Guys... sorry talaga natatagalan bago ako makapagpost ng update... wala na kasi akong laptop sa bahay e. Umorder na ako, hopefully makarating bago mag-weekend para makapagpost ako sa weekend.
Ryokiba, H.I.V., Bryan Paul, Rio, thanks for making my blog alive kahit wala ako... mwah.
=======================================
Naging masaya ang pagsasama namin ni Jan. Halos wala kaming naging problema dahil mabait sa amin si Tita Anna at Tito Edward. Sa umpisa ay nagdududa pa rin ako dahil iniisip ko na kaya lang sila nagiging mabait sa akin dahil ayaw nilang maging malungkot si Jan. Pero unti-unti ay nawawala ang pagdududa ko sa kanila.
Tuwing Linggo ay magkakasama kaming umaattend ng misa sa Iloilo Cathedral. Pagkatapos noon ay pumupunta kami kung saan man na bago o hindi pa namin napupuntahan.
Kalimitan ay pumunta kami sa Villa Arevalo at sa tabi ng dagat ay kumakain kami sa Tatoy's Manokan.
Maganda ang lugar na yun. Palaging maraming tao pero may nakareserve na na mesa para sa amin dahil palagi na kami andun.