Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Thursday, November 3, 2011

My Freshman Series (Chapter 18... Ryan)


Kung sino man may-ari ng picture na ito, I'm sorry. Gagamitin ko muna kasi kamukha mo ang taong nanasa title e... si Ryan

=============================================================

Pagkabalik namin sa choir room ay naunang nag-audition ang mga sopranos, pagkatapos ang mga alto, bass at huli kaming mga tenor dahil may hahabol pa daw.

Pangsampu ako sa mga lalaking nag-audition para sa tenor. Nang ako na ang kumanta, muntikan ko nang makalimutan ang unang tono pero pag-tingin ko kay Mike, ngumiti ito kaya naalala ko ang tamang nota. (Nota as in musical note ha? Bastos ng isip niyo ha?)

Nang kumanta na ako, alam ko naman na tama ang kinakanta ko pero kinakabahan pa rin ako. Nako-conscious kasi lahat ng tao nakatingin, estudyante at teachers, members at applicants. Bakit kasi di na lang mga teachers ang andoon e. Kakainis.

Wala namang naging problema dahil di ako pinaulit. Di katulad ng ibang applicants na ilang beses pinaulit. Minsan nga napapagalitan pa. Nang matapos ko ang kanta ko, nagtinginan ang tatlong teachers at nakita kong ngumiti sa akin si Ma'am Alba.

Pagkatapos ko kumanta ay tumabi ako kay Mike. Ngumiti lang ito at inakbayan ako.

May ilan pang nag-audition pagkatapos ko. Saka lumabas muna saglit ang tatlong guro para mag-usap.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik sila at sinabing tingnan daw naming lahat ang bulletin board kinabukasan para sa result.

Magkasabay kaming lumabas ng choir room ni Mike at hanggang sa gate ng school. Nakalimutan ko, di pala ako nakapagpaalam kay Kuya Gilbert.

"Kuya, sorry..." magpapaliwanag sana ako sa kanya pagkakita ko kaso itinaas niya ang palad niya.

"Alam ko. Sinabi na ni James sa akin kanina nung makita niya akong naghihintay sayo paglabas nila." nakangiti nitong sabi.

Ngumiti na lang ako. Saved by James.

"O kumusta naman ang audition mo? Biglaan ah. Di ka man lang nakapaghanda."

"Okay naman. Tinulungan naman kami ng mga mas nakakatandang choir members e bago kami pinakanta."

"Ah... Okay naman?"

"Di ko pa alam e. Bukas pa malalaman. Titingnan na lang daw namin sa bulletin board."

"Pasado ka dun." Sabay akbay sakin. "Ikaw pa e kaya mo nga maging babae at lalaki ang boses mo e. Di ba?"

Natawa ako.

"Pero Siyempre lalaking boses ang gagamitin ko. Alangan naman Mariah Carey ang kakantahin ko dun."

Natawa din siya ng malakas.

"Oo nga pala. Paminta ka ngayon sa school niyo."

Hinampas ko ang braso niya.

Kinabukasan ay naging abala kami sa mga subject namin. Kaya pagdating ng tanghali saka ko lang natingnan ang bulletin board. Kinabahan man pero medyo confident ako.

Pagtingin ko sa bulletin board nakalagay... Angelo ******** - Tenor 1

Napangiti ako nang matamis.

Agad na may umakbay na dalawang braso sa akin.

"Congrats tol ha? Galing mo ah. Nakapasok ka." si James.

"Wow! Tenor 1. Taas ng boses mo pala." si Rod.

"Wala! Tsamba lang iyan." pa-humble ko pang sabi.

Habang naglalakad kami papuntang gate ay may tumawag sa akin.

"Uy, Gel! Congrats ha?" si Mike.

"Uy Mike. Thank you pala sa tulong mo ha?"

"Wala yun. Magaling ka namang talaga e." sabay tingin nito sa dalawang lalaking nakaakbay sa akin.

"Ah, Mike, sina Rod at James pala, mga kaibigan ko." pagpapakilala ko sa kanila. "Rod, James, si Mike pala, member ng choir. Siya ang tumulong sa akin kahapon."

Agad na nakipagkamay si James kay Mike pero si Rod ay parang masama ang tingin dito. Tumango lang siya.

"Sige, una na kami." pagpapaalam ko sa kanya.

Ngumiti lang ito at kumaway.

Di ko alam pero parang tumahimik si Rod pagkatapos noon.

Kinahapunan ay dumating me sa choir room para sa unang araw ng practice. Marami sa mga andoon na kilala na nila ang isa't isa. My guess is sila din ang nag-recruit sa mga ito. Palibhasa ako e walang nag-recruit kaya walang kakilala. Late pa dumating si Mike.

"Hi, bago?" sabi ng isang katabi ko.

Saka lang ako napalingon sa kanya.

Saka ko lang napansin na guwapo pala ang katabi ko. Medyo moreno ng konti, pink ng labi, matulis ang mata at ang ganda ng tubo ng kilay at buhok. Taliwas sa akin na medyo manipis ang hibla ng buhok.

