Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Thursday, November 3, 2011

My Freshman Series (Chapter 19... The Thing with Ryan)


Eto na ha?

======================================================

Pagkatapos ng kanta namin ay agad kong binitawan ang kamay ni Ryan. Agad akong umiba ng puwesto at pumunta sa tabi ni Mike.

Kahit malayo na ako kay Ryan ay paminsan-minsan akong sumusulyap dito. Nakangiti lang ito sa akin. Di ko magawang suklian ang ngiti niya dahil nako-conscious ako. Di naman siya mukhang bading ngunit bakit ganoon ang ginawa niya.

Natakot tuloy ako na baka siya ang unang makahalata na bading ako.

Hanggang sa pag-uwi ay naging walang kibo ako. Napansin ito ni Mike. Napansin din ito ni Kuya Gilbert pero di na lang nila pinansin.

Sumunod na Sabado, fiesta sa barangay ng kaklase namin. Kahit di kami close kay Grace ay pumunta kaming tatlo nina James at Rod. Si Grace ay may matinding crush kay Rod at halatang halata naman dahil bisperas ng piyesta e halos kada subject na lang ay tinatanong niya ito kung sasama.

"Tol, halatang-halata ah." Si James.

"Oo nga tol e. Parang ako yata gustong kainin sa piyesta e." si Rod.

"Baka daw mas masarap ka kasi sa handa nila." sabad ko naman. Medyo off pala.

Tiningnan ako ni Rod. Medyo matalim.

Tumahimik na lang ako.

"O ano pare, punta ba tayo?" si James.

"Sige, basta wag niyo akong iiwang mag-isa dun ha? Baka naman kasi pikutin ako nun eh. AYoko pang matali tol." si Rod.

Tawanan na naman kami.

"Sige, guwardiyahan ka namin." sabay kindat pa ni James.

"E baka naman si Angelo ang kailangang guwardiyahan doon?" si Rod.

Kumunot ang noo ko.

"Huh? Bakit ako? Bakit naman ako napunta sa usapan?" taka kong tanong.

"E, maraming nagkaka-crush sa'yo e. Babae at hindi." mabilis na sagot ni Rod.

"Parang wala naman akong naririnig." sabay tawa ko pa sa joke niya.

"Tange! Alangan naman sabihin nila sa iyo. Tsaka ambata mo pa kasi e. Mas matanda lahat ng tao dito sa school kesa sa iyo. Sige nga kung may babae o lalaking may gusto sa'yo makukuha ba nilang sabihin sa iyo e totoy na totoy ka pa." si Rod uli.

"Kunsabagay." pag-sang-ayon ko.

Tumango lang silang dalawa.

"Uy teka lang." Sabay hampas ko sa likod ni Rod. "Bakit sabi mo lalaki at babae?"

Natawa sina Rod at James.

"Wala lang narinig lang namin. May mga nagka-crush sa iyo na mga lalaki. Di naman bading. Baka daw kasi mukha kang babae." sabay tawa ni Rod.

"Oo nga. May narinig akong lalaking may crush sa iyo e." Sabad ni James. Nagkatinginan pa sila ni Rod.

"Ay, ewan ko sa inyo. Ako na naman pinagkakaisahan niyo." sabay tayo ko at alis.

Humabol naman sila at umakbay sa akin. Kiniliti lang ako ng konti at magkabati na kami ulit.

============================

Araw ng piyesta. Nag-usap kaming tatlo nina Rod at James na di kami sasabay sa mga kaklase namin dahil ayaw namin ng mga ugali nila. Hahaha.

Nagkita na lang kami sa isang supermarket malapit sa plaza ng barangay nina Grace.

Agad naming hinanap ang bahay nina Grace at di naman kami nahirapan dahil kakilala sa barangay nila si Grace dahil ang Tita niya ay ang barangay chairwoman.

Malayo pa lang kami ay abot tenga na ang ngiti ni Grace. Nakadikit na ang mata kay Rod. Agad itong tumakbo at hinawakan si Rod sa braso at hinila papasok sa gate nila. Napalingon sa akin si Rod. Ngumiti ako.

Pumasok kami sa loob. Gaya ng napag-usapan, sa gitna naming dalawa ni James umupo si Rod para di siya matabihan ni Grace.

