na lang ako.
"May nangyari ba?" Tanong nito uli.
"Huh?" taka kong tanong sa kanya.
"May nangyari ba sa inyo?" pag-uulit nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Kung nag-away ba kami?"
Natawa siya.
"Tigilan mo nga ako Gel. May nangyari na sa atin kaya wag ka nang magkaila. Ginawa niyo na rin ba ni Kuya Paolo ang ginawa natin?" dire-diretsong tanong nito.
Ngumiti lang ako.
"Okay, kung ayaw mo magkuwento. Nakakapanibago ka talaga ngayon." sabi nito.
"Ikaw kaya nakakapanibago. Di mo nga ako pinapansin kahapon e."
"Ah... napansin mo rin pala." ngumiti ito.
"Oo naman. Kaibigan kaya kita. Siyempre mapapansin ko."
Ngumiti uli si Feljan.
"Wala. Pangit naman kung sabihin ko sa iyo ang totoo."
"Ano ba ang totoong dahilan?" tanong ko sa kanya.
"Pwede ko bang sasabihing nagsiselos ako?" diretsong sabi nito.
"Talaga? Nagsiselos ka?" gulat kong sabi.
"Oo. Di ba halata?"
"Talaga? Crush mo si Kuya Paolo?" tanong ko dito.
Binatukan ako ng pabiro.
"Tanga naman nito." tatawa-tawang sabi nito.
Natawa ako.
"Wag mong sabihing sakin." sabi ko dito.
Ngumiti ito.
"Oo naman. Sa'yo kaso di naman pwede."
"Oo nga. Andiyan naman si Rey. Mas matagal na kayo magkasama. Mas malalim na ang pagsasamahan ninyo."
"Oo nga. Mahal ko naman talaga si Rey e. Kaso masama ba magka-crush sa iyo?"
"Hindi rin. Di ko alam. Basta wag lang sobra." sabi ko naman sa kanya.
"Oo nga. Pero crush talaga kita Gel."
"Asus! Baka naman gusto mo lang uliting ginawa natin." biro ko dito.
"Hindi naman. Pero gusto ko rin namang gawin iyon."
Natawa ako. Sinuntok ko siya sa braso.
"Bakit naman kasi hindi na lang magpaubaya ang isa sa inyo para naman di niyo na ako kailanganin pa. Magiging mas masaya kayo." suggestion ko sa kanya.
"Palagay ko kailangan na ngang may magpaubaya sa aming dalawa dahil alam namin parang hindi ka na namin pwedeng maka-sex e."
"Bakit naman?" taka kong tanong sa kanya.
"Siyempre andiyan na si Kuya Paolo." siniko pa ako nang marahan.
"Ano naman ang kinalaman ni Kuya Paolo dito?"
"Asus. Tigilan mo nga ako. Sabihin mo na kasi sakin. Ano'ng status niyo ni Kuya Paolo?" pamimilit nito.
"Wala pa ah. Magkaibigan lang."
"Ganun? Walang ano..?"
"Anong ano?"
"E di kantutan." sabay tawa nito.
"HAhaha. No comment." tawa-tawa kong sagot.
Kaagad na tumayo ito.
"Di ka pa uuwi?" sabi nito.
"Sige mauna ka na. Dito muna ako." sagot ko dito.
"Sige. Ingat ka diyan huh?"
"Ingat? Para namang delikado dito." sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang siya saka umuwi na.
Nagpaiwan lang ako. Dumuyan sa swing.
Mga 30 minutes pa ay nagdesisyon na akong umuwi.
Pagdating ko ng bahay ay wala na si Kuya Paolo sa sala. Umakyat na ako papunta sa kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ay nasa banyo na si Kuya Paolo. Naliligo.
Tiningnan ko ang orasan, dalawang minuto na lang at alas-dose na. Humiga na ako at pumikit.
Bago pa man ako nakatulog ay narinig kong lumabas na ito ng banyo. Maya-maya ay umakyat na ito ng kama at pumasok sa ilalim ng kumot.
Naramdaman kong yumakap ito sa akin.
"Baby..." tawag nito sa akin.
Humarap ako sa kanya.
"Yes, Paolo?"
Hinalikan ako nito sa labi.
"Alas dose na. Lampas na nga e." sabi nito.
"O? Ano'ng meron?"
"Nakalimutan mo na?" nakanguso ang labi nito na wari'y nagtatampo.
"NA sasagutin kita?"
"Oo." ngumiti ito.
"Naku naman. Tinatanong mo pa ba yun?"
Saka ay niyakap ko siya.
"May iba pa ba akong isasagot sa iyo?" tanong ko dito.
"Ikaw bahala. Pero sana oo." saka hinalikan uli ako sa labi.
"Oo nga." sagot ko nang maghiwalay na ang mga labi namin.
"Talaga?" ngumiti ito.
"Oo naman. Ikaw pa." sabay ko siyang hinalikan uli.
Yumakap agad ito sa akin at gumulong kami sa kama hanggang sa muntikan na kaming malaglag.
Tawanan lang kami.
Nasa taas niya ako nang tumigil kami.
"I love you Paolo ko." sabi ko.
"I love you din Angelo ko." sagot nito.
Bumalik kami sa yakapan namin. Ikinulong niya ako sa dibdib niya.
"Di na kita ibabalik kay Jan." agad na rinig kong sabi niya sa'kin.
"Di rin kita ibabalik kay Jan." sabi ko rin sa kanya.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.
first post. yey!
ReplyDeletekakakilig naman.
Palagi ka naman talagang first comment TanJi e =)
ReplyDeletenagkataon lang naman po.
Deletec:
kuya ano ibig sabihin na di nakita ibabalik ay Jan.. so kilala ni paolo si Jan.. sana masagot ito sa susunod na update..
ReplyDeleteyun yung kailangang abangan
ReplyDeletewow matagal akong di nakapag comment ah...hi Gel...musta di na kita natext simulang umalis ako ng pinas...madalang na ako makapag net busy sa work...hehehhe...ang haba na ng story mo ah at super saya na ang mga nagbabasa...heheheh...anu ung jan? blast from the past? hehehehe...ingat lagi Gel...hope to text you again...and parang malabo na ata na magkita tayo...hesitant ka eh...God bless...
ReplyDeleteWaaaah! I don't remember na na-mention mo si Jan! Bakit andyan na naman ang multo ni Jan? naku naku naku... update na pls! :-D
ReplyDelete