Friday, November 11, 2011
Tula Para sa Atin
Inay, bakit ganun?
Sabi ng mga kalaro ko bakla daw ako.
Di ko naman kung ano yung bakla, Inay.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Pero di ko rin sinasabi na tama iyon.
Siguro iba ka lang sa kanila
kaya tinatawag ka nilang bakla.
Inay, bakit ganun?
Sabi ng mga kaklase ko bakla daw ako.
Dahil daw palaging bulaklak ang ginuguhit ko.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Mahilig ka lang talaga sa magagandang bagay.
Malay mo paglaki mo magiging mahilig ka rin
sa magagandang babae.
Inay, bakit ganun?
Lahat ng nililigawan kong babae binabasted ako.
Bading daw ako dahil palagi ko silang inaayusan.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Masyado lang talagang metikuloso ang mata mo
Mata iyan ng mga taong magaling
sa pagpapahalaga sa kagandahan.
Inay, bakit ganun?
Pinipilit kong pigilan pero nagkakagusto ako
sa kaibigan kong guwapong lalaki
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Masyado lang kayong nakakapalagayan ng loob
Masyado niyong kilala at mahal ang isa't isa
Nagkakamali ka lang ng pagkakaintindi.
Inay, bakit ganun?
Nang makakita ako ng nakahubad na lalaki
Napapatigil ako at napapatitig
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Siguro naiinggit ka lang dahil mas maganda
at mas pinaghihirapan nila ang katawan nila
kesa sa iyo.
Inay, bakit ganun?
Nakita ko ang ari ng kaibigan ko, di ko napigilang tingnan
at pinagpawisan ako at gusto kong hawakan.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Natural lang sa mga nagbibinata ang maghambingan
at magkainteres sa kaibahan ng laki at haba
ng inyong pagkalalaki.
Inay, bakit ganun?
Nakipaghalikan sa akin ang kaibigan kong lalaki
Di ko napigilan at nakipaglaban din ako ng halik.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Gusto mo lang siguro malaman kung paano humalik
at dahil wala ka pang nagiging girlfriend
e sa kanya mo sinubukan.
Inay, bakit ganun?
Nakipagtalik ako sa lalaki
ipinasok niya ang ari niya sa likod ko.
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Dahil sa wala ka pang girlfriend
e nagpatalo ka lang sa tawag ng laman
Pangangailangang-pisikal lang.
Inay, bakit ganun?
Nahawaan ako ng sakit, may taning na daw ako
Bakit hindi mo sinabi sa akin kung ang ginagawa ko ay
Masama ba yun?
Hindi naman anak.
Dahil palagi mong tinatanong kung masama ba yun
lahat ng ginawa mo. Sinasagot lang kita
ayon sa pakiramdam ng isang ina...
na ang ginagawa mo ay hindi masama
ang masama ay yung itago mo kung ano ka
ang masama ay magkunwari ka
ang masama ay ikondena kita
ang masama ay kung itakwil kita
masama man ang ginagawa mo...
pagkatapos ng araw...
ako pa rin ang iyong ina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Wala lang... naisip ko lang...
ReplyDeletenakarelate naman ako
ReplyDeletesana, ituloy mo na ang pagpost
ReplyDeletewowo kung may ganyang kabait na ina mamahalin ko sya ng todo
ReplyDeletesana ganun si mama
ReplyDeletenatawa naman ako sa inyo guys... naisip ko lang iyon.., di ko alam bakit.
ReplyDelete