Ngumiti ako at tumango.

"Hi, Ryan pala. Bass" pagpapakilala nito.

"Gel, Tenor 1" saka ako nakipagkamay sa kanya.

"Nice. Tenor 1. Taas ng boses ah." nakangiting sabi nito.

"Di naman. Tsamba lang. Nagbibinata kasi."

"Ahhh."

Matagal na katahimikan. Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kanya. Gustong-gusto ko yung medyo malaman niyang pisngi. Parang ang sarap kagatin at halikan.

Nababawi ko ang mata ko kapag lumilingon siya. Pero ang ganda talaga ng labi niya. Pink na pink. hindi manipis pero di din makapal. Parang anlambot at masarap halikan.

Ay, ano ba yan? Asik ko sa sarili ko.

"Gel." bati ni Mike.

"Mike."

"Musta 1st day mo dito?"

"Wala naman. Wala akong kakilala e." sumbong ko sa kaniya

Lumingon agad si Ryan.

"Ay, siya lang pala." medyo napahiya kong sabi.

Ngumiti lang si Ryan at umiba na ng tingin.

"So, kamusta? Excited ka ba o takot?" sabay hawak ni Mike sa balikat ko.

"Both." tipid kong sagot.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at hinilot ng saglit.

"Okay lang yan."

Tapos inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Basta pagkatapos ng practice punta tayo dun sa likod ha?"

"Sige." sabay ngiti ko sa kalibugan niya.

Nang dumating na ang tatlong teachers ay pinamigay nila ang mga piyesa ng kanta. Agad na pinaliwanag kung alin doon ang parte ng bawat grupo. Merong Soprano 1,2,3, Alto 1,2, Tenor 1,2, Bass 1,2. So merong 9 voices ang kantang pag-aaralan namin. Banyagang kanta ito. Ang "Singapura Medley" (Kung alam niyo kung anong taon pinakanta sa NAMCYA ang Singapura Medley, alam niyo na kung anong year to)

Tawa kami nang tawa sa umpisa dahil di namin maintindihan ang lyrics. Inisa-isa tuloy ni Mrs. Alba ang pagbigkas ng bawat salita hanggang sa nakuha na namin.

Agad na hinati-hati na kami sa grupo at kanya-kanya kami ng aral. Merong dalawang organ sa choir room at isang piano. Kung merong magtitingin ng tono nila tinitipa na lang sa organ o piano.

Magaling si Mike magbasa ng nota. Mas napadali tuloy ang pag-eensayo namin. Meron pang 2 na tenor 1. Medyo mababa pa ang range ng boses nila kaya medyo napipiyok sa matataas na parte.

Inaakbayan ako ni Mike dahil okay ang pag-abot ko ng mga nota. (Siyempre nota yan e. hahaha)

Biglang tumayo ang balahibo ko kaya napalingon ako. Nakatitig sa akin si Ryan. Ngumiti ako sa kanya nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin. (Note, dear readers, matagal ko nang nakuwento na kapag may nakatingin sa akin na di ko alam ay tumatayo balahibo ko sa batok. Di ko alam bakit.)

Saka lang niya iniba ang tingin niya.

Weird. Sa isip ko.

After 30 minutes ay pinabalik na kami sa puwesto namin.

Ang arrangement ng mga upuan sa choir room ay paikot. Nakadikit lahat ng upuan sa dingding. Pero kapag kakanta na ay dapat nakatayo at semi-circle. Para boo ang boses.

Tuwang-tuwa ako sa galing ng mga kasama ko sa choir. Unang practice pa lang ay naperfect na agad namin ang unang dalawang stanza ng kanta.

Habang kumakanta ay nasa medyo gilid ako ng mga tenor dahil ayoko sa gitna. Siguro alam niyo na kung bakit. Pero na-conscious din ako nang malaman ko na katabi ko si Ryan. At dahil nakatayo kami lahat at dikit-dikit ay magkadikit ang mga braso namin. Di ko alam kung bakit pero umiinit ang braso ko. Agad kong hinila ang braso ko dahil baka maramdaman niya na nag-iinit braso ko sa kanya.

Nagulat ako sa biglang ginawa niya. Hinila niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Agad akong napatitig sa kanya. Ngumiti siya. Kumunot ang noo ko.

Agad akong tumingin sa likod. Kami lang pala ang pinakalikod.

Imbes na hilahin ko ang kamay ko ay ewan ko ba pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Lagot na.

======================================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.

4 comments:

  1. wow 0 wow...d best....nkkexcite!!!!tnx author...next n po

    ReplyDelete
  2. nice 1! ang tagal kong inabangan to ah! nagtext nga pala ako nung isang araw kuya gel... hahaha

    ReplyDelete
  3. Oo nga sana masundan ka kagad!!!

    ReplyDelete
  4. when naman ang kasunod,, sana may update agad please ang ganda ng story mo

    ReplyDelete