Nakasimangot siya nang makita niya kami pagbalik niya ng kusina na nasa gitna namin si Rod. Agad itong lumapit sa akin.

"Gel, pwede palit tayo ng upuan?" pakiusap nito.

Sasagot na sana ako kaso biglang sumingit si Rod.

"Ay Grace. Sorry ha? May pinag-uusapan kasi kami e. Diyan ka na lang o." sabay turo ni Rod sa katabing upuan.

Padabog na umupo si Grace doon at ibinaling ang atensiyon sa iba pa naming kaklase na andun. Pero masama talaga ang tingin niya sa akin.

Maya-maya pa ay lumabas na kami ng bahay nila. Naunang lumabas si Rod at siyempre super-habol si Grace.

"O, uuwi na kayo?" malungkot na paglalambing nito.

"Ay, oo eh. May pupuntahan pa kasi kami." dahilan ni Rod.

"Bakit di man lang kayo nagpaalam?" si Grace

"Nagpaalam kami sa nanay mo ah. Di ka namin nakita e." si James.

"Nasa kusina lang naman ako e." sagot uli ng babae.

"Sige, alis na kami. Salamat sa pagkain ha?" si Rod uli.

"Hatid ko na kayo sa labasan." pagpiprisinta uli ni Grace.

"Wag na. May dadaanan pa kami." pagdadahilan ni Rod habang nakatingin sa akin.

"Saan naman?" si Grace pa rin.

Nang biglang.

"Gel!" tawag ng pamilyar na boses.

Paglingon namin ay nakatingin sa amin si Mike kasama ang ilang kasama namin sa choir at si Ryan. Sa akin lang nakatingin si Ryan. NGumiti ito.

"Kina Mike." bigla kong salo para lang makaalis kami kina Grace.

"Ah, ganun ba? Magkakilala pala kayo?" baling sa akin ni Grace.

"Oo, magkasama kami sa choir." sagot ni Mike.

"O siya sige. Alis na kami." sabay kaway ni Rod kay Grace.

Tumango lang kaming dalawa ni James kay Grace. Halata sa mukha niya na inis na inis ito.

"Mike, thank you ha? You saved my life." sabi ni Rod kay Mike.

Buti naman at medyo umayos na ang turingan ng dalawa.

"Okay lang yan. Naiintindihan kita. Weird talaga yun e. Noong elementary kami, ganoon din siya sa akin." sabay tawa ni Mike.

"Ganun?" sabi ko kay Mike.

"Oo. Dati nga e noong grade 3 ako e panay ang tambay niyan sa tapat ng bahay namin. Tapos pag lalabas ako e tatakbo."

Tawanan kami.

"Iba din pala ang kabig mo tol." si James.

"Oo nga." sabad ko.

Naconscious uli ako dahil nakatitig lang sa akin si Ryan. Kaya nginitian ko siya. Ngumiti din siya at lumapit.

"Musta?" mahina nitong tanong.

"Okay naman. Medyo naiinitan lang. Taas ng araw e." sabi ko.

Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang panyo niya at inilagay sa ulo ko.

"Thanks." medyo nahihiya kong sabi.

"You're more than welcome.. always." sabay akbay pa nito sa akin.

Biglang napalingon si James at Rod sa amin.

"Ano'ng meron?" sabi ni Rod.

"Wala, pinahiram niya lang ako ng panyo. Mainit e." sabi ko.

"E bakit di mo sinabi. May panyo naman ako e." si Rod.

"May panyo ka nga, puro naman pawis yan." sabay tawa ni James.

Tumawa na rin ako.

"Kaibigan ba kita?" tukso ni Rod kay James.

Sabay tawa uli kami.

Masama ang tingin ni Rod kay Ryan. Saka bumalik na lang ito ng usap kina James at Mike.

"Sensya ka na doon ha? Over-protective lang iyon. Seloso kasi." pagpapaumanhin ko kay Ryan.

"Okay lang yun. Kahit ako naman e, poprotektahan kita."

Kahit sobrang init ng araw, feeling ko mas lalong uminit ang mundo.

======================================================

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow.'

For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.

4 comments: