Tuesday, November 8, 2011
My Freshman Series (Chapter 20... Halloween)
============================================================
Natapos ang fiesta na hindi na kami masyado nag-uusap ni Ryan. Lalo na nung sunduin ako ni Kuya Gilbert.
Kapag nasa school naman kami at nasa practice ni Ryan, di naman kami masyado nag-uusap. Una, dahil tenor ako siya bass. Pangalawa, dahil medyo dumidistansiya ako.
Naalala ko kasi ang sinabi ni Kuya Gilbert noon galing kami sa fiesta.
"Napansin ko ang tinginan niyo nung bago mong kaibigan ah. May something ba?" seryosong sabi nito.
"Anong something?" seryoso ko ring sagot sa kaniya pero alam ko na ang pinupunto nito.
"Alam mo na iyon. Di ka bobo. Lalo na ako. Kaya alam kong alam mo ang sinasabi ko. Di man sa nagsiselos ako o ano, dahil di mo naman ako boyfriend..." panimula nito.
"Di pa.." biro ko.
Tumigil ito at tumaas ang kilay.
"Anyway, alam mo naman siguro kung ano ang concern ko. Problema yan kapag hinayaan mo."
Tumahimik lang ako.
INakbayan ako nito.
"E kung sana kasi nililigawan mo ako e di na ako maghahanap." mahina kong sabi. Hoping na marinig niya.
Kasi dedma lang siya.
"Basta, maging matalino ka lang sana. Matalino ka most of the time kaso bobo ka sa dalawang bagay... pagmamahal at libog." Sabay kurot sa pisngi ko.
Tumahimik lang ako. Saka sumiksik sa kili-kili niya at yumakap.
"Kuya..." sabay pisil sa baywang niya.
"O?"
"Wala... payakap lang ha?" sabi ko.
"Sige, kahit gaano pa katagal." sabi pa nito habang nagda-drive.
Dumating ang 1 week bago mag-Halloween.
Nag-meeting kaming mga members ng choir kung ano ang gagawin namin sa Halloween party. Gumawa ng limang committee.
1) Program Committee
2) Food Committee
3) Decoration Committee
4) Business Management Committee (Tagabili ng gagamitin o utusan)
5) Overall Committee
Siyempre sa decoration committee ako kasama ang tatlong babae, isa pang bass at siyempre si Ryan.
Nagbotohan kami kung sino magiging leader namin sa decoration, ninominate ako ni Ryan. Wala namang ibang nanominate kaya ako ang naging leader.
Pagkatapos ng isang araw ay may naisip na akong decoration. Inassign ko na lang yung tatlong babae na mag-canvass ng presyo ng mga materials at kami kako ni Ryan ang mamimili pagkatapos namin makakuha ng budget sa overall committee.
Dalawang araw bago ang Halloween Party, syempre sobrang busy na lahat kami. Wala na rin halos mga klase kasi nga nagsisimula nang umabsent ang mga teacher dahil sa papalapit na undas kaya mas maraming oras para maghanda.
Sina James at Rod naman ay naging busy din sa Halloween Party ng kani-kanilang mga Clubs. Paminsan-minsan ay binibisita nila ako sa Choir Room pero mabilis lang.
Habang gumagawa kami ng design ay ginamit namin ang stock room ng choir room para doon gumawa ng mga design para di makita ng mga kasamahan namin. Para surprise.
Ewan ko ba kung likas na tamad ang ibang kagrupo namin, o binayaran ni Ryan para di kami siputin (haba ng buhok ko no?) kaya palagi na lang kami ni Ryan ang nasa loob ng stockroom na gumagawa.
Siyempre di pinapalampas ni Ryan na hawakan ang kamay ko paminsan-minsan. Ewan ko ba, nananaig ang kalandian ko kaya di ko binabawi ang kamay ko. Wala naman kaming pinag-uusapan.
Bisperas ng Halloween, sinara na namin ang choir room dahil magdedesign na kami. Walang pwedeng pumasok sa choir room kundi kaming decoration committee lang. Medyo malaki ang choir room kaya medyo natagalan kaming punuin ng sapot ang kuwarto gamit ang pinatutulong glue stick. Inubos din naming dikitan ang dingding ng mga cut-outs ng pusa, buwan, witches, kandila, bungo, multo, at iba pa. Pero ang pinakamagandang design namin ay ang mga life size na mga aswang, zombie na lumalabas sa sahig, nakabiting manananggal, batang walang ulo na nasa kabaong at marami pa.
Lahat iyon hindi na namin kinaya kaya ang ibang mga kasamahan namin ay umuwi na ng bandang alas-nuwebe.
Nagpaalam naman ako kay Kuya Gilbert na baka gabihin kami o baka umagahin basta nasa school lang ako at kung magpapasundo na ako ay tatawagan ko na lang siya.
Nang kami na lang ni Ryan sa choir room ay sobrang tahimik. Ewan ko ba kung nagpapakiramdaman kami pero walang nagsasalita maliban na lang kung may ipapakuha ako o ipapagawa sa kanya.
Inaayos ko ang mga agiw sa piano nang lumapit si Ryan. Medyo di ko inaasahan - pero inaasam ko - nang bigla niya akong yakapin galing sa likod.
Tumigil ang mundo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa batok ko.
Di ako lumingon hanggang sa binulungan niya ako.
"Alam mo ba kung gaano ko katagal tiniis na wag gawin to?"
Isinandal ko lang ang ulo ko sa ulo niya.
"Bakit?" masuyong bulong nito.
"Wala. Hayaan mo lang muna ako sa ganitong posisyon." simple kong sagot.
"Sige."
Sabay halik niya ng mahina sa tenga ko.
"Gusto mo ba ako?" masuyong tanong nito.
"Oo." agad kong sagot. "Mabait ka e. Gusto kitang kaibigan."
"Kaibigan lang?"
Tumango ako.
"Bakit? May iba pa bang ibig sabihin iyon?" pasimple kong tanong.
"Oo."
"Ano naman?" pamimilit ko.
Mas hinigpitan niya ang yakap sa baywang ko.
"Gusto bilang boyfriend." sabi agad nito.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam kong naramdaman din niya iyon.
"Bading ka ba?" seryoso kong tanong sa kanya.
"Matagal na." sabay halik uli sa tenga ko.
"A okay. Hmmm. So gusto mo ako?"
"Oo naman. Mahal na nga siguro kita e."
Katahimikan.
======================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
grabi kakilig namn
ReplyDeleteNangunguna talaga Shun a... hahaha
ReplyDeletekilig!! hehehe more more!!
ReplyDeleteyugs nakabibitng namang ng kwento mo,, sana mabilis ang update para exciting.
ReplyDeletenakakakilig naman ung story nyo...
ReplyDeletegrabe!!! tayuan lahat ng balahibo ko sa kilig =)) hahaha!! thank you po :]
ReplyDelete